Chapter 20.a

1277 Words
Chrylei Criox’s Pov “I’m sorry, Chrylei!” Iyan ang bungad ng lahat sa akin paglabas ko palang ng kwarto. Agad akong niyakap nila Faero at Aimur habang umiiyak. “Huwag na kayong umiyak.” Hinaplos ko ang kanilang buhok. “Wala kayong kasalanan sa nangyari.” “No.” Umiling-iling si Faero. “Hindi tinablan ng illusion spell sina Deccan at Honaira kaya nangangahulugan lang iyon na kami ang may pagkakamali.” “Tama!” sigaw ni Honaira. “Ikaw dapat ang hindi tinablan ng spell na iyon dahil ikaw ang pinakamalapit sa babaeng iyan.” “Honaira.” Binalingan ko siya at umiling-iling. Inirapan niya lamang ako at pinag-krus ang mga kamay niya sa dibdib. “Tulad ng aking sinabi, huwag nyo nang alalahanin ang anumang nangyari kagabi dahil hindi nyo naman ginusto ang inyong mga ikinilos.” sabi ko. “Isa pa, naipaliwanag na sa akin ni Mare ang nangyari.” “We are still at fault.” sambit ni Zeal na nakayuko. “Damn right!” Agad namang nag-iwas ng tingin si Deccan at itinikom ang bibig nang bigyan ko siya ng masamang tingin. Alam kong sila ang nahirapan sa pagprotekta sa akin upang hindi ako tuluyang masaktan ng mga kasama namin pero wala namang magandang maitutulong kung sisisihin nila ito. Lalo na’t noong tumagal naman ay nilabanan na nila ang spell na iyon. “Nakikiusap ako, huwag ninyo nang sisihin ang sarili nyo.” sambit ko. “Maliwanag sa akin na hindi nyo kagustuhan ang naganap. At kung iniisip niyo na may kailangan kayong gawin upang mapatawad ang inyong mga sarili ay hindi ko kayo pipigilan. Ang sa akin lang, gusto ko ding maging malinaw sa inyo ang nararamdaman ko.” “Chrylei!” Maging si Cali ay umiyak na din at nakiyakap sa amin. “Thank you for understanding.” “Alam kong iilang buwan palang mula nang magkakilala tayong lahat pero kaibigan na ang turing ko sa inyo.” sabi ko. “Mga kaibigan ko kayo.” Nag-iwas sila ng tingin ngunit bakas ang pamumula sa mukha ng iba lalo na ang mukha ni Honaira. “Okay, tama na iyan at bumaba na kayo para makakain.” Bumitaw na sa akin sina Faero, Cali at Aimur. At pinunasan na din ng mga umiyak ang kanilang mga mukha. “Chrylei.” tawag sa akin ni Faero at diretsong tumingin sa mga mata ko. “I am still sorry for what I did but I promise you. Ito ang una’t huling pagkakataon na tatangkain kitang saktan. Tama si Honaira, I should be the one who protects you and not her.” “Hey--” Bumaling ako kay Honaira pero hindi din niya tinuloy ang sasabihin at nag-iwas lang ng tingin kaya ibinalik ko na ang tingin kay Faero. “Alam kong masyado ka lang mabait pero sana…” Huminga siya ng malalim. “Sana ay hayaan mo pa din akong protektahan ka.” Bumuntong hininga ako. “Sa totoo lang ay hindi nyo responsibilidad na protektahan ako kaya malaki ang pasasalamat ko sa mga ginagawa nyo para sa akin.” “But I still wanted to protect you.” dagdag ni Faero. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. “At hindi kita pipigilan sa bagay na iyan dahil pare-pareho naman nating alam na hindi din kayo mapapakali kung hindi niyo iyan gagawin.” Ngumiti si Faero. At hindi din nakaligtas sa aking paningin ang simpleng pagngiti ng mga kasama namin. “Well, mukhang okay na ang lahat.” ani Deccan. “Let’s go. Nagugutom na ako.” Bumaba na kami at dumeretso sa dining hall ng bahay na ito. At pagdating doon ay sinalubong kami ni Mare at Dream. “We know you!” sabay-sabay na sigaw ng mga kaibigan ko habang nakaturo kay Dream. “You were the one who put the illusion spell to us.” ani Zeal at akmang ilalabas ang kanyang espada ngunit agad ko na silang pinigilan. “Oo, siya ang may gawa noon pero huwag na nating palakihin ang gulong ito.” sambit ko at bumaling kay Dream. “Sinabi ni Mare na hindi mo nauulitin ang ginawa mo kagabi. Makakaasa ba kami doon?” Tinitigan niya ako pagkuwa’y tumango. “Hindi na mauulit ngunit siguraduhin nyo lamang na hindi ko na kayo muling makikita sa rehiyong ito dahil baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko.” Ngumiti ako at tumango. “Makakaasa ka sa bagay na iyan.” “Oh sya, kumain na kayo nang makabalik na kayo sa Antlers.” Umupo na kami at nagsimulang kumain. “Sa tingin ko ay hindi na tayo aabot sa oras.” sambit ni Zeal. “Dapat ay nasa border na tayo ng Lapis Region.” “At siguradong nakarating na sa palasyo na wala pa tayo doon hanggang ngayon kaya naghahanda na sila ng susundo sa atin.” dagdag ni Faero. “Sa tingin nyo ay makakasali pa tayo sa Expedition March?” tanong ni Yaren. “Iyon nalang sana ang pag-asa natin para makawala sa palasyo.” “At makalayo sa Antlers kung saan alam naman nating higit na nanganganib ang buhay ni Chrylei.” ani Cali. “Huwag nyo nang intindihin ang bagay na iyon.” nakangiting sambit ni Mare. “Bilang paghingi ng paumanhin sa ginawa ng aking kapatid, hahayaan ko kayong gamitin ang portal na magdadala sa inyo sa lugar na nais nyong marating.” “You know how to use a gate?” gulat na tanong ni Savii. Tumango si Mare. “Isa iyong simpleng spell na alam ng lahat ng Thrylos. At isa iyon sa dahilan kung bakit nagawa naming mamuhay ng tahimik at malayo sa lahat sa mahabang panahon.” “Hindi ba’t kayong mga Thrylos lang din ang may kakayahan ng Teleportation?” tanong ko. Nabasa kong isa iyon sa kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila noong naninirahan pa sila sa Kiseki University. “Tanging ang mga miyembro lang ng Sacred Cross ang may ganoong kakayahan.” sambit ni Dream. “Maliban sa mismong Knight of Teleportation. Habang ang ibang Thrylos ay tanging gate lamang ang kayang gamitin.” “Espesyal talaga ang Kiseki Nine.” Narinig kong bulong ni Erie. “Well, sila lang naman ang katuwang ni Snow White sa lahat ng bagay para protektahan ang mga half-blood noon.” sambit ni Milan. “Kaya maaari niyong sulitin ang araw na ito para makapagpahinga sa ginawa ng aking kapatid at mamayang gabi ay agad ko kayong dadalhin sa pinakamalapit na lugar na inyong nanaisin sa Antlers.” sabi ni Mare. “Can you at least bring us inside the HKU?” tanong ni Deccan. “May portal doon na ginagamit si Mommy and we can use that as a reason kung bakit hindi namin kinailangang dumaan sa border.” “In that way, maitatago natin ang katotohanang may nakaharap tayong Thrylos.” dagdag ni Faero. “Why?” biglang tanong ni Dream. “Bakit kailangan nyong itago na may nakilala kayong tulad namin?” “Alam namin ang panganib noon sa mga tulad nyo at hindi ko nanaisin na malungkot ang mga kaibigan kong may kaibigan ding Thrylos.” “May kaibigan kayong Thrylos?” tanong nito. “Yup.” sagot ni Aimur pagkuwa’y itinuro niya ako at si Yaren. “Silang dalawa.” “Sino?” “Si Lara ng Sulli Mountain.” sagot ni Yaren. Bumaling sa akin si Dream na naghihintay ng aking sagot. “Wala akong masyadong alam tungkol sa kanya kundi ang kanyang pangalan.” sambit ko. “Red. Red ang kanyang pangalan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD