ELIEZEL POV
Hi,
I'm Eliezel Klein AleRhia. 16 years old and currently 2nd year college na sa isang kilalang school as a scholar.
Masasabi kong mahirap ako dahil wala akong pamilya. Mag-isa lang ako at ang nakakainis, wala akong maalala sa nakaraan ko maliban nalang sa pangalan ko at edad.
Ewan ko ba kung paano nangyari iyon basta, noong 10 years old ako ay nagising nalang ako sa tapat ng isang ampunan na ang tanging nasa akin lang ay ang kwintas ko at isang bracelet na parehong may bato na kulay pula.
Inampon ako ng mga madre sa ampunan at marami din namang pamilya ang gusto akong ampunin pero pilit kong inaayawan.
Una kasi sa lahat, hindi ako basta nagtitiwala sa kahit na sinong tao. Nararamdaman ko kasi kung mabuti o masama ang isang tao. Kahit pa iyong pinakatatagong sama sa loob ng puso nya, ramdam ko kaya wala akong pinagkakatiwalaan.
Tanging si Sister Liz lang ang may pinakamabuting puso sa lahat kaya sa kanya lang ako mabait. Habang sa iba naman lumalabas ang cold attitude ko at palagi lang akong poker face.
Pero noong namatay sya nang makatapos ako ng high school dahil sa katandaan, minabuti kong umalis na din sa ampunan. Sya lang naman ang dahilan kung bakit ako nananatili doon eh.
Namasukan ako sa isang convenient store at doon, isa akong cashier hanggang ngayon. Full time ako doon pero sinasakto naman sa free time ko ang schedule ko.
Mabait din ang boss ko basta huwag lang papalpak sa trabaho kaya naman dito ako nagtatagal.
Nangungupahan din ako sa isang town house na malapit sa school at sa trabaho kaya nilalakad ko lang madalas.
So, ngayong araw ang unang araw ng March at last month na ng school year namin ngayon.
Naglalakad na ako papuntang school ng maramdaman kong kanina pa may sumusunod sa akin.
Hindi naman sya masamang tao pero bakit kailangan nya akong sundan ng patago?
Bahala na nga sya sa buhay nya. Male-late na ako eh.
Eksaktong pagtapak ko sa loob classroom ay sya ding pagtunog ang bell kaya't agad akong naupo sa pwesto ko which is sa pinakalikuran.
Nagsiayos na din ng upo ang mga kaklase ko na walang ginawa kundi ang magdaldalan. Kahit lalaki, sobrang daldal. ganoon na ba talaga ngayon?
Ilang sandali din ay dumating na ang teacher namin.
"Good Morning Class.." nakangiti nyang bati. inilapag na nya ang gamit nya sa table nya.
"Good morning, Maam." sabi nila. Yeah, sila lang dahil hindi naman ako nag-gi-greet kahit kanino.
Nagpalinga-linga si Maam na parang may hinahanap hanggang sa mapahinto ang tingin nya sa akin. "Ms. AleRhia, pinapatawag ka ng director sa office nya ngayon din. Dalhin mo na din ang gamit mo."
Eh? Bakit kaya? May problema ba sa grades ko?
Tumayo na ako dala ang gamit ko tsaka naglakad palabas ng room pero bago pa ako tuluyang makalabas napalingon muna ako ng magsalita si Maam.
"You're so lucky to have that. Sana ay gamitin mo ito sa tamang paraan." nakangiti nyang sabi.
Napakunot noo nalang ako pero tumango din tsaka tuluyang umalis. Nakatingin na kasi sa amin ang buong klase.
Don't tell me, alam nya kung anong sikreto ang itinatago ko? Pero paano nya iyon malalaman kung hindi ko naman ipinapakita o sinasabi ang tungkol dito. Maliban nalang kung mayroon din sya noon.
Nang marating ko na ang director's office, kumatok muna ako ng tatlong bese tsaka pumasok.
Nadatnan ko doon ang isang babaeng nasa mid 20's na siguro. maputi at matangkad. blonde ang buhok at may mapulang labi. masasabi kong natural iyon at walang halong make-up. May suot din syang salamin sa mata kaya nagmukha syang istrikto.
"Please come in and take a sit." nakangiti nyang sabi sa akin.
Sinunod ko sya at naupo ako sa katapat na sofa na nandito sa mala- living room nyang office.
May dalawang mahabang sofa kasi dito tapos may dalawang single sofa na magkaharapan din. Then may table sa gitna. Sa gilid, nakalagay ang maraming shelves at kung anu-ano ang nakalagay. Sa tapat naman ng malaking bintana na alam kong kita ang school ground nandoon ang table nya.
"Pinatawag nyo daw ako?" cold kong sabi. Wala naman akong pinipili sa cold attitude ko eh. Kahit director pa ng eskwelahang pinapasukan ko.
"Yeah. I just want to tell you that from now on, hindi ka na dito sa school na ito mag-aaral." nakangiti nyang sabi.
"What? Are you out of your mind? As far as I know, hindi bumaba ang grades ko. Wala akong late and absents at lalong wala akong nilalabag na rule. Kaya paanong hindi na ako dito mag-aaral?" medyo mataas na ang boses ko. Ganyan ako, short tempered. Matagal na akong ganyan kaya hindi ko alam kung bakit.
"Just calm down, okay?" naiiling nyang sabi. "Like what I said, hindi ka na dito mag-aaral dahil ililipat ka na namin ng mas magandang school na alam naming mas nararapat para sayo lalo na ngayong nalaman namin that you're not an ordinary person." paliwanag nya.
"How did you know about that?" balik ako sa cold expression ko.
"Because we're the same. I'm not ordinary person than what you think."
Alam kong nagsasabi sya ng totoo kaya naman hindi na ako nagtanong ng tungkol dun sa halip. "Saan ang school na iyon?"
"The school named Enrhia Academy. Doon nag-aaral ang mga taong katulad natin. Doon mo maipapakita ang tunay na ikaw at doon mo din mailalabas ang tunay mong kakayahan."
"Does that school needs tuition fees? Or am I also a scholar there?"
Umiling naman sya na parang natatawa.
Aba, kailangan kong malaman iyan. Utak lang ang ginagamit ko para makapag-aral ako kaya kung sakali, baka hindi ko kayaning mag-aral doon.
"Only your ability is the one they need there to see. Doon ka na din titira kasi may mga dormitory naman sila doon."
Nakaramdam agad ako ng pagpa-panic nang marinig iyon.
Wala akong pera pangkakain ko doon kapag umalis ako sa trabaho ko. "Wait! May trabaho ako dito kaya hindi ako basta-basta makakaalis. Wala akong ipangkakain sa sarili ko kapag nagkataon."
"Wala kang dapat alalahanin sa pera dahil ang school pa mismo ang magbibigay noon sayo base sa performance na ipapakita mo sa mga teacher mo. Wala kang poproblemahin kaya umuwi ka na. Ayusin mo lahat ng gamit mo at magpaalam ka na sa boss mo dahil mamayang 6pm darating ang sundo mo para makahabol ka bukas sa ceremony nila."
"Wow! Bukas agad, huh. Kasasabi nyo lang sa akin ngayon eh." naiiling kong sabi. Kailangan talaga lahat biglaan?
"Eh, kahapon lang naman namin nalaman that you're not ordinary eh. Kaka-16 mo lang ngayon no?" Psh! Kaya pala. "Itong ipapakita mo sa magsusundo sayo." Iniabot nya sa akin ang isang papel na nakatupi.
Kinuha ko iyon at inilagay sa back pack ko. "Okay. Salamat sa lahat." Tumayo ako at nag-bow.
"Mag-behave ka doon at huwag mong pairalin ang short tempered mo. Lalo na iyang cold attitude mo." bilin nya.
"Ewan ko lang. Sige, alis na ako." sabi ko tsaka umalis.
One reason kung bakit ganoon lang kami mag-usap ay dahil sya ang nagpapaaral sa akin dito. Kapalit noon ang high grade maintenance at umiwas sa gulo o away. at huwag na huwag male-late o a-absent.
Mabait naman sya, at tulad ni Sister Liz, alam kong mapagkakatiwalaan din sya.
Sadyang ayoko lang ilapit ang sarili ko sa kanya.
__________
Tulad ng sinabi ng director, nagpaalam na ako sa boss ko na magre-resign na. Sinabi ko nalang na lilipat na ako ng school at may magpapaaral na sa akin.
Wala naman syang nagawa. Ibinigay nalang nya sa akin ang huling sahod ko at nagbilin na kung may kailanganin daw ako, tawagan ko lang sya.
Mabait nga sya pero may nararamdaman din akong kaunting kasamaan sa kanya. Well, maybe because of his point of view when money is involved.
Matapos ko doon, umuwi na ako para bayaran yung natitirang araw na inilagi ko sa bahay na inuupahan ko ngayon.
Hindi na ako inusisa ng land lady ko kung bakit biglaan ang alis ko basta kung sakali daw na bumalik ako, pwede ko ulit balikan ang bahay na iyon dahil hindi na nya papaupahan.
Wala naman akong ibang dadalhin kundi mga personal na gamit ko lang. Baka may mall doon kaya at doon nalang ako bibili ng iba pang kakailanganin ko. Tutal masasabi ko naman na magiging maayos ang pag-aaral ko kaya paniguradong may makukuha akong allowance sa school.
Nilagay ko sa isang box yung mga gamit na hindi ko madadala. Tinakpan ko ng puting tela ang mga furnitures. Dinala ko nalang sa tapat ng gate ang dalawang maleta ko dahil almost 5:50pm na din naman.
Eksaktong 6 pm dumating ang isang black na kotse na may logo ng kalahating ibon at kalahating dragon na kulay puti tapos napapalibutan ito ng apat na kulay -red, blue, green at brown-.
Lumabas doon ang isang lalaking nakausuot ng uniform nila -isang black coat and slacks na may apat na kulay sa gilid at collar. Maging sa laylayan then nakalagay ang logo sa kaliwang dibdib at sa ibaba nito nakalagay ang salitang -ENRHIA-
Iniabot ko nalang sa kanya yung papel na binigay ng director sa akin.
Binasa nya lang iyon tsaka sya nag-bow sa akin. "Magandang gabi, Lady Eliezel"
"Magandang gabi din."
Pinagbuksan na nya ako ng pintuan ng kotse kaya sumakay na ako doon. Inilagay naman nya ang mga gamit ko sa compartment ng sasakyan tsaka sya sumakay sa driver seat. "Matulog ka muna dahil mahaba pa ang byahe natin." sabi nya.
"Ano ngang pangalan mo, Kuya?" tanong ko.
"Rouise, Lady Eliezel." sabi nya.
"Eliezel lang itawag mo sa akin. Naalibadbaran ako sa lady. Marinig ko pa iyan, susunugin kita." banta ko.
"O-okay, E-Eliezel." Natakot nga.
Nagsimula na syang magdrive kaya naman nahiga na ako sa upuan kasi ako lang naman mag-isa at ang back pack ko tsaka ako natulog.
__________
Nagising ako dahil may tumatapik sa pisngi ko. Pagmulat ko ng mata, mukha ni Rouise ang nakita ko.
"Nandito na tayo." sabi nya.
Bumangon naman ako tsaka tiningnan ang oras pero hindi gumagana.
"Hindi iyan gagana dito dahil ibang time system ang ginagamit dito. Bili ka nalang ng bago sa susunod." sabi pa nya.
"Sige, salamat." Bumaba na kami ng sasakyan at agad nyang kinuha ang mga gamit ko habang ako ay nakatanga sa malaking gate ng school na nasa harap ko ngayon.
"Ito ba ang Enrhia Academy?" tanong ko.
"Yup. Ang nag-iisang Enrhia Academy. Ang school para sa mga nilalang na may kakaibang kapangyarihan." masaya nyang sabi.
Yeah, may kapangyarihan ako kaya nga sinasabi kong hindi ako normal na nillang. At kelan ko nalaman? Matagal na. Hindi ko na nga maalala kung kailan. At ano ang kapangyarihan ko? Tsaka ko na sasabihin.
"Wow! Hindi ko naman akalaing ganito pala kasosyal ang eskwelahang ito."
Gate pa lang ay nakaka-amaze na. Gawa sa ginto at napalilibutan ng maraming bulaklak. Sa harapang bahagi ng eskwelahan ay dalawang malapalasyo agad ang bubungad. May mga nagliliparang makukulay na nilalang at naggo-glow na mga bagay at halaman. Paradise ng maituturing.
"Eliezel, pumasok ka na. Iyong mga gamit mo makakarating na sa dorm mo. Ito nga pala ang klase mo at ang dorm mo." sabi ni Rouise sabay abot ng isang papel. "Tapos, ito ang mapa sa buong academy para hindi ka maligaw." Iniabot nya din ang mapa.
Kinuha ko nalang iyon at tumango.
"Sige. Alis na ako." paalam nya.
"Ingat." sabi ko tska nagsimula na akong maglakad papasok sa gate.
Masyadong marami din palang nag-aaral dito. Iyong iba, mukhang bago lang din. Iyong iba naman mukhang kababalik lang.
Naglakad-lakad lang ako at palinga-linga hanggang sa may mabangga akong pader.
Muntik pa akong matumba. May sumalo lang sa akin at iyon ang una kong tiningnan.
"Okay ka lang ba, Miss?" tanong ng lalaki.-kulay brown ang messy nyang buhok maging ang mata. maputi at makinis ang mukha matangos ang ilong at kisable lips. Perfrect shape ang hugis ng mukha.
"Ang cute naman nya." Doon ako natauhan. Ako pa ang cute huh. Sya nga itong gwapo eh. Pero hindi ko sya type.
"Okay lang ako. Salamat." simpleng sabi ko.
"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" Narinig kong sigaw ng nasa gilid ko.
Malamig ko syang tiningnan at isang lalaki na naman ito.Magulo ang itim na may asul na highlight ang buhok nito. Maging ang mata nya ay kulay blue. Maputi, matangos ang ilong mapulang labi as in perfect pero mukhang suplado at masungit.
"O sadyang tanga ka lang at hindi mo nakitang may mababangga ka na." sigaw pa nya.
"Oh, sorry." Iyon lang sinabi ko tsaka naglakad palayo. Wala akong planong makipagdaldalan o makipagtalo pa doon. Hahanapin ko pa ang dapat puntahan.
"To all students of Enrhia Academy, please proceed to training stadium for the opening ceremony." tinig na nagmumula sa bawat speaker na nagkalat sa buong academy.
Tiningnan ko ang mapang hawak ko para malaman kung nasaan ang stadium na iyon.
Woah! Nasa likod pa pala ng dalawang higanteng palasyong ito.
Napansin kong iyong iba ay lumilipad, Iyong iba naman ay gumagamit ng mga pet nila tapos iyong iba pa ay tumatakbo. At syempre, isa ako sa tatakbo dahil wala naman ako noong mayroon sila
Mabuti nalang at mabilis akong tumakbo. Sinasanay ko din kasi ang katawan ko mula pa noon kaya naman mabilis din ang reflexes ng mga muscles ko.
Nakarating ako sa training stadium na marami na'ng naroon. Nakaupo at nakikipagdaldalan.
Itsura ng stadium? Mayroon isang malaking arena sa gitna na napapalibutan ng nagtataasang pader na umabot yata sa tatlumpung talampakan. May grills ding nakaharang at nandoon ang mga upuan. Mayroon namang isang malaking screen sa bandang itaas ng arena kung saan nakafocus sa taong nakatayo sa arena.
Naupo ako sa pinakaitaas para hindi pansinin since hindi din ito pinu-pwestuhan ng iba.
Kaso may naupo naman sa tabi kong isang babae. May highlight ang buhok nya na kulay green pero mas marami ang kulay black. Hanggang balikat nya iyon at super straight naman. Napansin ko ding kulay green ang mata nya. Pinkish ang pisngi nya dahil maputi . Mapula din ang labi nya at halata namang walang lipstick tapos perfect nose and shape ng face. Mukha na nga syang barbie
At mukha din syang tahimik kaya hindi ko na pinansin.
"Good morning everybody. Welcome to all freshmen and welcome back to the others. Another school year for us here. Welcome to Enrhia Academy."
~~~~~
[ENRHIA - isang mundo sa ibang dimensyon kung saan naninirahan ang mga nilalang na nagtataglay ng iba't-ibang uri ng kapangyarihan. Nahahati sa apat na lalawigan at pinamumunuan ang bawat isa nito ng kani-kanilang hari at reyna.]