Chapter 15

1195 Words
Chrylei Criox’s Pov   Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at ang unang bumungad sa akin ay isang hindi pamilyar na kisame.   Nasaan ako?   Iginala ko ang aking paningin sa paligid at napabangon nang makita sina Cali, Aimur, Faero, Yaren at Zeal na natutulog sa carpet na nasa tabi ng kamang aking hinihigaan.   “Gising ka na pala.” Bumaling ako sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok si Lara.   Doon ko naalala ang nangyari kahapon at hindi ko maiwasang hindi mahiya sa aking ikinilos.   “You don’t have to be shy, Chrylei.” sambit nito at lumapit sa akin. “I perfectly understand why you did that?”   “Naiintindihan mo?” kunot noo kong tanong sa kanya. Aba, hindi ko nga maintindihan ang sarili ko eh.   “I am not an ordinary Thrylos, Chrylei.” aniya. “I am part of Sacred Cross that’s why I know why you are feeling that way.”   “Eh?” Nanlaki ang aking mga mata. “Parte ka ng Kiseki Nine.”   Ngumiti siya at tumango.   “Sino ka sa kanila?” tanong ko at muling tinitigan ang kabuuan niya.   “Bakit hindi mo hulaan gayong binaggit mo na kahapon ang tunay kong pangalan.”   Inalala ko ang mga nangyari kahapon at kung may nabanggit ba akong pangalan. At nanlaki nalang ang aking mga mata habang nakatakip ang aking mga kamay sa bibig ko. “La-Laira? Ang tagapangalaga ng alaala.”   Lumawak ang kanyang ngiti.   “Ikaw ang miyembro ng Kiseki Nine na madalas nakakulong lamang sa isang tore dahil masyadong malakas ang iyong kapangyarihan at lahat ng napapatingin sayo ay nawawalan ng alaala.”   “Oh.” Hinaplos nya ang aking pisngi. “You did your research.”   “Nabanggit ni Red na isa ka sa mga nananatiling buhay pa ngunit hindi ko inaakala na makikita at makakaharap kita.”   Nawala ang kanyang ngiti at kumunot ang kanyang noo. “Nakita at nakilala mo si Red?”   Tumango ako. “Nagkakilala kami sa garden ng Holy Knight University. Sa harap ng fountain kung saan may isang estatwa na walang mukha.”   Saglit siyang napaisip ng malalim.   “Ahm, may problema ba?” tanong ko.   Bumaling siya sa akin at muling ngumiti pagkuwa’y umiling. “Nagtataka lang ako kung ano ang ginagawa ni Red sa Antlers.”   “Sinabi niyang may gumambala ng tahimik niyang pamumuhay kaya nagpunta siya kay Yumei para kumuha ng impormasyon.” sabi ko. “At sinabi din niya na kapag nakuha niya iyon ay muli na siyang lalayo sa Antlers dahil delikado para sa mga tulad nyo ang lugar na iyon.”   “Well, he is right. At masalimuot ang kapalaran naming mga nilalang na piniling manatiling buhay sa tagal ng panahon.” sambit niya pagkuwa’y tumayo. “Gisingin mo na ang mga kaibigan mo nang makapag-almusal na kayo. At pagkatapos noon ay pag-uusapan na natin ang dahilan kung bakit nga ba kayo narito.”   “Laira.” tawag ko sa kanya bago pa niya maisara ang pintuan. “Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon pero gusto kong malaman mo na masaya ako. Masayang-masaya ako na makita ka.”   Ngumiti siya. “Masaya din ako.”   Anuman ang nararamdaman ko ngayon ay nasisiguro kong mabibigyan din ng linaw kapag dumating ang tamang panahon. Pero sa ngayon ay mas makakabuti kung pagtutuunan ko muna ng pansin ang tunay na dahilan kung bakit nga ba kami nagpunta dito.   __________   Alam kong napag-alala ko sila dahil sa nangyari kaya hindi na ako nagtaka nang sina Faero at Aimur naman ang umiyak habang nakayakap sa akin kanina nang gisingin ko sila.   Hinayaan ko nalang muna hanggang sa kumalma sila.   Ngunit ang ipinagtataka ko ay maging si Cali at Yaren ay umiyak. Pilit pa nga nila iyong itinatago kaya’t hindi ko na napigilang magtanong sa kanila.   At sinabi nilang nag-alala lang din sila sa akin.   Nang kumalma ang lahat ay tsaka pa lamang kami lumabas ng kwarto upang makapag-almusal.   At matapos naming kumain ay tinipon na kami ni Lara sa sala ng kanyang tahanan.   “So, maaari nyo na bang sabihin sa akin kung bakit kayo nagpunta dito?” tanong niya. “Sa totoo lang ay wala akong nakikitang dahilan para bisitahin ng mga prinsipe at prinsesa ng Attila ang aking tahanan.”   “Have you ever heard about the knight who doesn’t have any kind of power and cannot even wield a sword?” tanong ni Faero.   “Yes.” sagot nito. “I heard a little information about them. Why?”   “Chrylei is one of those knight.”   Nanlaki ang kanyang mga mata at bumaling sa akin na para bang hinihintay ang aking kumpirmasyon.   Tumango ako. “Ipinanganak akong walang kahit anong kapangyarihan at dahil sa takot ng mga magulang ko na masaktan ako gayong wala akong sapat na enerhiya sa katawan ay pinagbawalan din nila akong matutong humawak o gumamit ng espada.”   “Oh, that explains why you are so weak.” sambit ni Honaira. “Masyadong overprotective ang mga magulang mo at hindi ka nila tinuruan kung paano maipagtatanggol ang sarili mo.”   Alanganin akong ngumiti dahil totoo ang kanyang sinabi.   Dahil nasa tabi lang naman ako ni Lara ay mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at pumikit.   “And according to her at sa mga research ni Tita Decia, ang mga knight na tulad niya ay may maikling buhay lamang.” dagdag ni Yaren. “It is either they will die because of a disease, illness or someone will kill them.”   “Then, Yaren thought about the Earth spirits.” ani Aimur.   “Iniisip niyong isang earth spirits ang dahilan kung paanong hanggang sa kasalukuyang panahon ay may mga tulad kong nabubuhay pa din?” ani Lara pagkuwa’y dumilat at bumaling sa mga kasama ko. “Ikinalulungkot ko ngunit mali ang inyong iniisip.”   “Eh?”   “Kung ganoon ay ano ang sikreto sa mahabang buhay na mayroon ang mga Thrylos gayong hindi naman sila ang Knight of Immortality.”  sabi ni Cali.   “That is your answer, young man.” ani Lara at ngumiti. “We’ve been blessed by the first holder of Immortality power before he even passed it to someone else.”   “Ibig sabihin ay hindi si Yumei ang unang tagapangalaga ng kapangyarihan ng immortal?” tanong ko na kanyang inilingan.   “Ipinasa lamang sa kanya iyon ng tunay na nagmamay-ari nito.”   “Then, we just waste our time going here?” inis na sabi ni Erie. “Gayong hindi din pala gagana ang naisip nating paraan upang mapahaba ang buhay ni Chrylei.”   “Totoong hindi earth spirits ang dahilan ng mahaba naming buhay ngunit hindi ko sinasabi na imposible ang iniisip nyo.” Muling natuon ang atensyon ng lahat kay Lara nang sabihin niya iyon.   “Anong ibig mong sabihin?”   “You can infuse an earth spirit on her body. If it accepts her, she will definitely live longer and acquire some earth powers.” sabi nito. “But if it rejects her, she will immediately die on the spot.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD