Chapter 11 Instant Fiancee

2426 Words
AKHIRO: NAKONSENSYA naman akong nalapnos ko ito sa dibdib kahit na ba hindi ko iyon sinasadya. Pagkalabas nito ng banyo ay presentable pa rin naman ito na isinuot ang plain white shirt kong hiniram nito na ini-tuck-in nito sa black pencil skirt nito at napapatungan ng black blazer. Napaayos ako ng tayo at 'di pinahalata ditong nagu-guilty ako. May oras pa naman kami kaya kahit matagalan kami sa lunch meeting namin. "Tara na, boss!" masiglang saad nito. "Are you comfortable with that?" aniko na muling pinasadaan ang kabuoan nito. "Yes, boss, magaling akong magdala ng damit kaya yakang-yaka ko 'to!" Napailing akong nagpatiuna na sa elevator ko. Kaagad namang sumunod ito. Nagpamulsa ako at napapanguso kung paano ko ba ipapamukha sa dalawang traitor at paghinayangan ang pangtatraydor sa akin. Tahimik lang naman si Moi na nasa gilid ko at ito na rin ang nag-press ng button pababa ng ground floor. Yakap pa nito ang iPad at note nito na laging dala-dala para ilista lahat ng mahalagang pagdi-discuss-an namin ng bawat ka-meeting ko. Kahit sa pagbukas ng kotse ay ito na ang gumawa. Inalalayan pa nito ang ulo ko na h'wag mauntog. Napaka-protective na secretary. Napangisi ako sa isip-isip ng may maalala na para panghinayangan ako ng dalawang imi-meet namin lalo na si Aliyah na dumurog sa akin. "Daan tayo sa Dani's boutique na madadaanan natin." Napalingon naman ito sa akin sa rear view mirror na tumango. "Yes, boss!" masiglang sagot nito. Bumaling na ako sa bintana at pinanatiling seryoso ang itsura. Ramdam ko naman ang matamang panakanaka nitong pagsulyap sa akin. Pagdating namin sa boutique ng kapatid ko ay napapairit pa ang mga salalady dito na mamukhaan ako ng mga ito. "Follow me," nagpatiuna na ako at nakasunod lang naman ito. "Come here." Hinila ko ito sa harapan at isinusukat sa kanya ang mga dress na napili kong naka-hanger pa. Napapakunotnoo pa ito na nakamata sa akin at puno ng pagtataka ang mga mata. "Here, wear this," aniko ng makapili ng nababagay sa kanya. Lahat naman ng napili ko ay bagay sa kanya pero pinili ko ang baby pink na sleeveless at litaw ang punong braso nito. Round neck ito kaya hindi litaw ang mayaman nitong hinaharap. At hanggang taas ng tuhod nito ang laylayan dahil may kaliitan siyang babae na kung 'di ako nagkakamali ay nasa 155cm lang ito. Kung hindi lang siya laging naka-wedge sandals ay nasa kili-kili ko lang ito. "Pero boss--" Napatikom ito ng bibig ng panlakihan ko ng mga mata ko. "Oo na, pero. . . ." Sumenyas pa itong may ibubulong kaya bahagya akong yumuko. "Sige, tatanggapin ko 'to dahil may meeting tayo pero. . . hindi pa rin kita type, huh? Kaya h'wag ka ng magpakitang gilas sa akin. Baka akala mo makukuha mo ako sa pasuhol-suhol mo, boss, hmm?" bulong nito sa punong-tainga ko na tinapik ako sa balikat at may matamis na ngiting kinuha sa akin ang dress na isusuot nito. Napakurap-kurap ako at pagak na natawang naiiling ng mag-sink-in sa utak ko ang sinaad nito! Sa inis ko ay sinundan ko ito sa fitting room na pinasukan nito. "Moi!--" sigaw ko sabay hawi sa kurtinang nakatabing at namilog ang mga matang makita itong tanging panty na lang ang suot! "Ayt!! Tukmol ka, ano ba!?" Napalunok akong napakurap-kurap dito na hindi na magkandamayaw ng tatakpan kung ang p***y bang may manipis at kakapiranggot na tela lang ang nakatakip o ang bilugang dibdib na nakalantad na sa harapan ko! Fvck! Kahit may kaliitan siyang babae ay malakas naman ang dating sa perpektong pagkakaukit bawat kurba ng katawan! Kakat'wang kahit malakas itong lumamon ay balingkinitan pa rin ang pangangatawan! "Boss, labas!" Napanganga ako ng bulyawan na ako nito na naka-cross-arms sa mga dibdib nitong ang sarap lamasin sa pagkakabilog at tayo fvck! Napahagod ako sa lalamunan kong nanuyo at 'di mapigilan ang mga matang muling mapasadaan ang kabuoan nito! Napangisi ako ng pulang-pula na ang mukha nito na pinaniningkitan na pala ako! "What are you waiting for? Bihis na," ngising asong saad ko. Namilog ang mga bilugang mata nito na napakurap-kurap kaya mahina akong natawa at napailing. Napapakagat-labi akong muling pinasadaan ang kabuoan nito at 'di maiwasang makaramdam ng init, uhaw at pagkakatakam fvck! Pumintig pa tuloy si buddy na natatakam na rin manusok ng batang makulit! Tignan ko lang tatawagin pa ako nitong tatang niya! Baka ito na mismo ang manligaw sa akin kapag napatirik ko ang mga mata nito Damn! Baka mapisat ko pa ito sa laki kong tao at ng kargada ko. "Nang nand'yan ka? Sira ka ba? Eh 'di nakita mo na ang akin," nandidilat ang mga mata nito nitong nakatutok sa akin. Humalukipkip akong tinaasan ito ng kilay. "So what? Nakita ko na 'yan lahat. Remembered the night that you've slept over at my condo, hmm?" Namula itong napatikom ng bibig na ikinangisi ko. Napaiwas tingin na rin ang mga nandidilat nitong mata sa akin kanina. "Boss naman, iba noon. Sige na mali-late na tayo. Labas na muna," nahihiyang saad nito. "Fine," ismid ko ng maalala ang meeting na dadaluhan namin. Nangingiti akong muling bumalik ng waiting area habang nagbibihis ito. Napapairit pa ang mga staff dito na pasimple akong kinukunan sa mga cellphone nila tsk. Napalunok akong napatikhim ng sa wakas ay lumabas na ito ng fitting room na nakabihis! Kahit light lang ang makeup nito ay walang lalakeng hindi mapapalingon kapag ito ang dumaan sa harap! Lalong tumingkad ang kutis nito sa suot na bumagay sa kanya. Lalo tuloy siyang nagmukhang barbie doll kong kay sarap kargahin at yakap-yakapin! "Mainlove ka lalo, boss, hindi pa naman--" "Hindi mo bagay," ismid at putol ko sa pagpapamukha na naman sana nitong hindi niya ako type at papatulan. At malamang ay ipapaalala na naman nito ang agegap namin. Damnit! Yong ibang couples nga para na silang mag-apo pero nagmamahalan pa rin naman. Tapos kaming parang mag-kuya lang aayawan ako? Ibang klase talaga ang babaeng 'to! Ano bang gusto niya sa lalake? Yong mga siga sa kanto na walang trabaho? Anong mali sa akin at ang lakas ng loob ipamukhang wala siya gusto sa akin gayong nasa akin na lahat! Pera, katanyagan, itsura kahit pangangatawan ay masasabi ko namang dadaigin ko pa ang mga male models kahit mga international. Kung patalinuhan ay matutumbasan ko nga ang computer. At bata-bata pa naman ako kung tutuusin lalo na sa itsura tapos babastedin niya lang. Fvck! Hindi pa nga ako nakakapagtapat basted na agad! Lihim akong napangiti ng mapabusangot ito. "Make over her, from head to toe," maawtoridad kong baling sa mga staff na agad tumalima. "T-Teka pangit ba make-up ko, boss?!" alma nitong ikinangisi ko. "H'wag ka ng umangal ng magmukha kang tao. Hindi basta-basta ang imi-meet nating investors." Napaismid itong inirapan ako at nagpatianod sa mga staff na iginiya siya sa harapan ng salamin at pinaupo sa pang-isahang sofa at nagsimulang i-makeover mula sa buhok nitong laging nakapusod pataas. Kahit mga kuko nga nito ay nilinis nila kahit malinis naman na. Gusto ko lang mas madagdagan ang self-confidence nito lalo na't kilala ko si Aliyah na isang supistikadang babae at napakaarte sa katawan. Kahit naman mas maganda si Moi dito ay gusto ko pa ring ilampaso ito mamaya ni Moi para ma-realize niya ang sinayang niya. Muli akong naupo at dumampot ng magazine na pinagkaabalahan kong pagbubuklatin habang inaayusan nila si Moi. Ramdam ko ang panay pagsulyap nito kaya hindi ko na ito nililingon at kunwari'y busy-busy-han sa pagbabasa ng magazine habang nakadekwatrong nakaupo. Natigilan ako ng matapos na ito na kumpyansang-kumpyansa na naglakad palapit sa akin. "P'wede na ba? Nagmukha na ba akong tao sa paningin mo, boss?" anito na sa pagmamalditang tono. Nangingiti ako sa isip-isip ko sa pagmamaldita nito sa akin at hindi natatakot kahit ako pa ba ang boss. Ma-attitude akong amo pero damn, mas ma-attitude pa ang bubwit kong secretary! Ang sarap ibulsa ng kutonglupa na 'to! Napalunok ako pero 'di nagpahalatang namangha pagkaangat ko ng mukha. Nakalugay na ang mahabang buhok nito na bahagyang kinulot kaya naging wavy na bumagay sa light makeup nito. Lalo tuloy siyang nagmukhang barbie doll ko! Haist! Bakit ko ba siya inaangkin? Hindi ko naman ito type! Sarado na ang puso ko sa mga babae pero, fvck! Ang lakas namang makasipa ng pintuan ang kutonglupa na 'to at nagawang unti-unting buksan ang saradong puso ko. "Ahm! Mukha ka pa ring kutonglupa," ismid ko at tumalikod na para itago ang ngiti ko. "Tukmol ka talaga. Ano bang maganda sa'yo?" bubulong-bulong saad nito na nakasunod sa likod ko. "Hop in." Napakurap-kurap ito ng ako na ang nagtungo sa driverside. "Po!?" "Are you deaf?" pabalang tanong ko. Inirapan pa ako at akmang sa likod sasakay kaya natigilan ako sa pagpasok ng kotse. "Damn it, Moi!! I'm not your driver!" bulyaw ko kaya taranta itong lumipat dito sa harap at padabog pumasok ng kotse. Tahimik kaming nagtungo ng restaurant. Napapanguso pa ito na panay ang sulyap sa akin. Kinabahan naman ako ng maalala ang dalawang imi-meet namin. "Ahem! Moi," pagtawag ko dito sa kalmadong tono at sa kalsada lang nakatingin. Kita ko naman sa peripheral vision kong lumingon ito. "Yes, boss?" "Ahm, mamaya sumakay ka na lang sa mga sasabihin ko, huh?" paninimula ko. Mahirap ng wala itong alam baka imbes na manghinayang si Aliyah sa akin ay lalo lang akong pagtatawanan. "Okay, boss," anito. Napahinga ako ng malalim at ramdam ang pagsisimulang pagsikip ng dibdib ko kaya niluwagan ko bahagya ang necktie ko. "Okay ka lang ba, boss?" nag-aalalang tanong nito. Ito ang isa sa nagustuhan ko sa kanya, madalas niyang inaalam ang nararamdaman ko. Kaya minsan ay naka-advance na nitong mag-isip sa mga nararamdaman ko. "Okay lang. Basta ihanda mo ang sarili mo. As I've said, hindi basta-basta ang mga kahaharapin natin," napatango-tango naman ito. KABADO kong ipinark ang kotse sa harap ng restaurant na meetplace namin nila Jeff at Aliyah. Hindi ako sigurado kung nandidito na sila pero para makasigurado ay ngayon pa lang dapat malambing at maasikaso na ako kay Moi. "Stay here, I'll open the door for you." Mabilis ko ng tinanggal ang seatbelt at bumaba ng kotseng umikot sa gawi nito. Nakangiti kong pinagbuksan at inalalayan itong puno ng pagtataka at katanungan ang mga mata. "Smile, Moi, pinaretoke pa naman kita tapos sisimangot ka lang," ani ko at iniyakap ang kamay nito sa braso kong sinabayan itong naglakad papasok ng restaurant. Pagpasok namin ay pasimple kong iginala ang paningin sa paligid at natigilan ng mapatingin sa dalawang pares sa may gilid na matamang ng nakatitig sa amin na napatayo kaya nagkunwari akong hindi pa sila nakikita na bumaling kay Moi. "Moi." "Hmm?" napatingala naman ito. Matamis akong napangiti at hinapit ito sa baywang na ikinamilog ng mga mata nito. Bahagya akong yumukod dito. "Paki-ayos ang necktie ko, and please? Smile, maging malambing ka sa akin. Nandito na ang mga investor natin," bulong ko at tumuwid na ng tayong paharap dito. Kita at ramdam ko sa peripheral vision kong nakamata na ang dalawa sa amin ni Moi dito sa gitna kaya mas hinapit ko pa palapit ito sa baywang na hindi naman umangal. Kahit nagtataka ang mga mata nito ay matamis ngang ngumiti sa aking ikinabilis ng t***k ng puso ko. Maingat at dahan-dahan nitong inayos ang necktie ko na nakangiting matamang nakatitig sa mga mata ko. "Kiss me," bulong ko. Nanlaki ang mga mata nito na pinamulaan pero tumingkayad pa rin naman at humalik sa pisngi kong ikinangiti ko. Napahaplos ako sa buhok nito at mariing humalik sa noo nitong ikinamilog muli ng mga mata. "Are you ready?" tumango lang itong nakangiti ng muli. Inakbayan ko ito at lihim na napangiti ng yumakap ito ng tagiliran ko habang kunwaring napalinga-linga. Lumapit naman ang waiter sa amin ni Moi na tulad koy napapalinga sa paligid. "Ahm hello, Ma'am, Sir. This way, please?" anito na naglahad ng kamay pagawi sa dalawang nakamata pa rin sa amin ni Moi. "Thank you, Kuyang pogi" kindat pa ni Moi sa waiter na pinamulaan at nahihiyang ngumiti sa kutonglupang akbay ko. Lahat na yata ay pogi sa kanya tsk! "Akhie, long time no see, dude! How are you!?" masiglang bati ni Jeff na sinalubong kami ni Moi. Nakasunod lang naman ang asawa nitong napapataas kilay kay Moi na tila sinusuri nito. "Call me, Mr Montereal. We're here for business, Mr Anderson," pormal kong saad na tinanggap ang pakikipagkamayan nito. Napalunok itong namutla at pilit ngumiti. "Ahm, sorry. Yeah you're right, Mr Montereal. We're here for business," anito sa pormal na tono. "Ahm, Moi sweetheart, this is Mr Jeffrey Anderson our investor. Mr Anderson, this is Moira De Guzman my secretary and beloved. . . fiancee," pormal kong pagpapakilala na proud ang tono sa pagpapakilala kong fiancee ko ang babaeng akbay ko. Ramdam kong natigilan si Moi at bahagyang napakapit sa tagiliran ko kaya ihinahaplos-haplos ko naman ang hinlalaki kong nakadakma sa punong-braso nito. Bakas ang gulat sa mukha ng dalawang kaharap namin lalo na si Aliyah na akala yata ay hindi pa rin ako nakaka-moveon sa kanya tsk "Oh! Thats good for you, Mr Montereal. Masaya ako para sa'yo na sa wakas may nakahuli din sa pihikang puso mo," ani Jeff ng makabawi-bawi. Matamis akong napangiti na tumunghay kay Moi na napatingala din sa akin kaya napapisil ako sa baba nito. "Of course, wala eh. I can't resist her beauty and charm." Namula si Moi na matamis kong nginitian at pasimpleng kinurapan na agad niyang nakuha. "Bakit wala naman kaming naririnig na balitang. . . may fiancee ka na?" Napalingon kami sa pagsabat ni Aliyah na napapahalukipkip at nakataas ang kilay kay Moi. Lihim akong napapangisi na makita ang disappoinment dito na malamang. . . may fiancee na ako. "Ahm, ako kasi ang humiling no'n sa kanya, Mrs Anderson," pagsasalo ni Moi na ikinahinga ko ng maluwag. Kitang matiim nitong tinitigan si Moi mula ulo hanggang paa kaya muli ko itong hinapit sa baywang padikit sa aking ikinalunok nito at napaiwas ng tingin. Napapangisi na lamang ako sa isip na makitang may dumaang sakit sa mga mata nito na mapatingin sa kamay kong nakayapos sa baywang ni Moi kaya lalo kong ginatungan at napahalik sa ulo ni Moi na ikinatingala nito at nangingiting tumingkayad na humalik sa pisngi ko! "Okay, so let's proceed, Mr Montereal, Ms De Guzman. The food is already served," ani Jeffrey na ikinatango ko at inakay na si Moi sa lamesa na 'di na pinansin pa si Aliyah na matiim na napatitig sa akin. "Sorry but not sorry, Aliyah, ngayon ko lang na-realize. Hindi lang ikaw ang babaeng karapat dapat pinapahalagaan at minamahal sa paningin ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD