Chapter 35

1194 Words
Chrylei Criox’s Pov   Hinayaan muna ako ng mga kasama ko na mapag-isa sa loob ng aklatan.   Gusto ko din munang i-process ang lahat ng impormasyon at alaalang patuloy na pumapasok sa aking utak.   Kaya nga ngayon ay nakahiga lang ako sa sahig habang nakapalibot sa akin ang mga librong katatapos ko lang basahin.   “Hindi ko akalain na si Yumei pala ang dahilan ng pagbagsak ng Criox noong sila pa ang namumuno.” sabi ko at bumuntong hininga.   Si Yumei ay nilalang na nanggaling sa ibang mundo. Naligaw lamang siya sa Attila nang hindi sinasadya at napilitang mamuhay dito dahil wala na siyang makitang paraan para makabalik sa dating mundo.   Minsan siyang nakapagsilbi sa loob ng palasyo at nasilayan ang mga Criox. Nakaramdam ng inggit sa kakayahang mayroon ito kaya naman inakit niya ang tagapagmana noon ng trono na si Prince Chrysen.   At nabulag sa pagmamahal ang prinsipe na agad nakalimutan ang nag-iisang babala sa kanila ng mga diyos at diyosa na siyang kahinaan ng kanilang kapangyarihan.   Kamatayan ng isang Criox mula sa pagtataksil ng kanilang minamahal.   Oo, walang pagdadalawang-isip na kinitil ni Yumei ang buhay ng lalaking minahal siya ng totoo sa kabila ng pagiging kakaiba niya at walang kapangyarihan.   Nawala ang kapangyarihan ng shield na pumoprotekta sa buong angkan ng Criox at sinamantala iyon ng mga nagnanais na makuha ang kanilang posisyon at pamumuno. Habang si Yumei ay tumakas dala ang puso ng prinsipeng kanyang pinaslang.   Kinain niya ito at binigyan siya nito ng kapangyarihang maging bata habang buhay. Kaya nasa literal na katawan siya ng bata kahit na libo-libong taon na ang kanyang edad.   Muli akong bumuntong hininga at bumaling naman sa libro kung saan nakasulat ang ilang impormasyon tungkol sa mga Shein.   Kasinungalingan ang tungkol sa kanilang pagkakatalo kay Akuma. Dahil ang totoo ay buhay ang evil god.   Ngunit dahil kay Leylee na nakapagpaamo sa galit na diyos ay hindi na nito itinuloy ang planong pagwasak sa mundo ng Attila at piniling manirahan na lamang sa palasyo ng mga Shein.   Hindi nakasulat kung alam iyon ng mga elemental guardians dahil itinigil na nila ang kanilang pagbisita sa mundong ito nang mapiling bagong pinuno ang pamilya Shein.   Naging mag-asawa sina Leylee at Akuma ngunit kailanman ay hindi nakialam si Akuma sa pamumuno ni Leylee sa mundo ng Attila. Hinahayaan siya nito sa mga pagdedesisyon dahil wala naman talaga siyang interes sa mundong ito.   Piniling maging mabuti ang evil god para sa kapakanan ng asawa at kanyang pamilya na noon ay nagsisimula nang lumaki.   Kaya maaari kong sabihin na may dugong diyos din pala ako.   Ibinaling ko naman ang aking atensyon sa libro kung saan nakasulat ang mga impormasyon tungkol sa pagkakabuo ng ikaapat na sibilisasyon. Ang kasalukuyang mga angkan na namumuno sa mundo.   Ang angkan ng Initia ay galing sa lahi ng nag-iisang nilalang na pinagkakatiwalaan ni Snow White ng lubusan. Ito ang nagsisilbi niyang shadow at mata sa buong Kiseki University. Orginally, ang Initia ay kabilang sa pamilya Laiya na namuno sa Unmei Kingdom.   At upang masiguro na hindi basta mapapalitan ang mga Initia sa pamumuno sa Attila ay siniguro ni Snow White na mananatili silang protektado ng shield at walang anumang kahinaan ito kaya’t kahit gusto ng mga Elders na kunin ang pamumuno sa Attila ay hindi nila magawa.   Iyon ang isa sa dahilan kung bakit pilit nilang hinahanap ang Knight of Shield. They wanted to take down the Initia’s protection so that they could steal the crown and lead our world on their own way.   Ang angkan ng Brann ay galing sa isang nilalang na pinagkatiwalaan ni Flame Red. May isa lamang itong misyon na ibinigay ni Red. Iyon ay ang siguraduhin protektado ang kapatid anumang oras. Originally, ang Brann ay kabilang sa pamilya Santillan na namuno sa Mirai Kingdom.   Their lives are dedicated only for Snow White and to those people who she protected. Kaya ganoon nalang ka-loyal ang Brann sa mga Initia. They are born to be always at the Initia’s side no matter what happens.   “What if Yumei didn’t kill Prince Chrysen?”   “Then, Attila would be so much different.” Bumangon ako at nakita ko si Zeal. Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. “Did you read all of this?”   Tumango ako. “Do you think Yumei regrets killing the prince?”   Umiling siya. “No. Because she did betray another Criox that made the whole Kiseki University fall.” Ibinigay niya sa akin ang isang libro kung saan nakasulat ang isa pang pangyayari sa buhay ni Yumei. “Hindi ko alam kung ano ang ikinatatakot niya kay Snow White at Knight pero ipinadala niya ito sa lugar kung saan naghihintay ang mga sundalo ng Unmei at Mirai Kingdom para i-ambush sila.”   “At doon napabalitang namatay si Knight.” Pero buhay ito at nailigtas ng isang simpleng mamamayan na naninirahan noon sa Mirai Kingdom. Ngunit hindi na niya nagawa pang bumalik sa Sacred Cross dahil nawala ang kanyang alaala.   “Inakala din ni Red na namatay si Snow White at nalaman niyang si Yumei ang nasa likod ng lahat kaya hindi siya nagdalawang isip na pabagsakin ang buong Kiseki University.” dagdag niya. “And the other member of Sacred Cross was kept alive thanks to Snow White’s power of shield and their love for her.”   Despite Snow White being such a heartless person, each member of Sacred Cross is such a loyal friend to her. They accept her with all their hearts and vow to protect her in any way they can.   That’s why the shield protected them until Snow White’s last moment.   “Sa tingin mo ba ay may kinalaman din sa mga nangyari noon ang magiging dahilan ng pagkawasak ng mundo natin sa panahong ito?” tanong ko. “Napagtagpi-tagpi ko na ang mga nangyari sa nakaraan pero wala pa akong ideya kung anong panganib ang naghihintay sa Attila.”   “Baka walang koneksyon sa mga nangyari noon pero may koneksyon sa mga nilalang na naging sangkot sa mga pangyayaring iyon.”   Natigilan ako matapos iyong marinig.   Dahil tama siya.   Ang anumang mangyayari sa kinabukasan ng Attila ay nakadepende sa mga nilalang na naging involve noon dahil karamihan sa kanila ay nananatiling buhay pa rin hanggang sa panahong ito o nai-reincarnate na.   Pero sino sa kanila?   Inis kong ginulo ang aking buhok.   Hindi pa lubusang bumabalik ang lahat ng alaala ko kaya naman hindi ko pa masabi kung sino ang posibleng maging dahilan ng pagkawasak ng mundong ito.   “Hey.”   Napalingon ako kay Zeal.   “Don’t be too hard on yourself, okay?” sabi niya. “Masyado ka nang maraming iniisip ngayong nalalaman mo na kung ano ang tunay mong pagkatao pero hindi ibig sabihin noon ay mag-isa mo itong papasanin.”   “Wala naman akong choice kundi pasanin ito.” Bumuntong hininga ako. “And I know that whoever I am, I will still be the same person who will keep choosing to save this world. That was my nature, after all.”   Kahit anong katauhan pa man ang ibigay sa akin.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD