Chapter 26

1147 Words
Chrylei Criox’s Pov   Hindi ko inaasahan na matapos ang laban ko kay Nino ay magsisi-atras at susuko nalang ang mga kasunod kong kalaban kaya naman walang hirap akong nanalo sa grupo.   At nang makita ko ang mga makakalaban ko sana ay napakunot noo nalang ako dahil hindi nila magawang tumingin sa akin. Para pa silang nababalot ng takot dahil sa pag-igtad nila nang tawagin ko sila at kumaripas ng takbo.   Kahit si Nino na nakasalubong ko sa paglabas ng arena ay dumidistansya talaga sa akin. At agad ding tumakbo palayo nang akma ko siyang kakausapin.   “Ano bang nangyari sa mga iyon?” takang tanong ni Faero na napansin din ang ikinilos ng mga iyon. “May ginawa ka ba sa mga iyon?”   Nagkibit-balikat ako “Iniisip ko ngang kayo ang dahilan kung bakit nagkakaganoon ang mga iyon.”   Mabilis siyang umiling. “Wala kaming ginagawa dahil alam namin kung gaano kahalaga sayo ang manalo dito kaya hindi namin magagawang mandaya noh.”   Ngumiti ako.   “Pero ngayong secure na ang place mo sa top 20, lalaban ka pa din ba?”   “This place is enough.” Napalingon kami kay Zeal na kapapasok lang ng silid kung saan ako nagpapahinga. “Masyado na siyang humahatak ng atensyon dahil sa naging laban niya kay Nino at sa biglaang pag-atras ng apat pang makakalaban niya sana.”   “Alam mo ba kung ang dahilan noon?”   Hindi siya agad sumagot at nanatili lang na nakatitig sa akin pagkuwa’y bumuntong hininga. “They got scared.”   Kumunot ang aking noo. “At bakit naman sila matatakot?”   “The last attack that you made can actually give your opponent serious damage.” sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. “Swerte lang si Nino dahil nakita ni Jashaun ang kutsilyong hawak niya kaya natigil ka sa pag-atake mo pero kung hindi…”   “Mas mauunang tumama ang espada ni Chrylei sa lalamunan ni Nino kaysa sa hawak nitong kutsilyo.” ani Faero na tinanguan ni Zeal.   “And from what I saw earlier, the force you had on that attack can actually snap and break Nino’s neck.” dagdag ni Zeal. “At nakita din iyon ng mga makakalaban mo kaya hindi na sila tumuloy sa takot na kapag sila na ang kaharap mo ay hindi ka na mapigilan ni Jashaun.”   Hindi ko akalain na ganoon pala ang nangyari. Na kung hindi kami pinigilan ng referee ay talagang nakasakit ako ng malala.   Sa totoo lang ay hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin.   Wala talaga akong alam sa paghawak ng espada at ang mga itinuro sa’kin ni Zeal ay mga basic na maaari kong gamitin sa simpleng laban lang.   Habang ang mga ginawa kong pag-iwas at pag-atake sa laban namin ni Nino ay mga galaw na tila natatadaan lamang ng aking  katawan.   Na para bang matagal na talaga akong nakikipaglaban kaya’t bihasa na ako sa mga dapat gawin upang iwasan ang sandata ng kalaban.   Ginulo ko ang aking buhok at bumuntong hininga.   Alaala nga ba ito ng aking nakaraang buhay?   “At tulad ng napag-usapan natin.” Muli akong tumingin kay Zeal. “I will tell you things about your grandmother that my father told me.”   “Right, you said that you will tell her that if she secure her place.” ani Faero. “And I am kinda curious din because dad didn’t know anything about his best friend's mother.”   “Chryzel Criox, isa ding knight na hindi nabiyayaan ng kapangyarihan.” panimula niya. “Pero ang sabi ng aking ama ay nabuhay ito ng matagal ngunit nanirahan dito sa Antlers bilang heneral ng mga pumoprotekta sa dating hari ng Attila, si King Ferry.”   “What?”   “Ang sabi pa ni Dad, si Chryzel ay tulad mo ding ipinanganak na mahina. Hindi hinayaang makahawak ng espada ngunit pumislit siya sa loob ng palasyo nang magdalaga at doon niya nakilala ang batang si Tito Ferry at ang aking ama.” dagdag niya. “At ito ang nagturo sa kanya ng mga nalalaman niya sa paghawak ng espada hanggang sa loob lang ng halos isang buwan ay nagagawa na silang talunin nito sa duel.”   “Ibig sabihin ay talagang nasa dugo nila ang galing sa paghawak at paggamit ng espada.” ani Faero.   “Naging kaibigan siya ni Dad at Tito Ferry hanggang sa tuluyang alukin na maging heneral sa palasyo nang ipasa ang korona kay Tito.”   “Hindi ba’t nang maging hari si King Ferry ay humina ang kapangyarihan ng palasyo at natalo sila ng mga bandidong nagpakalat-kalat sa labas ng syudad?” Iyon kasi ang nabasa ko sa isang libro na nakita ko sa library. Puro hindi magagandang bagay pa ang nakasulat doon tungkol sa dating hari.   “Actually, higit na lumakas ang impluwensya at kapangyarihan ng palasyo noong mga unang taon sa pamumuno niya pero nagbago ang lahat nang mamatay sa isang laban si Chryzel.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. “Ang sabi ni Dad, isa sa pinagkakatiwalaang kawal ng hari ang sumaksak kay Chryzel mula sa likod at sa mismong harap ng hari. At nagbigay iyon ng matinding trauma sa kanya kaya nagsimula niyang mapabayaan ang lahat.”   “Ibig sabihin ay siya ang sinasabi ni Dad na naging dahilan kung bakit mabilis na naka-recover si Tito Ferry nang mamatay si Lola?” tanong ni Faero na muling tinanguan ni Zeal. “Siya ang naging pangalawang ina nila ni Dad at ibinigay ang sariling buhay upang pangalagaan ang kapayapaan dito sa Attila.”   “Ngunit namatay dahil sa kataksilan na hindi matanggap ng magkapatid.” dagdag pa ni Zeal. “At ito ang pinakadahilan kung bakit pinili ng iyong ama na manatili na lamang sa Allura dahil hindi na niya kaya pang manatili sa lugar kung saan pinaslang ang iyong lola.”   Napahawak ako sa aking dibdib dahil nakaramdam ako ng matinding sakit. Kasunod nito ang muling pagpasok sa aking isip ng mga imahe o alaalang alam kong hindi naman sa akin.   At ibang imahe naman ang aking nakikita ngayon.   Isang sila na nasa ibabaw ng ulap. Walong nilalang na nakatayo sa aking likuran. At isang itim na arko.   “Chrylei.”   Nagbalik ako sa reyalidad nang hawakan ni Faero ang aking balikat.   “Okay ka lang ba?”   Hindi ako sumagot dahil hindi ko pa din maintindihan ang nangyayari. Kaninong alaala ang nakikita ko? Kung galing man iyon sa katauhan ng nakaraang buhay ko, bakit kailangan ko iyong makita?   May kinalaman ba ang aking lola kaya ko nakikita ang mga alaalang ito?   Bakit nangyayari ito ngayon?   “Mas mabuti pang magpahinga ka nalang muna.” sabi ni Zeal. “Tatawagin ka nalang namin kapag natapos na ang laban ng iba.”   Bumuntong hininga ako at tumango na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD