Chapter 33.b

1119 Words
Chrylei Criox’s Pov   Hindi agad natapos ang digmaan sa pagitan ng mga mamamayan ng Attila at mga halimaw. Inabot ito ng ilang taon.   Marami ang namatay at maraming lugar ang nawasak. Halos mawala na din ang dating ganda ng mundo.   Hanggang sa nagpakilala ang dalawang pamilya na siyang nanguna sa dalawang grupong lumaban upang itaboy ang mga halimaw papunta sa dalawang rehiyon kung saan nila ito ikukulong.    Ang kilala ngayong Zeki Region na naas kanlurang bahagi ng Attila at ang Liz Region na nasa silangang bahagi ng aming mundo.   Parehong may malaking papel na ginampanan ang dalawang pamilya kaya naman isang malaking pagtatalo kung sino ang dapat mamuno.   At dahil ayaw magpatalo ng dalawa ay doon nagsimula ang paghahati ng Attila na kinilala noong Mirai Kingdom na pinamunuan ng angkan ng Santillan at ang Unmei Kingdom na pinamunuan ng pamilya Laiya.   Natigil nga ang digmaan sa pagitan ng mga tao at halimaw ngunit nagpatuloy naman ang digmaan sa pagitan ng dalawang kaharian.   Bawat taon na lumilipas ay libo-libong mamamayan ng dalawang kaharian ang namamatay dahil sa patuloy na pag-aagawan ng lupa. Mayroong mga nagsawa na sa digmaan at wala nang pakialam sa pagkakaiba ng kanilang kahariang kinabibilangan.   Dahil sa mga nilalang na iyon ay nabuo ang mga tulad ni Snow White at ng Sacred Cross na tinatawag noong half-blood.   At ang mga ito ang naging dahilan kung bakit natapos ang digmaan sa pagitan ng dalawang kaharian at muling naging iisa ang lahat.   “Woah!” Ginulo ni Zeal ang kanyang buhok matapos naming basahin ang ilang libro tungkol sa mga nangyari mula noong pamumuno ng mga Criox hanggang sa mga Initia. “Hindi ako makapaniwala na apat na sibilisasyo na pala ang dumaan sa mundong ito.”   “At patuloy ang digmaan dahil sa pag-aagawan ng kapangyarihan.” Na kahit ang mga pamilyang pinili mismo ng mga diyos at diyosa ay hindi nila pinagdalawang-isipang pabagsakin upang makuha lamang ang hinahangad nilang kapangyarihan at impluwensya.   Kahit sa panahon ngayon ay isa pa din iyon sa problema ng mundong ito. At tingin ko ay kaya hindi natututo ang bawat sibilisasyon ay dahil hindi isinasapubliko ang mga ganito kahalagang impormasyon.   “Ang talaang ito ay natigil nang ilipat ang pamumuno sa ama ni Faero.” sabi ko. “Ibig sabihin ay ilang taon pa lamang ang nakakaraan nang abandonahin ang lugar na ito.”   “Pero ang shield na nasa labas ay matagal nang inilagay.” sambit niya pagkuwa’y tumingin sa akin. “Just how do they manage to get all this information?”   “Tingin ko ay tulad din sila ng mga Criox at Shein.” sabi ko at mabilis na tumayo habang nakatitig sa isang bagay na alam kong pamilyar sa akin.   “What is it this time?” Sumunod naman siya sa akin.   Nang makalapit ako sa isang mesa ay agad kong inalis ang telang nakatakip doon at bumungad sa amin ang malaking bolang kristal.   “Ito ang ginagamit nila upang malaman ang lahat ng nangyayari sa buong Attila nang hindi umaalis sa lugar na ito.” Inilagay ko ang mga kamay ko sa kristal at unti-unti itong nagliwanag pagkuwa’y ipinakita nito ang ilang pangyayari na nais kong makita. “Sila ay pinili din upang maging tagamasid sa mga nangyayari sa mundong ito.”   Sila ang angkan ng Sullivan.   Pinili ng mga elemental guardians upang maging tagapagmasid sa buong Atiila at itala ang lahat ng mga iyon sa mga librong kanilang lilikhain bilang talaan ng mga nangyayari sa mundong ito.   Maliban pa doon ay binigyan din sila ng buhay na walang kamatayan ngunit ang kapalit noon ay ang pagbabawal sa kanilang lumabas sa lugar na ito. Dahil karugtong ng silid-aklatang ito ang kanilang mga buhay at agad silang mamamatay kung lalabas sila dito.   At upang protektahan ang mga Sullivan mula sa mga nilalang na maaaring mapadpad sa gubat ay binalot ng isang Criox ang buong lugar ng shield. At iyon ang kapangyarihang inalis ko kanina.   Pero hindi lahat ay nakatagal sa kanilang pananatili dito. Sa daan-daang miyembro ng angkan ay isa-isa silang nababawasan dahil sa pagtapak nila sa labas ng aklatan hanggang sa isa na lamang ang matira.   Si Cassie Sullivan. Ang nag-iisa at nagpatuloy ng responsibilidad ng kanyang pamilya. Sa loob ng ilang libong taon ay nakayanan niyang mamuhay mag-isa sa aklatang ito at patuloy na itinatala ang bawat pangyayari sa Attila.   Ngunit nang iluklok bilang hari ang ama ni Faero ay bigla na lamang siyang naglaho na kahit ang kristal na aking hawak ay hindi kayang ipakita kung ano ang nangyari sa kanya.   “Hindi ko akalain na ganoon kadaming pamilya palaang kinalimutan ng Attila na siyang may mahahalagang responsibilidad na ginagampanan para sa mundong ito.” sabi ni Zeal. “Criox, Shein, Sullivan, Santillan at Laiya. Lahat sila ay hindi kilala ng mga nasa kasalukuyang henerasyon.”   “Hindi din naman papayag ang mga Elders na ipaalam sa publiko ang lahat ng ito dahil mawawala sa kanila ang kapangyarihan at impluwensyang pinaghirapan nilang makuha sa kasalukuyang hari.”   Bumuntong hininga ako at binitiwan ang kristal.   Nagiging malinaw na ang lahat tungkol sa aking pagkatao at sa dahilan kung bakit sinasabi nilang ako lamang ang makakapagligtas sa Attila sa nalalapit nitong pagkawasak.   Ang hindi ko maintindihan ay sa mga digmaang naganap noon sa mundong ito, kailanman ay hindi pa nanganib ng ganito ang mundo kaya bakit ngayon ito nangyayari?   At sino ang magiging dahilan ng sinasabi nilang pagkawasak nito?   “Sa tingin ko ay tama na muna ang mga nalaman natin ngayon.” sabi n Zeal at bahagya akong inilayo sa kristal. “Masyado na iyong madami at alam kong hindi madaling i-absorb ang lahat ng iyon.”   Tumango ako.”Sino bang mag-aakala na ang tulad kong walang kapangyarihan ay parte pala ng mga pamilyang pinili mismo ng mga diyos at diyosa na mamuno sa mundo.”   Mukhang kailangan ko pa ding magbasa dahil marami pa akong gustong malaman tungkol sa dalawang angkang aking pinanggalingan.   At sa tunay kong katauhan lalo pa’t parami ng parami ang alaalang bumabalik sa akin sa bawat araw.   “Bumalik nalang muna tayo sa inn para makapagpahinga.” aniya. “At bukas ay maaari tayong bumalik dito bago tayo magpatuloy sa paglalakbay.”   Tumango akong muli. “Okay.”   Tinitigan ko ang bawat libro pagkuwa’y bumuntong hininga at lumabas.   May kung ano pang ginawa si Zeal sa pintuan ng aklatan at nang matapos siya doon ay muli kong ibinalik ang shield.   Alam kong marami pang impormasyong hawak ang lugar na ito at kung kinakailangan kong isa-isahin ang bawta librong narito ay gagawin ko nang sa gayon ay malinawan ako sa mga bagay na dapat kong gawin upang mailigtas ang mundong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD