Chapter 6- Thank you, Devon!

1582 Words
" Kate , may urgent mission ka! " sambit sa kan'ya ni Rave. Ang isa sa mga big boss nila sa Black Estate Empire. Bihira lamang magkaroon ng urgent mission kaya alam niyang napaka importante ng mission na ito. " Who's the catch?" tanong niya kay Rave. Actually Rave is also an asassin. Nasa loob siya ng kwarto ngayon . Kinuha niya ang kan'yang laptop mula sa kan'yang maleta habang ang kan'yang cp at nakaipit sa pagitan ng tainga at balikat niya. SInigurado muna niyang nakalock ang pinto, mahirap na't baka may papasok kaagad at makita ang sikreto niya. " According sa mga agents natin,Favio De Anios will be visiting the Philippines tomorrow." panimula ni Rave. " You mean, Favio from mexico?Matagal na itong high value target di ba?" tanong niya. " Yes, one hundred million dollars ang nakataya sa ulo nito. You just need one thing from him, his ring as an evidence na ang Black State ang nakadali sa kan'ya. You know marami ang nakatunog na darating siya, you need to succeeed in this mission Kate. Babaero so Favio, alam mo na ang gagawin mo!" anito. Malaking pera ang nakapatong sa ulo ni Favio sa ibang bansa. He is knowned as the world's illegal businessman. Kilala ito sa paggawa ng mga nuclear weapons at ilang bansa na rin ang naperwisyo . Ang mga sukilang naman nito ay ang mga terorista na walang ibang ginagawa kundi ang sirain ang kapayapaan ng ilang mga bansa na nais sakupin ng mga ito. Aside from nuclear weapons ay tanyag rin si Favio sa mga iba't ibang klaseng mga bomba. They can even turn a single pen in a bomb. She already did multiple research about Favio, marami itong mga tauhan at ang senyales ng mga ito ay ang cross silver earrings sa kaliwang tainga.Hindi ito basta bastang kalaban, he survived in other countries. Marami na ring natumbang agents at assassins dahil sa tangka ng mhga ito, hindi biro ang laki ng patong nito sa ulo. Kahit na sino ay hindi tatanggi kapag si Favio ang mission. "He will be checking in a hotel ...sa the Heavens hotel! Eliminate him!" wika pa nito." Balita ko , may mga babae na silang kinuha for that specific night, ikaw na ang bahala kung pa'no makapasok, I know you can do it. Isang mission lang 'to Kate, " F*ck, the Heavens Hotel ay pag-aari ni Devon. Pero dahil mission ito ay gagawin niya . Malinins naman siyang magtrabaho. Tatawagan niya si Samara mamaya dahil ito ang magiging back up niya.Samara is expert sa hacking , kailangang mahack nila ang mga CCTV sa hotel ni Devon. Nagmadali siyang maligo at magbihis. As usual, para siyang manang sa aura niya. Kailangan niyang bisitahin ang hotel ni Devon. Urgent cite inspection para malaman niya ang mga point of entry at exit kapag nagkataon. She also need to book a room there, kasi kapag may VIP na , hindi na tatanggap ng guest ang hotel sigurado 'yun. Sinalubong siya ng katahimikan nang bumaba siya sa main lobby ng mansion. Wala na si Devon , marahil ay nasa company na ito. Sobrang workaholic ni Devon , ayaw nitong pumasok na late sa sariling company. Marahil ay nagpapakasaya na ito ngayon sa kandungan ni Leila, his secretary. Pag-upo pa lamang niya sa kan'yang kotse aynag vibrate na kaaagad ang kan'yang cp. Si Rave iyon at sinasabing magkikita raw umano sila. Sinabi niyang sa Heavens Hotel na lamang sila magkikita at doon na rin sila magtatanghalian. Naalala niya si Mr. Chen, may bibilhin pala siya na gagamitin niya sa mission kaya dumaan na muna siya sa Mall kung nasaan ang shop nito. Actually may separate room sa shop ni Mr. Chen na pang assassins while the display outside ay mga gayuma at iba pang mga bracelets at iba pa na pang disguise lamang sa totoong shop nito . Kung titingnan sa labas ay simpleng chinese store lamang iyon pero kapag papasok na sa sikretong kwarto ay nakakalula ang mga gamit doon pero yun na nga lang, napakamahal . Nagpasya na muna siyang dumaan sa Mall. Palakad lakad siya nang mapatingin siya sa loob ng departnent store. Sa mga pambahay na mga muebles at kagamitan. Nakita kasi niya si Devon at si Leila. Napakunot ang noo niya sa nakita, akala niya ay nasa company ang asawa kuno niya pero kasama pala nito ang sekretary s***h girlfriend nito. At dahil curious siya sa mga ito ay pumasok na rin siya sa loob upang tingnan kung ano ang pinamimili ng mga ito. Lumapit siya pero nagtago siya sa mga malalaking cabinet upang hindi siya makita. " B-Bagay ito sa kwarto ko Dev di ba?Bilhin mo na'to please!" wika ni Leila kay Devon. Isang sofa set ang pinabibili nito . " Marami pa talaga ang kulang sa condo ko, kulang pa yata ang araw na ito ." " Marami ka na ngang binili last time right? Kulang pa ba? And I think , may mga gamit na hindi mo na kailangan pero binili mo pa."reklamo ni Devon kay Leila. " Nagrereklamo ka Dev? Hindi ako nagreklamo sa'yo ha nung pumayag ka sa desisyon ng mga magulang mo na pakasalan ang babaeng 'yon! Alam mo ba kung gaano kasakit para sa'kin 'yun?Ang sakit Dev, lalo na kapag gabi , iniisip ko kung ano ang ginagawa ninyo! Nakakabaliw ! Tapos ngayon, magrdereklamo ka? Kahit pampalubag sa loob lang ito!" naiiyak na sambit ni Leila. " You know why I married her right?" " Oo, hindi ka naman maiinlab sa itsura nun! Pananamit pa lang naku, wala nang ka taste! Maghihintay ako sa'yo Dev!" sambit pa nito. " So , alam mo naman pala kaya hindi mo na kailangan mainsecure sa kan'ya!" ani Devon. " What? Me? Insecure sa asawa mong hilaw? Of course not! Hindi siya maganda at lalong lalo na't hindi siya seksi na katulad ko! Para mo na siyang lola!" ani Leila. Natatawa lamang siya. Napakapangit pala talaga ng tingin nito sa kan'ya.Anyway, hindi naman siya affected lalo na sa mga bagay na hindi totoo. " Miss,bibilhin n'yo po ba?" bumaling siya sa saleslady na tumapik sa kan'ya. Umiling siya." Nope! Sinisilip ko lang ang asawa ko, you see kung anu-ano ang pinamimili sa kabit niya!" sambit niya rito. Kinuha niya ang cp niya at pinakita sa saleslady ang larawan ng kasal nila ni Devon para naman makumbinsi ito na totoo ang sinasabi niya Nakita niyang naningkit ang mata ng saleslady." Ano po? Nakakainis naman ang kabit na 'yan! Kung ako ang nasa sitwasyon mo miss, sasabunutan ko 'yan!" " Gusto ko nga eh pero ayaw ko ng iskandalo pero, may naisip ako." Nakita niyang nasa kabilang dulo na si Leila at naghahanap pa ng mga gamit habang si Devon ay may kausap naman sa phone. Bumulong siya sa saleslady at pumayag naman ito sa plano niya. " Ay naku, sorry po talaga sir!" dinig niyang sambit ng saleslady na bumangga kay Devon at nahulog ang cp nito sa sahig . Yumuko naman si Devon at pinulot ang cp nito at nang yumuko ito ay dumaan siya at kinuha ang wallet nito sa bulsa. Bumalik siya ulit sa pwesto nila kanina. Sumunod rin sa kanya ang saleslady na ka-collab niya. " Maraming salamat Miss ha?"Inabutan niya ito ng pera mula sa wallet ni Devon. Tuwang tuwa naman ang saleslady sa bigay niya. " Miss , huwag mo nang ulitin sa ibang customers ha? Gusto ko lang talagang turuan ng leksyon ang asawa ko." " Opo, ma'am gusto ko lang din po kayong tulungan makaganti sa higad na 'yan !Naku po ganyan din ginawa sa'kin ng boyfriend ko, kumuha ako ng motor tapos wala pang isang buwan iba na ang nakasakay!" Natawa siya sa sinabi nito. That's why she hates men! Nagpaalam na ang saleslady dahil may iba na itong customers na aasikasuhin . Sumilip na naman siya ulit kina Devon at Leila. " Sir, Fifty thousand pesos po!" wika ni cashier sa dalawa. " You see, Dev? Mura lang di ba? " tuwang tuwang sambit ni Leila. Nakita niya ang paghugot ni Devon sa likurang bulsa nito pero nakita niya ang reakyon nito nang wala itong madukot. " D*amn, nawawala ang wallet ko." " What? D-Devon naman halos five hours na tayo dito sa Mall! Nakakapagod maghanap ng mga gamit!"wika ni Leila na bakas ang inis sa mukha. " M-maybe I left it in the car!" ani Devon . " Pero teka hindi ba't nagbayad ka pa kanina sa jewelry shop?" " H*ly sh*t, nahulog siguro!" Binuklat niya ang matabang wallet ni Devon. Puro lilibuhin ang pera sa loob. Napangiti siya nang may maisip na gagawin. Mabilis siyang umalis sa Mall. Babalikan na lamang niya si Mr.Chen mamaya. Pumunta siya sa isang parke . May mga nakahilerang mga nanlilimos doon sa gilid. May mga pilay, bulag na kumakanta at may mga batang walang muwang na naghahabol sa mga dumadaang mga tao. Lumapit siya sa mga ito ,dinukot ang mga lilibuhing pera sa wallet ni Devon at wala nang itinira. " Ate, maraming salamat po. Sa'yo na po itong sampaguita ate!" wika ng isang batang babae habang iniaabot ang sampaguitang hawak sa kan'ya. " Salamat nene.Sige na bumili na kayo ng makakain ha?" nakangiti niyang wika sa bata. Imbes na igastos 'yon kay Leila eh may mga mas nangangailangan pa. Walang natira sa wallet ni Devon kundi ang mga cards na lamang nito. Natatawa siya habang bumibiyahe patungo sa Heavens Hotel. So, saan ka dadalhin ng ganda mo ngayon Leila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD