Chapter One-Assassin's Code

1526 Words
(STORY OF KATE GREEN OF BLACK ESTATE EMPIRE) " Congrats Devon! Best Wishes sa'yo Kate!" bati sa kan'ya ni Samara Bright sa mismong araw ng kasal niya sa kababatang si Devon Willis . Actually, it was just a forced marriage between them. Ulila na siya at inalagaan siya ng isang napakayamang negosyante sa Pilipinas at 'yun na nga , bilang bayad niya sa pag-aalaga ng mga ito sa kan'ya . Devon Willis came also from a prominent family na kasosyo ng second parent niya.Actually, hindi naman talaga sila totally stangers ng mga taong kumupkop sa kanya dahil ang asawang babae ni Douglas Gumera ay tiyahin niya , kapatid ng yumao niyang ina. " Well, thank you best! Saan na sina Cathlea, Hope, Ela at Tanya?" tanong niya sa mga ito. " Malelate lang raw sila. Alam mo na ako, hindi pwedeng ma-late lalo na sa reception!" nakangising wika ni Samara sa kan'ya. " Oo noh? Ikaw pa!" aniya rito. Nagpaalam saglit si Devon sa kan'ya na kakausapin na muna nito ang mga kaibigang matalik. Mga kaklase raw nito from college. " Hey, husband teka lang! Sama ako noh!" wika niya sabay habol sa asawa. Actually, man hater talaga siya since then dahil sa nangyari noon sa kapatid niya. But Devon, ito lamang ang tanging lalakeng naging ka close niya sa buhay at syempre, ito ang ultimate crush niya dahil bumabaha ang kagwapuhan nito.Simula pagkabata ay ito ang naging tagapagtanggol niya sa mga nambubully sa kan'ya pero noong nag highschool at college siya ay lumipat na siya sa US at sikreto nga siyang nag training sa BLACK ESTATE EMPIRE kasama ang mga kaibigan niyang sina Cathlea Valkyre, Tanya, Hope, Michaela at si Samara .Hindi alam ng lahat ay isa siyang magaling na assassins at isa siyang secret billionaress. Ang tanging alam ng pamilya niya ay isa lamang siyang miyembro ng security agency na pagmamay-ari ni Cathalea Valkyre Mondragon Johnson . Isa siya sa pinakamagaling na sniper sa organization nila including in close combat skills . Expert rin siya sa mga iba't ibang uri ng bombs , she can even detonate bombs under time pressure. Itong si Devon, hindi nito alam ang tunay na katauhan niya. Maybe , he thought that she's just a plain naive lady who loves shopping and make ups. Pero mas maigi na iyon, atleast he don,t have any idea who she is. Para kay Devon ay isa lamang siyang adopted na sumabit sa mga bilyonaryong family friend ng mga magulang nito. Actually, ngayon lamang sila ulit nagkita ni Devon. Just months before their wedding .Dati naman , noong high school pa lamang sila ay pala kaibigan ito pero ngayon? Pansin niyang parang may nagbago sa lalake. Syempre, masakit rin siguro ang loob nito sa pagpapakasal sa kan'ya. Well, hindi naman 'ata ito lugi sa kan'ya noh?Maganda naman siya, sexy at birhen. Napailing siya sa huling naisip niya. Susmaryosep, mawawasak na ba talaga ang puri niya? Pero, wala naman silang ugnayan ni Devon. Siya lang naman ang may lihim na crush rito noon pa dahil sa lalake lamang siya kumportable at pakiramdam niya dati ay secure siya kapag ito ang kasama niya. " Hi, well congrats bro!Ang ganda naman ng napangasawa mo oh!" nakangiting sambit ng lalakeng kaibigan ni Devon . Lima ang nakaupo sa mesang pinuntahan nila. Kumuha pa nga ng litrato ang mga ito na kasama silang mag-asawa.Pinakilala naman siya ni Devon sa mga college friends nito. Sina Gregory, Isiah, Mathew at ang dalawang babaeng kasama ng mga ito na sina Leila at Antartika.At siyempre, may assassins instinct siya na masama ang loob ng dalawang babae sa kan'ya lalo na ang Leila na nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa kan'ya. Pinagmamasdan pa siya nito from head to foot. Maganda naman ang dalawa, classy at socialite ang dating . Siya naman ay simple at pang boyish ang aura niya pero ang sabi nga mga kaibigan niya at kasamahan ay mestisahin ang beauty niya. So ibig sabig sabihin hindi naman dehado ang beauty niya sa dalawang friendship ni Devon na may issue yata sa kan'ya. Naku, kapag siya nainis ? Gawin niyang braid ang mga kilay ng mga ito. " Guys, si Kate Green ang asawa ko!" pagpapakilala sa kan'ya sa mga ito. Nakipagkamayan naman siya sa mga lalakeng friends ni Devon pero pagdating kay Leila ay hindi nito tinanggap ang palad niya. Inamoy niya ang mga kamay niya, mabango naman pero tila nandidiri ito sa kan'ya. Napangiti na lamang siya sa inasal nito. Parang may malalang sakit siya kung makaasta ang Leila na 'yon ah? Nagpaalam na muna siya sa kan'yang asawa . Hahayaan na muna niya itong kausapin ang mga kaibigan nitong mga mayayaman . nakita kasi niya ang kan'yang mga kaibigan na paparating at umupo sa mesang nireserve ni Samara. Natawa tuloy siya nang makita si Samara na nag secure na ng ulo ng letchon sa mesa ng mga ito. " Ay Bessy, best wishes sa'yo!" wika ng mga ito nang makita siya.Alam naman nito ang tunay na dahilan kung bakit siya nagpakasal kay Devon. Forced marriage or arranged marriage lamang ang tanging rason kung bakit sila naging mag-asawa. " In fairness bess, ang yummy ng husband mo. Naku, bibiyakin ka na niya mamayang gabi?" Tanong ni Cathlea sa kan'ya. " Sssssh kayo naman, ewan ko bess noh! Alam niyo parang galit siya sa akin! Parang ayaw talaga niyang maikasal sa beauty ko! Swerte na nga niya dahil dyosa ang asawa niya! He changed sa totoo lang, gusto ko nga siyang kausapin and asked him kung ano ba ang problema niya, eh pareho lang naman kaming biktima ng sitwasyon!" wika niya sa mga ito. " Well, hindi niyo masisisi ang isa't isa ! Basta ako , wala akong pinagsisishan nang kinuha ko itong ulo ng letson!" malakas na sambit ni Samara. " Nakakahiya ka talaga , Samara! Para kang patay gutom! Kung nandito ang mga kapatid mo, I'm sure itatakwil ka talaga ng mga 'yon!" wika ni Hope kay Samara. Natawa lang silang magkakaibigan sa inasal nito. " Oh Ela, ba'y kaunti lang ang kinuha mong foods? Bumalik ka , punuin mo 'yan ng beef steak, iuuwi ko!" utos nito kay Michaela. " Pinagtitinginan na tayo ng ibang tao oh! Pambihira ka talaga Sam, dinadamay mo talaga kami sa kalokohan mo.You see our outfits oh, nakadress tayo pero may ulo ng litson sa table natin!" sagot naman ni Ela sa kan'ya. " Hay naku, puro kayo maarte eh ang tatakaw n'yo rin naman! Sige na, ako na ang kukuha pero wala kayong share ha?" tumayo ito at kumuha ng bagong plato at pinuno iyon ng ulam . " Teka lang mga beshies ha, may pupuntahan lang ako!" pamamaalam niya sa mga kaibigan. Nakita kasi niya si Devon na naglakad patungo sa likuran sa may garden ng hotel. Base sa kinikilos nito ay natataranta ito. Hmmm, naisip niyang baka ihing ihi na ito.Pero pinuntahan pa rin niya ang asawa. Bahala nang masisilipan niya ang kamandag nito. Naalala niyang isa itong Willis. Amerikano ang tatay nito kaya naiimagine na niya kung anong klaseng ahas ang alaga nito. Mabuti na lamang ay nakapagpalit na siya ng maikling bestida kanina dahil kung hindi ay baka natisod na siya sa mga bato na nasa garden. Habang naglalakad ay natigilan siyang bigla nang marinig na may babaeng umiiyak. Magaling siya sa taguan kaya bago pa man siya makita ng dalawang taong nagyayakapan sa garden ay nakahanap na siya ng pagtataguan .Mabilis niyang kinuha ang kan'yang cellphone na nakatago sa loob ng kan'yang bra. Hindi niya dapat palampasin ang sandaling iyon, ang makakuha ng video sa dalawa. Umiiyak si Leila sa bisig ni Devon habang ang asawa niya ay panay himas sa buhok ng babae. " Shhhh alam mo naman na ikaw ang mahal ko, Lei 'di ba? You know our situation, this is just an arranged marriage kaya wala kang dapat na ipag-alala dahil wala naman akong pagtingin kay Kate. " wika ni Devon sa babae. " Sigurado ka? Paano kung pipikutin ka niya? May tiwala ako sa'yo Dev pero sa babaeng 'yon....wala. Ibang klase ang mga titig niya sa'yo, b-baka isang araw you'll just find yourself in love with her!" nagtatangis na wika ng babae. " Of course not. Hindi mangyayari 'yon Lei. Alam mo naman kung sino ang mahal ko 'di ba? Ikaw lang at wala nang iba!" Gusto sana niyang palakpakan ang dalawa dahil sa nasaksihan niya. Pero siyempre, masakit sa kanya dahil asawa na niya si Devon eh pero she still stand still and strong. That situation won't break her. Mahal ni Devon ang babaeng 'yon? Hindi na siya kukontra pa. Bilang isang assassins kasi ay tinuruan silang maging matatag at matapang. Immune in all aspects of pain . Physical, emotional and mental pain won't break her.Hindi nga niya naalalang umiyak siya eh, kailan nga ba ang huling beses na umiyak siya? Noong namatay ang mga magulang niya at ang bunsong kapatid niyang babae. Nang tingnan niyang muli sina Devon at Leila ay naghahalikan na ang mga ito. Putcha naman, siya ang dapat na maghohoneymoon eh. She off the video then slowly walk out from the garden na parang wala siyang nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD