Chapter 8-Nakaw na Halik

1343 Words
Namulat siya nang makaramdam ng lamig. Nakatulog pala siya na nakapanty at bra lamang. Tumingin siya sa orasan na nasa maliit na mesa. Its already six in the evening, hindi lang pala siya nakaidlip as in nakatulog pala talaga siya ng mahaba. Kinuha niya ang kan'yang cp na ipinatog niya kanina sa mesa. My isang missed call, hindi naman niya alam kung sino iyon dahil numero lang naman.Hindi nagtagal ay tumunog ang message alert tone niya. Hey, Kate. This is Keylan. So , ito pala ang nag missed call sa kan'ya kanina. She left his message hanging, tatawag na lamang siya rito kapag may importanteng pag-uusapan. She isn't used to replying to messages. Yung phone nga niya ay puro calls lamang ng mga friends niya ang nasa history.Nakita niya ang paper bag na nakapatong sa mesa, wala naman iyon kanina eh.Kinuha niya ang paper bag at tiningnan kung ano ang laman nun. "Those clothes are for you! " isang baritonong boses ang narinig niya mula sa kanyang likuran. Mabilis siyang kumuha ng kumot at tinakpan ang halos hubad niyang katawan." Pambihira ka naman, wala ka bang kamay para kumatok muna bago pumasok?" inis niyang sambit sa lalake. Nakita niya ang hilaw na ngiti sa mukha ni Devon . Imbes na sagutin siya nito ay dahan dahan itong humakbang palapit sa kanya. " Why? Last time I checked this is my property and you are my wife , Kate right?" Mas malapit na ito ngayon sa kan'ya. Ilang dipa na lamang ay dadampi na ang balat nito sa kan'ya. " Kahit na pagmamay-ari mo pa ang buong sanlibutan , dapat marunong ka pa ring kumatok noh!" Hinawakan nito ang baba niya at inangat ang mukha niya. Hindi siya kumurap nang magtama ang kanilang mga mata.Nakakainis ang mga pares ng mga itim na mata ni Devon. You would missed blinking upon staring at those dark eyes na tila kayang basahin ang lahat ng katauhan mo sa isang simpleng sulyap lamang. Dumako ang mga mata niya sa natural nitong mapupulang mga labi . " Bakikt Kate? Are you afraid of me? Takot ka bang m-may mangyari sa 'tin? " Hinampas niya ito sa dibdib at napaaray naman ito sa sakit. Nagulat siya sa sinabi nito kaya nahampas tuloy niya ito.Napayuko naman si Devon habang hawak nito ang sariling dibdib . Napaupo tuloy ang lalake sa kama. " O-Ouch para kang lalake kung humampas, ang lakas mo!" reklamo nito. Lihim siyang natuwa. " Ikaw kasi, kaya huwag mo nang uulitin yung mga sinabi mo ha? Nsampulan ka tuloy!" " Ah aray ! Ang saket!" reklamo pa nito. " Nahihirapan akong huminga!" " Hey? D-Devon okay ka lang ba? I'm sorry, i-ikaw naman kasi ang may kasalanan." " I can't breathe , Kate. I need oxygen----" Sasagot pa sana siya ngunit bigla na lamang siyang kinabig ng lalake at sinakop ang mga nakaawang niyang labi.She was caught of guard! Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ng lalake. Malaya pa nitong pinasok ang dila sa loob ng bibig niya . Napapikit siya, this is her first kiss bukod sa wedding kiss nila na mabilisan at halos hindi niya naramdaman dahil tila hangin lamang ang naramdaman ng mga labi niya sa sandaling yon but this kiss as of this moment? My god! Ganito pala 'yun? Wala sa sarili ay naitulak niya si Devon. " Walang hiya ka! Ewwww!" " As if naman hindi ka pa nakatikim ng ganung halik!" " OO! That was my first kiss na hindi dapat para sa'yo! " " At para kanino dapat 'yun ? Para sa kasama mong mga lalake kanina? Sino sa dalawang 'yun Kate huh? Si Rave or 'yung si Keylan na 'yon?" " Wala ka dun atsaka, wala kang pakialam! You, you bastard ! Subukan mong halikan ako ulit mabubungal ka sa'kin!" Tumayo siya at iniwan ito sa loob ng kwarto. Sa labas na lamang siya magbibihis . Hanggang ngayon ay nakahawak pa rin siya sa mga labi niya. "Kate, stop thinking about that stupid kiss! " sigaw niya sa isip niya. Pambihira naman rin talaga. Nanakawan pa siya ng halik ng gagong lalakeng 'yun! Hindi siya takot sa labanan pero kanina habang palapit si Devon sa kan'ya ay tila nabibingi na siya sa malalakas na t***k ng kan'yang puso. Bigla siyang kinabahan dahil hindi niya mawari kung ano ang gagawin kapag nahawakan siya nito. She is strong but somehow kanina, bakita nanghina ang mga tuhod niya sa halik nito. Napailing siya ng paulit-ulit. That shouldn't happen again , never. Nasa sala na siya ngayon at nanonood ng tv. Hinayaan niya si Devon sa loob, baka natutulog na 'yun. Alas siete pa naman ang dinner time nila kasama ang magulang nito. Tiningnan niya ang kan'yang sarili habang suot niya ang bestida na binili ng tauhan ni Devon. Isang mini white dress iyon na hapit sa katawan niya. May ternong doll shoes pang kasama ang bestodang iyon. Ang galing pumili ng tauhan ni Devon parang sinukat rin lang talaga sa katawan niya. Sinusuklay niya ang mahabang buhok, may nakita siyang curler sa drawer ng room kaya pinakialaman na niya iyon at kinulot ang dulo ng buhok niya. kaunting lipstick at blush on lamang ang inilagay niya at dahil pagod na ang mga mata ay tinanggal na muna niya ang makapal at malaking salamin sa mga mata niya. Fake lang naman 'yun atsaka mga magulang lang naman ni Devon ang ka meet up nila. No need for disguise na muna this time. " Are you ready K---" Napatingin siya kay Devon na kalalabas lamang ng kwarto.Nakaayos na ito at biglang natigilan saglit habang pinagmamasdan siya mulo ulo hanggang paa. Iniwasan niya itong titigan upang ipahatid rito na naiinis pa rin siya sa ginawa nito. Tang*na, birhen siya pero hindi siya atat na makipaglandian lalo na sa taong panandilian lamang sa buhay niya. Still, nasa isip pa rin niya ang rason kung bakit sila nagsasama ni Devon sa iisang bubong. " Y-Yoo look great with that outfit." wika nito. " Maraming salamat,k-kung ready ka na rin then let's head to the restaurant now." wika niya. Napatingin siya sa hawak nitong cp. Sa kan'ya iyon na naiwan niya kanina sa kwarto. " Someone is calling you kanina pa, baka mas importante 'yan." Nakakunot ang noo ni Devon habang iniaabot sa kan'ya ang kan'yang cp. " Thanks, baka nga importante ito." sambit niya habang tinitingnan ang screen ng cp niya. Si Keylan ang tumawag. Ano ba ang problema ng lalakeng ito? Naka seven missed calls na ang p*ta kanina pa. Napansin niya ang pagbuntung hininga ni Devon sa sinabi niya. " May tumatawag rin sa 'yo!" aniya sa lalake nang marinig ang ringtone ng cp nito na nasa bulsa. "Hello? Oh, kanina lang tayo magkasama ah? Tungkol sa papers na pinirmahan ko? Well, lets talk about it tomorrow Leila okay? May family dinner pa kami." sambit nito at ibinaba na ang cp. " Let's go?" aniya sa lalake. " W-Wait---I just wanted to say sorry sa nagawa ko kanina. " She smiled." Huwag mo nang ulitin yun ha? Nalaman mo pa tuloy na virgin pa ako baka hindi ka makatulog---" " What did you say?" Gusto niyang humagalpak sa katatawa sa oras na 'yon. Hindi makapaniwala si Devon sa sinabi niya, of course she is just messing with him. " Wala, ang sabi ko that's fine next time na halikan mo'ko mag tooth brush ka!"biro niya rito. Nakita niyang nagexhale ito sa tapat ng sariling palad."Don't mess with me Kate, b-baka wala nang sorry sorry sa susunod!" Sinikuan niya ito at bahagya na naman itong napayuko sa sakit." Damn, ano ba ang kinakain mo bakit napakalakas mong sumiko at humampas?" " Secret! Hampas pa lang 'yun Devon pero muntik ka nang macomatose noh? Hayaan mo, next time na inisin mo pa'ko diretso ka na sa punerarya." Humagikhik na sambit niya sa lalake. Napapailing na lamang si Devon sa kan'ya." May pagkapilya ka pala, let's see some other time if you will still have time to joke around !" sambit na may kaunting banta sa tinig ng lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD