Chapter 22

1116 Words
Chrylei Criox’s Pov Ilang araw na ang nakakaraan nang magsimula ang pagsasanay ko sa paggamit ng espada sa tulong ni Zeal. At masasabi kong hindi nga iyon madali dahil ramdam ko ang sakit ng aking buong katawan sa tuwing makakauwi ako ng aking tahanan. Hindi nalang naman kasi simpleng pagsasanay ang ginagawa ko. Talagang pinapaatake ako ni Zeal sa kanya at nagagawa ko naman iyon ng maayos. Ang sabi nga niya ay mabilis akong matuto dahil isang beses lang niya ipinapaliwanag at ipinapakita sa akin ang mga dapat kong gawin ay nagagawa ko agad ng walang mali. Ngunit hindi pa din nawawala ang pagiging lampa ko dahil may mga pagkakataon na kapag susugod ako sa kanya ay mapapatid ako o tuluyang madadapa sa damuhan. At ang sinasabi ni Zeal ay baka may limitasyon talaga ang aking katawan kaya’t sa tuwing nangyayari iyon ay agad niya akong pinagpapahinga. Kasalukuyan ako ngayong nandito sa Sai Cafe. Araw ng aking trabaho kaya wala akong pagsasanay. At ipinagpapasalamat ko na ako’y nakatalaga sa counter kaya’t nagagawa ko ding makapagpahinga. “Nabalitaan kong sinasanay ka ni Zeal.” sambit ni Deccan na siyang narito ngayon para tumulong dahil ipinatawag si Savii sa palasyo. “Kamusta ang training mo?” “Maayos naman.” sambit ko. “Mabilis kong natututunan ang mga itinuturo niya sa akin. Maliban sa sakit ng katawan.” Bahagya siyang natawa at ginulo ang aking buhok. “Natural iyan sa umpisa ng training. Pero kapag nasanay ka, mawawala na ang sakit ng katawan at nasisiguro kong mae-enjoy mo din ang paggamit ng espada.” “Iyan nga din ang sinabi ni Zeal.” sabi ko. “Pero hindi ko maintindihan.” Kumunot ang kanyang noo. “Bakit kailangan nyo pang magsanay ng paggamit ng espada kung hindi naman kayo pinapayagang lumabas ng Antlers?” tanong ko. “Maliban sa academic duel na nagaganap sa HKU, ano pang dahilan para matuto nito?” Wala kasing masyadong gulo na nangyayari dito sa Antlers. Tahimik nga dito at walang may lakas ng loob na gumawa ng labag sa batas. Tanging sa labas lang ng mga syudad mayroong mga hayop na siyang nagbibigay panganib sa mga manlalakbay. At sa labas lang din ng mga syudad nagaganap ang mga krimen tulad ng pagnanakaw. “Ah.” Tumangu-tango siya. “Wala ngang saysa ang pag-aaral namin nito dahil hindi naman talaga kami makakalabas ng Antlers. Kung hindi nga lang siguro dahil sayo ay hindi namin masisilayan ang ibang lugar dito sa Attila nitong nakaraan pero kaakibat ng pagkatao natin bilang isang knight ang espadang mayroon tayo.” “Ibig sabihin ay isang responsibilidad para sa ating mga knights ang matutong humawak, gumamit at maging bihasa dito?” Tumango siya. “It is our mark being one of the knights. Being one of the people who lives here at Attila.” aniya. “At isa pa, sinasabi ng mga Elders na isa din iyong paghahanda dahil hindi sila naniniwalang mananatiling tahimik ang buong Attila habang buhay?” “Eh?” “Ayon sa kanila, darating ang araw na muling sisiklab ang kaguluhan dito sa Attila.” sabi niya. “May mga halimaw na makakapasok sa mga syudad at manggugulo. Marami ang mamamatay at muling babangon bilang mga undead at sisimulang atakihin ang kapwa knights. At magugunaw ang ating mundo.” Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan matapos marinig ang mga iyon. “Pero matagal na panahon na noong sinabi nila ang bagay na iyon at hanggang ngayon ay hindi pa din nangyayari kaya iniisip ng marami na isa lamang iyong imahinasyon ng mga Elders.” dagdag niya. “Pero hindi pa din imposibleng mangyari iyon, hindi ba?” Tumango siya. “Posible pa din kaya nga mula pagkabata ay inihahanda ang lahat ng knights na matuto sa paghawak at maging bihasa sa paggamit ng kani-kanilang mga sandata at kapangyarihan. It is better to be sure than be sorry.” Napahawak ako sa aking ulo nang may mga imaheng bigla nalang pumapasok sa aking isip. Imaheng kailanman ay hindi ko nakita sa buhay ko at hindi ko din naman maipaliwanag dahil malabo ang lahat. Ang tanging malinaw lang sa akin ay ang wasak na syudad. Isang lugar na nilalamon ng apoy at isang binata na nasa gitna nito. Teka… “Chrylei?” Natauhan ako nang hawakan ako ni Deccan. “Okay ka lang ba?” Tumingin ako sa kanya. “May masakit ba sayo? Bakit para kang nasasaktan kanina?” sunod-sunod niyang tanong. “Sumagot ka, Chrylei.” “A-ayos lang ako.” sabi ko at hinilot ang sentido ko. “Medyo sumakit lang ang ulo ko.” “Gusto mo bang umuwi nalang muna?” Agad akong umiling. “Hindi naman mabigat ang trabaho ko dito sa counter. Kakayanin ko ito hanggang matapos ang aking trabaho.” “Sigurado ka?” nag-aalala niyang tanong na tinanguan ko.. Ngumiti din ako sa kanya upang kahit paano ay mabawasan ang kanyang pag-aalala. “Huwag kang mag-alala sa akin. Malapit na din naman matapos ang oras ng trabaho ko.” Bumuntong hininga siya at tumango. “Kung iyan ang desisyon mo.” Ibinalik ko ang atensyon sa counter ngunit hindi maalis sa aking isipan ang mga imaheng bigla ko na lamang naisip kanina. Hindi iyon pangitain ng hinaharap at nasisiguro ko. Hindi din iyon nangyayari sa kasalukuyan dahil malayo sa mga syudad na aking alam ang itsura ng wasak na lugar na iyon. Ibig sabihin ay isa iyong pangyayari sa nakaraan? Ngunit bakit bigla iyong pumasok sa aking isipan? Na para bang parte iyon ng memorya ng isang nilalang. At ang pamilyar na lugar na binabalot ng apoy na madalas kong mapanaginipan. Isa din ba iyong pangyayari sa nakaraan? At ang mukha ng binata. Pamilyar ang kanyang mukha ngunit hindi ko naman maalala kung saan ko iyon nakita. At pakiramdam ko ay malapit siya sa akin dahil ramdam ko ang sakit sa aking puso habang nakikita ko ang mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Muli kong hinilot ang aking ulo dahil nagsisimula na naman itong sumakit pagkuwa’y bumuntong hininga ako. Wala akong sagot na makukuha kung tanging sarili ko lamang ang aking tatangunin. Mas mabuti pang pagtuunan ko muna ng pansin ang aking trabaho at bukas ng umaga ay magsasaliksik ako tungkol sa posibleng may kinalaman sa aking mga nakita. Alam kong wala iyong kinalaman sa akin ngunit malinaw sa aking pakiramdam na hindi ko maaaring baliwalain ang mga nakita ko. Kailangan kong alamin ang mga bagay na may kinalaman sa nakita ko. Dahil nasisiguro kong may malaki itong kinalaman hindi man sa akin, marahil ay sa mga knights na nasa paligid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD