Chapter 23

1180 Words
Chrylei Criox’s Pov   Hanggang ngayon ay binabagabag pa din ako ng mga imaheng pumasok nalang bigla sa aking isipan noong nakaraan. Sinubukan ko nang magsaliksik sa mga gamit at libro na mayroon sa Research Facility, hindi ko na din pinuntahan ang aking pagsasanay upang mabigyan lamang ako ng sagot ngunit bigo pa din ako.   Wala akong mahanap na libro o kahit anong gamit na may kinalaman sa mga nakita ko. Kahit sa mga nasa facility ay wala ding nakakaalam ng mga sinasabi ko sa kanila kaya naman bigo akong pumunta sa Ray, iyon ang pangalan ng lupaing pag-aari ni Zeal kung saan kami nagsasanay.   “Akala ko ay tuluyan ka nang sumuko sa pagsasanay mo.” bungad sa akin ni Zeal pagdating ko pa lamang.   Ngunit hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang gilid ng ilog.   Naupo ako doon at pinagmasdan ang aking repleksyon sa tubig.   “Chrylei.”   Bumuntong hininga ako at bumaling kay Zeal na nakaupo na sa tabi ko. “Ka-kanina ka pa diyan?”   Tumango siya. “Hindi mo ba ako naririnig?”   “Ah.” Nag-iwas ako ng tingin. “Nadidinig kita pero wala pa yata sa reyalidad ang isip ko.”   “Ano bang nangyayari sayo?” tanong niya. “Tatlong araw kang hindi nagpunta dito para sa pagsasanay mo at ngayon namang nagpakita ka ay wala ka pa din sa sarili mo.”   Ibig sabihin ay ganoon na pala katagal akong naghahanap ng kasagutan sa mga bagay na bumabagabag sa akin.   “Kahit sa klase ay wala ka din sa sarili mo.” dagdag niya. “At nagsisimula nang mag-alala sina Faero at Aimur sa iyo.”   Muli akong bumuntong hininga. “Pasensya na.”   “You know that you can count on us, right?”   Tumango ako. “Alam ko iyon pero paano ko hihingin ang tulong niyo kung maging sa akin ay malabo ang mga pumapasok sa isip ko.”   “Then, bakit hindi mo sabihin sa akin ngayon?”   “Noong nakaraan, habang nag-uusap kami ni Deccan ay bigla nalang akong nakaramdam ng sakit ng ulo.” panimula ko. “At ilang sandali lang ay may mga imaheng bigla na lamang pumasok sa isip ko.”   “Can you describe it to me?”   “Wasak na syudad, isang lugar na binabalot ng malaking apoy at isang binata sa gitna ng apoy na iyon.” sambit ko pagkuwa’y bumaling sa kanya. “Iyong dalawang huli ay madalas ko ding mapanaginipan kaya naman naisipan kong magsaliksik sa lahat ng lugar na may kinalaman sa Attila.”   “Why do you think that it happened in the past?”   Nagkibit-balikat ako. “Ramdam ko lang. Hindi iyon pangitain ng kasalukuyan o hinahanap dahil ang wasak na syudad na nakita ko ay hindi katulad ng mga establisyimento at gusali na mayroon dito sa Antlers.” Muli kong ibinalik ang tingin sa tubig. “At sa tatlong araw na nakalipas, wala din akong nakuhang sagot sa mga katanungang tumatakbo sa aking isip.”   “Wala akong maiisip na kahit ano sa sinabi mong wasak na syudad pero sa tingin ko ay may kinalaman sa mga naging Knight of Fire ang lugar na binabalot ng apoy at binatang nasa gitna noon.”   “Iyan din ang nasa isip ko. Pero parang malabo din dahil ito lang ang unang pagkakataon na nakakilala ako ng Knight of Fire.” sabi ko. “At isa pa, ano naman ang kinalaman ko sa mga tagapangalaga ng apoy?”   “Naging malapit ka sa unang at sa kasalukuyan tagapangalaga nito.” sambit niya na muli kong ikinalingon sa kanya. “That makes sense, right?”   “Oo nga.” sambit ko. “Si Red at ikaw.”   “Ang tanong ngayon ay kung malinaw ba sayo kung ano ang itsura ng binata na madalas mong makita sa panaginip mo?” tanong niya na inilingan ko.   “Laging malabo ang kanyang mukha kaya hindi ko din masasabi kung isa sa inyo ni Red ang binatang iyon.” sabi ko. “Pero alam mo bang iniisip ko na ang mga imaheng iyon ay isang memorya.”   “Memorya?”   Tumango ako. “Nang pumasok ang mga imaheng iyon sa isip ko ay para bang naroon mismo ako sa mga lugar na iyon. Naaalala ko ang mga nararamdaman ng kung sino mang nilalang ang nakasaksi ng lahat ng iyon.”   “Maging ang nararamdaman niya?”   Muli akong tumango. “Iyong takot at pangamba habang inililibot niya ang tingin sa wasak na syudad na nasa kanyang harap. Iyong init ng apoy na nasa paligid niya at pag-aalala sa binatang pilit niyang inaabot.” paliwanag ko. “Para bang naroon talaga ako ng mga panahong iyon.”   “Pero imposible?”   “Imposible talaga dahil sigurado akong hindi iyon nangyari sa buhay kong i--” Natigilan ako at pareho kaming nagkatinginan. “Ibig kayang sabihin noon ay posibleng alaala iyon ng nakaraan kong buhay?”   “Iyon ang pinakaposibleng paliwanag ng mga nakikita mong imahe at nararamdaman.” aniya. “Posibleng bumabalik sayo ang alaala ng nakaraan mong buhay pero ang tanong ngayon ay kung bakit?”   Reincarnation.   Posible ang bagay na iyan sa mundo ng Attila. Ngunit kahit kailan ay wala pang naisusulat sa tadhana na bumalik sa kasalukuyang buhay ang alaala ng nakaraan nilang buhay.   Posible na maramdaman ng isang na-reincarnate ang pamilyar na pakiramdam sa tuwing nakikita o nakakaharap ang mga taong naging parte ng buhay niya noon tulad nalang ng nangyari sa akin noong nakita ko sina Mare, Lara at Dream ngunit ibang usapan na kapag alaala mismo ang bumabalik.   “Hindi ba nabanggit ni Mare sayo kung sino ka sa nakaraan mong buhay?” tanong niya. “Hindi ba’t nasabi niyang posibleng isa ka sa naging kaibigan niya noon?”   “Wala siyang nabanggit.” sabi ko. “Pero sinabi niya na kilalanin ko munang mabuti ang angkang pinanggalingan ko kung nais kong malaman kung bakit nga ba nagsisimula na akong maging sentro ng mga pangyayari dito sa Attila.”   “Criox.” banggit niya sa pangalan ko. “Hindi ganoon kakilala ang angkang iyon kaya tingin ko ay wala kang masyadong makukuhang impormasyon sa mga library.”   “Sa tingin mo kaya ay may makukuha tayo sa hari?” tanong ko. “Kaibigan siya ng aking ama kaya posibleng may alam siya sa kung ano talaga ang katauhan ng aking ama at ang dahilan kung bakit niya piniling manirahan sa Allura kahit pa dito naman talaga siya pinanganak sa Antlers.”   Napaisip siya. “Pwede naman natin siyang tanungin pero mahihirapan akong ipuslit ka sa palasyo sa panahong ito dahil sunod-sunod ang nagaganap na meeting ng mga Elders at clan leader.”   “May iba bang pagkakataon para makaharap ko ang hari nang hindi nakakaabala?”   “Sa mismong preliminary exam ng mga candidate para sa mga makakasama sa expedition march.” aniya. “Hinaharap ng hari ang mga makakapasang candidate upang personal na batiin.”   “Ibig sabihin ay kailangan kong makapasa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD