Chapter 4-No strings attached

1714 Words
Nang magising siya kinaumagahan ay umalis na raw patungo sa company si Devon.Imagine? Kasagsagan ng honeymoon week nila ay nagtatrabaho ang asawa niya! Takot yata itong malugi ang kumpanya kapag umabsent ito ng isang araw.Nang bumaba siya ay agad namang naghain ng pagkain ang cook ng mansion . Siguro nasa early seventies na ito at kwento pa ni "nana", ito raw ang kauna unahan na naging katulong sa mansion ng mga magulang ni Devon kaya at ito rin ang nag-alaga kay Devon simula pa pagkabata kaya noong nagkaroon ito ng sariling mansion ay hiniling nito sa mga magulang na isama ito kaya heto nga't siya ang tagaluto . " Alam mo iha, sanay iyang asawa mo sa luto ko kaya sa susunod na mga araw ay ituturo ko sa'yo kung paano lutuin ang mga paborito niyang putahe." nakangiting sambit ni Nana sa kan'ya. May katandaan na ito ngunit malakas pa rin at parang hindi pa seventy kung kumilos. " Anu-ano po ba ang paborito ng --n-ni Devon?" " Hmmm sweet and sour na isda, mga gulay.Naku ayaw niyan sa mga karne, gusto niya healthy foods ang palaging lulutuin ko." " Wow, pareho po kami ni Devon. Sige po Nana, turuan n'yo po akong magluto ha?" " Oo iha, alam mo na ...matanda na ako.Bilang asawa niya , ikaw ang dapat kong turuan !" " Kayo naman po Nana! Ang lakas lakas n'yo pa po! Siguro , marami na 'yang dinalang babae dito sa mansion noh?" Umiling naman si Nana." Wala, i-ikaw pa lang na asawa niya ang unang babaeng nakatapak rito sa mansion niya." Bigla napakunot ang noo niya. So, how about his girlfriend Leila? Napailing siya. Napaka chismosa naman niya. Muli niyang pinaalala sa sarili na hindi siya dapat na maghalungkat pa tungkol kay Devon. Hindi siya dapat na maging interesado. Isa pa, mag-asawa nga lang sila sa papel. Pagkatapos niyang kumain ay tinulungan niya si Nana sa pagligpit ng mga pinagkainan niya kahit na todo tanggi ito. Bilin raw ni Devon na pagsilbihan siya. " Nana, aalis po ako ngayon ha? "sambit niya. " B-Basta sabihin mo lang kay Devon, iha." " Sige po, I'll call him." sambit niya pero wala naman talaga siyang planong sabihin pa kay Devon. Wala naman itong pakialam sa kan'ya. Pupuntahan na lang muna niya ang tambayan nilang magkakaibigan. Alas nueve pa lamang ng umaga, siguro doon na muna siya tatambay. Hindi rin siya sanay na tumigil sa mansion, napaka boring ng buhay rito, maaga yata siyang tatanda kapag palaging ganito . Muli siyang umakyat at nagbihis. Tinali niya ang kan'yang mahabang buhok, nagsuot ng kulay pulang eyeglasses na may malalaking frame. Isang rugged na maong ang isinuot niya at maluwang na sweat shirt. Of course, hindi niya dapat ipakita ang tunay niyang anyo. She even wear black contact lenses pero ang tunay na kulay ng mga mata niya ay light brown. Malapit nang mag tanghalian nang dumating siya sa private resort ni Tanya. Lahat silang magkakaibigan ay welcome sa lugar na ito. Actually may kan'ya kanya nga silang kwarto sa resort na iyon at kilalang kilala sila ng tagapamahala ng resort. Tago ang lugar na iyon at napakaganda rin ng lugar. Ang pinaka pabirito niya sa resort na iyon ay ang pag-upo sa isang cottage at tingnan ang dagat. From that she find peace. Humiga siya sa duyan na gawa sa rattan na nasa ilalim ng puno. She wants to rest for a while,so she closed her eyes with her eyeglasses on.Dinig niya ang mga mahihinang paghampas ng alon sa dalampasigan. Ang preskong hanging humahalik sa kan'yang pisngi ay tila ba inaaya siyang matulog . " H-Hey,hey!" sambit nang sinumang herodes sa likuran niya nang bigla niya itong tutukan ng baril kahit na ang ayos niya sa sandaling iyon ay tila mahihimbing na natutulog . Her asassin instinct told her that there's someone behind her kaya naman mabilis siyang kumilos ay tinutukan ito ng baril. Base sa tinig nito ay lalake ito. " Who are you?" tanong niya habang nakatutok pa rin ang baril sa lalake.Still she is so cool and relax . " Miss, ibaba mo muna 'yan at baka mapatay mo ako!" nanginginig ang boses sambit nito.Umupo siya at hinarap ang lalaken sa likuran niya. Pinagmasdan niya ang kabubuan nito. Infairness, pasado ito sa porma at kagwapuhan pero dahil ayaw niya sa mga lalake lalo na't sa mga extranghero ay tumayo siya't naglakad palayo rito. " Miss, Miss! tawag nito sa kanya. Nakabuntot ito sa likuran niya. Ngayon lamang niya nakita ang lalake sa resort. " I'm Tanya's younger brother!" sigaw nito at napatigil siya sa sinabi nito atsaka humarap na ulit sa lalake. " Okay! I am sorry , binigla mo ako kaya ko yun ginawa. Now, if you would excuse me, aalis na ako ah totoy!"Gusto ko sanang mag relax at magkaroon ng peace of mind kahit saglit pero bigla ka na lang sumulpot!" wika niya. " I am sorry , Miss.I'm Kylan." Inabot nito ang palad sa kan'ya ngunit dineadma lamang niya iyon. " Wala akong oras para magpakilala sa'yo! I need to go." Mabilis siyang kumilos upang puntahan ang nakaparada niyang kotse. Dumaan na muna siya sa isang carenderia upang kumain bago siya bumalik sa Manila. Alas siete ng gabi pa naman sila magkikita nina Samara, Tanya , Cath at Hope sa isang VIP bar na pinagtatambayan nila na pagmamay-ari ng isa sa mga Geller. Lahat naman ng mga kalalakihan ay hindi siya pinapansin. Sino ba naman ang magkakainteres sa isang katulad niya na old style ang pananamit at may malaking eyeglasses pa na tinatabunan ang magaganda niyang mga mata. Pero kapag sa misyon siya, ibang Kate ang aura niya. Sexy at hottie na Kate at exactly opposite sa itsura niya ngayon. Such a perfect disguise, hindi ba? Wala pa ang mga kaibigan niya kaya naghanap na siya ng mauupuan nila. Umorder na muna siya ng light drinks habang nag-aantay pa sa iba. Umorder na rin siya ng pulutan para pagdating ng mga kaibigan niya ay settled na nag lahat. Alas otso na ngunit wala pa sina Samara kaya nagsimula na siyang uminom ng wine dala ng pagkainip sa pagdating ng mga kaibigan.Naka tatlong shot na nga siya ng whiskey. Expected na rin niya ang ganitong scenario, best in late ang mga kaibigan niya sa gimikan lalo na si Tanya na dalawang oras yata kung mag-ayos ng sarili. " Hi. Miss nag-iisa ka yata ah? Pwede bang maki join ?" Inangat niya ang kan'yang mukha nang marinig ang boses ng lalake. Tatlong lalake ang nakatayo sa harapan niya sa oras na iyon. Naiintindihan naman niya na puno ang bar ngayon ngunit marami namng VIP rooms sa itaas. " Sorry mga boss, may hinihintay ako eh." sagot niya at nakatingin lamang sa basong hawak niya. She didn't spare any glance at their faces. " Wow, suplada mo naman Miss! Akala mo kung sinong maganda eh mukhang Manang naman!" sambit ng isang lalake . Nagtawanan ang tatlo ngunit hindi pa rin siya kumilos . " Sa ayaw at sa gusto mo, uupo kami sa tabi mo Miss Manang!" At malakas itong tumawa dahil sa pagkutya sa kan'ya. Nagpumilit ang mga ito na umupo sa kanila at sinubukan ng isa na hawakan at eyeglasses niya upang tanggalin iyon. Kikilos na sana siya para bigyan ng leksyon ang tatlong ugok na lalake ngunit may nauna nang hawakan ang kamay ng lalakeng akmang hahawakan ang eyeglasses niya. " Kung ayaw niyong masaktan, umalis na kayo! Stay away from here!" si Devon iyon na may kasamang limang body guards sa likuran nito. Agad namang natakot ang tatlong lalake at umalis na pagkatapos humingi ng paumanhin sa kan'ya. Nang tiningan niya sa Devon ay madilim ang mukha nito habang nakatitig sa kan'ya."Ganyan ang napapala ng mga babaeng nasa labas pa sa ganitong oras!" seryoso nitong sambit. " Do you care?" tanging sambit niya. " Kate, tumayo ka na riyan! Umuwi na tayo! " utos nito sa kan'ya. " HInihintay ko pa ang mga kaibigan ko. Di ba't sinabi mo sa'kin na walang pakealamanan?" muli niyang paalala sa lalake. Napailing naman ito." Kate sa mata ng madla ay mag-asawa tayong dalawa. Wag mo'kong pahiyain , let's go home now or bubuhatin kita patungo sa kotse.Pumili ka !" banta nito. " Ayaw ko, may usapan nga kami ng mga kaibigan ko noh! Kung gusto mo, umuwi ka na! " matigas niyang wika. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang mga kaibigan niya. Nakita niyang umupo sina Devon sa pwestong nasa tabi lamang nila nang umalis ang mga customer na nakaupo doon. " Gurl, ba't may bantay ka? Akala ko ba girls night out ito? Ba't nandito si Papa Devon mo!" bulong sa kan'ya ni Cathlea Valkyre. " Huwag mo nang pansinin 'yan! Pabayaan n'yo siya hanggang sa mapagod siya at siya na mismo ang unang uuwi!" wika niya. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang kanilang mga inorder pati na rin ang mga pagkain . nang sumulyap siya sa gawi nina Devon ay may alak na rin sa mesa nito. Naka-ilang rounds pa sila ng alak at nang tumugtog ang paborito nilang musika ay tumayo silang lahat at sumayaw sa dance floor na tila walang ibang taong nandoon kundi sila lamang magkakaibigan. Nang matapos ang isang tugtugin ay isa na namang nakakindak na musika ang itinugtog ng DJ. Its a sexy slow dance at syempre hindi nama sila magpapapigil. " Aray ano ba!" hiyaw niya nang may humila sa braso niya at dinala sa gilid ng dance floor. "Ayaw mo pa bang tumigil sa pinaggagawa mo?" malakas na sambit ni Devon. Nakikipagkumpetensya yata ang boses nito sa lakas ng tugtog sa dance floor. " Paki mo at saka hoy, tumigil ka na nga riyan! Mag-asawa lang tayo sa papel kaya wala kang karapatan sa'kin!" Tila nahihilo na siya dahil sa ilang baso na ang ininum niya at sa mga maliwanag na ilaw sa paligid. " Talaga lang ha? Let's see..." wika nito at bahagya siyang itinulak sa pader . Napaaray siya ng tumama ang kan'yang likod sa semento. Inipit naman ni Devon ang katawan nito sa kan'ya at akma sana siya nitong halikan sa labi ngunit bigla na lamang niya itong sinukaan sa dibdib. " P*tang*na Kate!" dinig niyang sambit ni Devon bago pa siya tuluyang nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD