5 YEAR'S LATER AKHIRO: "Maria Carrie?" "Present, Dad!" "Maria Cassy?" "I'm here, Dad!" "Maria Clara?" "Present, Dad!" "Maria Chesca?" "Present! Present!" Napahilot na lamang ako sa noo na ngayo'y nakaharap sa quadruplets girls ko. Parang mga maamong kuting na nakatingala sa akin at napakurap-kurap na nagpapaamo. Nawala lang ako ng 10 minutes para makaligo pero paglabas ko ay heto at parang dinaanan na ng ipo-ipo ang sala namin. Nagkalat na ang mga gamit kung saan-saan! Kahit mga stocks sa kusina ay nakarating na dito sa sala! Masasabon na naman ako nito ni Moi na lumabas lang saglit para sunduin si Mik-mik galing school. Wala kaming katulong dito dahil hands-on si Moi sa pangangala sa aming mag-aama niya at nitong mansion namin dito sa Antipolo. Dito na nga ako halos namam