Chapter 7-TheRoom

2173 Words
" There has been some changes, Kate. Sa isang isla sila tutuloy. Sa isang private resort ng isang politician. " sambit sa kan'ya nji Rave habang kumakain sila sa Heavens Hotel." By the way, may bago pala tayong myembro, new recruit at kakatapos lamang niyang magtraining abroad. Perfect itong mission mo, you two must join force in this mission." Nagtaka siya. A new recruit ha? Ibig sabihin , baguhan sa larangan nila. " Rave naman, baguhan ang ipareha mo sa'kin? Nandyan naman sina Cathlea , Hope , Tanya at iba pa na legendary assassins na . Tell me, nagbibiro ka lang noh?" reklamo niya. " Baka naman dahil sa baguhan na 'yan eh first time kong papalpak! You know me, I hate failed missions!" " Don't worry Kate. Keylan is the top in his class. Napakagaling niya!Actually , parating na siya." wika ni Rave na ininguso sa kan'ya ang lalakeng papasok sa entrance hall ng hotel. Lumingon siya at nakita ang nakaitim na tuxedo at naka black shades na lalake. Well,. he seems familiar.Hindi na siya nakapag-isip pa dahil narinig na lamang niya ang pagtikhim nito sa harapan niya . " Kate, meet your partner Keylan." Wala siyang nagawa kundi ang tumayo at makipagkamayan sa lalake. Inalis nito ang itim na shades at dun niya naalala kung saan ito nakita. " Nice to meet you, Kate." nakangiti nitong sambit. Tumango lamang siya sa lalake. Ito ang lalake sa resort ni Tanya. " Younger brother ni Tanya!" dagdag naman ni Rave. Tumango lamang siya na tila hindi interesado sa anumang impormasyon ni Keylan. She's always like this especially with men. Umupo siya't ganun din ito. Kaya pala may extrang food sa mesa. Akala niya ay gutom lang talaga si Rave kaya umorder ito ng extra. Tinitigan niya ang dalawang lalake sa harapan niya. Sobrang gwapo ng mga ito, hindi nga nakakaligtas ang aura ng dalawa sa mga dumadaang mga kababaihan sa mesa nila. Halata ngang may inggit sa mga mata ng mga babae habang tinititigan siya, Akala siguro ng mga ito ay isa kina Rave at Keylan ay boyfriend niya. Habang kumakain ay pasimple silang binibigyan ng impormasyon ni Rave. Inabutan pa sila nito ng flash drive at sinabing nandoon na raw ang lahat ng mga impormasyon na tungkol sa target nila. Bigla siyang nabilaukan sa kinakaing carbonara. Nagmadali namang lumapit sa kaniya si Keylan at mahinang hinampas ang likod niya. " Okay ka na ?" tanong nito. Pambihira! Napapailing na lamang siya. Hindi yata siya mamamatay sa bala , mamamatay siya sa pasta na hindi niya nainguya ng maigi. " I-I'm o-okay.D-Dont worry I can handle it!" wika niya sa lalake ngunit nag-atubili pa itong kumuha ng tissue at linisin ang sauce sa gilid ng labi niya.Wala siyang nagawa kundi hayaan na lamang ito. Maybe , this is Keylan's attitude, sadyang maalaga ito sa kahit na sinuman. "Salamat." tanging sambit niya rito. Hindi na ito bumalik pa sa tabi ni Rave, nanatili na lamang ito sa tabi niya . " Walang anuman!" wika nito. " Keylan, this is your first mission right? Kaya mo ba? You know, its just that b-baguhan ka at baka matatakot ka sa unang sabak mo! " direkta niyang tanong. Baka naman aatras pa ito. Sa totoo lang, hindi siya kumportasble na makasama ito sa isang mission lalo na't baguhan pa lamang ito. " Baka unang sabak mo, patay ka na agad?" Natawa naman si Rave sa sinabi niya. She is just being straight to the point. " Kate naman, pinatay mo naman kaagad sa istorya si Keylan." natatawang wika ni Rave sa kan'ya. " Oo nga, Rave. Hayaan mo , Kate kapag napatay ako , hindi naman kita mumultuhin, dadalawin lang kita!" "Sinasabi ko lang naman sa'yo ang totoo Rave. This is not like our training na isang pagkakamali lang eh okay lang. Ayaw kong makunsensya kaya ikaw na ang bahala sa sarili mo okay! " " Yes Kate, I will ! Don't worry, wala namang iiyak kapag namatay ako ." seryosong wika nito. Hinampas naman niya ito sa balikat." Sige na, lets stop this topic. Bukas na ang mission natin kaya lets think positively .K-Kumain ka na, Rave. " wika niya sa lalake na hindi pa nangangalahati ang kinakain sa plato. "Ehmmmm, Good afternoon!" Sabay silang lumingon sa pinagmulan ng boses. It's Devon standing behind her . " Good afternoon." sagot niya sa pagbati ng kan'yang asawa. "So, hindi ko alam na may katagpo ka pala rito sa hotel ko, Kate!" simple ngunit padiin na sambit nito. " Oh, sorry I forgot. Guys, si Devon nga pala ang may-ari ng hotel. Si rave and Keylan, mga katrabaho ko." wika niya. Si Devon na mismo ang umupo sa upuan na nasa tabi niya. She is in between Devon and Keylan now. " Kate , failed to introduce me as her husband." sambit ulit ng asawa niya. " Nice to meet you sir," ani Rave habang inaabot ang kamay nito kay Devon upang makipagkamayan. Ganundin naman si Keylan. " May delivery po kasi bukas ang isang pharmaceutical company at sasama po kami sa transaction kaya heto po't kailangang magmeeting." palusot ni Rave. " Oh wow, that's good. Pwede bang sumama? I'm just kidding." sambit ni Devin. Sumenyas ito sa waitress at nakita naman niyang tumango ang waitress na tila alam na nito kug ano ang ibig sabihin ni Devon.He stare at his face, sobrang seryoso nito at parang hindi alam kung paano ngumiti. Sayang, kasi dati crush niya ito dahil sa magandang ngiti nito. But now? Parang kay mahal ng ngiti nito." Would you mind if dito na lang ako kakain?" dagdag pa nito. Nagkatinginan naman sila ni Rave. Mabuti na lamang at tapos na ang usapan nila na tungkol sa mission. " Sure, we are also done with our meeting." wika naman ni Rave. " Nandito ka lang pala Dev-----" Natigilan sa pagsasalita si Leila nang makita siya at ang mga kasama niya ." Ay, s-sorry may mga kasama ka pala . Hinatid ko lang itong papeles na pipirmahan mo." wika nito at walang pasinatabing umupo sa tabi ni Rave. " Just leave it at the front desk ." utos rito ni Devon. " Guys, secretary pala ni Devon." wika niya upang inisin si Leila na panay ang titig sa mga kasama niyang lalake.Ngumiti lamang sina Rave at Keylan rito . Napanis naman ang ngiti ni Leila nang makitang magkadikit sila ni Devon. " M-May importante pa po kaming lakad ni Keylan. So pa'no Kate, see you tomorriow okay? " Tumayo si Rave upang magpaalam na sa kan'ya. " See you tomorrow, Kate." singit rin ni Keylan na sumunod namam kay Rave. " Sige, mag-ingat kayong dalawa ha?" pahabol niyang sambit sa dalawa. " Ang saya mo noh? Lalo na't gwapo ang mga kasama mo sa trabaho!" sambit ni Devon nang umalis na ang dalawa. Sakto namang dumating na ang pagkain nito na dala ng waiter na sinenyasan nito kanina. Nakita niyang natigilan si Leila sa narinig. " Nagseselos ka ba Devon? " tanong niya upang inisin pa si Leila. Pero sa totoo lang ay ibang klase ang tono ng pananalita sa kan'ya ni Devon. Ano naman ang pakialam nito sa mga kasama niya sa trabaho? Ito pa nga ang nagbitaw ng salita na walang pakialamanan. " I am just asking Kate at hindi ako nagseselos!" matigas na wika ito. Talaga lang ha? " Well, totoo ang sinasabi mo Dev. Tuwang tuwa ako sa trabaho ko ngayon dahil yun na nga, gwapo as in sobrang gwapo ng mga kasama ko. Nakita mo naman di ba? Head turners ang dalawang 'yun!"wika niya. " So, lumabas rin ang totoo na gusto mong magtrabaho because of those good looking man!" Tumigil ito sa pagnguya ng pagkain upang seryoso siyang titigan. Si Leila naman ay halatang naiinis na talaga sa kan'ya sa sandaling 'yun. " So now you know me! I really like to be sorrounded with gorgeous men! Nakakainspire kaya 'di ba? " wika niya. " Yes they are so good looking but hindi ka naman papansinin ng mga iyon Kate. Tingnan mo nga ang sarili mo noh! 'Yung pananamit mo, juskolord. Yung mata mo apat! Ang tipo ng mga lalakeng yun eh ang kagaya kong sosyal manamit at maganda ang shape ng katawan at higit sa lahat maganda!" singit naman kaagad ni Leila. Lihim siyang natawa. Baka hihimatayin ang Leila na ito akapag ni-reveal niya ang kan'yang sarile but this isn't the right time. Let her think that she's the ugliest girl on earth! Nang makita niya si Devon ay kaagad nag-iba na ulit ang reaksyon nito. He looks cool and relieved this time. " Alam mo, may mga tao naman na hindi lang tumitingin sa pisikal na anyo ng isang tao. Mas mainam na 'yong maganda sa loob kaysa sa maganda lang ang panlabas pero ang ugali naman , ugaling aso." sambit niya. " Ako ba 'yung sinasabi mong aso?" Bahagyan siyang natawa." Alam mo, I didn't mention any name especially your name. Ang sinabi ko ugaling aso, eh aso ka ba?" " Akala ko pinaparinggan mo ako Kate!" anito. " U-Umuwi ka na, Leila. Tapos na ang oras ng trabaho mo!"utos ni Devon sa babae. " Ha? P-Pero Devon. G-Gutom ako."reklamo ng babae. " My parents are on their way here at dito kami matutulog ngayong gabi." giit ni Devon sa babae. Parang dragon ang mukha ni Leila, kulang na lamang ay bubuga na ito ng apoy sa sinabi ni Devon." I can't believe this Devon!"Tumayo ito at kinuha ang sling bag sa upuan at inis na umalis ni walang paalam. " Mom texted me, sabi niya dito raw tayo magpapalipas ng gabi .Lets have a family dinner here. Don't worry about your clothes, nagpabili na ako sa tauhan ko." wika nito. " Umakyat ka na sa room, ipapahatid kita para makapag pahinga ka na muna." " S-Sige!"tanging sambit niya. May lumapit na nakaunipormeng babae sa kan'ya at hinatid siya sa third floor ng hotel. Its the presidential suithe na sobrang ganda at kumpleto ang mga gamit sa loob. Binuksan niya ang ref, napakarami ring pagkain. Kahit araw-arawin pa siguro niya ang pagtira rito ay hindi siya magsasawa. Mukhang mabait ngayon si Devon dahil pinatulog siya nito sa presidential suithe. Ang Devon na 'yun kaya, saan matutulog? Pumasok siya sa main bedroom at nalula sa napakalaking kama at malareynang mga unan at bed sheet. Tinanggal niya ang kanyang mahabang palda at long sleeve polo blouse. Nilatag naman niya sa bed side table ang makapal niyang eyeglasses at humiga na sa kama na nakapanty at bra lamang. At dahil sa pagod ay hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya. ------------------------------ Devon. " Yes they are so good looking but hindi ka naman papansinin ng mga iyon Kate. Tingnan mo nga ang sarili mo noh! 'Yung pananamit mo, juskolord. Yung mata mo apat! Ang tipo ng mga lalakeng yun eh ang kagaya kong sosyal manamit at maganda ang shape ng katawan at higit sa lahat maganda! Biglang nawala ang inis niya nang marinig ang sinabi ni Leila.Ewan nga ba niya't kung bakit bigla siyang nawala sa mood nang makita ang magagandang lalakeng kasama ni Kate. Siguro, parang tinapakan ang ego niya 'yun lang. Umakyat na siya sa presidential suithe ng kan'yang hotel. Ano na kaya ang ginagawa ng babaeng 'yun? Dadalhin niya ang mga damit na pinamili niya sa tauhan niya. Ewan niya kung kasya na ba ito kay Kate, basta bahala na ang ito .Sa presidential suithe sila matutulog ngayong gabi na magkasama dahil nga nagtext ang mama niya na mag dinner sa hotel nila. Timing naman na pareho pala silang nasa Heavens Hotel ni Kate . Binuksan niya ang pinto gamit ang sariling keycard ng kwarto. Tahimik ang buong silid, naisip niyang baka natutulog na ang babae sa kwarto. Kaya naman pumasok na siya sa main room at biglang natigilan sa nakita. Is the woman sleeping her wife? Napakaputi ng balat nito at napakaganda ng hubog ng katawan. Ang mga malulusog na dibdib ng babae ay halos sumilip na sa labas ng bra nito. Nakabuka pa ang mga hita nito na tanging panty lamang ang suot. Ang puti at ang kinis rin ng hita ng babae. Napadako ang tingin niya sa mukha nitong walang suot na salamin. Napakaamo ng mukha nito at natural lamang ang ganda. Napansin niya ang makakapal na kilay ng babae , may tinta pang kumalat sa gilid. Is it just make up? Tints lamang ba ang makapal nitong mga kilay?Lumapit pa siya sa babae upang pagmasdan ang mukha nito sa malapitan. Bakit para itong anghel ? Bigla siyang napailing nang maramdaman ang umumbok sa gitna ng pantalon niya. May ibang klaseng init nag kumalat sa katawan niya. Hinawakan niya sana ang mukha nito ngunit bigla na lamang siyang umalis sa kwarto dahil baka kung ano ang magagawa niya sa babaeng natutulog. Nakatulala lamang siya sa sofa at kahit na nakabukas na ang tv ay hindi pa rin umaalis sa isip niya ang halos na hubad na babae na natutulog ngayon sa kama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD