Chapter 10 Comeback

1528 Words
AKHIRO: NAPAPAHILOT ako ng sentido na kay aga-agang pina-init ni Moi ang ulo ko! Napapailing na lamang ako sa kakulitan nito at tapang na magbiro sa akin. At ano daw? Binabasted niya ako dahil hindi niya ako type at masyado na raw akong matanda para sa kanya?! Fvck! Sampung taon lang ang age gap namin. "Damn, Moi. Hindi pa ako gano'n katanda, fvck!" hibang kong pagkausap sa repleksyon kong kaharap mula dito sa restroom! "Fvck! Bakit ko ba iniisip ang sinabi niyang magmumukha kaming mag-ama kapag nag-date kami?! Damn it! Ang lakas ng loob ng kutong-lupa na 'yon! Ang sarap niyang ibalibag sa kama, fvck!" Napapailing na lamang akong napahilamos ng palad sa mukha. Damn, Moi! May araw ka rin sa akin. MAGTATANGHALIAN na nang mapansin ko itong tumayo ng cubicle nito at nagtungong elevator. Napailing na lamang akong binalingang muli ang mga papeles na kaharap ko para sa mga proposal ng mga bagong investor ng kumpanya. Natigilan ako nang madako ang paningin ko sa isang folder. Anderson's Group of Company. Napalunok akong binuklat at 'di nga ako nagkamali. Mula ito sa dating matalik kong kaibigang traitor. Si Jeffrey Anderson. Napakuyom ako ng kamao at nagtagis ang panga! Ang kapal din niya para makipag-negociate sa akin matapos nila akong traydorin ni Aliyah, limang taon na ang nakaraan. Dahil sa pag-back-out at takbo ni Aliyah sa araw mismo ng kasal namin nagsilipat sa kumpanya ni Jeffrey ang malalaking investor ko kaya nalugi ang kumpanya ko at sa kanya napunta ang mga pinaghirapan ko. Kalauna'y napag-alaman din naming naging sila na nga at ngayo'y mag-asawa na sila. Ang tanga ko lang na nagpagamit sa kanilang dalawa noon. Inubos ni Aliyah ang lahat ng ipon ko sa luho nito na ginagastusan ko mula gadgets, cars, branded clothes even condo niregalo ko na. Halos nailibot ko na rin siya sa buong mundo sa loob ng sampung taon naming magkarelasyon! Kaya hindi rin biro ang laki ng nilustay kong pera sa kanya. Tapos isang araw. . . mang-iiwan siya at sa araw mismo ng kasal namin. Malinaw na sa akin kung bakit niya pinaabot sa araw mismo ng kasal namin ang pakikipaghiwalay niya. Para ipahiya ako at mapunta kay Jeffrey ang mga investor namin from Asia. Dahil kaming dalawa ni Jeffrey ang napupusuan nilang pag-invest-an. Pero dahil sa kahihiyang inabot ko ay automatic na si Jeffrey ang pinili nila. At ngayon ano? Makikipag-negociate sila sa Akhiro's Imperial Group of Company? Sa kumpanyang muli kong ibinangon ng sariling sikap kaya ngayo'y nangunguna na naman sa bansa at maging sa Asia. Kung sabagay. . . papalugi na nga pala ang kumpanya nila kaya heto at ako na ang nilalapitan nila. Ang pagkakataon nga naman. Ang bilis ng karma. Bilog nga ang mundo. Samantalang dati ay sila pa ang nagpabagsak sa akin at iniwan ng walang-wala! "Boss?" Nabalik ang ulirat ko sa pagkakatulala sa hawak kong folder mula sa Anderson's company sa pagkatok ni Moi sa mesa ko. Napakatamis na naman ng ngiti nito na akala mo'y hindi nito pinainit ang ulo ko kaninang umaga. Fvck, mukhang napasama pa nga ang tama ng tumbong ko sa pagkakasalampak ko sa sahig ng dalawang beses dahil sa bubwit na 'to. Ang liit niyang babae kung susumain pero ang tapang para pagkatuwaan ako. And worst? Bastedin ako. What the fvck! Masyado bang obvious na may pagtingin ako sa kanya?! Damn it! Binabawi ko na. Bastedin ba naman ako? Eh ni hindi pa nga nagpaparamdam ang tao eh! Pinaningkitan ko ito na ikinatabingi ng ngiti nito at napaiwas ng tingin at napalapat ng labi. "What?" inis kong tanong ng maalala ang atraso nito. "Ahm, kain na, boss. Mabuti ng may laman ang tyan mo," malambing alok nito. "Alis na," pagtataboy ko at bumaling muli sa papeles na hawak ko ng may sumagi sa utak ko. "Moi?" pagtawag ko dito ng akmang palabas na ng office. "Yes, boss pogi? Ikaw naman, miss mo na agad ako?" Napabungisngis pa ito na muling lumapit. Lihim akong napangiti sa kakulitan nito pero pinanatiling sa papeles ako nakatingin ng 'di ako nito mabistong napapangiti nito. Mamaya niyan alaskadorin na naman ako nito at ulit-ulitin ipamukha sa akin ang age gap namin! "Set a meeting with this investor," aniko na inilapag sa harap niya ang folder ng mga Anderson. Napatango-tango naman itong dinampot iyon. "Right away, boss pogi!" masiglang saad nitong lihim kong ikinangiti sa isip-isip ko. Tawag-tawagin akong pogi pero 'di naman type, tsk! Fvck, Akhiro! Ano naman kung hindi ka niya type? May boyfriend na ngang tinatawag pa niya ng baby, tsk ang baduy! "Kailan mo gusto, boss?" "Tommorow afternoon," aniko na sa ibang papeles nakatingin. "Boss?" pangungulit na naman nito. "What?" "Kumain ka na, malipasan ka niyan." "Later." "Ngayon na." Namilog ang mga mata ko ng pinagdadampot nito ang mga folders sa harap ko maging ang binabasa ko kaya napaangat ako ng mukha dito. Matamis pa itong ngumiti na parang maamong pusa! "Moi." May halong pagbabanta ang tono ko na pinaningkitan ito pero hindi manlang natinag! "Kumain ka muna, boss. Lalong tatanda--" "Fvck!" Natigilan ito sa malutong mura ko! Napahagikhik pa itong nagkubli ng mukha sa mga yakap na folders! "Fine, join me, kutong-lupa," paismid kong ikinatigil nito sa pagbungisngis. Napanguso ito na padabog pang inilapag sa mesa ko ang mga folders! Napangisi ako sa inaasta nitong parang batang nagdadabog na nagkakandahaba ang nguso! "Kung kutong-lupa ako? Tukmol ka naman! Ang laki mong tukmol! Hmfpt!" pagmamaldita nito. Napakurap-kurap ako sa sinaad nito at napasunod ng tingin ditong nagmamart'yang nagtungo ng kitchen. "What did she just called me? Tukmol?! Fvck!" Napahagikhik pa ito na marinig ang himutok ko. Tumayo na akong lumapit ditong kasalukuyang naghahain na ng tanghalian naming ini-take-out nito sa restaurant namin sa baba. Ipinaghila pa ako ng silya na lihim kong ikinangiti. Kahit alaskador ito ay wala naman akong maipipintas sa pagiging maasikaso nitong secretary at higit sa lahat ay naka-advance lagi ang mga paperwork nitong ipinapasa sa akin ontime. Pulido rin ito sa pagse-set ng mga schedule ko sa mga kaliwa't kanan na conference meeting ko at pakikipag-meetup sa mga investors namin. Masasabi ko ngang may ibubuga ito sa trabaho at likas na matalinong bata. Idagdag pang napaka-bubbly nito kaya maging mga investors namin ay natutuwa dito at naisasara namin ng maayos ang deal. Tama nga si Ninong Andrei. Malaking asset si Moi at tagahakot ng investors dahil sa personality nito. "Tea, coffee or me, boss?" Napakurap-kurap ako sa sinaad nito na napapabungisngis. Tapos na pala kaming kumain ng 'di ko namamalayan sa lalim ng iniisip ko. "What?" kunotnoong tanong ko. Pinamumulaan pa itong napatikom ng bibig. "Ahm, coffee po ba or tea ang gusto niyo, boss?" Napangisi ako dahil narinig ko naman ang unang offer nito kahit natutulala ako. "You missed something." Pinamulaan ito lalo at napangiwi sa akin. "Hehe," parang batang ngiti nito. "Hehe," ulit ko na nakataas ang kilay. Napatikom ito ng bibig at maingat nagligpit ng mga pinagkainan namin. Matamang ko lang naman itong pinanonood. "Coffee ba?" anito ng matapos malinisan ang mesa at pinagkainan namin. "Lemon tea." Napalapad ang ngiti nito na inirapan ko kaya napagaya itong inismidan rin ako. Aba't?! Ang lakas talaga ng loob ng kutong-lupa na 'to! "Patirikin ko mga mata mo eh," bulong ko at natatawa na hindi naman nito narinig ang salitang bigla na lamang lumabas sa bibig ko! KABADO akong palakad-lakad dito sa office habang hinihintay magtanghalian. Para sa muling paghaharap namin ng mga traydor sa buhay kong minsan ng naging mahalaga sa akin sa loob ng sampung taon naming pagkakaibigan at relasyon. Napabuga ako ng hangin. Kahit naman okay na ako ay 'di ko pa rin maiwasang kabahan na muling makita ang mga taong dahilan ng pagbagsak at lugmok ko dati. Na naging sanhi ng pagka-deppresed ko and worst?Pagtangka kong pagkitil ng sarili kong buhay! Napakuyom ako ng kamao na maalalang muli ang hirap na napagdaanan ko dahil sa kanilang dalawa. Nangangati na akong ipamukha sa kanila kung gaano na kataas ang taong ibinagsak, tinapakan at pinagtawanan nila noon. Dahil sa pera. Kinuha nila lahat sa akin. "Boss, kape mo." Napapihit ako sa boses nito at 'di akalaing nasa likuran ko lang ito dala ang mug ng kapeng ginawa nito kaya natapon sa dibdib nito ang laman non na ikinadaing nito at alarma ko! "Ahh! Ang init! Boss, naman!" hiyaw nito. "Fvck, why so careless?!" Agad kong kinuha ang baso dito at inakay sa kitchen. "Ikaw 'tong nangbabangga eh!" himutok nito na namumula na ang mukha. "T-Teka. . . anong ginagawa mo, boss!?" bulalas nito at pinigilan ang kamay kong binubuksan ang butones ng blouse nito. Nanigas akong parang binuhusan ng malamig na tubig ng mapagtanto ang ginagawa ko. Namimilog pa ang mga bilugang mata nito na bakas ang kagulatan. Napabitaw ako dito at napapamura na lamang sa isip-isip! "Ahm, fix yourself. Alam mong may meeting tayong pupuntahan mamaya," walang emosyong saad ko at iniwanan na itong natutulala sa lababo. Napapilig ako ng ulong napakuyom ng kamao! Fvck! Muntik ko ng makita ang yamang tinatakpan nito kung hindi ito natauhan sa akmang paghubad ko sa blouse nitong basang-basa ng kape! Nataranta lang naman ako at tinutulungan lang siya kaya nawala sa isip ko ang maaari kong makita! Damn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD