Chapter 2-The other one

1355 Words
Mabilis siyang nakalayo mula sa dalawa . Nilapitan na lamang niya sina Samara na masayang nagkukuwentuhan sa table . Kinuha niya ang baso ng alak mula sa kamay ni Hope at mabilis na nilagok iyon. Napangiwi siya sa lasa ng alak pero talo nito ang pait na nararamdaman niya ngayon. Nakokontrol niya ang nararamdaman oo, kaya kailangan niyang kumilos upang hindi na miya masyadong iisipin pa ang tungkol kay Devon at kay Leila. So, asawa siya sa papel lang.Kaya naman pala hindi na maidrawing ang mukha ni Devon dahil may nobya na pala ito. Malinaw pa sa pandinig niya na mahal nito si Leila. At dahil doon, kinuha pa niya ang baso na may lamang alak mula sa kamay ni Samara at nilagok iyon. " Hey bess, huwag mong kalimutan na ikaw ang bride ha? Naglalasing ka yata? May problema ka ba't bigla ka na lang yatang nagpapakalasing riyan?" tanong sa kan'ya ni Cathlea Valkyre. Umiling naman siya." Wala bess, nauuhaw lang!" " Wow, nauuhaw pero wine ang pinagdidiskitahan." natutuksong sambit ni Hope. " I think I know why already!" sambit ni Samara sabay nguso sa kabilang bahagi ng venue. Nakita nga niyang lumabas mula sa garden ang asawa niya at ang babae nitong si Leila. Kasal na kaya sila ni Devon kaya kahit si Leila pa ang mahal nito ay kabit pa rin ito sa mata ng lahat. " Oo nga Sam, I think alam ko na rin ang dahilan. Nakita kita Kate, diyan ka dumaan kanina!Oh di ba ang lakas ng pang-amoy namin?" sambit naman ni Tanya na panay ang pag make up nito. Kahit saan ito magpunta ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagreretouch. Nakasanayan na siguro ni Tanya kahit napakagandang babae na nito ay talagang puro kolorete ang mukha nito. Para sa kanya naman ay mas maganda si Tanya kahit na natural lamang ang mukha nito at walang make up. " Tumahimik nga kayo riyan! OO na, tama nga kayo pero wala akong pakialam. Bahala na silang dalawa noh!" wika niya . " Hmmm oo nga noh, wala kang pakialam pero nakadalawang baso ka ng alak. Hay naku, its okay bess ganyan talaga ang buhay hindi palaging naaayon sa gusto natin! May mga tao o bagay na hindi natin pwedeng angkinin dahil may iba silang gusto." sambit naman ni Cathlea Valkyre. " Hanep ka Cath! Relate?" natatawang wika ni Ela . " Sinasabi ko lang naman kasi 'yun ang totoo para ngayon lang ako sumeryoso eh kinontra nyo pa!" angal naman ni Cathlea. " Huwag n'yo na nga akong alahanin. Alam n'yo naman na pagdating sa lovelife we are trained to be strong. We never beg to be loved and most of all, we don't chase we attract. " seryoso niyang sambit. " Atsaka, bawal gawing mundo ang lalakeng mahal natin right? Always magtira para sa sarili para in case of emergency may natitira pa rin para sa sarili natin tama?" sambit naman ni Hope. " Tama ka besh, bawal ang kung anumang sobra. Dapat sakto lang! " sang-ayon naman ni Ela. " Oo na, alam ko na 'yang mga ganyan. Nakalimutan n'yo na yata ang dahilan kung bakit kami nagpakasal ni Devon noh? Arranged lang ang lahat ng ito mga beshies, kaya bawal ang ma-fall lalo na't alam ko na ngayon na may mahal na pala siya. Mabuti nga't nalamn ko iyon agad agad para atleast I know how to handle him and myself too. Boundaries ba, boundaries!" paulit niya. " Alam mo Kate sa'ting magkakaibigan, sa'yo ako hanga eh! You're the strongest one siguro ay hindi pala. Si Samara ang pinakamatatag sa tin followed by Cath then ikaw na ang next." wika ni Tanya na ngayon ay naglalagay na ng lip gloss sa mga labi. " I have no other choice Tanya rather than to be strong! 'Yun lang naman ang dapat di ba?" aniya. Tumango naman sina Cath at Samara bilang pagsang-ayon." " Excuse me guys ah, kausapin ko muna yung mga ibang bisita." wika niya. " Sabihin mo sa kanila, umuwi na sila para sa'kin na ang mga tirang ulam sa buffet table." nakangising wika ni Samara. Wala iting kakumpetensya ngayon dahil hindi makakadalo si Mr. Chen. Tumayo siya't nilibot ang tingin sa paligid niya.Nakita niyang kasama pa rin ni Devon ang mga kaibigan nito . Nandoon din si Leila sa mesa at nang magtama ang kanilang mga mata ay biglang sumama ang tingin nito sa kan'ta na para bang nakakita ito ng kaaway. Ngumiti lamang siya sa babae para mas lalo itong mainis sa kan'ya. Akala yata nito ay maaapektuhan siya sa maanghang na kilos nito sa kan'ya. Well, hindi ah! Nagpasya na lamang siyang pumunta na muna sa comfort room dahil naiihi na siya. Nasa loob siya ng cubicle nang makarinig siya ng yabag sa loob. Tumayo siya't lumabas na't upang makapaghugas ng kamay. " So, tuwang tuwa ka noh dahil nakuha mo ang boyfriend ko?" Tumingin siya sa salamin at nakita ang galit na mukha ni Leila na nakamasid sa kan'ya. Ayaw niya itong kausapin kaya dineadma lamang niya ito. " Bingi at pipi ka ba? Sa tingin mo ba magagawa ka niyang mahalin? Let me remind you again na sa papel lang kayo kasal ha? Huwag kang ambisyosa Kate dahil ako ang mahal niya ngayon , bukas-----" " At magpakailanman!" pilyang sagot niya rito. " Oo , magpakailanman ! Masasaktan ka lang kapag umasa ka dahil a year from now, alam mo ba kung ano ang kahihinatnan nitong kasal kasalan ninyo? Hmmmp, Divorce!" malditang sambit nito. " So, ikaw pala ang kabit ng asawa ko?" lihim siyang natutuwa dahil gusto lang talaga niya itong inisin. " Huh? How dare you call me a mistress you freakin-----" Sinampal sana siya nito ngunit bigla niyang sinalo ang isang plaad nito at pasimpleng pinisil ang mga buto ng daliri nito at unti unti niyang dinidiin ang pagpisil niya sa palad nito at napapalakas naman ang sigaw nito. Napapaaray ito sa ginagawa niya. " Aray ano ka ba? My bones! Mababali ang buto ko sa'yong babae ka!" " Sa lahat ng ayaw ko eh 'yung may balak akong sampalin. Alam mo ba na ang mahal ng skin care ko tapos dudungisan lang ng kamay mo? Huwag kang mag-alala b*tch! Hinding hindi rin ako maiinlove sa nobyo mo noh! Siya ang pagsabihan mo gurl dahil baka siya ang maiinlove sa akin! Sa ganda kong 'to baka bukas paggising ng nobyo mo, ako na ang mahal niya kaya kabahan ka na!" sambit niya sa babaeng mas namula yata ang magkabilang pisngi dahil sa sinabi niya. Magsasalita pa sana ito ngunit bigla na siyang umalis sa loob ng comfort room at bumalik na sa presidential table nilang mag-asawa. " Saan ka pumunta?" tanong ni Devon nang umupo siya sa tabi nito. " Hmmm ikaw naman baby boy, para minuto pa lang akong nawawala hinahanap mo na ako. Don't worry mamaya , magkasama namam tayo the whole night!" nakangisi niyang wika sa asawa. " Nagtatanong lang kasi andami pang bisita oh I can't entertain them alone, akala ko umakyat ka na sa suithe!" cold nitong sagot. " Pauwiin mo na kaya sila." mahina niyang usal. " Ahm excuse me, Devon.Uuwi na pala ako. Thanks for inviting me." singit naman ni Leila na nakasunod pala sa likuran niya kanina. " Bye, Leila! Mag-ingat ka ha?" singit naman niya. Tumingin siya kay Devon na nakatingin lang din sa babae. "D-Devon g-goodbye." Hindi siya pinansin ni Leila at kay Devon lang talaga ang atensyon nito. Natutuwa naman siya, ang sarap inisin ang babae lalo na't kuhang kuya niya ang inis nito. " S-sige Leila, mag-ingat ka." tipid na sambit ni Devon trying hard na sumeryoso sa babae nito. Ang hindi alam ng dalawa eh alam na niya kung ano ang relasyon ng mga ito. " Maganda sana si Leila ngunit hindi siya maalaga sa skin niya noh? At 'yung baba niya iparetoke sana niya para mas gumanda siya." sambit niya kay Devon na tumunganga dahil sa sinabi niya.Muntik na yata nitong bitawan ang glass wine sa kamay nang marinig ang pagkutya niya. Well totoo naman ang sinasabi niya, bulag lang itong si Devon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD