Chapter 14.a

1345 Words
Chyrlei Criox’s Pov   “Sigurado ka bang dito ang tamang daan?” tanong sa akin ni Aimur nang dalhin kami ng mapang hawak ko sa bukana ng isang kweba. “Hindi naman ito ang tuktok ng bundok ah.”   “Oo nga.” sabi ko at muling tumitig sa mapa. “Pero ito talaga ang itinuturo ng mapa.”   Hindi ko din maintindihan kung bakit ganito pero nasisisguro kong tama ang pagkakabasa ko sa mapang ito.   “Alam nyo, magpahinga nalang muna tayo dito.” sambit ni Faero at ibinaba ang kanyang mga gamit. “Magdidilim na kaya kahit bumalik tayo sa ibaba ng bundok ay nasisiguro kong maliligaw lang tayo.”   “Are we going to camp here?”   Tumango siya.   “Why don’t we use the cave.” ani Cali. “Sa tingin ko naman ay ligtas sa loob. Hindi pa tayo masyadong malalamigan at kung sakaling gumawa tayo ng apoy ay hindi din tayo makakaabala sa mga hayop na nasa paligid.”   “Mabuti nalang pala at isang linggo ang ipinaalam natin.” ani Milan. “Kung ganito naman palang hindi magiging madali ang paghahanap sa tinitirhan ng Thrylos na iyon.”   Naglakad na kami papasok ng kweba.   Malaki ang kabuuan ng kweba kaya’y pinili naming mas pumunta pa sa dulo nito upang masigurong walang kaming magagambala sa loob at labas ng kweba.   Hangga’t narito kami sa lugar na ito ay kailangan naming mag-ingat lalo na’t hindi sila maaaring gumamit ng kapangyarihan.   Nang marating namin ang dulo ng kweba ay namangha kami dahil may mga maliliit na nagliliwanag na bato ang nakakalat sa pader nito.   At sapat ang liwanag nito upang hindi na hindi na kami gumawa pa ng apoy.   “Let’s just create a small fire to cook our food.” ani Faero matapos ilapag ang kanyang gamit.   Inilapag na din ng iba ang kani-kanilang mga gamit at sinimulan ang pag-aayos ng aming mga makakain.   Habang ako ay tinitigigan ang mga maliliwanag na bato.   Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako na para bang pamilyar sa akin ang mga batong ito. Na para bang minsan ko na itong nakita pero hindi ko maalala kung saan at kailan.   “Chrylei, can you help me with these ingredients.” dinig kong tawag sa akin ni Savii kaya agad akong lumingon sa kanila.   “Okay.” Muli kong tinapunan ng tingin ang mga bato pagkuwa’y bumuntong hininga. Siguro ay masyado lamang akong pagod kaya kung anu-ano ang aking nararamdaman.   Akma na akong tatalikod nang may biglang humawak sa aking braso.   Nanlaki ang mga mata ko nang makita na ang kamay na nakahawak sa akin ay nakatagos sa pader na aking nasa harap.   At ang tanging nagawa ko na lamang ay sumigaw nang bigla ako nitong hilahin.   Inakala kong ako ay tatama sa pader kaya mariin kong ipinikit ang aking mga mata at hinintay na lamang ang sakit na akong dadanasin.   **********   Faero Initia’s Pov (Knight of Element, Attila’s Princess)   Naalarma ang lahat nang marinig ang malakas na sigaw ni Chrylei kaya agad kaming bumaling sa kanyang kinatatayuan.   At isang hindi kapani-paniwalang pangyayari ang aming nasaksihan dahil isang kamay ang siyang tumatago sa pader ng kweba at mahigpit na nakahawak sa braso ni Chrylei.   At ilang sandali pa ay hinila nito si Chrylei na tumagos din sa pader hanggang sa ito ay naglago.   Mabilis kaming tumayo hawak ang anumang bagay na aming nahablot upang gamiting sandata.   Hindi kasi namin maaaring gamitin ang kanya-kanya naming espada dahil may trace iyon ng kapangyarihan namin na posibleng maka-attract sa mga hayop na nasa bundok na ito.   “Just what the hell happened?” tanong ng lahat habang nakatitig sa pader.   “Someone took Chrylei and we need to do something to get her back.”   “But that is a kind of strange wall, Faero.” ani Milan. “It could be some trap.”   “It could be.” sambit ni Aimur. “Pero hindi naman tayo pwedeng tumunganga lang dito habang si Chrylei ay posible nang nasa panganib.”   “Then, let’s go near it.” Walang pagdadalawang isip na lumapit sa pader sina Zeal at Deccan. Nagtanguan pa ang dalawa at akmang hahawakan ang pader nang may biglang sumulpot na mga kamay mula sa pader at hinawakan ang kanilang mga braso.   “s**t/f**k!” Mabilis na kumilos ang dalawa upang saktan ang may-ari nang kamay na nakahawak sa kanila ngunit nabitin sa ere ang kanilang mga kamay nang lumabas ang ulo ni Chrylei.   “Guys!”   Nanlaki ang mga mata ko at agad lumapit sa kanya pagkuwa’y hinawakan ang mukha niya. “Anong nangyari sayo?”   “Ah, ang pader na ito ay isang ilusyon lamang na ginawa upang protektahan ang mismong lagusan papunta sa tirahan ni Lara.” paliwanag niya habang nananatiling ang kanyang mga kamay at ulo lamang ang nakalitaw sa pader. “Huwag kayong mag-alala. Ligtas dito.”   Hinila niya ang dalawang hawak na lalaki at dahil nasa gitna nila ako ay nadala na din ako sa kabilang parte ng pader.   Saglit akong napapikit dahil sa liwanag na sumalubong sa amin at dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata hanggang sa masanay ito sa liwanag.   At namangha na lamang ako sa magandang tanawin na nabugaran ko.   “This is a paradise.” mahina kong sabi.   “Ah, Faero?”   Natauhan ako at bumaling kay Chrylei.   Itinuturo niya ang kamay kong nakahawak pa din sa mukha niya kaya agad ko na siyang binitiwan.   “Sorry.”   “Susunuduin ko lang iyong iba.” aniya at muling tumagos sa pader.   Ilang sandali pa ay nagdatingan na din ang iba at tulad ko, pagkamangha ang una nilang naramdaman matapos makita kung gaano kaganda dito sa tuktok ng Sulli Mountain.   Malawak ang buong lupain. May pino at berdeng d**o sa paligid at nagtataasang mga puno. Sariwa ang hangin at malayang nakakalipad ang iba’t-ibang lahi ng ibon. May mga malilit na scaled dragon din na tanging sa bundok na ito lamang makikita.   “Lara!” sigaw ni Yaren at mabilis na niyakap ang babaeng palapit sa amin. “Na-miss kita.”   “I missed you too, Ren.” sambit nito pagkuwa’y bumaling sa amin. “Ipagpatawad ninyo kung kayo ay aking natakot. Matagal na panahon na din kasi ang nakakalipas nang may huling nagtangkang pumunta dito kaya nagdadalawang isip ako kung kayo ba ay mga mabubuting knights.”   Kumalas ng yakap si Yaren. “At si Chrylei ang una mong nakita upang subukan?”   Tumango ito. “Siya din kasi ang pinakamalapit sa pader at panilyar ang kanyang enerhiya kaya siya ang aking unang hinila.”   “Nandito na ang lahat.” sambit ni Chrylei.   “Halina kayo sa aking munting tahanan. Ipinahanda ko na ang inyong tutuluyan.”   Bumaling ako kay Chrylei. “Are you really okay? Wala bang ginawa sayo ang babaeng iyan?”   Tumango siya. “Hinawakan lang niya ang aking mukha at tinitigan pagkuwa’y ngumiti. Tapos sinabi niyang maaari ko na kayong puntahan at dalhin dito.”   Nakahinga ako ng maluwag.   Grabe ang takot ko nang makitang nilalamon ng pader si Chrylei at talagang gusto kong sugurin ang pader na iyon pero pinigilan ko dahil alam kong pati ang mga kasama namin ay posibleng mapahamak kung magpapadala ako sa aking emosyon.   “Huwag ka nang masyadong mag-alala sa kanya.” sambit ni Zeal na nasa tabi ko habang tinitignan namin si Chrylei na nauuna nang pumunta sa tahanan ni Lara.   “Zeal, is it really natural for me to feel this kind of affection towards her?” Bumaling ako sa kanya. “You see, I only know her for just a couple of months pero iyong takot ko na mawala siya, sobra-sobra.”   Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti. “Yes, it is okay. And maybe you were also bestfriends on your last life, that's why you can’t even explain why you loved her that much.” Well, maybe he is right.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD