Chapter 24

1152 Words
Decia Luft’s Pov    “Hanggang kailan mo siya babantayan?” tanong ko kay Red na nanonood sa pagsasanay ni Chrylei. “Alam mong nagsisimula nang maramdaman ng mga sacred beast ang presensya mo.”   Ang mga Sacred Beast ay halimaw na naninirahan sa labas ng bawat syudad. Karamihan sa kanila ay namumuhay ng tahimik at nakikisama sa mga knights ngunit mayroon sa mga ito ang nagiging mabangis at nananakit ng sinumang makita lalo na kapag nakakaramdam ang mga ito ng malakas na enerhiya mula sa isang knight.   “I know.” sabi niya. “Pero sa mga nangyayari ngayon, sa tingin mo ba ay kakayanin kong umalis dito nang hindi nasisiguro ang kaligtasan ni Chrylei?”   “Hmm.” Pinag-krus ko ang aking mga braso at sumandal sa hamba ng pintuang nagdudugtong sa Research Facility at Ray. “At talagang na-attached ka na sa kanya?”   “Sino bang hindi?” balik niya sa akin. “Kahit nga ang mga prinsesa at prinsipe nyo ay ginagawa ang lahat upang masiguro ang kaligtasan niya.”   “Well, I can’t deny that.” sabi ko at tumingin din kay Chrylei. “At nagsisimula nang mabahala ang mga Elders sa ikinikilos ng mga batang iyon.”   Biglaan naman kasi ang kanilang pagbabago at alam ng buong Attila na hindi sila magkakasundo. Madalas din silang gumawa ng gulo sa pampublikong lugar sa buong Antlers ngunit mula nang makilala nila at maging kaibigan si Chrylei ay natigil ang lahat ng iyon.   Maayos din silang nagpa-participate sa kani-kanilang klase at training. At nitong nakaraan lang ay nag-deklara ang mga batang iyon na sasali sa magaganap na preliminary exam upang maging candidate sa mga makakasama sa Expedition March.   “Hindi ko maintindihan kung anong mayroon sa babaeng iyan upang maapektuhan ng ganito ang mga batang iyon.”   “She remind me of Snow White.” sambit niya. “Her curiosity on everything, her determination and her ability to attract others without making an effort.”   “Do you think she is Snow White’s reincarnation?” tanong ko na inilingan niya.   “Snow White will never be reincarnated.” sabi niya pagkuwa’y tumingin sa akin. “Iyon ang kapalaran ng mga nilalang na kabilang sa pamilya namin bilang kapalit ng kapangyarihang ipinagkaloob sa amin.”   Ang Ancient Family.   Kailanman ay hindi naitala sa kahit anong libro ang mismong ngalan ng angkan ng sinaunang pamilyang pinanggalingan ni Snow White at Flame Red.   Pero sinasabing ang angkan nila ang pinakaunang pamilyang binigyan ng kapangyarihan ng mga Elemental guardians. At sila din ang itinalagang mamumuno sa buong Attila ngunit dahil sa mga naghahangad ng kapangyarihan ng ibang nilalang ay naubos ang kanilang angkan na naging dahilan ng pagkakahati ng aming mundo.   At doon nabuo ang Mirai Kingdom at Unmei Kingdom.   Ngunit sa huli ay kabilang pa din sa kanilang angkan ang naging dahilan kung bakit muling naging isa ang buong Attila.   “She is just someone who has the same personality just like my sister.” dagdag niya pagkuwa’y muling bumaling kay Chrylei na ngayon ay nakikipag-duel na kay Zeal. “She has nothing to do with Snow White.”   Kumunot ang aking noo. “Why do you sound like you are convincing yourself?”   Bumuntong hininga siya at isinara ang pintuan pagkuwa’y tumalikod sa akin. “You know how my sister died. And now that I saw someone who resemble in her a lot, sa tingin mo ba ay hindi ko ipapanalangin na sana ay siya nalang talag asi Snow White? Nang sa gayon ay magawa ko naman ang responsibilidad ko bilang kakambal niya? Nang sa gayon ay ako naman ang po-protekta sa kanya?”   Ilang dekada na din ang lumipas pero ramdam ko pa din sa boses niya ang lungkot at pangungulila sa tuwing nababanggit ang kanyang kapatid.   Kahit ang ibang Kiseki Nine na nananatili pa ding buhay ay binabakasan pa din ng lungkot, galit at pangungulila.   Malaking parte talaga si Snow White, hindi lang sa kasaysayan ng Attila ngunit maging sa bawat buhay ng mga nilalang na kanyang nakasama sa Kiseki University.   “She is not Snow White and I have to remind myself that dahil alam ko sa sarili kong makakagawa ako ng isang bagay na hindi magugustuhan ni Chrylei kapag nangibabaw sa’kin ang pagiging makasarili.” dagdag niya.   “Then, why don’t you just go away?” tanong ko. “Hindi ba’t mas magiging madali iyon para sayo?”   Tumango siya at bumuntong hininga. “Iyon din naman ang plano ko. Naghihintay lang ako ng pagkakataon.”   “Pagkakataong makapagpaalam sa kanya?”   Umiling siya. “Pagkakataong masiguro ng mga prinsesa at prinsipe na makakaya nilang protektahan si Chrylei sa mga panganib na naghihintay dito sa mga susunod pang buwan.” At tuluyan siyang umalis.   Muli kong binuksan ang pintuan at tinitigan si Chrylei.   Sa unang tingin, masasabi kong isa lamang siyang pangkaraniwang babae. Tipikal lang ang kanyang itsura at hindi naman pansinin.   Hindi din siya nanggaling sa prominenteng pamilya. Isang simpleng angkan lamang ang Criox at walang kahit anong ambag sa kasaysayan ng Attila. Kaya’t hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nalang niya kadaling makuha ang atensyon ng mga prinsipe at prinsesa.   “Hey, Tita.”   Bumaling ako kay Faero na siyang kadarating lang.   “How’s Chrylei?”   “She’s getting better.” sagot ko. “Kahit ilang araw lang naman siyang nagsasanay.”   Sinilip niya si Chrylei at ngumiti. “Tama nga si Dad. May talent talaga ang mga Criox.”   Kumunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?”   Bumaling siya sa akin. “Kaibigan  ni Dad ang daddy ni Chrylei at nabanggit ko sa kanya na sinasanay ito ni Zeal. Then, ang sabi niya ay hindi siya makapaghintay na makita ang kakayahan nito dahil nasisiguro niyang namana nito ang kakahan ng ama.”   “Ibig sabihin ay sadyang may talent si Chrylei sa paghawak ng espada?”   Tumango siya. “Talentong hindi nahasa dahil sa takot ng pamilya niyang masaktan siya dahil wala naman siyang kahit anong kapangyarihan.”   “Nabanggit din ba sayo ng hari kung ano ang kapangyarihan ng ama ni Chrylei?”   Muli siyang tumango. “Kaya nitong magpaliit ng mga buhay na nilalang habang ang kakambal nito ay mga bagay naman ang kayang paliitin.”   “They are the Knight of Shrink.” Posible na magkaroon ng dalawang nilalang na humahawak ng iisang kapangyarihan kung kambal naman sila. Pero may pagkakaiba din ang sa kapangyarihan. “Ang mga kapatid ni Chrylei? Alam ba ng hari kung ano ang kapangyarihan ng mga iyon?”   “Her twin siblings inherit their father’s ability while the youngest one inherits their mother’s.” aniya. “Though, hindi ko alam kung ano iyon.”   I think I need to make some investigation about this young lady.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD