Chapter 10

2183 Words
Alaric’s POV “Bro, she’s actually pretty even though she dresses somewhat like a man,” bulong ni Jax. “Oo, wala pa ‘yang makeup o ayos sa katawan niya pero kita mo na agad na maganda talaga,” sabi naman ni Flint. “Saka, guys, tignan ninyo kung paano siya maglakad. Hindi pa bukaka ang mga hita at binti niya kaya mukhang virgin nga ang isang ‘yan,” natatawang sabi ni Zeke. Umiling ako. Hindi ko na dapat pinapunta pa ang mga ito dito sa condo. At dapat pala pinauwi ko na ng maaga si Vala. Sa nakikita ko kasi ay parang trip nila si Vala ngayon. “Guys, huwag nga kayong magulo. Baka marinig kayo niyan,” saway ko sa kanila habang tinitignan nila si Vala. Naghihiwa kasi ito ng mga prutas na pupulutanin naming magkakaibigan. Nag-ayang mag-inuman sina Zeke at Flint. Malakas daw ang kita ng negosyo nila ngayon kaya gusto nilang mag-celebrate. “Ah, Vala, if you don’t mind me asking, have you ever had a boyfriend?” tanong ni Flint kaya nasiko ko ang tagiliran niya. “Guys, huwag niyo na siyang interview-hin,” saway ko ulit sa kanila. “Yes, I’ve had a boyfriend a few times,” sagot naman ni Vala. “See, nagka-boyfriend na siya kaya siguradong hindi na ‘yang virgin,” sabi ko sa kanila nang mahina. “Pero never ko pang sinuko ang perlas ng silanganan ko,” sabi pa niya na pinagtaka naming lahat. Nagkatinginan tuloy kaming mga lalaki. “Ano ‘yon?” tanong naman ni Zeke na nagtataka rin. “W-what do you mean, Vala?” tanong tuloy ni Jax sa kaniya. “Wala, heto na ang prutas ninyo, tapos ko nang hiwain,” sagot nalang niya saka nilapag sa lamesa ang mga prutas na hiniwa niya. Bumalik na siya sa kusina at tinuloy na ang pag-uugas ng mga kasangkapan na ginamit namin kaninang umaga at tanghali. “Ang weird niya. Ano ‘yong perlas ng silangan na tinutukoy niya?” natatawang pa ring tanong ni Jax. “Anyway, something not so good happened at my winery.” I changed the topic to get them to stop bothering Vala. Kinuwento ko sa kanila ang nangyari roon. “May CCTV ka naman doon, ano pa ang silbi niyon kung hindi mo nakita kung sino ang may sala?” tanong ni Jax. “Bago nga gawin ang pagsira sa mga wine barrel, inunang sinira ang mga CCTV doon. Planado ang nangyari kaya inis na inis ako simula pa kahapon,” sagot ko. “May staff ka ba na pinagmamalupitan mo roon? May atraso ka ba sa isa sa kanila? Kasi kung oo, baka may gumaganti na sa iyo kaya sinira ang mga wine barrel mo,” sabi ni Zeke kaya napaisip ako. One time, I went there one night. I was very drunk. I also didn't know why I ended up there. In my drunkenness, I somehow found my way to the farm road. I just can't remember if I did anything inappropriate there. “W-wala naman,” sagot ko kahit hindi ako sure. ** Alas siyete na ng gabi at halos may tama na ng alak ang lahat. Kanina pa naghihintay si Vala ng oras ng uwi niya. Nakikinig at patingin-tingin lang siya sa amin. Kawawa nga ang inabot niya dahil pinaglaruan siya ng mga kaibigan ko. Kapag lasing talaga ang mga ito, lahat na lang pinagti-trip-an nila. Kung ano-ano ang inutos nila rito, pinabili sa labas, pinagluto at maya’t maya ay tinagawag para magpakuha ng yelo. Hindi na lang makaangal si Vala dahil sa akin. Gusto ko sanang sawayin sila sa ginagawang pangti-trip sa kaniya, pero hinayaan ko na lang dahil kapag naiisip kong sinira niya ang halos isang bilyong pisong halaga ng kotse ko naiinis ako sa kaniya. Pero kahit ganoon ang nararamdaman ko, hindi ko maiwasang maawa talaga sa kaniya. Lumapit na siya sa amin. “Ala siyete na, Alaric. Oras na ng uwi ko,” sabi niya. Tumango ako. “Sige, umuwi ka na. Bukas mo na lang ligpitin itong mga kalat dito sa pinag-inuman namin,” sagot ko sa kaniya. “W-wait, I have one more question before you leave,” Zeke stopped her. “A-ano ‘yon?” “Zeke, that’s enough. She’s leaving now,” pigil ko naman sa kaibigan ko. “Just wait, this is just one question, Alaric,” he said and then looked at Vala again. Her forehead furrowed. It was clear that she was irritated by my friends' pestering. “Vala, you’re beautiful and sexy. I just want to ask, are you still a virgin?” Napangiwi ako nang magtawanan pa sila. Lalo nang kumunot ang noo ni Vala. “Zeke, may magulang kang babae, may asawa kang babae at maaaring magkaanak ka rin ng babae. Sa tingin mo ba, magugustuhan nila kung itatanong mo rin sa kanila ang tanong mong ‘yan?” “Boom, basag ka ngayon,” natatawang sabi ni Flint. Napangisi naman ako dahil ito rin ‘yong kanina ko pa gusto niyang gawin. Ang sumagot at umangal na sa mga bundol kong kaibigan. Kasi sa totoo lang, sobra na rin sila. “Sige na, Vala. Umuwi ka na. Pagpasensyahan mo na lang kami. Pero ang totoo ay mababait naman kami,” sabi ni Jax. “Oo nga, pasensya ka na kung ngayong araw ay napagdiskitahan ka namin,” sabi naman ni Flint. Nang tignan ko si Zeke ay natameme siya sa sinabi ni Vala. Hindi na ito makapagsalita hanggang sa umuwi na si Vala. “Just a moment, I forgot to tell Vala something,” paalam ko sa kanila at saka ako tumakbo palabas. Naabutan kong papasok na siya sa elevator kaya humarang ako sa pinto. “Oh, Alaric?” nagulat pa siya. Halata sa mukha niya ang pagkapagod sa nangyari nitong buong maghapon. “Alamin mo ang lahat ng gastos sa pagpapagawa mo sa nangyaring pagsira ng harap ng cake shop mo. Napagtanto ko kasi na kasalanan ko rin ‘yon dahil mga fans ko ang sumira doon. Kaya naisip kong bayaran na ang tungkol doon, tutal pinagbabayaran mo na rin naman ang pagsira mo sa kotse ko,” sabi ko sa kaniya kaya nakita kong napangiti siya. “Talaga? Okay lang sa iyo?” Parang hindi pa siya makapaniwala. “Ayaw mo ata, ‘di ‘wag na,” sabi ko pa kaya bigla naman niya akong hinabol. “Uy, siyempre gusto ko. Kailangan ko rin ‘yon dahil malaki-laki ang magagastos,” sabi niya kaya napangisi ako habang nakatalikod sa kaniya. “Anyway, salamat. Sasabihin ko na lang sa iyo kung magkano ang lahat-lahat nang magagastos kapag nalaman ko na,” sabi pa niya. “Okay, huwag mo rin sanang kalimutan na bukas, ayoko nang ganiyan ang porma mo,” paalala ko pa sa kaniya habang naglalakad na ako pabalik sa condo. “Yes, iibahin ko na ang suot kong damit bukas.” Hindi naman talaga kasama sa plano ko na sasagutin ko ang lahat ng damage sa harap ng cake shop niya. Kaya lang, kanina habang pinagti-trip-an at inuutus-utusan siya ng mga kaibigan ko, nakunsensya ako. Isa pa, hindi rin kasi kasali sa contract na pati ang mga kaibigan ko ay gagawin siyang alipin. Kaya bilang pagbawi ay sinagot ko na ang mga dapat bayaran sa nangyaring pagsisira ng mga fans ko sa harap ng cake shop niya. Pagbalik ko sa loob ng condo ko, pinagsabihan ko rin sila tungkol sa mga ginawa nila kay Vala. Na sa susunod, hindi na nila puwedeng gawin ‘yon. Humingi naman sila ng tawad sa akin, lalo na si Zeke. Sinabi niya na lasing na nga raw siya kaya niya naitanong ‘yon. Pero hiyang-hiya din daw siya sa ginawa niya. Mababait naman ang mga ito. Talagang minsan lang ay naiiba ang timpla kapag sinasapian na ng alak. ** The next day, I woke up with a headache. But when I stepped out of my room, I heard someone moving around in the kitchen. Tumingin ako sa wall kung saan naroon ang orasan. Alas sais pa lang ng umaga kaya nagtaka ako. When I arrived in the kitchen, I was surprised to see Vala already cooking my breakfast. Napangisi ako nang makitang nakaayos na siya ulit. Naka-dress, nakalugay ang buhok at may suot na makeup sa mukha. Amoy mabango at babaeng-babae na ulit siya. “Wala pang ala siyete ng umaga, pero narito ka na,” sabi ko sa kaniya. “Bumawi lang ako dahil napagalitan mo ako kahapon. Saka, nariyan na nga pala lahat ng pagco-compute ko ng mga magagastos sa cake shop ko. Nasa lamesa ang papel,” sabi niya kaya kinuha ko naman ang papel sa lamesa at saka tinignan. Wala pa palang isang milyon ang magagastos kaya barya lang sa akin. “Okay, se-send ko na lang sa bank account mo ang pera,” sabi ko at saka ako tumuloy sa banyo. Niligo ko na ang sakit ng ulo ko para mabawasan ang hang-over na nararamdaman ko. Nawala sa loob ko na pupunta nga pala ako ulit sa farm para magtanong kung may nalaman na ba sila sa nangyari sa winery ko. Paglabas ko sa banyo, naka-ready na ang almusal ko. Kahit masakit ang ulo ko, naiibsan ito dahil natutuwa ako kay Vala. Siguro kaya siya masipag at nasa mood ngayon ay dahil sa pagsagot ko sa mga magagastos sa cake shop niya. Naupo na agad ako sa lamesa kahit topless at towel lang ang suot ko sa katawan. Nakita kong nakatitig na naman siya sa akin. Ang lakas talaga makaakit ng katawan ko. Kahit tomboy, tinatamaan pa rin. “What did you cook?” tanong ko sa kaniya. “Tinolang tahong na may malunggay,” sagot niya kaya nagulat ako. “Seryoso?” tanong ko pa ulit sa kaniya. Nagulat ako dahil isa rin ito sa mga gustong-gusto kong ulam. Madalas itong iluto noon sa mansiyon namin. “Yes, sana magustuhan mo, enjoy!” sabi pa niya at saka na ito pumasok sa may sala para siguro mamahinga muna. Nang tikman ko na ang niluto niya, lalong namilog ang mga mata ko. Napasunod-sunod ang kain ko, lalo na ang paghigop ng sabaw. Ang sarap, bagay na bagay sa hang-over ko. Kalasa nga nito ‘yong lutong tinolang tahong sa mansiyon namin dati. Pakiramdam ko tuloy ay tila nagbabalik ako sa pagkabata kapag natitikman ko ang luto niya. Talagang napapahanga na ako ngayon nitong si Vala. “Hoy, sino ka? Ikaw ba ang bagong babae ni Alaric?” nabitawan ko ang kutsara nang marinig ko ang boses ni Britta. Dali-dali akong pumunta sa sala. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong sinampal ni Britta si Vala. “Hoy, hindi ako babae ni Alaric!” sagot naman ni Vala at saka siya tinulak. Natumba sa sahig si Britta. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko kaya sabay silang napatingin sa akin. “Sino ba ‘yan, Alaric?” tanong ni Vala. “Vala, lagyan mo ulit ng sabaw ang mangkok ko,” utos ko sa kaniya kaya umalis na siya para pumunta sa kusina. Hinarap ko si Britta na nanlilisik ang mga mata sa akin. Tumayo naman siya kapagdaka at saka lumapit sa akin. “Bakit hindi mo ako nire-reply-an sa mga message ko sa iyo? Naka-block pa ako sa Starbook, InstaFame at saka sa TweetStar mo.” “Hindi ka naman siguro tanga para hindi mo pa maintindihan ‘yun,” sagot ko at saka siya nginisian. “Hindi na kita gusto. Ayoko na sa iyo,” sabi ko pa. “Seryoso ka? Hindi ba’t sinabi mong kapag nag-s*x tayo ay hindi mo na ako hihiwalayan? Binigay ko naman ang gusto mo kaya ano’t bigla kang naging ganito?” “Britta, ang totoo, gusto ko ng virgin na babae. Virgin na babae ang gusto kong makatuluyan,” pag-aamin ko sa kaniya kaya bigla siyang tumawa. “Are you f*cking serious?” Tumango ako. “Kaya umalis ka na, tapos na tayo. Mainam na rin ito para buong-buo na rin ang oras mo sa mga business mo,” sabi ko pa. “Nakakatawa ka, Alaric. Kung alam ko lang, hindi na sana kita minahal ng todo. Sinira mo lang ang lahat ng oras ko. Sinira mo lang ang tiwala ko. Sana karmahin ka sa buhay mo. Sana hindi ka makakita ng babaeng virgin. Sana tumanda ka ng binata,” sabi niya at saka lumapit sa akin para kunin ang towel na nakatapis sa ibaba ko, pagkatapos ay saka niya ako tinadyakan sa ari ko. “Putang-ina!” Napamura ako sa sakit nang inabot ko. “Dapat sa tité mo maputol na nang mawala na ang angas mo,” sabi pa niya at saka nagtatakbo palabas ng condo ko. Naiwan akong nakahandusay sa sahig habang iniinda ang ari kong tinadyakan niya. Chini-check ko ang ari ko kung may sugat ba ito nang bigla namang dumating si Vala. Napasigaw siya nang makita akong hubu’t hubad. “Oh, gosh! Sorry, Alaric,” sabi niya at saka bumalik sa kusina. Napapailing na lang tuloy ako habang papunta sa kuwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD