Chapter 33.a

1246 Words
Chrylei Criox’s Pov   Si Zeal muna ang pumasok sa loob ng templo upang magmasid at masigurong ligtas sa loob. At makalipas lamang ang kalahating oras ay muli siyang lumabas upang isama na ako sa loob.   At hindi ako makapaniwala sa aking mga nakikita.   Hindi ito isang templo. Isa itong tore na puno ng mga aklat mula sa unang tatlong palapag na siyang nasa ibabaw ng lupa hanggang sa sampu pang palapag na nasa ilalim naman ng lupa.   “I checked a few books and it looks like they are written in the ancient language.” sabi ni Zeal at iniabot sa akin ang isang libro. “And I think this place is almost a thousand years old.”   “Eighty eight thousand, eight hundred eighty five years (88,885).”   Kumunot ang kanyang noo. “How did you know?”   Iniharap ko sa kanya ang librong iniabot niya sa akin at itinuro ang mga taong nakasulat doon.   Thirty thousand years ang naging pamumuno ng ancient family. Twenty nine thousand years naman ang sa ikalawang pamilya na tinatawag palang sacred family. Twenty nine thousand years din ang naging pamumuno ng dalawang kahariang Mirai Kingdom at Unmei Kingdom.   Habang ang pamumuno ng mga Initia ay wala pang isang libong taon na namumuno sa aming mundo.   “Sa tingin ko ay hindi pa ganoon katagal mula nang abandonahin ang lugar na ito.” sabi ko tsaka inilapag ang libro at nagsimulang maglibot. “Maaari ba tayong gumawa ng portal upang maikonekta ito sa Antlers?”   “Depende.”   Bumaling ako sa kanya. “Bakit?”   “Depende sa mga librong ating makikita dito.” sabi niya. “Kung may kinalaman ito sa mga nagdaang pamilya na namuno sa buong Attila, hindi natin ito maaari na lamang ipabasa sa kung sino.”   “Pero hindi ba’t ikaw lang ang nakakagamit ng portal na iyon?”   Umiling siya. “May access din doon si Decia.”   “Kung ganoon ay paano natin mababalikan ang lugar na ito?” tanong ko. “Masyadong malaki ang lugar na ito at hindi ko kakayaning tapusin ang pagbabasa sa mga libro dito.”   “Maibabalik mo ba ang shield na tinanggal mo kanina?” tanong niya na agad kong tinanguan. “Good. Then you don’t have to worry about that.”   “Eh?”   “I will explain later but for now, just get all the books you need and start reading.” dagdag niya. “We need to go back to the in before sun down.”   Tumango ako. “Okay.” Agad kong pinuntahan ang mga libro at tiningnan ang bawat pamagat nito. At nakakamanghang makakita ng mga aklat na tungkol sa pamumuno ng ancient family sa mundong ito.   Agad ko iyong kinuha at akma na sanang mauupo sa sahig nang mapansin ko ang isang libro na kakaiba sa lahat.   Kulay pula ang pabalat nito at walang kahit anong nakasulat.   Kinuha ko iyon at binuklat pagkuwa’y nanlaki ang aking mga mata nang makita ang larawang bumungad sa akin sa unang pahina nito.   “Leylee Shein.” basa ko sa pangalang nakasulat sa ibaba ng image.   Nilingon ko naman ang librong nauna kong kinuha at binuklat iyon at tulad ng isang hawak ko ay nanlaki din ang aking mga mata nang makita ang larawang nasa unang pahina nito.   “Chryson Criox.”   Napaupo ako sa sahig at tinitigan ang dalawang larawan na nasa libro.   “Chrylei?”   Nilingon ko si Zeal na mabilis na lumapit sa akin.   “Anong nangyari?”   Itinuro ko ang mga libro at kumunot ang noo niya. “Anong mayroon dyan? Sino sila?”   “Chryson Criox, ang kauna-unahang nilalang na itinalaga ng langit upang pamunuan ang buong Attila.” sambit ko at itinuro ang mukha nito. “Isa siyang Criox. Ang angkang pinanggalingan ng aking ama. At kamukhang-kamukha niya ang nasa larawang ito.”   “Ibig sabihin ay ang pamilya Criox ang itinuturing na ancient family?”   Tumango ako pagkuwa’y itinuro naman ang ikalawang libro. “Leylee Shein, ang unang babaeng namuno sa Attila at nanggaling sa pamilyang pumalit sa mga Criox nang tuluyan silang maglaho. Ang pamilyang sinasabing nakatalo kay Akuma nang mapadpad ito sa ating mundo.”   “Don’t tell me--”   Tumango akong muli. “Galing sa pamilya ng Shein ang aking ina at kamukhang-kamukha niya ang babaeng ito.”   Kinuha niya ang dalawang libro at isa-isang binasa ang nilalaman pagkuwa’y ibinagsak ito tsaka bumaling sa akin. “You are the last descendant of the both powerful family that the god and goddesses sent to rule the whole Attila.”   Iyon din ang unang pumasok sa aking isipan nang makita ang dalawang larawan. Kabilang ako sa dalawang sinaunang pamilya na naging pinuno ng aming mundo.   Tama ang sinabi ni Zenia. Maging si Mare.   Ang angkang pinanggalingan ko ay isa sa dahilan kung bakit sa akin sumesentro ang lahat nang nangyayari ngayon.   “Aside from that…” Hinawakan niya din ako. “You are also a direct descendant of Snow White Criox.”   Muling nanglaki ang mga mata ko.   “Iyon ang isa sa paliwanag kung bakit napakadali para sa iyo ang gamitin ang shield power kahit pa hindi ikaw ang Knight of Shield.” dagdag niya.   Mayroon na akong ideya tungkol sa mga Criox bilang kinikilalang ancient family dahil sa mga alaalang bumabalik sa akin pero hindi ko inaasahan na parte din pala ako ng isa pa sa makapangyarihang pamilya noong unang panahon.   “Ikaapat na sibilisasyon na pala ang nakatayo ngayon sa Attila.” dagdag pa ni Zeal habang nagpapatuloy sa pagbabasa. “Noong unang panahon, ang kabisera ng Attila ay ang syudad na ito. At ang palasyong nakatayo sa tuktok ng bundok nasa dulo ng syudad ay ang tinirhan ng mga Criox.”   Ang angkan ng Criox ang humahawak ng shield power. May basbas din sila galing sa mga Elemental guardians kung kaya’t hindi sila basta natatalo ng kahit sino.   Madali nilang napamunuan ang Attila dahil na rin sa pakikipagtulungan ng mga sinaunang mamamayan.   Ngunit hindi mawawala ang mga nilalang na may inggit sa angkin nilang kapangyarihan at impluwensya kaya’t inalam nito ang nag-iisang kahinaan ng pamilya.   Hindi naman ito nagtagumpay at nang makuha ang kahinaang iyon ay agad itong ginamit na naging dahilan ng pagbagsak ng pamilya.   Namayani ang kaguluhan. Marami ang nag-aagawan sa pamumuno hanggang muling nagpakita ang mga elemental guardians.   Ipinahayag nito na kung sino man ang makakatalo sa nilalang na siyang nakatakdang maghasik ng kasamaan sa mundo ay iyon ang kanilang babasbasan bilang bagong pinuno ng Attila.   At doon pumasok ang angkan ng Shein.   Pamilya sila ng mga tamer at dahil doon ay nagawa nilang mapaamo ang mga magical at sacred beast na nilikha ni Akuma hanggang sa matalo din nila ito.   At doon muling nanumbalik ang kapayapaan sa buong Attila sa ilalim ng pamumuno ng mga Shein.   Ngunit makalipas ang maraming taon ay nagsimula na namang umusbong ang mga nilalang na naghahangad ng kapangyarihan at impluwensya sa mundo.   Kaya’t sinira nila ang imahe ng mga Shein at ipinagkalat sa buong mundo na hindi totoong natalo ng mga ito si Akuma.   Doon nagsimula ang digmaan sa pagitan ng mga halimaw at mamamayan ng Attila.   Upang matigil iyon ay isinuko ng pamilyang ito ang pamumuno nila sa Attila at tulad ng ginawa ng mga Criox ay naglaho na lamang sila na parang bula hanggang sa nakalimutan na lamang sila ng mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD