K-5: Kamalasan

2004 Words
K-5 Naging mabilis lumipas ang panahon. Mabilis din akong nag-mature at nag-explore ng iba-ibang gawain. Like mag-bar hopping at papalit-palit ng boyfriend. Pero hindi ko naman nakakalimutan ang bilin ni Daddy sa akin na huwag munang mag-aasawa. At ang bilin ni Mommy na huwag kong ibibigay ang aking puri sa lalaking hindi ako sigurado kung siya ang makakatuluyan ko sa huli. I never forget that, i always keep it to my mind. Ni wala pang nakakahalik sa labi ko maliban kay Uncle Vince na hindi ko alam kung wala lang iyon sa kanya o sinadya niya. Ayoko lang magpahalik kahit kanino para walang itsitsismis ang mga naging boyfriend ko kapag naghiwalay kami. Rule ko rin kasi iyon sa sarili ko para naman kapag nahanap ko ang 'the right one' ko ay may maipagmamalaki pa rin ako sa kanya. "Oh, Charmel, nariyan sa labas si Sandro at mukhang hinihintay ka," wika sa akin ni Lena na may panunudyo sa kanyang boses. Si Lena ang tanging naging kaibigan ko na tumagal sa akin. Hindi kasi siya plastic at naiintindihan niya ang ugali ko na may pagkamaldita at may pagka-spoiled brat. Siguro dahil pareho kaming nag-iisang anak at parehong mayaman pa ang aming pamilya. "Hayaan mo siya, beshie. Aalisin din 'yan maya-maya," walang pakialam na sabi ko. Ni hindi ko man lang nilingon si Sandro na parang Marites sa kanto kung makasilip sa akin dito sa loob ng classroom. "Kawawa naman, Charmel. Tapatin mo na kasi na wala siyang aasahan sa iyo para hindi laging nakabuntot sa 'yo," payo naman ni Lena na nakatingin sa labas at nakalabi. "I already told that to him. Makapal lang talaga ang mukha niya dahil feeling niya siya lang ang tumagal sa akin. Kaya ayan umaasa na babalikan ko siya," walang gana na sabi ko. Tinuloy ko ang pagsusulat sa notebook ko at nakinig sa lecture ng professor namin. Mahirap na kapag nagpa-quiz siya ay wala akong makuha . Si Sandro lang kasi ang naging ex-boyfriend ko na umabot ng tatlong buwan ang relasyon namin. Ang iba kung hindi one week, two weeks lang ang tinatagal. Siguro dahil mabait si Sandro at gentlema pa kaya nagtagal ang relasyon namin. But I got bored of him, wala na siyang ginawa kundi ang dalhin ako sa sinehan, sa park at kung ano-ano pa na cheap at korni ang dating sa akin. "Prangkahin mo na kasi para tumigil na siya. Hindi ka niyan titigilan hangga't 'di mo kinakausap," hirit pa muli ni Lena na ewan ko ba kung bakit masyadong affected sa nararamdaman ni Sandro. Siguro may gusto siya rito, naisip ko lang. "Nah. Wala kaming dapat pag-usapan dahil matagal ng tapos sa amin ang lahat. At saka pahinga muna ako sa pakikipag-boyfriend no. Nagagalit na si Daddy dahil kung sino-sino na lang kasi tumatawag sa bahay." Mainit pa naman lagi ang ulo ni Daddy ngayon dahil sa kumpanya namin na nalulugi na yata. Ito ang alam ko dahil hindi naman ako nagtatanong. Ayoko rin kasing makialam dahil wala rin naman akong maitutulong sa kanila. "Kung bakit kasi sobrang ganda mo, ayan tuloy hinahabol-habol ka." "Tse! Nambola ka na naman. Mas maganda ka kaya sa akin." "Ops! That's not true! Ikaw talaga itong sobrang ganda." "Tama na nga, baka may makarinig sa atin ay sabihin pang puring-puri natin mga sarili natin." "Hayaan mo sila. Nagsasabi lang naman tayo ng totoo," sabay tawa ni Lena. Mabuti at busy si Prof sa pagtuturo sa harap kaya 'di niya kami mapapansin na nagtsitsimisan dito sa likuran. Tago rin kasi ang pwesto namin ni Lena kaya kampante kami na hindi mahuhuli. "Maiba ako, Charmel," ani Lena nang matapos siya sa pagsusulat sa kanyang notebook. Nauna na kasi akong natapos at tinitingnan ko na lang ang kuko kong inaalisan ko ng lumang nail polish. "Oh, bakit?" "Nasaan ang Porsche mo? Bakit ilang araw ko ng hindi ko nakikita na gamit mo?" I sighed at inalis ang atensyon ko sa mga kuko ko. Isa ito sa problema ko. Regalo kasi iyon ni Mommy sa akin nang eighteenth birthday ko. Binenta ni Daddy ang sasakyan ko dahil nagkaroon daw ng problema sa kumpanya namin. Pati ang ibang sasakyan namin na mamahalin ay binenta rin niya. Inaway nga ni Mommy si Daddy dahil may sentimental value ang sasakyan. Pero napilitan din siyang sundin si Daddy dahil marami ng pumupuntang tao sa bahay namin at sinisingil ang Daddy ko. Gusto kong magtanong kung anong problema ang kinakaharap ng kumpanya namin ngunit hindi naman masabi ni Daddy sa akin. Maging si Mommy ay tikom din ang bibig. Minsan nga narinig ko silang nagtatalo. Pinapabayaan ko lang dahil normal lang naman iyon sa mag-asawa. But this week napapadalas ang away nila at hindi na ako natutuwa. Narinig ko rin na sinanla ni Daddy ang malawak na hacienda ni Mommy na nasa Davao kaya mas lalong nag-init ang pagtatalo nila. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero alam ko may parating na mas malaking unos sa pamilya namin. "N-Nasa bahay, hindi muna pinagamit sa akin ni Daddy," pagsisinungaling ko. Pero ang totoo, wala talaga sa bahay ang sasakyan ko dahil nasa ibang may-ari na ang regalong iyon ni Mommy sa akin. Umaasa pa naman ako na mapapalitan din agad ni Daddy iyon dahil ito ang pangako niya sa akin. But I guess hindi na siguro. Umuwi ako sa bahay pagkatapos ng klase ko sa hapon. Wala akong dinatnan na tao sa sala at alam kong nasa labas na naman si Daddy at naglalasing. Si Mommy naman ay hinulaan ko lang na nasa kwarto niya at natutulog. Kung 'di siya natutulog ay malamang umiiyak na naman siya. Gusto ko man damayan siya at aluin ngunit siya na ang nagsabi na huwag ko itong gawin. Aniya, mas magandang hindi ko siya nakikitang ganito para hindi rin ako ma-depress sa mga nangyayari sa amin ngayon. But I am also depress, ang makita silang nag-aaway lagi at walang maisip na solusyon sa problemang ito ay napakabigat talaga. Alam kong 'di sanay si Mommy sa ganito karaming problema. Mas ako dahil hindi ko pa naranasang maghirap kami. Ngayon lang at hindi ko alam kung hanggang kailan. Si Daddy nga hindi ko na kilala dahil hindi ko na siya nakakausap ng matino. Maging ang paglalambing niya sa akin ay hindi ko na maramdaman. Hindi na niya ako tinatawag na princess at ni hindi man lang ako kumustahin o kausapin. Naging malala pa ang naging pag-aaway nina Daddy at Mommy kalaunan. Naibenta lahat ng sasakyan namin at ang ibang minanang lupa ni Mommy sa mga namayapa niyang mga magulang. Pati ako ay apektado sa pag-aaway nila dahil napag-initan din ako ni Daddy dahil minsan ay nagreklamo ako sa ulam. Pati sa aircon sa kwarto ko na inalis ay nagreklamo rin ako. "Magmula ngayon, matuto kang magtipid Charmel. Hindi na tayo mayaman at iyan ang ilagay mo sa utak mo! Matuto kang magtipid, huwag mong ireklamo sa akin 'yang kaartehan mo!" Kaya naman sinanay ko ang sarili ko na maging simple kahit naiiyak ako minsan dahil sa kinasanayan kong buhay. "Dad, tama na po. Huwag na po kayong mag-away ni Mommy!" Minsan ay nakialam na ako sa away ng mga magulang ko. 'Di ko na matiis ang sagutan nila dahil parang sinisisi nila sa isa't isa ang kamalasan na nararanasan namin ngayon. Parang hindi na nila mahal ang isa't isa. Parang pera na lang importante sa ngayon. "Mom! Please hayaan na po ninyo si Daddy, mainit lang po ulo niya." Pero walang nakinig sa akin hanggang sa masaktan ni Daddy si Mommy dahil may binanggit ito na 'di nagustuhan ni Daddy. Umiiyak na niyakap ko si Mommy habang masama ang tingin ko kay Daddy. "Sa tingin mo ginusto ko 'to Carmella? Ayokong makipagkasundo sa lalaking iyon pero mukhang pinahihirapan niya tayo ng sobra dahil umayaw ako! This is all your fault! Kung pumayag ka lang sana sa gusto niya eh 'di wala sanang problema ngayon!" "D-Don't you dare tell that to me, Gabriel! Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para pumayag sa kabaliwan ng pinsan mo! Ang daming babae pero bakit si—-" "Mommy—-" "Stay away from this, Charmel. Pumunta ka sa kwarto mo at magkulong muna," ani Mommy nang mapansing nasa gitna pa nila akong dalawa at pinipigilan silang magkasakitan. "Pero, Mom—" "I said you go to your room. Now!" Umiiyak na umakyat ako sa taas pero hindi ako pumasok sa kwarto ko. Pinakinggan ko lang ang pag-aaway nila. Hindi ko alam kung sino ang taong tinutukoy nila at pinag-aawayan. Pero alam kong malaki ang epekto ng taong iyon sa mga nangyayari sa amin. Hanggang sa dumating ang point na mas naging mahirap na kami kaysa sa daga. Lahat ng ari-arian namin ay nawala. Lahat ng gamit sa bahay ay binenta para pambayad sa patung-patong na utang. Halos 'di ko na makausap ng matino ang mga magulang ko dahil laging lasing si Daddy at tulala naman si Mommy. Hindi na nga nila ako naaasikaso at maging ang pag-aaral ko ay napabayaan ko na din. Sabagay, ano pang saysay ng pag-aaral ko kung ganito naman ang nakikita ko sa magulang ko. Panay iyak na lang ang ginagawa ko sa isang sulok lalo na at wala na kaming makain na matino. Said na said na kami. Tanging ang bahay na lang namin ang natitira sa amin. Hanggang isang araw ay may dumating na maraming pulis sa bahay namin kasama ang mga taong pinagkakautangan ni Daddy. Sa sobrang kahihiyan na nadarama ng ama ko ay inatake ang Daddy ko sa puso. Tinakbo ko pa siya sa ospital pero dead on arrival siya ng makarating ng ospital. Mas nadagdagan ang problema ng pamilya namin dahil sa pagkamatay ni Daddy. Mas dumami ang mga taong naniningil sa bahay at hindi ko na alam kung paano ko sila kakausapin dahil lahat sila galit. Sa burol ni Daddy ay walang gustong tumulong dahil ayaw nilang madawit sa kamalasan ng pamilya namin. Wala akong magawa kundi maging matatag. Ginagawa ko 'to para sa Mommy ko na malapit na rin yatang mawala sa katinuan. Mag-isa kong nilamayan si Daddy. Mag-isa ko rin siyang nilibing. Tanging ang funeraria ang naging karamay ko sa mga sandaling iyon. Mabuti na lang at may naitabi akong pera at iyon ang ginamit ko sa pagpapalibing kay Daddy. Akala ko wala ng sasakit pa sa pagkawala ni Daddy sa amin. Ngunit isang araw ay nagulat na lang ako ng pagbukas ko ng kwarto ni Mommy ay wala na rin siyang buhay. Kinitil niya ang sariling buhay dahil siguro sa matinding kahihiyan at laki ng utang na naiwan ni Daddy sa amin. Wala man lang nakiramay sa akin ng iburol ko si Mommy. Wala man lang nangahas na lumapit sa amin na mga kamag-anak namin dahil hindi ko rin alam kung sino ang kokontakin ko. Mayroong pumunta pero 'yon ay si Lena na naglakas-loob na samahan ako kahit galit na galit sa kanya ang mga magulang niya. Nilibing ko rin na mag-isa si Mommy. Sobra ang paghihinagpis ko ngunit wala akong magagawa kundi ang magpakatatag. Wala akong karamay kundi ang sarili ko kaya dapat akong maging malakas. Umuwi ako sa bahay namin na siyang tanging natira sa akin dahil nakapangalan sa akin ito. Hindi nila magalaw dahil hindi rin ako pumayag na ipambayad ito ng utang. Hindi rin naman kasi ito makakabawas sa utang kaya nanatili ito sa amin. 'Yon nga lang, walang laman ang bahay na ito at puro haligi na lang ang makikita ko dahil hubad na ito sa kasangkapan. Nabuhay ako ng isang buwan na puro noodles at kung anu-ano na lang ang kinakain ko. Hanggang sa isang araw ay nagpasya na rin akong kitlin na rin ang buhay ko. Wala na rin kwenta na mabuhay rito sa mundo dahil wala na ang dalawang taong pinakaimportante sa buhay ko. Kinuha ko ang kutsilyo at pumasok sa kwarto ko. Itatarak ko na sana 'to sa puso ko nang dumating ang taong hindi ko inaasahang pupunta rito. Dumating si Uncle Vince at niligtas ako sa kamatayan. "f**k! Charmel! Don't f*****g do that!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD