Chapter 25

1168 Words
Chrylei Criox’s Pov   Nagkaroon ng pagbabago sa magaganap na pagpili ng hari sa mga mapapasama sa Expedition March.   Imbes na paunang pagsusulit pa lamang ang aming gagawin sa araw na ito ay ipinahayag sa lahat ng lalahok na ito na ang mga mananalo dito ay sigurado nang makakasama sa paglalakbay.   At ang dating limang pagsubok ay naging isa na lamang.   Hindi na nila susukatin pa ang iba naming kakayahan dahil halos lahat ng kalahok ay estudyante ng HKU at kaya naman ang tanging susukatin na lamang sa pagsubok na ito ay ang kasanayan namin sa pakikipaglaban gamit ang aming espada.   “It looks like a tournament.” sambit ni Faero na siyang katabi ko habang pinakikinggan namin ang paliwanag ng tagapagsalita ng magaganap na pagsusulit. “Mukhang hindi nila inaasahan na ganito kadami ang lalahok sa expedition ngayong taon.”   “Ngayon nalang din naman kasi isinapubliko ang tungkol doon.” sabi ni Zeal. “Noon ay iilan lang sa palasyo ang nakakaalam ng tungkol dito at tanging pinakamagagaling na knights lang ang pinapasama dito kabilang ang mga matataas na ranggo ng mga sundalo ng palasyo.”   “Sa umpisa ng event, may nakatakda na tayong harapin.” ani Aimur. “Ang sinumang manalo doon ay mag-a-advance sa susunod na level. At tanging ang makakapasok lang sa top 20 ang mapipili para makasama.”   “Hindi lang kayo pwedeng basta nalang makapasok sa top 20.” ani Zeal. “Kailangang isa sa inyo ang manalo kung gusto nyong makasama.”   “Tama si Zeal.” sabi ni Faero. “Sa ganoong paraan, hindi magagawang harangin ng mga Elders ang pagsama nyo.”   Nagtinginan ang mga kasama ko.   “Ibig sabihin ay kailangan nating seryosohin ang labang ito?” tanong ni Cali. “As in kahit tayo-tayo pa ang magkaharap.”   “Wala tayong choice.” ani Honaira. “Kung ito lang ang paraan para masiguro ang pwesto natin sa Expedition March.”   “Then, no hard feelings nalang sa mga matatalo.” nakangising sambit ni Deccan. “We all know that aside from Faero at Zeal, ako ang sumunod na magaling sa kanila.”   “Huwag kang masyadong bilib sa sarili mo, Luft.” ismid ni Yaren. “Kung espada lang din naman ang pag-uusapan, hindi ako magpapatalo.”   “Masyadong mayabang ang mga ito.” naiiling na sabi ni Savii.   “Oh, come on.” sali pa ni Erie.   “They are all fired up.” nakangiting sabi ni Faero pagkuwa’y bumaling sa akin. “Pero huwag kang magpapatalo sa mga iyan ah.”   “Hey.”   Napatingin na din pala sa amin ang lahat.   “Sinasabi mong sasali si Chrylei?” kunot noong sabi ni Milan.   Tumango ako. “Sinanay ako ni Zeal nitong nakaraan para masiguro ding makakasama ako sa expedition. Hindi naman kasi pwedeng kayo lang ang makakapaglakbay.”   “No offense, young lady.” ani Deccan. “But how are you going to beat us kung ilang araw ka lang palang nagsanay?”   “Ah.” Ngumiti ako at itinuro si Zeal. “Siya ang nagturo sa akin kaya sa tingin ko ay hindi imposibleng matalo kita.”   Ngumisi sila at napailing.   “You shouldn’t spend your time together with Zeal.” sabi ni Illium. “Nahahawa ka sa kayabangan niya.”   Napakamot nalang ako ng ulo at alanganing ngumiti. “Actually, alam niyang itatanong niyo iyon at sinabi niyang iyon ang isagot ko sa inyo. Pero hindi talaga ako sure kung makakapasok ako.”   “Kaya mo iyan.” ani Honaira. “Kung si Zeal nga ang nag-train sayo, hinid imposibleng hindi ka makalaban. Isa pa, hindi naman gagamit ng kapangyarihan ang lahat ng kalahok. Tanging galing at husay sa paggamit lang ng espada ang maaaring gamitin ng lahat habang nasa arena.”   “Pero hindi ba’t hindi siya pwedeng makita ng mga Elders.” dagdag ni Nevis. “Siguradong magsisimula silang magtaka kung mapapasama si Chrylei sa top 20. Baka magsimula silang mag-imbestiga tungkol dito.”   “Nagawan ko na iyan ng paraan.” sabi ni Faero pagkuwa’y iniabot sa akin ang isang itim na kapa at itim na maskara. “You will use this to hide your identity. Then you will go register your name under your initial.”   “Pwede ba iyon?”   Tumango siya. “Bukas sa lahat ang expedition march kaya naman maging ang mga mercenary at traveller ay maaaring lumahok dito. At ang pagtatago ng identity ng kalahok ay madalas gawin dito upang masigurong hindi sila magkakaproblema kung matalo man. You know, bilang mga mersenaryo, kailangan nilang manatiling malakas at hindi talunan sa mga kliyente nila.”   “Oh.” Isinuot ko ang kapa at ang maskara pagkuwa’y itinaas ang talukbong nito sa ulo. “Ahm, ano sa tingin nyo?”   “Balot na balot ka.” ani Aimur. “Hindi ka talaga nila makikilala.”   “Makakakilos ka ba ng maayos diyan?” tanong ni Deccan.   Umikot-ikot ako at iginalaw-galaw ang mga braso ko pagkuwa’y tumango. “Ayos lang naman.”   Hanggang tuhod lang din naman kasi ang haba nito kaya walang problema sa aking paglalakad.   Medyo manipis din ang tela kaya siguradong hindi ito makakasagabal kapag nakipag-duel na ako.   “Ang paningin mo?” tanong ni Milan. “Hindi ka ba mahihirapan niyan? Madalas gamitin ng kalaban ang blindspot.”   “Ayos lang din iyon.” sabi ko. “Malakas ang pakiramdam ko kaya madali kong malalaman kapag may tao sa…” Agad kong sinalo ang kamaong palapit sa akin na galing sa kanan ko. “...gilid ko.”   “Woah.”   Pumalakpak pa sila matapos masaksihan iyon at bakas ang pagkamangha.   “Though, she still has a limit.” ani Zeal. “And once she reach that, asahan nyo nang hindi niya mapipigilan ang pagkalampa niya.”   “Do you know how long that is?” tanong ni Nevis.   “Based on my observation, she can only fight without any problem in just ten minutes.” sagot ni Zeal pagkuwa’y tumingin sa akin. “Kaya mas makakabuti kung tatapusin mo agad ang laban sa loob ng oras na iyon.”   Tumango ako. “Masusunod.”   “Anyway, alam kong kailangan nyong manalo pero gusto kong ipaalala na friendly match lang ang mangyayari dito.” paalala ni Faero. Hindi na siya pinayagan ng hari na lumahok dahil alam ng lahat ang kakayahan ng prinsesa habang si Zeal naman ay ilang beses na ding nakasama sa expedition march. “Seryosohin nyo pero walang killing intent, okay?”   Ngumisi ang lahat.   “We are not the same as before, Fae.” ani Honiara. “Kung noon ay gusto naming patayin ang isa’t-isa, ngayon ay gusto nalang naming makalabas dito at makalayo sa palasyo kahit sa sandaling panahon lang.”   “If that’s the case, then, good luck.” ani Zeal. “Give your best and let them see the capability of the Holy Class.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD