Chapter 20.b

1240 Words
Chrylei Criox’s Pov “Red?” gulat na sambit nila Mare at Dream matapos kong banggitin ang pangalan ni Red. Tumango ako. “As in Flame Red?” tanong ni Mare na ikinakunot ng noo ko. “Ahm. Hindi ko alam ang buong pangalan niya.” sambit ko. “Red lang ang binanggit niyang pangalan sa akin.” “Sinasabi niyo bang ang kaibigan ni Chrylei ay si Flame Red na kapatid ni Snow White?” tanong ni Faero. “Can you show me his face?” tanong ni Mare at agad lumapit sa akin. “Is it okay for you?” Tumango ako. Pumikit siya at ilang sandali din ay binitiwan niya ako pagkuwa’y bumuntong hininga. “Did you see his face?” Umiling siya. “I think he has the ability to obscure his face in everyone's memory that even me can’t confirm if that was Flame Red.” “Can you at least describe him?” sambit ni Dream. “Does he have long red hair and red eyes?” “May pula siyang buhok na nakapusod pero itim ang kanyang mga mata.” sabi ko. “At nabanggit niya minsan na mayroon siyang kapatid na babae at naaalala niya iyon sa akin.” “Kailan mo siya huling nakausap?” muling tanong ni Dreame. “Ilang linggo na din ang nakakaraan.” sagot ko. “Nabanggit din niya na sa Allura siya naninirahan noon ngunit napilitan siyang umalis muli at maggalang muli sa mundo ng Attila dahil may gumambala sa kanyang tahimik na buhay. At nasa Antlers siya dahil may kailangan siyang mga impormasyon kay Yumei.” Labis ang pagkabahalang nakikita ko sa kanilang mga mata ngunit hindi ko ito nagugustuhan na para bang masamang nilalang sa kanilang paningin si Red kung ito talaga ang sinasabi nilang kapatid ni Snow White. “Chrylei.” Muling hinawakan ni Mare ang aking mga kamay. “Sa susunod na magkikita kayo ng kaibigan mong si Red, maaari bang layuan mo siya?” Mabilis akong umiling. “Pero--” “Isa si Red sa mga una kong naging kaibigan nang dumating ako sa Antlers.” sambit ko. “Tinanggap niya ako sa kabila ng mga kakulangan ko at hindi niya pinaramdam sa akin na kakaiba akong nilalang. Kung siya man ang Flamre Red na tinutukoy niyo ay wala din akong pakialam. Kaibigan ko pa din siya at hindi ko siya lalayuan dahil lamang sinabi niyo” “You don’t know what type of person he is.” giit ni Dream. “Oo, hindi ko pa nga siya lubusang kilala at limitadong impormasyon tungkol sa kanya lang din ang kanyang ipinapaalam sa akin ngunit hindi iyon sapat para layuan ko siya” paliwanag ko. “Dahil alam ko sa sarili kong hindi siya masamang nilalang.” Nagtinginan ang magkapatid. Tila nais talaga nilang layuan ko si Red kaya bumaling ako kay Zeal. Ganito din ang sinabi niya noon sa akin ngunit noong nagkausap sila ni Red ng masinsinan ay hindi na niya iyon muling binanggit sa akin at hinayaan niya akong ipagpatuloy ang pakikipagkaibigan dito. Bumuntong hininga si Zeal pagkuwa’y bumaling kay Mare. “You don’t have to worry about that guy.” Nilingon siya ng magkapatid. “I already talked to that guy and I can assure you that he will never hurt Chrylei in any way.” dagdag pa nito. “At nangako din siya na tuluyang lilisanin ang Antlers oras na makuha niya ang lahat ng impormasyong kailangan niya kay Yumei.” “Paano ka nakakasiguro na totoo ang sinasabi niya?” tanong ni Dream. “Hindi nagsisinungaling ang mga matang mayroon siya.” sambit ni Zeal pagkuwa’y tumingin sa akin. “At hindi niya kailanman sasaktan ang isang nilalang na nagpapaalala sa kanyang kapatid.” Walang nagawa ang magkapatid kundi ang bumuntong hininga na lamang dahil wala na din naman silang maikakatwiran pa sa mga sagot ni Zeal. “Pero binabalaan pa din namin kayo.” dagdag pa ni Mare. “Kung siya nga si Flame Red, pilitin nyong huwag gumawa ng anumang bagay na ikasisira ng pangalan ni Snow White dahil ngayong wala na ang kanyang kapatid, walang sinuman ang may kakayahang magpakalma sa isang tulad niya.” “Kapatid siya ni Snow White at alam nyong ang pamilya nila ang pinanggalingan ng mga kinikilalang malalakas na nilalang noong unang panahon kaya’t huwag kayong magpapalinlang sa kanyang mga ngiti. __________ Matapos naming kumain ay pinagpahinga muna kami ni Mare dahil mamayang gabi ay babalik na kami sa Antlers gamit ang gate na kanyang gagawin. At naisipan kong manatili muna sa malawak na hardin na mayroon ang kastilyo ni Dream. Oo, isang kastilyong may tatlong nagtataasang tore ang tinitirhan ni Dream. Hindi ko alam kung may kasama siyang naninirahan dito dahil wala naman akong nakikitang ibang nilalang sa lugar ngunit ang bawat sulok ng paligid ay malinis at maayos. Imposible naman yatang si Dream lang ang gumagawa ng lahat ng iyon kaya malaman ay may mga kasama din siya dito ngunit hindi sila nagpapakita sa aming mga bisita sa kastilyong ito. Nakaupo lang ako sa damuhan habang nilalasap ang sariwang hangin at katamtamang init ng araw. “Hey.” Bumaling ako sa nagsalita at nakita ko si Zeal na palapit sa akin. Nang makalapit siya at agad siyang naupo sa tabi ko. “Can I ask you something?” Tumango ako. “Why do I feel like you really trust Red that much even if you only met him?” aniya. “Hindi mo ba naisip na posibleng nagpapanggap lang siya at may balak talaga siyang masama sayo?” Kumunot ang noo ko. “Ano naman ang mapapala niya kung sasaktan niya ang tulad ko?” Nagkibit balikat niya. “Mare said that you are the most important knight in the whole Attila and the future of this world will depend on you so I think, killing or hurting you will give him something.” “Pero aksidente lang naman kaming nagkakilala ni Red.” sabi ko. “Hindi pa man ako malapit sa mga kaklase natin ay kaibigan ko na si Red kaya masasabi kong hindi niya alam kung ano man ang nakikita sa akin ni Mare. Kaya wala siyang dahilan para saktan ako.” “See? You are really confident to say that.” aniya “Dahil sigurado talaga ako sa bagay na iyan.” “At paano ka nakakasiguro?” Napaisip ako. Paano ko nga ba nasisiguro na hindi niya ako sasaktan? Bakit nga ba malakas ang loob kong sabihin ang mga bagay na iyon gayong kaunti lang din talaga ang nalalaman ko tungkol kay Red. Maging ang pagiging Thrylos niya ay kailan ko lang din nalaman kaya bakit? Hinawakan ko ang aking dibdib at tumingin sa langit. “Siguro iyon ay dahil sa nararamdaman ng aking puso.” “Huh?” Bumaling ako sa kanya. “Sabi ng aking ama noon na malalaman ko kung mabuti o hindi ang isang nilalang sa pamamagitan ng aking puso. Kung ano ang ibubulong nito ay huwag na huwag kong pagdududahan.” “At sinasabi ng puso mo na isa siyang mabuting nilalang?” “Hmm, hindi ko masisiguro ang bagay na iyan pero ang tanging kaya kong siguraduhin ay hindi niya ako kailanman sasaktan.” At alam kong saktan man niya ako ay nasisiguro kong may malalim naman iyong dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD