ELIEZEL'S POV
"Good morning everybody. Welcome to all freshmen and welcome back to the others. Another school year for us here. Welcome to Enrhia Academy." Iyan ang bungad ng lalaking nasa gitna ng arena. "I am Mr. Rix, ang makakasama nyo dito sa identification exam nyo. Kung saan kailangang ipakita ang iyong kakayahan para malaman ang level ng inyong kapangyarihan o ang tinatawag nating auxilium. Kasabay noon ang paglabas ng inyong mga identification card."
Aish! Maiinip lang ako dito.
"Okay. Umpisahan na natin." sabi nito. "Oras na matawag ang inyong pangalan ay marapat lamang na agad kayong magpunta dito."
Bumuntong hininga ako pagkuwa'y humikab. Inaantok na ako.
"Albert Romero." Isang lalaki na hindi katangkaran ang umakyat sa arena at kung titingnan ko ito ay masasabi kong baguhan palang ito sa paaralang ito.
"Kakailanganin mo ba ng shield?" tanong ni Rix na inilingan ng lalaki pagkuwa'y agad syang bumaba.
Ilang beses na huminga ng malalim ang lalaking naiwan sa arena at ilang sandali pa ay unti-unting itong nag-transform at naging isang tigre.
I was actually amaze on what he show dahil siguradong magagamit nya iyon in his future. Pero medyo dismayado din ako dahil halos tatlong segundo lang nya napanatili ang epekto ng transformation nya.
"He still needs to train hard." bulong ko.
"Level 5. Not bad for a beginner.." sabi ni Rix. Then nagtawag na syang muli ng susunod at hindi ko na pinansin. Mukha naman kasing puro beginner palang ang mga mauuna.
"Excuse me."
Walang emosyon akong bumaling sa babaeng nasa tabi ko.
"Ako nga pala si Caleigh Rain Locksoun. Caelum handler or air power users. Ikaw?" nakangiti nyang sabi.
Pinakiramdaman ko muna kung mabuti ba syang nilalang. Well, iyon ang nagiging basehan ko kung kakausapin ko ba ang isang nilalang o hindi. And fortunately, mabuti naman sya. Wala akong nararamdamang kahit na konting kasamaan sa kanya.
"Eliezel Klein Alerhia, shadow manipulator." simpleng sabi ko.
Lalong lumapad ang ngiti sya. "Ang cute naman ng pangalan mo. Pwedeng Klein nalang itatawag ko sayo?" aniya.
I just nod. Tinatamad akong magsalita.
Nagtatalon pa sa tuwa na lihim kong ikinangiwi. Akala ko kanina ay tahimik ang babaeng ito. Saksakan pala ng ingay. "Yehey. Friends na tayo huh."
Natigilan ako.
Friend? Never pa akong nagkaroon noon dahil nga sa ayaw ko. Inilalayo ko ang sarili ko sa iba dahil hindi ko sila katulad. Eh ngayon bang katulad ko na ang babaeng ito, pwede ko na syang maging kaibigan?
"Hoy, Klein! Bakit hindi ka sumagot?" taka nyang tanong.
Wala namang masama 'di ba? Pareho naman kaming hindi ordinaryong tao at kung sakaling traydorin ako nito, sigurado naman akong kaya ko syang sunugin.
Huminga muna ako ng malalim tsaka diretsong tumingin sa kanya. "Okay. No problem." sabi ko.
Lalo syang nagtatalon sa tuwa. "Yehey! My girl na friend na din ako."
"Huwag kang masyadong malikot, Ulan." saway ko sa kanya.
Napatigil naman sya at naupo na. "Ulan?"
"Hindi ba, Caleigh Rain ang pangalan mo?" Tumango sya. "Kaya iyong tagalog ng second name mo ang itatawag ko sayo. Giving nicknames is part of friendship, right?" Nabasa ko iyon sa isang libro eh.
Napangiwi sya. "Klein naman eh.. Ang panget." Parang bata kung magreklamo eh..
"Okay lang yan. Huwag ka nang magreklamo." walang ganang sabi ko.
"Ei! Leigh nalang itawag mo sa akin." Aba't ang demanding ang bruha.
"Rain.."
"Ayaw." Umiling-iling pa sya.
"Kung ayaw mo, lumayo ka sa akin."
"Sige na nga. Rain na itawag mo sa akin." Sa wakas, tumigil din. Ang daming gusto eh.
"Okay. Manahimik ka na dyan at nanonood ako."
Tumango sya pero wala pang ilang segundo ay muli na naman syang nagsalita. "Teka. Freshman ka din ba?" tanong nya.
Tumango ako at ibinalik na ang tingin sa nagaganap sa arena.
"Pareho pala tayo." she said. "Sana ay maging magkaklase tayo."
"Bakit nila pinapatamaan ang batong iyon?" May malaking bago ang nakapwesto sa pinaka-gitna ng arena at pinatatamaan iyon ng mga mayroon offensive type powers sa loob ng ilang minuto pagkatapos ay doon na lalabas ang identification card nila.
"Wala bang ganyan sa dati mong school?"
Umiling ako. Hindi ko alam kung tama bang sabihin na hindi ako sa mundong ito lumaki at ngayon pa lamang ako nakarating dito.
"Ang batong iyan ang pinagbabasehan para sa mga handler ng offensive type power. Ang bawat damage na magagawa sa bato ay ang magiging basehan ng level, class at allowance nila. At kapag nasira mo ang batong yan, ikaw ang bibigyan ng pinakamataas na allowance ng school at mapupunta ka na panigurado sa Class Z kung saan naroon ang mga katulad naming element power user o iyong tinawag na Quae Tracto at related powers." paliwanag nya.
"May nakasira na ba nyan noon?"
"Sa pagkakaalam ko ay wala pa mula nang buksan ang paaralang ito. Masyado daw kasing malakas ang batong iyan. Maliban pa doon ay napapalibutan din ito ng malakas na enerhiya na nagsisilbing barrier nito kaya hindi ito basta nasisira ng mahihinang atake." sabi pa nya.
"Magkano ba ang basic allowance dito?"
"One thousands era per month." Nabasa ko sa papel na kasama ng mapang ibinigay sa akin ni Rouise na ang isang era sa mundong ito ay katumbas lang din isang daang piso sa kinalakihan kong lugar. At hindi nagkakalayo doon ang mga bilihin dito." sabi nya.
Tumangu-tango lang ako.
"Last year, sinubukan kong mag-advance class at isa iyan sa naging test ko pero nagasgasan ko lang kaya hindi din ako pinayagang makatungtong agad dito." dagdag nya.
Kung ganoon ay hindi naman siguro masama kung pakikitaan ko sila ng isang nakakabilib na stunt.
"Caleigh Locksoun." tawag kay Caleigh.
Agad lumipad pababa ng arena si Caleigh pagkuwa'y nag-bow sa lahat.
"I'm sure you can beat the last level you had when you attempt on our advance class last year." Agad na ding bumaba ng arena si Rix.
Mukhang malakas din talaga ang maingay na babaeng ito.
Nalagyan ng barrier ang buong arena. Si Caleigh at ang malaking bato lang ang nasa loob. Ilang sandali pa ay nagpalabas sya ng dalawang malaking tornado with air blade at pinatama nya sa bato.
At doon ko napatunayan na malakas nga ang depensang nakapalibot sa batong iyon dahil nagkakaroon lang iyong paunti-unting gasgas.
Nwala ang tornado at napalitan naman ng mas malakas na hangin na nagpaangat sa bato. Ibinagsak nya iyonpero gasgas lang din ang natamo nito. Then, isang air eagle ang lumabas na syang pinuntirya din ang bato hanggang sa natapos ang oras ni Caleigh.
Nakatingin ang lahat sa screen na nasa itaas ng arena at inaabangan ang magiging hatol sa ipinakita nya.
"Congratulation, Ms. Locksoun. You are the first student who got level 30." Yeah, she manages to get level 30. Pero mahina pa iyon dahil ang max level ng auxilium natin ay umaabot hanggang level 99.
Sandaling nagpasalamat si Caleigh pagkuwa'y muling lumipad pabalik sa pwesto ko.
"That was great." sabi ko sa kanya.
"Thanks." Naupo syang muli sa tabi ko habang habol ang hininga. " Kaso nanghina ako doon. Mahirap pang kontrolin ang air eagle ko." Oh, that must be the reason why she only got that level.
"Shaun Almendran."
Napalingon ako sa arena at nakita ko iyong lalaking sumalo sa akin nang mabangga ako kanina.
"Aish! Si Linus na pala iyan." ani Caleigh.
"Kilala mo?" tanong ko at ibinalik ang tingin sa kanya.
Tumango sya. "Orbis Terra handler or earth power user iyan. Kilala bilang dakilang playboy sa previous school namin." Bakas ang inis sa boses nya. "Kasama ko din syang nag-try na mag-advance class and just like me, he failed the exam."
"Anong level?"
"Level 23 sya noong last examination namin." sabi nya.
Tumangu-tango ako at muli nang tumingin sa arena. "Bago na uli iyong bato?" gulat kong sabi ng makita ang bato sa arena na ngayon ay wala nang kahit anong gasgas.
"Oo." aniya. "Kada tapos ng isang estudyante, pinapalitan agad nila yan para fair ang magiging labanan."
Oh. Mas magiging fair nga naman at masusukat ang kakayahan ng isang estudyante sa ganoong paraan.
Nagsimula na ding atakihin ni Shaun ng mga malalaking bato ang target nya. Mas maraming gasgas agad dahil na rin siguro sa bilis nyang magpalabas ng auxilium. Tapos, naglabas sya ng leon na gawa sa bato at inaatake din ang target. Then, sa kanang braso nya, pinalibutan nya ng malalaking bato at pinagsusuntok din ang target hanggang sa matapos ang oras.
That combination is amazing. stone lion with stone arm. Kaya hindi na ako nagtaka nang higitan nito ang level ni Caleigh at makakuha ito ng level 33.
"Geez! Hindi ko talaga sya matalo! Nakakainis!" inis na sabi ni Caleigh. Hindi na ako nagtaka nang malamang hindi nya kasundo ang lalaking iyon. Hindi naman kasi talaga pwedeng magsama ang earth and air. Kahinaan kasi ng iyon ng isa't-isa.
"Nathaniel Zeo."
Umakyat sa arena iyong mayabang na lalaking nabangga ko kanina.
"Huh? Akala ko magpapahuli ang lalaking iyan?" takang sabi ni Caleigh.
"Kilala mo din?" tanong ko.
"Nathaniel Keith Zeo, Lacus handler or water power user. Sya ang pinakamalakas sa mga estudyante sa pinapasukan namin noon. Sya din ang pinakahabulin ng mga babae dahil nakikita mo naman sigurong gwapo sya, right?" sabi nya. "Pero snob din iyan at bihirang makipag-usap sa kahit sino. Kasama din namin sya noon na mag-a-advance class pero failed din sya."
"Mayabang." dagdag ko sa pagde-describe nya sa lalaking iyon na agad naman nyang tinanguan.
"Well, may maipagyayabang naman kasi at short tempered."
Nagsimula na ding maglabas ng auxilium nya iyong lalaki. Sabay-sabay nitong inilabas ang big waves na may water shark at water mermaid. Then may hawak na syang water sword na mukha ngang matulis. Tsaka nila sinugod ang bato hanggang matapos ang oras.
Ngumisi ito nang ipakita sa screen ang level nya which is 37. Pinakamataas na level sa buong school, according to Rix.
May ipagyayabang nga! Pero mayabang pa din talaga! Tsk!
"Eliezel Alerhia."
Tumayo ako at nag-inat. Ngayon ko masusubukan ang kapangyarihan ko nang hindi nagho-hold back.
"Good luck, Klein.." masayang sabi ni Caleigh.
Ngumiti lang ako pagkuwa'y tumakbo pababa at noong nasa huling baitang na ako, tinalon ko ang mataas na grills na nakaharang at maayos naman akong nakapaglanding sa gitna ng arena.
"Nice stunt, young lady." ani Rix. "Related ba sa air element ang auxilium mo?" tanong ni Rix sa akin.
Umiling ako.
"Pwede ko na bang malaman kung ano ang auxilium mo?"
"Shadow manipulator." malamig kong sabi habang nakatingin sa batong syang target ko. Tinatantsa ko na kasi kung paano ko ba ito wawasakin.
"Kakailanganin mo ba ng barrier?"
Tumango ako.
Agad na bumaba ng arena si Rix kasunod noon ay napalibutan ng barrier ang buong arena.
Huminga ako ng malalim pagkuwa'y inilagay ang mga kamay ko sa bulsa ng vest na suot ko tsaka pumikit.
Kailangan kong mas mag-concentrate para maitago muna ang auxilium ko dahil alam kong maraming mangyayari kapag nalaman agad ng marami ang totoo kong auxilium.
Maliban sa kakayahan kong malaman ang kabutihan at kasamaan ng isang tao, isa din akong empath. I can determine kung anong nararamdaman ng isang tao. I'm also a shadow manipulator tulad ng sinasabi ko sa kanila and I have an ability to keep invisible my own power. At iyon ang ginagawa ko ngayon.
Pagdilat ng mga mata ko ay isang malakas na pagsabog ang nangyari sa loob ng arena. At nabalot ng makapal na usok ang paligid ko kaya hindi ko din makita kung nagawa ko bang wasakin ang batong iyon.
At unti-unti nalang akong napangisi nang mawala ang usok at bumungad sa akin ang kinalabasan ng ginawa ko.
Napanganga namanang lahat sa nasaksihan. Kahit si Rix ay hindi din makapaniwala sa nangyari. At nang mapatingin kami sa screen ay lalo akong napangisi.
"Le-level 50." hindi makapaniwalang sabi ni Rix. "Are you sure, you're an shadow manipulator?"
Pinagalaw ko ang sarili kong anino papunta sa kinatatayuan nya at idinikit sa anino nya.
At hindi nya magawang makakilos nang akma syang lalapit sa akin. Bakas pa ang matinding pagtataka sa mga mata kaya itinuro ko ang anino naming magkadikit.
"Will this be enough proof?" tanong ko.
"Paano mo napasabog ang batong iyon?" taka nyang sabi.
"Wala ka namang nabanggit na hindi maaaring itago ang auxilium ko sa inyo since your system can still detect my power kaya huwag mo nalang alamin." Pinakawalan ko ang anino nya tsaka ako naglakad papunta sa kuhanan ng identification card pagkuwa'y bumalik ako kay Caleigh.
"Klein, paano mo nagawa iyon? Akala ko ba ay shadow manipulator ka? Bakit ang lakas mo?" sunod-sunod nyang tanong.
"Gusto mong malaman kung ano pang power ko?" tanong ko.
She nodded.
"I am the.......
[Auxilium Handler - tawag sa mga Enrhian na nagtataglay ng iba't-ibang klaseng kapangyarihan.]