Chapter 14.b

1304 Words
Chrylei Criox’s Pov   Naisipan ko nang tumulong kay Lara sa paghahanda niya ang aming makakain habang ang mga kasama ko naman ay nagpapahinga sa sala dahil mahaba-haba din ang aming nilakbay bago nakarating dito.   Maliban sa akin ay narito din si Yarren upang tumulong at syempre ay makipagkwentuhan dahil matagal na panahon na din pala nang huli silang magkita.   “You still look the same as when the last time I saw you.” sambit ni Yaren. “I was actually doubting you before when you said that your age is actually ten time higher than my age.”   “At naniniwala ka na ngayon?” tanong ni Lara na tinanguan ni Yaren.   “Well, noon kasi ay hindi ko alam na may mga nilalang palang tulad ninyo na nabubuhay ng matagal na pahanon.” paliwanag ni Yaren.   Hindi ko maiwasang titigan ko si Lara.   Pamilyar kasi ang kanyang tinding, hugis ng mukha at ang kanyang mga mata. At pakiramdam ko ay malapit siya sa akin.   May tumutulak nga sa akin na yakapin siya ngunit pinipigilan ko lamang ito dahil baka kung ano ang kanyang isipin.   “Chrylei?”   Natauhan ako nang marinig ang pagtawag sa akin ni Yaren at kumunot ang aking noo nang makitang nakatingin din sila sa akin.   “May problema ba?” tanong ni Lara at agad akong nilapitan. “Bakit ka umiiyak?”   “Huh?” Doon ko lamang napagtanto na may luhang tumutulo sa mula sa aking mga mata. “A-anong nangyayari?”   Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong umiiyak. Hindi ko din maipaliwanag ang sarili kong nararamdaman.   Ang tanging alam ko lamang ay nakakaramdam ako ng matinding pangungulila habang nakatingin kay Lara.   “L-Laira.” Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata ngunit hindi ko na iyon pinansin pa at niyakap na lamang siya.   Ramdam ko ang paninigas ng kanyang katawan ngunit hindi nagtagal ay yumakap na din siya sa akin at higit iyon naging dahilan upang humagulgol na ako ng iyak.   Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman ngunit isa lamang ang aking sigurado sa mga oras na ito.   Masaya akong makita si Lara. Masayang-masaya akong makita siya.   **********   Yaren Jord’s Pov (Knight of Earth)   Halos matagal-tagal din bago tumigil sa pag-iyak si Chrylei at bumitaw kay Lara.   Napasugod nga sa kusina ang mga kasama namin dahil talagang malakas ang hagulgol nito pero hindi naman namin alam kung paano siya patatahanin.   Sinabihan nalang kami ni Lara na hayaan itong umiyak at yumakap sa kanya kahit pa nakaupo na sila sa sahig.   Hanggang sa tumigil ito sa pag-iyak at agad nakatulog.   Binuhat siya ni Zeal patungo sa silid na gagamitin nito at hanggang doon ay nakasunod kami.   “Ano bang nangyari?” bulong sa akin ni Illium.   Nagkibit-balikat ako. “Nagku-kwentuhan lang kami ni Lara tapos pagtingin namin sa kanya, umiiyak na. Noong nilapitan naman ni Lara tsaka biglang yumakap sa akin at humagulgol noong niyakap pabalik ni Lara.”   “Ako na ang bahala sa kakainin natin.” ani Savii. “Wala naman kaming maitutulong dito kaya isasama ko na din ang dalawang ito.” Walang pakundangan niyang hinila ang tenga nila Deccan at Kiev palabas ng kwarto.   “Aayusin ko nalang muna ang mga gamit nating nakakalat sa sala.” sambit ni Honaira at hinila na din si Illium, Milan at Erie.   Ang tanging naiwan lang dito ay sina Nevis, Cali, Zeal, Faero, Aimur, Lara at ako.   “Do you know why she cried?” tanong ni Faero kay Lara na nasa tabi ni Chrylei at hinahaplos ang buhok nito. “May ginawa ka ba sa kanya?”   “Wala akong ginawa sa kanya.” sambit ni Lara at kumunot ako dahil binabalot ng matinding kalungkutan ang kanyang boses. Hindi ito tipikal para sa kanya dahil palaging malambing at masaya ang boses niya. “Pero alam ko kung bakit siya umiyak.” Bumaling ito sa amin.   “Alam mo?” tanong ko na kanyang tinanguan.   “Then, bakit?” ani Aimur. “Bakit siya umiyak na para bang nangungulila siya habang nakayakap sayo? Kilala ka ba niya? Naging parte ka din ba ng buhay niya noong nasa Allura siya?”   Umiling ito. “Hindi ako naging parte ng buhay niya pero kilala niya ako.”   Kumunot ang noo namin.   “What do you mean?” tanong ni Zeal.   “Naniniwala ba kayo sa reincarnation?” balik tanong nito.   “That is something that no one can really explain.” sabi ni Faero. “But I did believe in it.”   “Are you saying that you knew Chrylei’s past life?” tanong ni Cali.   “Yes.” sagot nito. “Though I don’t really know who she is because the past memories of her past life are blurry and I cannot construct it to make it clear.” Muli siyang bumaling kay Chrylei. “Ang malinaw lamang sa akin ngayon ay ang pakiramdam na isa siya sa mga nilalang na naging parte ng buhay ko matagal na panahon na ang lumipas. Na naging malapit sa akin at kinuha ng kamatayan.”   “And she felt that too.” ani Faero.   Wala akong alam tungkol sa reincarnation pero hindi ko maaatim na maramdaman ang nararamdaman ni Chrylei.   She’s confuse earlier when she was staring at Lara. I saw it in her eyes.   She doesn’t even know why she was crying but she chose to let it go without thinking anything.   “Sa tingin mo ba ay malalaman mo kung sino sya sa kanyang nakaraan buhay?” tanong ni Cali.   Lumingon muli sa amin si Lara. “Bakit?”   “Ahm--” Nag-iwas ng tingin si Cali.   “Just be honest, young man.” nakangiting sabi ni Lara.   Ilang beses munang bumuntong hininga si Cali pagkuwa’y diretsong tumingin kay Lara. “I don’t really like her.”   “Cali!” Parehong hindi makapaniwala si Faero at Aimur sa narinig.   “Hayaan nyo muna siyang magsalita.” Agad pinigil ni Zeal si Faero nang akma nitong susugurin si Cali.   “I don’t really like her from the very first time I saw her.”   “At talagang inulit pa!” Ako naman ang pumigil kay Aimur dahil akma din niyang susugurin si Cali.   Ano ba naman kasi ang lalaking ito? Alam nyang over protective ang dalawang ito kay Chylei.   “She’s weak and obviously a typical damsel in distress type of girl na alam kong magbibigay lang ng problema sa amin.” dagdag pa ni Cali kaya lalong nagwala ang dalawang babae. “Pero…”   Natigil ang lahat at hinihintay ang sunod nitong sasabihin.   “Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang yakapin.” dagdag nito. “Nakaramdam din ako ng pangungulila nang makita siya and I hate that feeling because I can’t explain it.”   “Maybe your past life is also friends with her past life.” nakangiting sabi ni Lara. “And maybe like me, nahiwalay ka din sa kanya sa hindi magandang paraan kaya ganoon na lamanga ng pangungulila na nararamdaman natin nang makita siya.”   “Then, ganoon din ang akin?” tanong ni Aimur habang itinuturo ang sarili. “I did feel exactly like that before.”   “What is your name?” tanong ni Lara sa dalawa.   “Cali Natur.”   “Aimur Vanne.”   “Oh, then it makes sense.” At bumaling sa akin si Lara. “You feel that too, right?”   Nag-iwas ako ng tingin at tumango. Ngunit agad akong naalarma nang siya naman ang biglang humagulgol ng iyak.   “Hey!” Nilapitan ko siya. “Ano bang nangyayari sayo?”   Umiling siya. “I...I am just happy. I am really happy.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD