*Enrhia 4: Ignis Handler?*

3393 Words
ELIEZEL'S POV   'Hindi ba, siya iyon?'   'Oo, siya nga.'   'Grabe! Kabago-bago lang dito pero nakadikit agad sa Quae Tracto.'   'Yeah. Shadow manipulator lang naman sya 'di ba?..'   'Pero nagawa nyang masira iyong bato 'di ba?'   'Nako! Baka hindi lang nalagyan ng tamang protection iyon kaya nagawa nyang pasabugin.'   'Kapal ng mukha eh.'   Psh. Iyan lang po ang mga nasa isip at ibinubulong ng mga estudyante sa paligid ng hallway na dinadaanan namin.   I already told you, right? Maliban sa main ability ko, mayrooon pa akong mga special ability. Shadow manipulation, empath and now, I can read minds. Or should I say that I can hear everything that they wanted to say in their minds.   Kaya kanina pa ako naiinis sa mga ito.   "Klein, are you okey?" alalang tanong ni Caleigh.   "Yeah." simpleng sabi ko.   I didn't expect that this kind of treatment is also happening here. Akala ko sa mga novel o movie lang pero mukhang nagkamali ako.   And I didn't know that this three are actually popular even if they also just got here.   'She's bitch.'   'Yeah, and slut."   "Parang linta lang. Kumapit agad sa mga alam nyang mapakikinabangan nya."   Doon na nagpantig ang tenga ko. Hinanap ko kung sino ang nagsabi noon hanggang sa mapatingin ako sa babaeng mukhang clown sa kapal ng make up. May kasama din syang dalawang alalay nya.   Napalingon sa akin ang tatlong kasama ko.   "Klein." tawag ni Caleigh.   Hindi ko sya pinansin at lumapit ako sa payasong iyon. "Hey! Did you say that I'm b***h and slut?" I coldly asked her.   "How did you know that? That was only on my mind." maarte nyang sabi.   "Oh. So you're the one who said that."   "Yeah. Have a problem with that?" Mapagmataas pala ang isang ito eh. Ramdam kong masama sya at walang kwenta.   I also feel anger and jealousy in her emotions. Ah, typical girls.   "Klein." Lumapit na sa akin si Caleigh.   "One last word like that, I will make sure, you'll experience the hell in my own hands and that's literal." banta ko.   "Wow! You're just a shadow manipulator. As if na matatakot ang isang meteor manipulator na tulad ko sayo." nakangising sabi nya.   "Huwag kang pakasiguro na hindi kita kayang talunin. Sinasabi ko sayo, kaya kitang durugin katulad ng bato sa arena kanina." At nagpahila na ako kay Caleigh pero hindi ko inaalis ang tingin ng bruhang iyon.   Wala naman akong ginagawa sa kanya tapos magagalit sya agad? Aba'y matindi naman pala ang mga nilalang sa mundong ito.   'May araw ka din sa aking babae ka! Ang kapal ng mukha mong lumapit sa Quae Tracto at umastang parang ka-level mo lang sila! Matitikman mo ang galit ko!' sabi nya yan sa isip nya.   Bumuntong hininga ako at bumaling na sa dinadaanan namin. Hindi ba sila pinapansin ng tatlong ito kaya naiinggit sila sa akin na baguhan lang din pero close na sa kanila?   "What happen?" alalang tanong ni Shawn.   "They called me b***h and sluts." simpleng sabi ko. Well, I just don't like someone who is not close to me called me some names.   "Huh? I didn't heard anything." ani Caleigh. "Wala ngang nagsasalita sa kanila habang dumadaan tayo eh."   "Their mouth is shut but their minds? Ah, it is so noisy and they all thinking the same thing."    "What? You're a mind reader?"   "Kailangan talagang sabay-sabay kayo?" Inirapan ko pa sila.   "So pwede pala tayong mag-usap through mind ng hindi sumasakit ang ulo mo?" tanong ni Shawn. From what I know, he has special ability of telepathy at nagagamit nya iyon sa iba pero may side effects.   Sumasakit ang ulo ng sinumang kausapin nya pero walang ganoong side effects kapag ang kakausapin nya ay may special ability na mind reading.   "Dependde dahil bihira ko lang namang gamitin ang pagiging mind reader ko and I can't still control it."   "I thought she was just like some other girls but I guess I am wrong." I heard on Nathaniel's mind. 'She's kind of interesting."   Bumuntong hininga ako at bumaling kay Nathaniel. "I am not interesting and you will just waste your time getting to know me. So, don't bother, okay?" Inirapan ko sya at hinila na si Caleigh para mauna sa paglalakad.   I don't know, I still do have this kind of defense mechanism to push everyone around me. Si Caleigh pa nga lang ang nakakalagpas sa invisible barrier ko kaya hinahayaan ko itong lumapit at mapalapit sa akin.   "Why did you read Keith's mind?" tanong ni Caleigh. "Do you know that word privacy?"   "Like what I said, I still can't control it especially when there are a lot of people around me." Duh, mind reading is not that nice, okay? It can be convenient to some kind of situation but it is also has its downside like I am also invading someone else's privacy.   Huminga ako ng malalim at ikinalma ang sarili ko. This is the only thing I can do to stop hearing their thoughts. Hindi ko na din nagugustuhan ang nariirnig ko kaya mas mabuting matigil na ito.   I just hope that no one will ruin my concentration.   I succeed the moment we arrived at our classroom at tulad ng inaasahan ay pinagtitinginan din ako ng mga kaklase namin pero hindi ko na sila pinansin.   Hinila ako ni Caleigh sa pinakadulong part ng classroom at tabi ng bintana. Well, I am the main character so the seat beside the window is always my place.   Ilang sandali pa ay dumating na ang teacher namin na hindi ko pinagtuunan ng pinansin dahil nakatingin lang ako sa labas ng bintana.   Masyadong maganda ang view sa labas and I can't still believe that this place is actually exist. Well, sa pinagmulan ko naman kasi ay ang mga ganitong lugar ay pawang gawa lang ng imahinasyon.   "Good afternoon, Class Z. I am Reina, your history teacher." narinig kong sabi noong babae.   Reina? Kapangalan nya iyong history teacher sa dati kong school.   "Alerhia. Please give your attention to the class." sabi ng teacher namin na ikinabuntong hininga ko.   Well, I don't want to create any quarrel with my teacher so I did what she said pero agad nanlaki ang mga mata ko nang makita sya. "Y-you're here."   Ngumiti sya at tumango. "Yes and nice to see you again, Eliezel."   I calmed myself and look straight to her. Kaya naman pala iyon ang huli nyang sinabi sa akin dahil alam nyang hindi nga ako ordinaryong tao at ganoon din sya.   "Ms. Rhei told you to behave, right?" aniya.   "I didn't do anything." cold kong sabi. Ah, I never like this woman but I also never hate her. It's just that she is too mysterious so I choose to do everything not to cross our path inside the school.   But I guess I can't avoid her here because she is still my history teacher whom I really need right now because I am now in a different world.   "If you say so." Bumaling siya sa ibang kaklase ko. "By the way, iyong iba sa inyo ay natawag na ang kanilang mga praesul o protector at praeses o guardian, right?" Most of my classmate nodded. "At doon naman sa ibang baguhan at kaka-16 palang, gusto kong pag-aralan nyo na kung paano mapapalabas ang mga praesul and praeses nyo."   Huh? What's with that guardian and protectors?   "Bakit kailangan ang dalawang iyon?" bigla ko nalang tanong. Well, sanay na iyan sa akin. Bastusing bata nga daw kasi ako dahil bigla nalang magsasalita kahit hindi naman tinatawag. Pero sinisiguro ko naman na pwede na akong sumingit.   "Guardian and protector will be your companion in every examination that will happen once in a month. Sila din ang nagbibigay sayo ng extra energy na kakailanganin mo in some of your fight." paliwanag nya.   Tumangu-tango nalang ako. Then it is really required for us to call them.   "So, to start our class, why don't you introduce yourself in front so that all your classmates will get to know you? Especially para doon sa mga bago." sabi nya. "Tell us your name and origin and show us your power."   "Again?" reklamo ko. Bakit ba uso sa lahat ng eskwelahan ang 'introduce yourself' sa unang araw ng klase?   "You didn't show your axuilim, right?" nakangising sabi niya.   "Oh, please." I messed my hair. "Don't include me in that." inis kong sabi.   "Bakit? Ayaw mo bang makita namin kung gaano ka kahina?" narinig kong sabi ng pamilyar na boses at paglingon ko,   Anak naman ng payaso! Hindi ko alam na kaklase ko pala ang bruhang ito.   "Nandito ako para mag-aral at hindi para magpasikat." It's not like I can't fight her. It's just that I know when to use my power and certainly not now.   "Why don't you fight her, Eliezel?" singit ni Reina na ikinasama ng tingin ko sa kanya pero nginitian niya lang ako. At talagang gusto nyang ipakita ko ang auxilium ko.   "Ano? Natatakot ka bang labanan ako?" Do I really look like weak para hamunin ng isang tulad nya?   "Don't you dare me. Sinisigurado kong malilintikan ka sa akin." At huwag din nyang ubusin ang pasensya ko. As far as I know, I am still in advantage if we fight because I know her ability. Habang sya, nagre-rely lang sa kaalamang isa akong shadow manipulator.   "Klein, calm down.." pagpapakalma ni Caleigh.   "You're such a loser." sabi pa ni Clown.   Okay, I'm done. Hindi mahaba ang pasensya ko at pikon din ako kaya huwag na kayong magtaka kung bakit papatulan ko ang isang ito.   Matalim akong bumaling kay Ms. Reina. "Kapag ako ay napagalitan ni Rhei ng dahil sa kalokohan mo,  susunugin kita ng buhay." banta ko.   "Okay, class. Doon tayo sa stadium arena."   Nilapitan kami nila Shawn at Nathaniel.   "Do you think, you can fight her?" may pag-aalala sa boses ni Shawn.   "I can manage." Hell, kayang-kaya kong durugin ang payasong iyon nang hindi nila nakikita ang auxilium ko noh.   "Tara na. Baka mahuli pa tayo.." ani Nathaniel at nag-teleport nalang kaming apat sa field. Wala pa ang iba kaya naupo muna kami sa gilid.   Nakatingin lang sa akin si Caleigh. Bakas ang pag-aalala pero mukhang walang balak magsalita kaya binasa ko na kung anong nasa isip nya.   "Paano kaya iyon? Ayaw nga nyang ipakita ang power nya eh."   "Ulan." tawag ko sa kanya at lumapit sya sa akin.   Inilahad ko ang kamay ko at nagpalabas ng maliit na amount ng auxilium ko pero siniguro kong hindi ito makikita ng kahit sino.   "Hold my hand." utos ko.   Hindi pa man nya nahahawakan ang kamay ko at inilayo na agad nya ang kamay nya.   "Bakit ganoon?" tanong nya.   "I can use my power ng hindi nakikita ng iba pero konting amount lang ang kaya kong gamitan noon. Kapag masyado ng malakas, magiging visible na iyon sa mata ng iba." paliwanag ko.   "Siguradong kakailanganin mong gumamit ng malakas na auxilium mamaya dahil meteor manipulator si Ericka." aniya.   "I can use my special ability to have my advantage. Like shadow manipulation." sabi ko. "What worries me is that if I use this ability, malaki ang posibility na mapuruhan ko sya.."   Kumunot ang noo nya.   "She can't move if I stepped on her shadow and everything I did to it will affect on her main body." paliwanag ko.   "Sorry." she said. "Hindi ko maintindihan. Ikaw palang kasi ang shadow manipulator na nakilala ko at hindi din ganoon ka-common ang ability na iyan dito."   Bumaling ako sa dalawang lalaki na nakatalikod sa amin at malapit sa akin ang anino nila.   tinapakan ko ang anino ni Shawn at bumaling kay Caleigh. "Tapakan mo sa kahit saan parte ng katawan ang anino."   Hindi man nya maintindihan ay ginawa pa din nya ang sinabi ko. Tinapakan nya sa bandang tiyan ang anino ni Shawn.   "Ouch!" malakas na daing ni Shawn at napaluhod habang hawak ang sikmura. "Damn it! Ah!" sigaw pa nya.   "Anong nangyayari sayo, bro?" alalang tanong ni Nathaniel sa kaibigan.   Biglang sinipa pa nitong babae sa binti ang anino ni Shawn kaya natumba iyon at napahawak sa binti. Kaya bago pa tuluyang mabugbog si Shawn ay binitiwan ko na ang anino nito na ikinasimangot ni Caleigh.   "Klein! Nag-eenjoy pa ako eh." reklamo nito.   "Nabaliw ka na naman!" Inirapan ko sya. "Binigyan lang kita ng example, nagustuhan mo naman." naiiling kong sabi at bumaling sa dalawang lalaki.   "Anong nangyari dyan?" inosenteng tanong ni Caleigh na muntik ko nang batukan. Sya ang may gawa nyan tapos magtatanong na para bang walang alam.   "I don't know. Bigla nalang dumaing ng sakit." ani Nathaniel.   At hindi naman makapagsalita si Shawn dahil hanggang ngayon ay namimilipit pa din sa sakit kaya inalalayan nalang namin syang makaupo sa bleacher hanggang sa dumating na ang mga kaklase namin.   "I guess you're ready." masayang sabi ni Ms. Reina.   Nilapitan ko sya. "Bakit ba gusto mong makita ang power ko?"   "The headmistress wanted this because the identification exam are being question as of this moment. A newbie like you manage to surpass the others without doing anything. Isn't that an insult to them especially to the prince and princess that on got below level 40?" aniya.   "It's not my fault that I already mastered my ability. It is theirs' because they are weak." sabi ko.   "Kailan mo pa ba pinag-aaralan iyan?" tanong pa nya.   "I acquired it when I was 10 years old. Same with my empath ability and I trained hard to master both of it. Then, when I turned 16, I acquired the other special ability that I have."   "I see." Tumangu-tango sya pagkuwa'y ngumiti sa akin. "Just do your best and let them see how strong you really are."   Shit! Talaga namang pinaghandaan nila ang mangyayari ngayon   Napailing nalang ako at bumuntong hininga. Mukhang wala na din akong choice, So I will just fight this clown without letting them see my power   May pakiramdam kasi ako na may mangyayari na hindi ko magugustuhan kaya hangga't maaari ay gusto ko munang itago kung ano ang auxilium ko. . "Handa ka na bang matalo at mpahiya?" tanong nya.   Ngumisi ako. "Hindi kaya ikaw ang mapahiya sa ating dalawa?" inilagay ko lang ang dalawang kamay ko sa bulsa ng blazer ko.   "Mayabang ka din eh."   Umiling ako. "I am just telling you the truth."   Nagsimulang balutin ng barrier ang buong arena na kinalalagyan namin.   **********   3rd PERSON'S POV   Tahimik lang ang lahat na nanonood ng mangyayaring laban. Nag-aabang sa kung ano ang mangyayari.   Nakatayo lang sa gitna sina Ericka at Eliezel. Naghihitayan kung sino ang mauunang susugod.   At mukhang walag balak si Eliezel na sumunod ay nagdesisyon si Ericka na sumugod ngunit hindi na nya maigalaw ang katawan.   "W-what happen?" gulat nyang sabi habang pinipilit na makagalaw.   Ngumisi si Eliezel habang nakatingin sa kalaban. Kanina pa sya kumilos nang hindi napapansin ng lahat dahil kanina pa din nya tinatapakan ang anino ni Ericka.   "Anong ginawa mo sa akin?" Matalim nitong tiningnan si Eliezel.   "I told you earlier, right? Malilintikan ka sa'kin." Isang sipa ang ibinigay ni Eliezel na diretso sa katawan.   Tumalsik ito at tumama sa barrier kaya binitiwan na nya ang anino nito at bumuntong hininga.   "Walang hiya ka!" sigaw ni Ericka. tumayo ito at nagpalabas ng maraming meteor sa buong arena.   Ngunit agad ding sumabog ang mga ito at paulit-ulit na ganoon ang nangyari sa tuwing nagpapalabas si Ericka ng meteor.   Hindi maintindihan ni Ericka ang nangyayari. Wala syang nakikitang ginagawa si Eliezel kaya hindi nya alam kung paano nito napapasabog ang mga meteor na inilalabas nya.   Agad iyong sinamantala ni Eliezel at sumugod kay Ericka pagkuwa'y sinipa ito sa sikmura.   At walang nagawa si Ericka kundi dumaing ng sakit sa tuwing tatamaan sya ng sipa nito. Hindi din nya maiwasan ito dahil higit itong mas mabilis kumilos kaysa sa kanya.   At bakas ang matinding paghanga sa mga nakakapanood lalo na't hindi man lang ito gumagamit ng mga kamay na nananatiling nasa loob ng bulsa.   Alam ng lahat na gumagamit na din ito ng auxilium ngunit para laman iyon sa mga meteor na pinallabas ni Ericka na agad ding sumasabog at nagiging abo.   "I know that she is amazing but to the point that both her power and physical ability are in this kind of level? Wow! Just wow!" manghang sabi ni Shawn.   "And she manage to cloak enough power to destroy every Ericka's meteor nang hindi napapansin ng mga nanonood kaya napagkakamalan syang air user." sambit ni Caleigh.   "Not enough to make it invisible to those who has sharp eyes." ani Nathaniel na ikinalingon ng dalawa sa kanya. "Right now, I am seeing it clearly around the arena at para itong may sariling buhay na kusang gumagalaw upang atakihin ang mga meteor."   Nagulat nalang ang lahat ng biglang nawala ang ilaw sa buong stadium. Sobrang dilim sa loob kaya naman wala talagang makikita kahit na kaunti.   "Damn it!"   Isang malakas na pagsabog ang narinig ng lahat at ang daing ni Eliezel na mukhang nasaktan talaga.   Kasunod nito ang sunod-sunod na paglitaw ng nagbabagang meteor ni Ericka na nagsisilbing ilaw sa kabuuan ng stadium. "Paano mo magagamit ang auxilium mo kung hindi mo maaabot ang anino ko?" Bagaman malaki na din ang tinamong sugat nito ay nagagawa pang ngumisi dahil nakakabawi na ito sa kalaban.   "Shi!" Hindi inaasahan ni Eliezel ang nangyari kaya't maging ang kanyang auxilium nagkalat kanina sa arena ay nawala din.   At ngayon nga ay direktan syang tinatamaan ng mga meteor.   Light help her conceal her power and without it, she doesn't want to use it but now that she is getting hurt because of this stupid fight, she doesn't really have much choice.   "You asked for it, then don't blame me for what will happen to you." sabi ni Eliezel at nagsimulang balutin ng apoy ang buong arena.   Apoy na tila may sariling buhay na mabilis sinalakas at winasak ang bawat meteor na madaanan.   "I-ikaw ang Ignis Handler?" gulat na sabi ni Ericka habang nakatitig sa apoy na lumalamon sa kanyang mga meteor.   "Sinabi ko naman sayo, malilintikan ka talaga sa akin!" nakangising sabi ni Eliezel at bahagyang iginalaw ang kaliwang kamay.   At ang apoy nya ay sinugod si Ericka ngunit bago pa man ito dumikit sa babae ay nawalan na ito ng malay na ikinabuntong hininga nalang nya kasunod ng pagkawala ng apoy nya.   Muling bumukas ang ilaw sa buong stadium at nawala na rin ang barrier kaya agad nilapitan ng Quae Tractor si Eliezel at inalalayan papunta sa bleachers.   "Dadalhin ka na namin sa infirmary." alalang sabi ni Caleigh kay Eliezel.   "I'm fine." pagmamatigas nya. Tumayo sya at nag-inat. Hindi maganda ang tinamo nyang galos sa labang iyon pero alam nyang magiging maayos lang sya.   "Klein!"   "If you don't want to go to the clinic, at least, let me heal you." sabi ni Nathaniel na tinanguan nalang nya. Alam nyang hindi sya titigilan ng mga ito.   Naupo sya at hinayaang gamutin ng mga ito ang sugat nya.   "Why are you hiding your ability?" tanong ni Shawn.   "I just don't want attention." sambit nya. "At siguradong gugulo ang buhay ko ngayong nalaman na ng lahat kung ano talaga ang auxilium ko."   "Paano mo naman nasabi iyan?" ani Caleigh.   "I just know it."   "Magpahinga ka muna." sabi sa kanya ni Nathaniel matapos nitong gamutin ang kanyang mga sugat.   "I have to stay more alert this time. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero siguradong maraming darating sa buhay ko ngayon para manggulo.   Pero bago ang lahat, kailangan ko munang turuan ng leksyon ang mga nilalang na pilit umaalam sa auxilium ko. Ayoko sa lahat ay pinakikialaman ako eh.   Ipaparanas ko ang init ng apoy ko.   I am Eliezel Klein Aleriah, believe me when I say that I am the Ignis Handler." sabi ni Eliezel sa sarili.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD