*Enrhia 3: Quae Tracto*

1943 Words
CALEIGH'S POV (Caelum Handler)   Oh my gosh!   From her aura, alam kong malakas na talaga si Klein but I didn't expect na ganito sya kagaling.   Sinabi nyang isa syang shadow manipulator pero sa ipinakita nya sa arena ay masasabi kong hindi lang iyon ang auxilium g mayroon sya.   At ngayon nga ay sasabihin na nya kung ano pa ang auxilium nya.   "I am the...... . . . . . . . . . . . . secret. Walang clue."   Napasimangot ako sa tinuran nyang iyon. "Ang daya mo naman eh. Ano nga iyon?" pangungulit ko sa kanya.   "Tsaka ko na sasabihin sayo." nakangiti nyang sabi.   At mukhang desidido syang huwag munang ipaalam kaya hindi ko na sya pinilit pa. Ayoko namang makulitan sya sa akin at baka bawiin pa ang pagiging magkaibigan namin gayong kakakilala lang namin kanina.   By the way, I'm Caleigh Rain Locksoun, 17 years old and the Caelum handler or air power user at member ng Quae Tracto.   Matapos ang identification exam ay ipinaliwanag pa ni Rix ang ilang rules and regulations na mayroon ang school. Ipinakilala din nya ang ilan sa mga namamahala dito at matapos noon ay pinalabas na kami sa stadium.   "Klein, saan ang dorm mo?" tanong ko.   "Eh? Wait lang." May kinuha syang papel na nasa bulsa nya. "Element Heaven."   Nanlaki ang mata ko ng marinig iyon. hinawakan ko pa sya sa dalawang balikat. "Sa Element Heaven ka talaga?"   Tumango naman sya. "Ito ang nakasulat eh. Tingnan mo." Iniabot pa nya ang papel sa akin.   Agad ko iyong kinuha at tiningnan.   "Eliezel Klein AleRhia Element Heaven Dormitory Class Z"   "Oh, 'di ba?"   Tinitigan ko sya. "Magsabi ka ng totoo. Hindi ka talaga shadow manipulator, noh?"   "Shadow manipulator nga ako pero special ability ko lang iyon. Ang main power ko ay hindi ko pa pwedeng sabihin pero mukhang alam mo na kung ano iyon." Hinawakan nya ang kamay ko. "Tara na. Alam kong doon din ang dorm mo." sabi nya sabay hila sa akin.   Kung pagbabasehan ko ang sinabi nya, then posibleng iyon talaga ang main power nya.   Aish!    Bahala nga sya kung ayaw nyang sabihin.   •••••••••••   Nang marating ang dorm namin, nandoon na sina Nathaniel at Shawn na pareho ding dito sa Elements Heaven tutuloy.   "Bakit kasama mo ang babaeng iyan dito?" tanong ni Keith.   "Dito ang dorm nya. Pinakita nya ang registration form nya." sabi ko.   "Eh? Hindi naman sya kabilang sa Quae Tracto, 'di ba?" singit ni Linus.   "Aba, malay namin. Basta dito sya pinadala." inis na sabi ko tsaka ako maglakad papasok ng dorm.   Actually, ang dorm na ito ay para lang sa mga element user na tulad namin. Kaya nga may hinala na ako sa tunay na auxilium ni Klein. Nagtataka lang ako sa kulay ng buhok nya at mata dahil hindi iyon tugma sa kung ano ang auxilium nya. Parehong black kasi eh.   Kung tatanungin nyo itsura ng dorm? Mansion na ang motif ay red, blue, green at brown. Apat lang kami dito maliban sa mga maid and butlers.   Syempre, special treatment para sa amin kaya iyong dalawang lalaki, lumalaki agad ang ulo.   "Klein, nandoon na sa itaas ang kwarto mo. Nandoon na din yata gamit mo. And by the way, pakisara ang bibig mo dahil baka pasukan ng langaw." biro ko pa.   Agad nyang isinara ang bibig at binigyan ako ng masamang tingin.   May klase pa kami mamaya kaya naman maliligo muna ako. Pinagpawisan din ako sa naging identification exam na ginawa sa stadium.   "Ulan, ayaw mong malaman auxilium ko?" narinig kong sabi ni Klein.   "Hindi na. Niloloko mo lang ako eh." Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa kanya.   "Lingon ka dito." sabi nya.   Nilingon ko naman sya at nakita ko ang auxilium nya. Maliit lang iyon at mabilis pero sapat para makita ko. Hindi din iyon napansin nung dalawang ugok na nasa likod nya.   "Eh bakit ganyan itsura mo?" tanong ko pa.   "Ipinakita ko na nga, magtatanong ka pa." Inunahan naman nya ako sa paglalakad paakyat.   Waaahhh! Ang daya nya.   "Klein..." sigaw ko at hinabol ko sya papunta sa kwarto nya.   Kaso, hindi ko na inabutan dahil nakapasok na sya sa kwarto nya.   "Hoy! Hindi iyan ang kwarto mo!" sigaw ko.   "Asa!" tanging sabi nya.   Psh. Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa kwarto ko na katapat lang ng kanya.   Green ang motif ng buong kwarto ko. Sa pagkakaalam ko, dapat blue ang akin pero ewan ko sa author nito kung bakit green.   Hayaan na nga! Cute naman ang green eh. Tsaka bagay sa akin.   Naligo na ako dahil mamaya tatawagin na kami para kumain.   Kalalabas ko lang ng banyo ng may mambulabog sa pintuan ko.   Sino naman kaya ang sira ulong iyon.   Binuksan ko pintuan at ang dalawang ugok ang naabutan ko.   "Problema nyong dalawa?" Tinaasan ko pa sila ng kilay at nakapamaywang din ako.   "Tungkol doon sa isang babae." nahihiya pang sabi ni Linus.   "Oh? Anong problema kay Klein?"   "Siya ba ang isa pang element user?" tanong ni Keith.   Umiling lang ako. "Shadow manipulator sya." walang ganang sabi ko tsaka pumasok sa loob ng kwarto ko.   Sumunod naman sila at naupo sa sofa ko.   "Paanong dito sya pinatira? Alam mo naman na puro elements user lang ang pinadadala nila dito." takang sabi ni Linus.   "I don't know."   "Ipinakita nya ang power nya sayo kanina. Alam kong sya na nga iyon." ani Keith.   "Keith, what's the color of her hair and eyes?" I asked.   "Black." sagot nilang dalawa.   "Exactly. Ang mga Quae Tracto na tulad natin ay iba ang kulay ng mata at buhok kaya imposibleng siya ang isa pang element user. Baka may dahilan lang ang school kaya dito sya pinadala." paliwanag ko.   "I'm not satisfied." ani Linus.   "Bahala kayo kung anong gusto nyong isipin." inis kong sabi. "Sinasabi ko lang, maging mabait kayo sa kanya."   "Young masters. Young lady, nakahanda na ang lunch nyo." sabi ng isang maid na nasa labas   "Susunod na kami." sigaw ko at bumaling sa dalawa. "Maging mabait kayo sa kanya, huh. At ikaw naman, Linus, huwag mong idadamay sa kalokohan mo si Klein." banta ko.   Lumabas na kami sa kwarto ko at saktong kalalabas lang din ni Klein sa kwarto nya.   "Klein." masaya kong sabi sabay kapit sa braso nya.   "Ang ingay mo talagang babae ka." naiiling nyang sabi.   "Hayaan mo na. Ngayon lang ako nagkaroon ng kasamang babae dito maliban sa mga maid eh." sabi ko naman. "Siya nga pala, sila sina Nathaniel Keith Zeo, lacus handler or water power user at si Shawn Linus Almendran, orbis terrae handler or earth power user. Magiging classmate mo din sila."   "Hello." sabi ni Klein pero hindi tumingin sa dalawa.   "Siya naman si Eliezel Klein Alerhia, shadow manipulator." dagdag ko pa.   "And an empath." dagdag ni Keith.   Napalingon kami sa kanya.   "How did you know that?" takang tanong ni Klein.   "Naramdaman ko lang." walang ganang sabi ni Keith.   "Yeah, I'm an Empath." ani Klein.   Tsaka kami nakarating ng dining hall.   Syempre, ako ang unang kumuha ng pagkain dahil nagutom ako sa examination kanina.   Iyong dalawang lalaki naman tinitingnan lang si Klein na tinitingnan lahat ng nakahain. Uso naman kasi lady's first sa kanilang dalawa. Hangga't hindi pa nakakakuha ng pagkain ang babae sa harap nila, hindi pa din sila kukuha.   Dito lang sila ganyan dahil iba ugali nila sa academy.   Kumakain na ako ng mapansin kong parang may hinahanap syang pagkain.   "Klein, ayaw mo ba ng pagkain?" tanong ko.   Umiling sya. "I just want sweets."   "Sweet for lunch?" kunot noong tanong ni Keith.   "Yup." Tumangu-tango pa sya. "Isa pa, hindi ko kasi kilala ang ganyang klaseng pagkain." sabi nya.   Sumenyas si Linus sa maid para lumapit then. "Pakidala nalang ng kahit anong sweet foods para sa kanya."   Tumango ang maid at umalis na.   Nagsimula na ding kumuha ng pagkain ang dalawa.   "So, magkwento ka naman ng tungkol sayo." ani Linus kay Klein.   "Oo nga, para makilala ka pa namin.." singit ko.   "Well, galing ako sa lugar kung saan normal ang mga tao. Walang auxilium. Wala akong kahit na sinong pamilya. Ang nagpasok naman sa akin dito ay iyong director ng pinapasukan kong school doon. Iyon lang." walang gana nyang sabi.   "Ang sipag mong magkwento." sarcastic kong sabi   "Thank you." sarcastic din na sabi nya.   "Kelan mo nadiscover ang power mo?" tanong ni Keith.   "Iyong pagiging Empath, noong 10years palang ako tapos iyon pagiging Shadow manipulator, kahapon lang."   Tsaka dumating ang mga sweet foods na gusto nya. Chocolate cakes, bars, candies at marsh mallows.   Natawa nalang ako ng makitang nagniningning ang mata nya. May mga stars pa. hahaha (☆o☆)   Despite her cool looks, may childish part din pala sya.   Nagsimula na syang kumain at kami, nakatingin lang sa kanya. Nakakatuwa kasi syang tingnan. Parang bata.   "Huwag nyo akong panooring kumain. Nakakairita." cold nyang sabi.   "Eh ang cute mo kasi." banat ni Linus.   "Para kang bata kumain." walang ganang sabi ni Keith.   "Hay nako. Huwag nyo ng pansinin ang pagkain nyan. Tapusin nyo na yan dahil may afternoon class tayo ngayon." sabi ko.   So, kumain na nga kami ng maayos.   After that, pumasok na kami sa mga kwarto namin para makapaghanda sa pagpasok.   **********   ELIEZEL'S POV   Nakaligo na uli ako dahil may pasok daw kami ngayon. Kung kanina, naka-shirt at jeans lang ako, ngayon, suot ko na ang Class Z uniform.   Iba daw kasi ang uniform ng class namin dahil kami daw ang pinakamalalakas na estudyante--   Ay male, meron pa palang isang klase na mas ahead sa amin pero ang mga nandoon ay mga prinsipe, prinsesa at mga knight ng apat na kaharian na meron dito.   I wonder kung anu-anong kaharian iyon?   Bale ito ang suot ko ngayon, Skirt na sobrang above the knee kaya kinailangan kong magsuot ng cycling. black skirt na may apat na kulay sa magkabilang gilid at laylayan. Blouse na blue and green. Pinatungan ng brown na sleeveless at red blazer na may logo ng school. Then may mahabang black socks na umabot hanggang hita na may logo din ng school at black shoes. Tapos may ribon din kami ng apat na kulay.   Oh 'di ba, colorful ng uniform namin.   Inilugay ko lang ang buhok ko at ibinagsak ang one sided bangs ko.   At nang masigurong maayos na ang itsura ko ay hinablot ko ang back pack ko na ang tanging laman ay sweet foods ko tsaka lumabas.   Nandoon na din sila Nathaniel, Shawn at Caleigh.   Shit! Ang gwapo ng dalawa at ang ganda ni Caleigh.   Lumapit na ako sa kanila.   "Wow! Nagdala ka pa ng back pack. Ano yan? Elementary?" ani Shawn.   "Pagkain laman nyan." simpleng sabi ko.   "Pagkain? Hindi ka pa di busog?" tanong ni Caleigh.   Umiling lang ako.   Naiiling nalang silang dalawa. At si Nathaniel, Wala lang. Paranaman kasi siyang walang pakialam sa paligid nya.   "Tara na nga! First day ko pa naman kaya ayokong ma-late." Nauna na akong naglakad sa kanila.   "Kaya mong lakarin?" biglang sabi ni Nathaniel kaya napalingon ako sa kanila.   "Malayo ba masyado?" tanong ko na agad nilang tinanguan "Paano tayo makakarating agad doon?"   "Humawak ka kay Keith para mas mabilis." sabi ni Caleigh.   Agad akong sumunod sa kanya at humawak sa braso ni Nathaniel and in just a blink of my eyes, nandito na kami sa harap ng isang malaking palasyo.   "Let's go! Our first day will be going to be exciting." masiglang sabi ni Caleigh.   I just follow them.   Well, yeah. It will going to be exciting but not just our first day in school but also my whole life here in this new world of mine. [Quae Tracto - Mga nilalang na nagtataglay ng auxilium ng anim na pangunahing elemento ng mundo. Fire, water, air, earth, light and dark.]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD