" Wow!" bulalas niya nang pumasok pa lamang ang kotse ni Devon sa loob ng bakuran ng mansion nito. Sa murang edad ay may sariling mansion na si Devon, isa sa mga tanyag na mansion sa buong Pilipinas. He is one of the youngest billionaire in the Philippines dahil sa tanyag ang kumpanya ng pamilya nito kahit na sa ibang bansa.
Maigi niyang pinagmasdan ang mukha nito . Seryoso ang lalaki habang nagmamaneho. Well, hindi naman nabawasan ang pagiging gwapo nito. Kahit na saang anggulo naman yata ay napakagwapo ng asawa niya.
" Kanina mo pa ako tinititigan Kate!" saway nito sa kan'ya. Bigla na lamang siyang natinag at tumingin sa harapan ng dinadaanan nila. Papasok na sila sa malawak na parking lot ni Devon. Nalula rin siya nang makita ang iba't ibang uri ng sasakyan sa loob.
" Huh? h-hindi ah I was just amazed . Infairness, ang ganda ng mansion mo!" puri niya.
" Thanks but huwag mo masyadong hangaan ang lahat ng ito Kate. Bilang lang ang araw mo sa lugar na ito. You know, arranged marriage lang ito at alam mo kung bakit tayo nagpakasal right? Let's not expect something from each other dahil years from now , maghihiwalay rin tayo. Pinagbigyan lang natin ang mga magulang ko at ng mga magulang mo .Lets just make them happy even just for a while." mahabang salaysay ni Devon pagkatapos nitong patayin ang makina ng sasakyan.
Wala siyang ibang ginawa kundi tumango. Napakalayo na ni Devon sa batang Devon na naging kaibigan niya dati. He is so cold and seems ruthless too. Tumango siya dahil nirerespeto niya ang nararamdaman nito. Mukhang agrabyado pa nga siguro ito dahil may nobya ito at siya? No boyfriend since birth. Galit siya sa mga lalake simula nang mamatay ang kapatid niya. Hangang ngayon ay ayaw niyang isipin ang nangyari rito. Napakasakit pa rin para sa kanya kahit na sampung taon na ang nakalipas.Kilala siya bilang isang man hater , wala siyang tiwala sa ibang mga lalake lalo na sa mga hindi niya kilala. Nabibilang lamang sa daliri niya ang mga kaibigan niyang lalake na pinagkakatiwalaan niya.
" Bumaba ka na. Iwan mo lang ang mga gamit mo, ang mga tauhan ko na lang ang magdadala sa kwarto mo!" utos nito.
"Kwarto mo!" Naisip na niya ito eh ! At nangyari na nga , hindi sila mamumuhay na parang normal na asawa ni Devon. They just play husband and wife in front of their parents and the society.
Nang pumasok sila sa loob ng mansion ay nakahilera na ang mga maids sa pinagdadaanan nila. Andaming katulong sa mansion, talagang buhay reyna pala talaga siya dito. Pinakilala siya ni bilang asawa sa mga katulong. Isa-isa naman siyang binati ng ga ito. She just smiled at them habang nakasunod siya sa likuran ni Devon paakyat sa kwarto nito.
Huminto ito sa harap ng nakasaradong pintuan , pagkatapos ay bumaling sa kan'ya." This will be your room, Kate. Pinaayos ko na ito at kung may kailanga ka pa just say so at para maipahanda ko. And that will be my room, kapag bibisita sina daddy unexpectedly. just dito ka matutulog but for now, that will be your room." wika nito.
" Okay sige, naintindihan ko na. P-Pero , hayaan mo akong magtrabaho sa security agency ni Cathlea ha? " aniya.
" Of course, gawin mo ang lahat ng gusto mo Kate, wala naman akong pakialam!" walang buhay na wika nito.
" Thank you, Dev. " tipid niyang sagot. Ang sakit naman nitong magsalita. Napansin niya ang pagiging cold nito sa kan'ya. Galit ba ito sa kan'ya? Hindi ito ang dating Devon na nakilala niya na malambing kung magsalita .
" You take a rest now." anito.
Tumalikod na lamang siya sa lalaki at hindi na nagsalita pa. Kahit na good night ay hindi niya nasabi, galing na nga sa mismong bibig nito na wala itong pakialam sa kanya . So ang ibig lamang sabihin nun ay wala itong pakealam sa gagawin at sasabihin niya. Pumasok siya sa loob at humiga sa malambot na kama. Naalala tuloy niya ang napakalaki niya ring mansion sa Germany.Actually, mas malaki ang properties niya sa Germany at may mga collections rin siya doon ng mga kotse at motor na milyon ang halaga. Tang*na, she is a billionaires too. Lahat ng pera niya ay doon niya ininvest dahil doon niya sana planong tumira for good. Ang mga matalik lamang niyang kaibigan ang may alam tungkol sa mga pag-aari niya at kung gaano siya kayaman.
Actually , dito sa Pilipinas ay lowkey lamang siya. Walang nakakaalam sa sikreto niya maliban na nga lang sa mga kaibigan niya sa Black State Empire. She is an international asassin. Simple lamang siyang manamit, old fashioned to be exact. She has different collections of eye glasses , long skirts at long sleeve tops. Itinatago niya sa mga tao ang kanyang totoong mukha at magandang hubog ng katawan. Iyon ang disguise niya sa madla. Kapag kasama niya ang mga kaibigan niya ay nagsusuot siya ng mga sexy na damit pero kapag sa isla o malayong lugar lamang kung saan walang masyadong tao. Sa trabaho niya, ayaw niyang may makakilala sa kanya kahut na malinis naman palagi ang lahat ng trabaho niya. They dont kill innocent people, para silang mercenaries na nililinis lamang ang mga may makasalanan sa mundo. Puro mga mayayaman ang mga kliyente nila, they also do work for the government, nililigpit nila ang lahat ng may kasalanan sa gobyerno.
Mabuti na rin siguro ang ganitong set up . Kasal sila ni Devon ngunit wala silang emotional attachment. Crush niya ito dati , hanggang ngayon pa naman pero hanggang doon na lang. She shouldn't fall inlove with him .Bilang isang asassin siguro, mas mabuti nang mag-isa at walang pamilya na masasaktan niya sa bandang huli. She should keep her "peace," too.
Habang wala pa siyang mission ay mananatili na muna siya sa mansion na ito. She will play as a " manang" type wife of Devon. A disguise , kumbaga. Sa wedding day lang siya maganda, bukas ay balik na ulit siya sa mukhang nerd na Kate Green.
Kinuha niya ang kan'yang cellphone at tinawagan si Samara.
" Hoy, anong oras na akala ko nagaanuhan na kayo ngayon ni Devon!" wika nito sa kan'ya.
Natawa naman siya sa sinabi nito." Gaga, impossible 'yun noh! Nasa kabilang kwarto nga ako, magahiwalay ang room namin!"
" Talaga, so ibig sabihin hindi ka talaga niya type!"
" May nobya na nga di ba! Isa pa, parang hindi mo naman alam kung bakit kami kasal ngayon!"
" Ay oo nga pala, naku ang mga mayayaman talaga noh? May mga arranged marriage pang nalalaman noh!"
" Oo nga eh, ewan ko nga ba pero dahil may utang na loob ako sa mga umampon sa'kin eh wala akong choice kundi ang magpakasal sa unggoy na Demon na 'yon, ewan ko ba kung ba't parang galit 'yun sa akin! Ang ganda ganda nga ng asawa niya di ba?" biro niya kay Samara.
Tumawa naman ito. " Gahasain mo na lang kaya siya !"
" Ay , never noh mas maganda nga ang ganito! Hindi ako maiinlove sa kan'ya ."
" Hmm, sige na bukas na lang tayo ulit mag-usap besh ah? Schedule namin ni France ngayon, alam mo na biyernes ngayon ...off duty niya..." natatawang wika nito.
" Sige na nga , nakakaistorbo na pala ako sa moment nyo ni Mr. Sweetcorn mo!" aniya at ibinaba na ang cellphone.
Dati, nagrerenta lamang siya ng apartment. Ayaw rin niyang tumira sa bahay ng mga kumupkop sa kan'ya. Alam naman niyang kinupkop lamang siya dahil walang ibang mag-aalaga sa kan'ya kundi ang nag-iisang tiyahin niya na lang.Sanay siyang mamuhay ng mag-isa at ang tanging pamilya niya ang ang mga kaibigan lamang niya . ANg mga Black State Empire girls na sina Cathlea Valkyre , Tanya, Hope, Samara , Michaela at ang mga Geller.