Vala’s POV
Hindi ko alam kung naging effective ba ang naisip nila Nadia at Hendrix na umasta akong babaeng pabebe sa kaniya. Bago ako pumunta sa condo ni Alaric, pinadaan muna ako ni hendrix at Nadia sa parlor ni Hendrix. Doon nila ako inayusan at binihisan ng ganito. Sila rin ang nagturo na maging pabebe ako at mahinhin. Nang sa ganoon daw ay kahit pa paano, maawa at mawala ang galit ni Alaric sa akin kapag nakita nitong maganda ako. Ganoon daw kasi ang kahinaan ng mga lalaki. Kapag may kaharap silang magandang babae, tanggal ang angas nila.
Pero parang may kaunting effect naman dahil hindi na siya masyadong masungit. Napansin ko pa nga na parang madalas siyang tumitig sa akin kanina. Pero masaya na ako ngayon dahil alam kong hindi na niya ako ipapakulong. Mas mainam na ‘yung maging alipin niya ako kaysa makulong ako sa kulungan kasama ang mga criminal.
Pagdating namin sa parking area, malayo pa lang kami umilaw na ang kotseng gagamitin namin ngayong araw. Napanganga ako dahil isang magarang kotse ang ipapa-drive niya sa akin. Mukhang maraming magagawang kotse ang bilyonaryong lalaki na ito.
“Hindi mo naman siguro ibabangga ang kotse kong si Zoro?” tanong niya habang nakaturo sa magara niyang kotse na kulay dark green. Pati kotse may pangalan pa.
“Huwag kang mag-alala, sanay naman akong mag-drive ng kahit anong kotse,” sagot ko sa kaniya.
“Good, tara na at baka gabihin pa tayo sa lakad natin,” aya na niya kaya lumapit na kami sa kotse niya. Paglapit namin doon, nauna na akong sumakay dahil ako rin ang driver niya ngayong araw. As I entered the car, the pleasant scent of the car’s interior immediately wafted through. It smelled luxurious. Moreover, everything looked fancy, obviously expensive. Honestly, this is the first time I’ve ever had the chance to use such a luxurious vehicle. It’s amazing.
Tapos ko nang titigan ang lahat ng paligid ng loob ng kotse nang mapagtanto kong hindi pa rin siya pumapasok sa loob. Tumingin tuloy ako sa labas, nakita kong nakatayo pa rin siya roon na para bang may hinihintay. Lumabas tuloy ako para tanungin siya.
“May hinihintay pa ba tayo?” tanong ko sa kaniya.
“I’ve been waiting for you. I’ve been waiting for you to open the car door for me. Don’t you know that? You should be opening the car door for your boss,” sabi niya na kinalaglag ng panga ko. Ang arte naman. Ang dami niyang alam. Bubuksan na lang ang pinto hindi pa magawa. Talagang inaalipin na nga niya ako simula ngayon.
Gusto ko sana siyang murahin, kaya lang naisip ko na alipin na nga pala niya ako ngayon kaya wala akong nagawa kundi ang lumapit na lang sa kaniya at saka siya pinagbuksan ng pinto ng kotse. Pagpasok niya sa loob, doon na ako napairap. Sobrang arte niya, kailangan may tagabukas pa siya. Dapat ipaputol na niya ang kamay niya kung hindi rin naman pala niya gagamitin. Kaasar.
Pagpasok ko ulit sa loob ng sasakyan niya ay bigla siyang nagsalita. “I saw what you did. Sa susunod, kahit nakatalikod na ako, hindi mo na ako puwedeng irapan,” seryoso niyang sabi kaya napangiwi ako. Nakita pa pala niya ‘yon, grabe naman siya.
“Sorry,” sabi ko na lang at saka ko na in-start ang engine ng sasakyan.
Pagkasabi niya kung saan ang pupuntahan namin ay nagmaneho na ako ng sasakyan. Napapangiti ako dahil ang sarap gamitin ng ganitong magarang kotse. Kung ganitong kagarang kotse naman pala ang ida-drive ko sa tuwing may lakad siya, ayos lang sa akin.
Makalipas ang halos isang oras na pagda-drive ko, nakarating na rin kami sa sinasabi niyang grapes farm niya. CEO nga pala siya ng Sullivan wine kaya hindi na ako magtataka kung bakit marami siya grapes farm dito sa Pilipinas. Pagka-park ko ng sasakyan, bumaba na ako dahil sigurado akong kailangan ko rin siyang pagbuksan ng pinto ng sasakyan niya.
“Good, that’s how it should be, Vala, not that I need to teach you what you should do,” sabi niya sa akin habang nakangiti. Pagtalikod niya, gusto ko sanang irapan siya ulit pero hindi ko na ginawa at baka malaman na naman niya. Baka kasi may tinatago pala siyang mata sa likod ng ulo niya. Natatawa na lang tuloy ako habang nakasunod ako sa kaniya.
Habang naglalakad kami sa mainit na grapes farm niya, napanganga ako sa sobrang lawak nito. Grabe, sigurado akong daan-daang tao ang kailangang magtulong-tulong para ma-harvest ang ganitong kadaming tanim na ubas.
Tinignan ko si Alaric. Ang astig niyang maglakad. Parang model, tapos kapag may nakakakita sa kaniya ng mga staff niya, binabati siya agad. Ewan ko ba, bad boy ‘yung tingin ko kay Alaric, pero kapag ganitong seryoso naman siya sa business na hawak niya, napapahanga talaga ako. Bilyonaryo na siya pero takot pa rin siyang magkaroon ng problema ang business niya. Kaya kapag ganitong may problema, talagang pupuntahan niya ng personal. Pero nagtataka na ako kung bakit biglang nagtakbuhan ang ibang staff niya nang makita siya. Masungit siguro siya kung minsan. Baka, ako nga lang sinusungitan na niya eh.
Pumasok kami sa isang malaking winery niya, maging ako ay nagulantang sa nakita namin doon pagpasok sa loob. Nakaabang ang mga staff niya na nakayuko at nanlulumo rin.
“What the hell is happening here?” sigaw ni Alaric na dumagundong dito sa loob ng winery niya. ‘Yung mga wine barrel kasi ay butas-butas, tapos nagkalat na sa sahig ang lahat ng wine. Halos lahat nang nadaanan naming wine barrel ay sira at tumagas na ang mga wine. Takot na takot at halos hindi makatingin nang maayos sa kaniya ang mga staff niya. Maging ako ay natakot din kaya tumabi na lang muna ako sa isang tabi.
Nang mag-umpisa nang magpaliwanag ang mga staff niya, lumabas na lang ako roon dahil hindi na dapat ako makisali sa kanila. Pumunta na lang ako sa farm, nagdala ako ng isang basket. Sinunod ko na lang ang sinabi niya kanina na mamitas ako ng matatabang ubas doon para may mauwi kami mamaya sa condo niya.
Habang namimitas na ako, hindi ko mapigilang tumikim ng ubas. Nang matikman ko ang isa, nagsunod-sunod na dahil ang sarap, ang tamis tapos makatas pa. Nabusog na nga lang ako sa kakatikim ko.
Hindi naman ako nahirapang maghanap ng malulusog na ubas dahil kahit saan ako pumitas, mataba at malalaki naman. Sa ilang minuto lang na lumipas, napuno ko ang basket na dala-dala ko.
“Hoy, sino ka? Bakit ka namimitas ng ubas dito?” sita sa akin ng isang lalaking guwapo. Napatitig ako sa kaniya dahil para akong nakakita ng prinsipe. Tamang-tama, puwede akong maging pabebe ngayon dahil naka-dress at naka-makeup ako. Minsan, gusto ko ring pag-trip-an ang mga lalaki, bilang ganti sa mga nangyari sa akin. Kasi halos lahat ng lalaking dumaan sa buhay ko, pinaglaruan lang ako. Saan ka nakakita ng maganda ka na nga, naloloko pa.
“Kasama ako ni Alaric. Siya ang nagsabi ng pumitas ako ng mga ubas para iuwi sa condo niya,” sagot ko sa kaniya.
Bigla siyang napangiwi at saka yumuko sa akin. “Naku, pasensya na ho kayo. Hindi ko agad naisip na syota po pala kayo ni Sir Alaric,” sabi naman niya kaya natawa ako nang malakas. Nagtaka naman agad siya dahil sa sunod-sunod na pagtawa ko sa kaniya.
“Naku, nagkakamali ka, kuya. Hindi niya ako girlfriend,” pagtatama ko agad sa kaniya.
“Kung ganoon ay ano ka niya?” Lumapit siya sa akin kaya lalo kong nasilayan ang kaguwapuhan niya. May lahi kaya ang isang ito? Bakit ang ganda ng mata at ilong niya.
“Alipin, iyon ako sa kaniya,” pag-aamin ko kaya nagulat siya sa akin.
Doon na siya nagpakilala sa akin. Piccaso ang pangalan niya at isa siyang taga-harvest dito sa farm ni Alaric. Hindi ako nahiyang magkuwento sa kaniya kung bakit naging alipin ako ng amo niya. Natawa pa nga siya dahil hindi raw siya makapaniwalang nasira ko ang ganoong kamahal na kotse ni Alaric. Ang weird nga dahil parang tuwang-tuwa pa siya na nasira ko ang kotse ni Alaric, tapos parang masaya rin siya na may problema sa winery. Dahil daw sa kaguluhan, kahit pa paano ay nakakapamahinga siya. Natatawa na lang tuloy ako sa kaniya.
Naging feeling close na ako sa kaniya dahil inaya ko siyang mag-selfie kami dahil balak kong ireto siya kay Hendrix na bakla. Ang hilig kasi ng friend kong ‘yon sa mga ganitong sobrang guwapong lalaki, tapos moreno pa. Kapag nakita niya ito, siguradong kukulitin niya akong hingin ang number niya. Kaya ngayon pa lang, ginawa ko na para may ibibigay agad akong phone number kay Hendrix.
Maya maya, nang tawagin na ako ni Alaric, biglang tumakbo palayo si Piccaso. Sinabi niya na magha-harvest na rin siya ng grapes kaya doon na kami naghiwalay.
“Where did you come from?” he asked me irritably.
“Look, I got some grapes. Hindi ba’t sinabi mo sa akin kanina na mag-uwi tayo ng mga ganito,” sagot ko pero hindi siya natuwa. Nakairap lang siya sa akin. Binilisan ko na lang ang lakad ko dahil mukhang wala na talaga siya sa mood dahil sa nangyari sa winery.
**
Pagbalik namin sa condo niya, inutos niya na ugasan ko raw ang mga ubas at saka ilagay sa fridge. Nagpagawa rin siya sa akin ng merienda. Magluto raw ako ng kahit ano, basta makakain. Hindi naman sinabi kung ano kaya ako na lang din ang nag-isip.
Kumatok ako sa kuwarto niya matapos kong ihanda ang merienda niya. “Handa na ang merienda mo, Alaric,” sabi ko.
“Sige, lalabas na rin ako,” sagot niya.
Wala naman sigurong masamang maupo kaya naupo ako sa sofa niya habang kinakain ang ilan sa mga ubas na kinuha ko sa farm niya. Nadaanan pa niya ako pero hindi na niya ako pinansin dahil mukhang masama pa rin ang mood niya.
“What the hell is this, Vala?” dinig kong tanong niya pagdating nito sa dining area. Dali-dali naman akong tumayo mula sa pagkakaupo para puntahan siya roon.
“Ang sabi mo, magluto ako ng kahit anong pagkain, so ayan, nagluto ako ng piniritong itlog, may tipanay naman diyan kaya ipalaman mo na lang. Bagay na bagay ‘yan sa mainit na kape, try mo, Alaric,” sagot ko sa kaniya.
“Seryoso ka ba? Piniritong itlog, ipapalaman sa tinapay? Ganoon lang, walang kahit anong dressing?” nakakunot ang noo niya. Tila hindi makapaniwala sa hinanda kong pagkain sa kaniya.
“Ah, sa amin kasi, ganiyan lang okay na, pero minsan kapag nakaluwag-luwag, nilalagyan namin ng ketchup, minsan mayroong ding mayonnaise,” sagot ko.
“Fine, susubukan ko, pero kapag ito hindi masarap, igawa mo pa ako ulit ng iba, kung wala kang maisip, kahit spaghetti na lang ang iluto mo sa akin,” sabi pa niya.
Ang arte-arte kasi niya. Marami namang pera, hindi um-order sa labas at ako pa itong pinapahirapan niya.
Nang mag-umpisa na siyang kumain, nagulat pa ang gago dahil nagustuhan naman niya. Pero nagpakuha pa rin siya ng ketchup at mayonnaise, ta-try din daw niyang subukan na may ganoon. Mabuti na lang at pasok sa panlasa niya ‘yon kaya hindi na siya napagluto pa ng spaghetti.
“Puwedeng magtanong?” Napatingin siya sa akin.
“Ano ‘yon?”
“Yung nangyari sa winery mo, sino ang may gawa? Bakit butas ang lahat ng wine barrel?” tanong ko sa kaniya.
“May isang staff na nambubuwisit doon. Tinanggal ang mga CCTV doon, tapos saka nito pinagbubutas ang wine barrel gamit ang isang silent na baril.” Napapailing siya habang nagsasalita. “Milyon ang nasayang sa dami ng wine na natapon doon. Kapag nalaman ko kung sino ang may gawa niyon, humanda siya, sisiguraduhin kong matatanggal siya sa trabaho, hindi lang ‘yon, tuturuan ko rin siya ng leksyon,” sabi pa niya.
Sino naman kayang siraulo ang gumawa niyon? At bakit siya gumawa ng gulo sa farm ni Alaric? May nagawa kayang mali itong bundol na si Alaric kaya ganoong parang may sama ng loob sa kaniya ang staff niya na ‘yon?