MOIRA: NAALIMPUNGATAN ako na maramdaman ang pagyugyog ng katabi ko. Pupungas-pungas akong napaupo ng kama at napakusot-kusot ng mga mata na malingunan si Akhiro. Nakasuksok sa dulo ng kama. Nakabaluktot na parang pusang yakap ang sarili at. . . humihikbi "Sweetie! Anong problema, huh?" taranta ko itong dinukwang na pinatihaya. Parang kinukurot ang puso kong namumugto na ang mga mata niya. Mukhang kanina pa siya umiiyak habang nasa kalagitnaan ako ng paglalaway at kasarapan ng panaginip! "Hey, what's wrong, sweetie, hmm? May masakit ba?" mahinahong tanong ko. Marahan kong pinahid ang nagkahalo-halong uhog at luha sa gwapong mukha nito. Buti na lang saksakan ng gwapo kaya kahit nagkalat na ang uhog sa mukha ay yameee pa rin ang tukmol. Napalunok ako ng mapatitig ang nangungusap niyang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books