Chapter 27

1082 Words
Chrylei Criox’s Pov   Alam kong napagdesisyunan na ang bagay na ito ngunit hindi ko naman inaasahan na mamadaliin nilang maganap ang paghaharap namin sa duel.   Parang kahapon lang nangyari ang tournament at dapat sa mga oras na ito ay naghahanda na kami dahil magsisimula ang aming paglalagkbay sa susunod na linggo.   Pero narito kami ngayon sa Ray kung saan magaganap ang duel ngunit kahit isang oras na kaming narito ay hindi pa din sila nakakapagdesisyon kung sino ang una kong haharapin.   Lahat kasi sila ay gustong mauna dahil iniisip nilang sa umpisa ng laban ko mas maipapakita ang buong potensyal ko.   Kahit nga si Faero ay nakikipagtalo din sa kanila. At lalong hindi ko inaasahan na maging si Zennia ay nais akong makaharap sa isang duel.   “Nag-aaksaya lang kayo ng oras.” sabi ni Zeal na mukhang naiinip na sa pagtatalo nila. “Bakit hindi nyo nalang sundin ang rank ng tournament kahapon since iyon naman talaga ang dapat na susundin kung sakaling nagpatuloy pa sa laban si Chrylei.”   “Wala ako sa tournament kahapon.” sabi ni Faero. “So, pang-ilan ako sa lalaban kay Chrylei?”   “Panghuli.”   “Hindi ako papayag dyan.” ismid ni Faero at nagpatuloy na naman sila ng pagtatalo.   Bumuntong hininga na lamang ako at ipinagpatuloy ang aking ginagawa hindi kalayuan sa kanila.   Sa tingin ko kasi ay ito nalang ang pag-asa para matigil na sila at makapagsimula na din kami sa duel.   Ngumiti ako ng matapos ang aking ginagawa pagkuwa’y tumayo ako at agad lumapit sa kanila. “Idaan nalang natin sa swerte ang pagkakasunod-sunod ng makakalaban ko.”   Natigil sila at tumingin sa kamay ko kung saan may stick akong inipon.   “Pipili kayo ng tig-iisang stick at sa dulo ng stick na iyan ay may mga numero.” sabi ko. “Kung sino ang makakakuha ng number 1, iyon ang una kong lalabanan. Nang sa gayon ay wala na kayong maireklamo pa.”   Natinginan ang lahat pagkuwa’y tumango bilang pagsang-ayon sa suhestiyon ko. At nag-unahan pa silang kumuha ng stick sa akin hanggang sa ito ay maubos.   “Yes!” malakas na sigaw ni Yaren tsaka ipinakita niya sa akin ang dulo ng stick na kanyang hawak. “Ako ang una mong makakaharap.”   Ipinakita din ng iba ang kanilang hawak na stick maliban kay Faero na siyang nakakuha ng panghuling bilang.   “Mukhang malas ka sa bunutan, Ate.” ani Zennia habang ipinapakita ang stick na kanyang hawak. Ikalawa siya sa aking makakaharap.   “Kung settle na ang pagkakasunod-sunod ng magiging laban nyo, mas mabuti pang simulan nyo na.” ani Zeal. “Kailangan pa nating maghanda dahil matagal na panahon din ang gugugulin ng paglalakbay natin.”   Agad kong kinuha ang kahoy na espada ko tsaka humarap kay Yaren.   “Tulad ng rules and regulation ng tournament kahapon, matatalo ang sinumang bumitaw sa kanyang espada.” sambit ni Zeal na siyang magiging referee namin. “Bawal din ang paggamit ng kapangyarihan.”   Napaigtad ako nang palibutan kami ng hindi ganoong kalakas na apoy na gawa ni Zeal.   “That fire will automatically attack you if you try to use your power.” paliwanag niya. “You will feel the heat from it but I can assure you that you will not get burned by it so you don’t have to worry.”   “Paano kung lumagpas kami diyan?” tanong ni Yaren.   “Nothing will happen.” sagot ni Zeal. “Magpapatuloy ang laban hangga’t walang bumibitaw sa espada.”   “Then, we should give our best.” ani Yaren tsaka itinutok sa akin ang hawak niyang kahoy na espada. “Walang magho-hold back, okay?”   Tumango ako.   “Go!” signal ni Zeal.   Nang marinig ko iyon ay agad akong sumugod kay Yaren pero wala naman akong planong atakihin siya agad.   Gusto ko lang malaman kung paano siya magre-react sa ginawa ko dahil hindi ko nagawang panoorin ang huling laban nila kung saan talagang ipinakita nila ang kakayahan sa paghawak at paggamit ng espada.   Isa din kasi ito sa itinuro sa akin ni Zeal.   Kung alam kong higit na malakas sa akin ang kalaban ko at wala akong kahit anong kaalaman tungkol dito ay obserbahan ko muna kung paano ito kumilos bago ako tuluyang umatake.   Agad iniharang ni Yaren ang kanyang espada sa kanyang harap kaya bago pa ako tuluyang makalapit sa kanya ay agad na din akong umatras.   Tinitigan ko si Yaren at ilang sandali lang ay bumuntong hininga ako.   Mukhang hindi magiging madali ang labang ito.   **********   Zeal Brann’s Pov (Knight of Fire)   Alam ko ang kakayahan ni Yaren pagdating sa espada kaya alam kong hindi magiging madali ang labang ito kay Chrylei.   Pero hindi naman palano ang goal ng duel na ito.   Gusto lang nilang malaman ang buong kakayahan ni Chrylei nang sa gayon ay alam nila kung ano ang dapat gawin kapag nagsimula na kami sa paglalakbay.   Pero sa mga mata ni Chrylei, alam kong hindi lang din basta pagpapakita ng kanyang kakayahan ang plano niyang gawin.   “Her eyes.” sabi ni Faero. “Ganyang-ganyan ang mga mata niya kahapon nang gawin niya ang huling atake kay Nino.”   Umiling ako. “Magkaiba, Fae.”   Kumunot ang kanyang noo. “Paanong iba?”   “What she has right now is determination to unleash her potential and prove to them that she can take care of herself.” sabi ko. “But what she had yesterday was killing intent.”   Nanlaki ang mga mata niya. “You’re kidding!”   “I wish I am but that was what I saw yesterday.” Bumuntong hininga ako at inalala ang biglang pagbabago ng mga mata ni Chrylei nang bigla niyang gawin ang huling atake niya kay Nino. Maging ang paghawak niya sa espada ay nagkaroon din ng pagbabago.   Madali lang sa akin ang mapansin iyon dahil ako ang naturo sa kanya.   “Tingin ko ay nasagad ang pasensya niya kahapon kaya umabot siya sa ganoong estado.” sabi ko. “And I am part to blame because of the pressure that I put on her.”   Pero isa lang ang kaya kong siguruhin ngayon.   Wala pa sa kalahati ang mga bagay na nalalaman namin tungkol sa kanya at sa magaganap naming paglalakbay ay nasisiguro kong madadagdagan ang mga iyon na posibleng ikawindang namin.   Dahil tulad ng sinabi ni Dad sa akin, maraming lihim ang bumabalot sa angkan ng mga Criox.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD