Chapter 26.a

1162 Words
Chrylei Criox’s Pov   Hindi ko napansin na nakatulog pala ako habang nagaganap ang mga natitirang laban sa tournament at ginising lamang ako ni Faero nang matapos ang lahat ng iyon.   Sinabihan niya akong magpunta na sa arena dahil sa huling seremonyang gagawin bilang pagtatalaga sa amin bilang mga bagong kasapi ng grupong maglalakbay upang abutin ang mga lugar sa Attila na hindi pa nararating ng kahit sino.   Muli kong sinuot ang aking kapa at maskara pagkuwa’y pumunta na sa Arena. Naroon na din ang mga kaibigan kong nagawa ding makapasok sa top twenty at ang pinakananalo sa tournament ay si Zennia na hindi ko alam na sumali din pala.   “Hindi ko akalain na kasali ka din pala.” sabi ko sa kanya nang lapitan niya ako.   “Actually, palihim lang akong sumali dahil siguradong pipigilan ako ni Kuya.” sabi niya. “Ipinakita ko lang ang sarili ko noong nasa finals na.”   “Ibig sabihin ay ikaw din iyong isa pang nakasuot ng kapa?” Pero kulay pula naman ang gamit niyang kapa.   Tumango siya. “Yup.”   “Hindi ka ba malalagay sa alanganing sitwasyon dahil sa ginawa mo?” tanong ko sa kanya dahil nakikita kong hindi maganda ang tingin na ibinibigay sa kanya ni Zeal na nasa ibaba lamang ng arena.   “Well, siguradong sesermunan ako ni Kuya pero dahil nanalo ako sa tournament na ito, wala siyang magagawa kundi hayaan akong sumama sa mismong paglalakbay.” Hinawakan niya ang kamay ko at inilapag ang singsing. “At isa pa, kailangan kong manatili sa tabi mo dahil hindi natin alam kung kailan mauubos ang enerhiyang inilalagay ko diyan.”   Pinakatitigan ko ang singsing na iyon. “Bago ba ito?” Sa pagkakaalala ko, tatlong bato lamang ang mayroon sa singsing na ibinalik ko sa kaya ngunit ngayon ay naging lima na ito.   Umiling siya. “Iyan pa din ang nauna kong ibinigay sayo. At alam kong marami ka pang gustong malaman tungkol sa singsing na iyan na sasagutin ko kapag nagsimula na tayo sa paglalakbay.”   Kunot noo akong tumingin sa kanya. “Bakit naman kailangan pang abutin ng ganoon katagal?”   “Nasabi naman nila sayo na rare ang kapangyarihan ko, hindi ba?” aniya na tinanguan ko. “Actually, I can cast all kinds of spells on someone or something. Even the extreme one or unique and no one can copy my spells that’s why the Elders are keeping an eye on me.” Bahagya siyang lumapit sa akin. “They wanted to extract this power from me so I only showed them the minimal capability of my power.”   “So that they think that your power is not that powerful and they will not waste their time extracting what you have.” dagdag ko na tinanguan niya.   “I’ll just explain to you once we get out of here.” aniya. “Mas safe iyon.”   Tumango ako. “Okay.”   “Maraming salamat sa lahat ng lumahok sa tournament na ito.” sambit ni hari na ngayon ay nasa harap na namin. “Alam kong biglaan ang pagbabago ng pagsusulit na inyong hinarap sa araw na ito ngunit natutuwa akong ibinigay ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang mapili ang dalawampung kalahok na siyang mapapasama sa Expedition March na ating pinaghahandaan tuwing ikatlong taon.”   “Binabati namin kayo, mga magigiting na knights.” nakangiting sabi ng reyan. “Inaasahan namin na maging matiwasay ang inyong magiging paglalakbay at may mapulot kayong magandang experience sa inyong pagsali dito maliban pa sa mga lugar, bagay at nilalang na maaari niyong madiskubre habang naglalakbay.”   “Bilang tanda ng pagiging kabilang niyo sa Expedition March…” May sinenyasan ang hari at lumapit sa amin ang isang lalaki.   Pagkuwa’y may kung ano itong ibinibigay sa bawat isa sa amin.   At nang tumapat ito sa akin ay iniabot nito ang isang pin na aking pinakatitigan.   “Ang lahat ng inyong kakailanganin sa bawat syudad at baryo na inyong madadaanan habang naglalakbay ay sasagutin ng palasyo basta’t siguruhin nyo lamang na laging nakakabit ang pin na iyan sa inyong damit.” paliwanag ng hari. “Iyan din ang magsisilbi niyong pass sa bawat border na inyong mapupuntahan nang hindi kinakailangang dumaan sa mahigpit at mabusising proseso.”   “Iyan din ang magsisilbing pagkakakakilanlan niyo sa ibang syudad at kapag nawala niyo iyan ay agad kayong pababalikin dito at hindi na papayagan pang magpatuloy sa paglalakbay.” dagdag naman ni Faero.   Bumaling ako kay Zennia. “Ahm…”   “What you are thinking is right.” sambit niya bago pa man ako makapagsalita. “Ang pin ding ito ang magsisilbing tracking device sa atin ng palasyo para malaman nila kung saan parte na ng mundo ang nararating natin. Alam mo na, para madali nilang maidagdag sa kasalukuyang mapa ang mga bagong rehiyon na posible nating makita.”   “Maliban pa doon--”   “Yup.” putol niya sa akin. “Isa din itong communication device.”   Bumuntong hininga ako.   Mukhang alam na niya ang mga tangka kong sasabihin.   Ah, syempre alam niya agad ang mga ganoong bagay dahil isa sa kanyang abilidad ang paggawa ng kung anu-anong gamit na pwedeng lagyan ng spell.   “Maaari din nila itong gamitin kung sakali mang may mangyaring hindi maganda sa atin.” dagdag niya. “We are going to unknown land so we have to expect that we are going to face something dangerous at isa iyon sa pinaghahandaan nila.”   “Kung mayroon tayo nito, madali tayong makakahingi ng tulong sa kanila at madali din nilang malalaman kung saan tayo matatagpuan.”   Tumango siya. “Pero nakakapagtaka na ngayon lang sila gumamit ng ganito.” Tinitigan niya ang pin na parang isang kahina-hinalang gamit.   “Eh?”   “Noon kasi ay tanging ang Phoenix Fire ni Kuya Zeal ang nagsisilbing communication nila.” paliwanag niya. “That was actually convenient dahil kaya ding ipakita ng phoenix ang mismong lugar at ang itsura nito mula sa himpapawid kaya accurate ang hugis ng bawat lupaing nararating nila Kuya.”   “Hindi kaya may kinalaman din dito ang mga Elders.”   Tumingin siya sa akin. “Hindi imposible iyon lalo na’t nakakatunog na sila na may mga lupaing hindi nire-report si Kuya Zeal sa kanila.” Bumuntong hininga siya at ginulo ang buhok. “I should do something about it. Hindi ako makakapayag na hanggang sa labas ay ituturing pa din nila kaming preso.”   “Zenia.”   Ngumiti siya sa akin. “Huwag kang mag-alala, Chrylei. Akong bahala sa lahat.”   Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero nakakabahala din kung tama nga ang hinala namin na ang mga Elders ang dahilan kung bakit may ganitong pin kami.   At para sa kanila, ang pakikialam ng mga ito ay hindi magandang senyales na posibleng magbigay ng problema sa kanila habang nasa paglalakbay na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD