Chapter 20

1121 Words
Chrylei Criox’s Pov   Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nabugaran ko ang magandang mukha ni Mare na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.   “Mare.”   “I’m glad that you’re awake.” sambit niya at inalalayan akong bumangon. “Kamusta ang pakiramdam mo?”   Pinakiramdaman ko ang aking sarili at huminga ng malalim. “Maayos naman.” Iginala ko ang tingin sa paligid dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. “Nasaan ako? At nasaan ang mga kaibigan ko?”   “Huwag mo nang alalahanin ang mga kaibigan mo.” sabi niya. “Nasa maayos na silang kalagayan at nandito kayo sa bahay ng aking kapatid.”   Kumunot ang noo ko. “Kapatid?” Bumaling ako sa kanya.   Tumango siya.   Alam kong maayos na ang aking pakiramdam ngunit hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay may nakalimutan akong mahalagang pangyayari na naganap kagabi.   “Ba-bakit ka nga pala nandito?” tanong ko. “At ano din ang ginagawa namin dito? Sa pagkakaalala ko--aww!” Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ko ang pagkirot nito kasunod ng paglabas ng ilang alaala sa aking isipan.   Malakas na ulan, makapal na hamog, isang kweba. Si Faero na hindi ako makilala at tinangka akong patayin. Maging si Zeal at ang iba pa. Hanggang sa...    “Si Dream.” mahina kong sambit.   “Chrylei.”   Bumaling ako kay Mare. “Ang kapatid na tinutukoy mo ay si Dream, hindi ba? At siya ang dahilan kung bakit hindi ako makilala nila Faero kagabi at tinangkang saktan.”   Bumuntong hininga siya at tumango. “Pagpasensya--”   “Bakit?”   Hindi ko maintindihan. Siniguro namin na hindi kami mapapadpad sa gubat na tinitirhan nito dahil sa babala ni Mare pero paanong doon pa din kami napunta kahit pilit namin iyong iniwasan.   Muli siyang bumuntong hininga. “Kung may kakayahan akong makita ang hinaharap, may kakayahan naman si Dream na makita ang nakaraan at iyon ang dahilan kung bakit nalaman niyang malapit ang loob sayo ng mga prinsipe at prinsipe ng angkang kanyang kinamumuhian. At ginamit niya iyon laban sa mga ito.”   “Galit siya sa mga angkang naninirahan sa palasyo?”   Tumango siya. “Para sa kanya, ang mga ito ang dahilan kung bakit tuluyan nang nalilimutan ng mga knights ang pagsasakripisyong ginawa ni Snow White para sa kapayapaang tinatamasa ninyo ngayon kaya naman nang makakita siya ng pagkakataon para gawin iyon gamit ang mga susunod na pinuno ng mga angkang iyon ay hindi na siya nagdalawang isip na kumilos.”   “Ibig sabihin ay sinadya niya kaming dalhin sa gubat na kanyang tinitirhan?”   Muli siyang tumango. “Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ng aking kapatid at sinisiguro kong hindi na niya ito uulitin pa.”   Hindi ako nagsalita.   Dahil hindi ko makalimutan ang mukha ni Dream nang unang beses kaming nagkita.   Ang lungkot sa kanyang mga mata, pangungulila at galit.   “Sabihin mo.” mahina kong sabi ngunit alam kong naririnig niya ako. “Higit ba siyang malapit kay Snow White kaya ganoon nalang ang galit niya sa mga nilalang na nagiging dahilan kung bakit nalilimutan na ito ng Attila.”   “Lahat naman kami ay malapit kay Snow White.” sambit niya kaya bumaling ako sa kanya. “She may be heartless but she is the only person who did her very best just to protect Kiseki University dahil alam niyang iyon lang ang nag-iisang lugar para sa mga tulad naming half-blood.”   “Pero--”   “Pero tulad ng iniisip mo, may ilan sa amin ang higit na pinahalagahan si Snow White ng higit sa kaibigan.” putol niya sa akma kong sasabihin. “At oo, si Dream iyon. Minahal niya si Snow White pero hindi naman siya naghangad na ibalik nito ang nararamdaman niya. Para kay Dream, ang manatili sa tabi ng babaeng minamahal at tulungan ito sa mga bagay na nais nitong gawin upang mapanatili ang kapayapaan sa isla ay sapat na para sa kanya. Kaya ganoon na lamang ang naging impact sa kanya nang pagkawala nito.”   “Hindi siya nagagalit dahil pinili ni Snow White na isakripisyo ang sarili para sa mundo ng Attila.” sambit ko. “Nagagalit siya dahil gusto niyang walang kahit isang knight na makalimot sa babaeng walang ibang ginawa kundi ang protektahan hindi lamang ang Kiseki University, kundi ang buong mundo.”   Tumango siya. “Kaya sana ay intindihin mo nalang ang kanyang nagawa.” aniya. “Ito lang din kasi ang una at huling pagkakataon na nakaharap niya ang mga miyembro ng pamilyang iyon.”   “Eh?”   “Alam ng mga miyembro ng angkan na iyon ang panganib sa kanilang buhay kapag sinubukan nilang lumabas ng kabisera kaya mahigpit silang pinagbabawalan ng mga Elders.” paliwanag nila. “At natatakot din sila na baka makilala ng mga Thrylos ang mga knights na reincarnation ng mga dating kabilang sa Sacred Cross.”   “Bakit naman?”   “Ang lahat ng miyembro ng Sacred Cross ay may hawak na parte ng kapangyarihan ni Snow White at kung magkakasama-sama kami sa iisang lugar ay posible naming magising ang reincarnation niya.” paliwanag niya.   “Posible ba iyon?”   Tumango siya. “Siya ang pinakamalakas na nilalang sa buong Attila kaya naman hindi na nakakapagtaka na ganoon nalang ang takot sa kanya ng mga knights na naninirahan sa kabisera. They don’t want to wake her up because they are sure that if it happens, what they have now will surely banish.” sabi niya. “Hindi niya isinakripisyo ang sariling buhay para lamang magpakasasa sa kapangarihan ang mga angkang iyon habang pinababayaan ang ibang mamamayan ng mundong ito.”   Masyado pa ngang maraming impormasyon akong hindi nalalaman tungkol kay Snow White at alam kong mahabang panahon pa ang kakailanganin ko para sa lahat ng iyon.   Tumayo siya at nag-inat. “Anyway, bumangon ka na diyan dahil siguradong nag-aalala na sayo ang mga kaibigan mo. Kailangan ninyo na ding makabalik sa kabisera dahil siguradong malalagay sa alanganing sitwasyon ang mga prinsesa at prinsipe.”   Tumango ako at umalis na din sa kama. Doon ko napansin ang singsing na aking suot.   Sa pagkakaalam ko, isang maliit na bato lamang ang mayroon ito ngunit ngayon ay naging tatlo na.   “May problema pa ba?”   Tumingin ako kay Mare at umiling. “Maayos na ang lahat.”   “Okay. Mag-asikaso ka na at hihintayin ka nalang namin sa ibaba.”   Tumango ako. “Maraming salamat.”   Lumabas na siya ng kwarto at muli kong tinitigan ang singsing.   Mukhang kailangan kong kausapin si Zenia tungkol dito. Lalo na sa lakas ng kapangyarihang inilabas nito kagabi na nagawa kong protektahan ang mga kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD