Chapter 34

1110 Words
Chrylei Criox’s Pov   Tulad ng sinabi ni Zeal ay muli kaming bumalik sa aklatan ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na namin kinailangan pang lumabas ng inn para pumunta sa gubat.   May kakayahan si Zeal na gumamit ng gate. At iyon ang dahilan kung bakit nagawa niyang pagdugtungin ang parte ng research facility at ang lugar sa Atlas region kung saan kami nagsanay.   At iyon din ang ginamit niya kahapon. Naglagay siya ng marking sa pintuan ng aklatan at gamit ang susi na kanyang laging dala ay nagawa niyang pagdugtungin ang silid na aking tinutuluyan at ang aklatan.   Ngunit sa pagkakataong ito ay kasama na namin sina Faero, Honaira, Deccan at Zenia na ngayon ay nasa loob na ng aklatan.   Hindi ibig sabihin nito ay hindi namin pinagkakatiwalaan ang iba ngunit tulad ng sinabi ni Zeal, mas mabuti kung kaunti pa lamang ang makakaalam ng bagay na ito dahil masyado itong sensitibo at baka makatunog ang mga Elders.   At maging sila ay hindi din makapaniwala ngunit bakit pakiramdam ko ay may iba pa silang nalalaman.   “Maaari nyong sabihin kung anuman ang gumugulo sa inyo.” sambit ko.   Pare-pareho kasi silang nakatingin sa akin na para bang may nais silang sabihin ngunit nag-aalangan.   Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya. “Ano ba iyon?”   Agad silang naupo sa mga bakanteng upuan na nasa paligid ko.   “Okay?”   “We just wanted you to know the one reason kung bakit kami lamang ang narito at hindi ko muna sinama ang iba.” sabi ni Zeal.   Kumunot ang noo ko. “At ano iyon?”   “We share something that the others don’t.” sabi ni Honaira. “Naaalala mo ba iyong liwanag na bumalot sa akin noong nilalabanan natin ang mga feline?” tanong niya na mabilis kong tinanguan. “Nangyari din iyon sa kanila.” Itinuro niya ang iba pa naming kasama.   “It happened to me when I was in my room.” sabi ni Faero. “The night after I met you.”   “It happened to me when Kuya Zeal almost begged me just to create that ring.” sabi ni Zenia habang itinuturo ang singsing na binigay niya sa’kin.   “Ang sa akin naman ay nang muli kitang makita nang unang araw mong pumasok sa HKU.” sambit ni Deccan.   Napatingin naman kaming lahat kay Zeal.   “Nang makabalik tayo mula sa Eyen forest.” sagot nito.   “At ano naman ang ibig sabihin ng mga liwanag na iyon?”   Huminga ng malalim si Faero at diretsong tumingin sa akin. “Nangyari ang lahat ng iyon nang ipinangako namin sa aming mga sarili na po-protektahan ka namin kahit pa buhay namin ang maging kapalit.”   Nanlaki ang mga mata ko. “Ano?”   “That was our own choice.” sabi ni Honaira. “We swear to protect you, the lights came and when we opened our eyes, napunta kami sa isang lugar na puro puti lang ang paligid.”   “At may isang babae doon.” dagdag ni Zenia.   “The other me.” sambit ko.   “Alam mo iyon?” tanong ni Faero na tinanguan ko.   “Well, it’s not like I know it entirely but there are some images that keep coming in my head.” paliwanag ko. “At isa sa mga nakilala ko noon ay may kaparehong sinabi.” Tumingin ako sa kanila at kumunot ang aking noo nang makitang pare-pareho silang natigilan. “A-anong problema?”   “You--”   “You just use our language, Chrylei.” ani Zenia.   Bumuntong hininga ako. “Okay, don’t mind this for now. Ang pag-usapan natin ay ang sitwasyon niyo.”   “Right.” Tumangu-tango sila.   “Tulad nga ng sinabi mo,” pagpapatuloy ni Zenia. “Nakita at nakausap namin ang isang babaeng kamukhang-kamukha mo and she said that she will give us the one that our heart desires.”   “And she gave us this serum type na nakalagay sa isang cylinder tube.” ani Faero. “At sinabi niya na kapag ginamit namin iyon ay magagawa ka naming protektahan.”   Right. I know what they mean.   Bumuntong hininga ako at ipinatong ang ulo ko sa mesang nasa harap namin. “So? You guys already know who I really am?”   “Kind of.”   Iniangat ko ang aking ulo at diretsong tumingin sa kanila. “Right. I am Chrylei Criox, the current Knight of Shield.”   Totoong ipinanganak akong walang kapangyarihan pero may sapat pa din akong proteksyon kaya hindi ako dinapuan ng sakit na kumalat noon sa Allura. At dahil sa ilang beses kong pagbanggit ng pangalan ni Snow White na ginawang spell ng mga naniniwalang may iba pang nilalang ang magiging karapat-dapat na humawak ng kapangyarihang ito ay unti-unti itong nagising sa aking loob.   One of its powers is to protect those who swear on their lives just to protect me. Those who genuinely accept and protect me without asking anything in return.   At iyon ang nangyari sa kanilang lima.   They purely wish to protect me and the power of shield grants their power to make it possible even though they face a powerful foe.   “I knew it.” sabi ni Zenia. “May hinala na talaga ako na ikaw ang Knight of Shield nang ibalik mo sa akin ang singsing because my magic items will only react if it has contact with powerful magic.”   “My father has the same theory about you.” sabi ni Faero. “At iyon ang dahilan kung bakit naging tournament ang simpleng selection ng mga makakasama sa expedition na ito. Ang sabi niya ay mas makakabuti kung malalayo ka sa Antlers dahil nagsisimula na silang mahinala na bumalik nang muli sa mundong ito ang kapangyarihan ng shield.”   At dahil ngayon lang ito nagising ay kinakailangan ko pang gumamit ng enerhiya mula sa ibang nilalang upang magamit ito ng maayos ngunit darating ang tamang panahon na magagamit ko ito gamit ang aking sariling enerhiya.   Hindi ko akalain na magiging ganito pala kakumplikado ang buhay ko. Ang dating mahina at walang kapangyarihang knight ay isa na ngayong nag-iisang tagapagligtas ng mundong ito na walang ibang choice kundi tanggapin at harapin ang responsibilidad dahil ako nalang ang nag-iisang nilalang na nanggaling sa pamilay Criox at Shein.   I am not the chosen one. Hindi ako pinili ng tadhana para gawin ang bagay na ito. Para iligtas ang Attila.   Sadyang wala nalang choice dahil namatay ang buong angkan ng Criox at Shein na naninirahan noon sa Allura.   Isang pagkakataong nagpabago hindi lamang ng buhay ko kundi maging ng buhay ng buong Attila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD