Nagising na lamang siya kinabukasan sa loob ng kan'yang kwarto. First time niyang malasing kagabi dahil bago pa man dumating ang mga kaibigan niya ay uminom na siya ng alak. Kaya naman hilo na siya kagabi. Naalala niya ang eksena nila ni Devon sa bar. Naitutop niya ang kan'yang bibig nang maalala na sumuka siya sa dibdib nito. Well, hindi naman siguro niya kasalanan dahil hindi naman siya ang lumapit rito.
Napahawak siya sa kanyang ulo nang akma siyang tumayo. Sobrang sakit ng ulo niya na parang nais nang mabiyak .
Di kalaunan ay may narinig siyang katok sa pinto.Tumayo siya at binuksan ang pinto.
" Ma'am , pinapatawag po kayo ni Senyorito.Handa na raw po ang breakfast ninyo. Nasa baba po ang mga magulang ni Senyorito!" sambit ng isang katulong na pinakabata yata sa lahat .
" Ah s-sige.Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong niya.
" Ziara po." sagot nito.
" Sige , bumaba ka na susunod ako." aniya. Naghilamaos na muna siya ng mukha at pinalitan ang terno na pantulog niyang suot. Ang Manang style na damit ang kan'yang isinuot at ang kanyang malaking antipara kahit na napakalinwa pa naman ng mga mata niya. She is a sniper, an assassin seductress .Maganda silang lahat ngunit ang mukha niya ay parang panalo palagi pagdating sa seduction technique.
Nang bumaba siya ay talagang siya na lamang pala ang hinihintay nina Devon at mga magulang nito.Bago siya umupo sa tabi ni Devon ay nagmano na muna siya sa mga biyenan niya.Kinabig naman siya ni Devon at hinalikan sa labi.
" Goodmorning ,pasensya ka na kung ginising kita , alam kong pagod ka kagabi pero gusto kang maksalo sa breakfast nina mommy!" sweet na sambit ng asawa.
Matamis naman siyang ngumiti kay Devon. Well, this kind of drama is so easy for her. Sa mission nga niya , mas mahirap pa na sitwasyon ang nararanasan niya,ito pa kaya?
" Naku, alam ko talagang magkakasundo kayong dalawa. Sobrang bagaay ninyong dalawa, mga anak.Naku, sana makakabuo na kayo kaagad." masayang wika ng mama ni Devon. Napaubo naman siya. Nagkatinginan sila ni Devon, alam naman niya kung ano ang laman ng isip nito.
" Oo nga Devon. Kasal na kayo kaya ang susunod na target ninyo ay magkaanak na! Sayang ang lahi natin anak." pabirong sambit ng ama nito pero alam niyang seryoso ito.
Ngumiti lamang si Devon sa ama. Alam niyang impossible iyon, pati rin naman siya ay hindi sang-ayon sa planong iyon . Hindi pa siya handa , una ayaw niyang isuko ang sarili sa katulad ni Devon na asawa lamang niya sa papel. Buong buhay niya ay hindi pa siya nagkanobyo. Pangalawa, ayaw niyang magkaanak kapag walang feelings involved. kahit na galit siya sa mga lalake, may bahagi pa naman sa puso niya na naniniwalang darating ang tamang tao na mahalin siya at tanggalin ang perception niya sa mga lalake. She can feel that someday, her trust will still be earned by the right man that was sent to her.
Hindi pa nga niya alam kung ano ang pakiramdam ng kilig. Hindi niya alam kung ano ang pakiramdaman ng true love.
Maraming ikinwento ang mga magulang ni Devon sa kan'ya tungkol sa kabataan nito para raw mas makilala niya ang asawa. Arranged marriage is just ordinary with rich people. Napag-alaman niyang produkto rin pala ng arranged marriage ang mga magulang ni Devon. So no wonder nga na ganito rin ang gagawin nito sa anak, siguro because they succeed . Nainlove ang mga ito sa isa't isa.Sila ni Devon? Mukhang hindi dahil inlove na ito sa nobyang si Leila at isa pa, napakacold nito sa kan'ya.
Pero wala naman siyang iniexpect sa sitwasyon na ito. Kumbaga, kung sino ang unang maiinlove eh siya ang talo at 'yun ang ayaw niyang mangyari. Marami rin siyang babaeng kaibigan na labis na nasaktan dahil sa pag-ibig.Umiiyak at hindi kumakain ng ilang araw, kaya nga dati ay naiinis siya sa mga kaibigan na sobrang arte.Atleast, kay Devon hindi niya iyon mararamdaman kasi in the very first place, may kasunduan silang dalawa na darating ang araw ay maghihiwalay rin lang sila. Pagbibigyan lang muna nila saglit ang mga magulang at kapag darating na ang tamang panahon na maghihiwalay silang dalawa sa ayaw at sa gusto ng mga ito.
" Iha, Kate ang ganda ng mga mata mo." wika ng biyenang babae niya.
" Maraming salaamat ma." tipid niyang sagot.
" Why do you have to hide those eyes from those eyeglasses? Naku sayang iha, asset mo ang mga matang 'yan!" dagdag pa nito.
" Ah, sira na po kasi ang mga mata ko, Ma ! Pero thank you po sa pag appreciate." nakangiti niyang wika.
" Next week please , doon na muna kayo sa mansion namin ? What do you think, Devon? Sa birthday ng daddy mo?" suhestiyon ng biyenan.
" Hmmm, lets see Ma but I wont promise baka maraming trabaho sa company!" sagot nito.
" Sige but I hope you can stay there!"
Hapon na ng umuwi ang dalawa. Wala rin siyang nagawa kundi ang makipag bond sa mga ito na kasama si Devon.Napaka madaldal ng biyenan niyang babae , pagod na rin ang bunganga siya sa pag sagot sa mga walang katapusang katanungan nito.
Pagkaalis ng biyenan niya ay nanood na lang muna sila ni Devon ng movie sa malaking sala ng mansion. Action suspense movie ang pinapanood nila , pareho pala ang hilig nilang movie genre kaya nagkasundo sila at parehong tutok na tutok sa panonood. Naalala rin niya ang mga mission niya na may katulad sa mga eksena sa palabas. Babaeng secret agent ang bida na nainlove sa isang bilyonaryo . habang nanonood ay nag-uusap sila ni Devon tungkol sa movie. He is a different man now, and this is the real Devon that she's speaking with . 'Yung Devon na kalma at masayahin, minsan nga imbes na sa screen siya titingin eh sa mukha at reaksyon ni Devon siya nakapokus.Mas gwapo ito kapag ganitong cool at ngumingit na may pagka seryoso.
" Well, well mukhang enjoy na enjoy ah?" halos magkasabay silang lumingon ni Devon nang may biglang nagsalita sa likuran nila. It's Leila, his husband's friend.
" What are you doing here ?" seryosong tanong ni Devon sa babae.
Sumandal siya sa malambot na couch upang tingnan ang eksena ng dalawa.
" Well, I just came by to check on my best friend who has not texting me back since morning. Oh, hi there Kate ! Enjoy ba?" So talagang maldita itong si Leila. Nakakapagtaka nga kung bakit nagkagusto si Devon rito eh mukha pa lang halata nang may itinatagong kasaman.
" Ah? Naku oo naman Lola,super enjoy ko kanina pero ngayon, mas enjoy na ako dahil nandito ka!" mala anghel niyang sambit .
" Lola? Duh, its Leila! Ang ganda ng pangalan ko, huwag mo namang abusuhin!" seryoso ngunit malapad ang ngiti sa labing anas ni Leila.
" Leila, yung tanong ko!" wika ni Devon.
" I am here as your new secretary, Devon! Nagresign na pala ang secretary mo kanina , so ako na ang papalit!"
Lihim siyang napailing. So, binabakuran nito si Devon. Tama nga siya , she is intimidated by her presence.
" O-Okay." tipid na sagot ni Leila.
" Wow, the new secretary! You are really amazing Leila! kung ako ang boss mo, bibigyan kita ng award!"
" Well, alam mo na dear sweet Kate.I am a career woman! Hindi ako ang klase ng babae na gusto lang manatili sa bahay at aasa sa iba ang mga gastusin ko. I am a strong independent woman atsaka sayang naman ang sweldo as secretary ng asawa mo kung palalagpasin ko pa di ba? We are rich Kate, my family are rich but I want to work and earn , yung proud ako sa sarili ko na pinaghirapan ko talaga , eh ikaw ba may plano ka bang magtrabaho? " maarte but trying hard to be friendly approach na sambit ni Leila.
Ngumiti muna siya bago sumagot." Oo, may trabaho ako!"
" Wow! Ano?"
" Assassin. " pilit ang tawang sambit niya.
Leila rolled her eyes." You are so funny Kate! Sa porma mong 'yan? With that outfit and the way you move? Naku, maloloka ako sa'yo ,Hindi galawang assassin 'yan!" natatawa nitong sambit.
" I'm just joking , naghahanap rin ako ng work kahit na ano at alam ni Devon 'yun.Right , husband?"baling niya sa asawa.
" O-oo, magtatrabaho rin si Kate."
" Eh di very good! Atleast , may pagkakaabalahan hindi iyong maglulustay lang ng milyones n'yo.Well, mukhang hindi naman gastador itong si Kate, yung mga suot ngang damit parang ukay ukay lang!"
Natawa siya. That's right, she looks too old fashioned.Nakita niyang tiningnan siya ni Devon.
" Bibigyan nga ako ng pera ni Devon mamaya, pang shopping ko!" biro niya. But hell, she won't do that.
Nakita niya ang pagkairita ni Leila." Wow, as in? Sana all !"
" Leila, magmeryenda ka na muna! " alok niya sa babae.
" No need, baka lasunin mo pa ako! But, expect me to stick around with your husband palagi ha? I am his new sexytary, remember that! Baka magseselos ka, pinapaalala ko lang Kate." sambit nito at bigla na lamang tumalikod at ni hindi man lamang nagpaalam sa kanila.
Tiningan niya si Devon." Wow, ang galing ng secretary mo Dev. Siya na mismo ang naghire sa sarili niya!" natatawa niyang sambit. Seryoso lamang siyang tinitigan ni Devon na para bang hindi ito natutuwa sa sinabi niya.
" Are you sure , you'll work?"
Napakunot siya sa tanong nito. Napag-usapan naman nila dati ito, narinig pa nga niya ang sinabi nitio na wala itong pakialam sa kahit na anong nais niyang gawin.
" Oo, I need to Dev. Alam mo na, sa sitwasyon nating 'to, balang araw ay magkakahiwalay tayo and I wont take any money from you. Atsaka, you know my parents, maliit na halaga lang ang mapupunta sa'kin dahil hindi naman ako tunay na anak. Mas mabuti na ring masasanay na ako sa trabaho." seryoso niyang sambit. Alam niyang nagsisinungaling lamang siya dahil ang totoo, ay kaya niyang bilhin ang lahat ng pagmamay-ari ng pamilya ni Devon.
" I see, sige mas mabuti nga kung ganun !" seryosong sagot nito.
First time na nagkausap sila ng maayos, yung walang coldness .