Chapter 17

1145 Words
Chyrlei Criox’s Pov   Makalipas ang dalawang araw ay narating na din namin ang tabing-dagat ng Lemry at hindi na nakapagtataka na tuwang-tuwa ang mga kasama ko dahil bihira lang din silang makarating sa ganitong lugar.   Kaya’t nagdesisyon ang lahat na maligo muna sa dagat bago pumunta sa mismong tahanan ni Mare upang masulit ang aming pagpunta dito.   At dahil madalas naman akong makaligo sa dagat noon ay nagpresinta na lamang akong magluto ng aming makakain habang nagsasaya ang iba.   “Bakit hindi ka nakikisaya sa kanila?” tanong ko kay Zeal na nakahiga lamang sa bunganinan at nakapikit. “Hindi ba’t bihira ka lang ding makalabas ng Antlers?”   Umiling siya. “Lingid sa kaalaman ng iba, madalas akong lumabas ng Antlers.”   “Eh?”   Dumilat siya at bumaling sa akin. “Kaya nga nagawa kitang madala sa palasyo nang hindi nalalaman ng lahat na may koneksyon ka sa hari, hindi ba?”   “Kung ganoon ay bakit?”   “Brann clan is the right hand of the king and since the Initia Clan are not allowed to get out of the palace, the king always sent one member of our clan to get all the information about all the villages and cities.” sabi niya. “Kaya madalas akong nasa labas nang hindi nalalaman ng mga iyan.”   “Kahit si Faero?”   Bumangon siya at pinagpagan ang damit. “Well, I think she also knows since she is next in the line of the throne but she never says anything. Though I am sure that she also wanted to go out and explore the whole world before she led the whole world.”   “Hindi ba pwede iyon?”   “It is all up to her.” aniya na ikinakunot ng noo ko. “She’s the princess. She has the power and authority to do what she wants. But she knew that it won’t be easy and someone will really be punished if she does something that may pissed the Elders.” Bumaling siya sa akin. “She may not look like it but she is quite mature and she already knows her responsibility.”   “Hindi ko akalain na ganyan pala kahirap ang maging miyembro ng royal family.” sambit ko. “Inaakala ng lahat na masaya ang manirahan sa palasyo. Inaakala ng lahat na masaya ang bawat parte ng pamilya doon at nagpapakasarap lamang sa buhay ngunit ang hindi nila alam, maging kayo ay nagdudusa.”   “That is part of life.” Ibinaling niyang muli ang tingin sa mga kasama namin. “Suffering, pain, struggling. All of it is part of our lives because this is the sign that we are still alive. We just have to do something to make our lives happy after experiencing all of it.”   “Ikaw ba?” Muli siyang bumaling sa akin. “Paano mo gagawing masaya ang buhay mo sa kabila ng sitwasyong kinasasadlakan mo?”   Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatitig sa akin.   Habang tumatagal ay nagsisimula na akong mailang sa kanyang titig kaya agad akong nag-iwas ng tingin at yumuko.   Hinawakan ko pa ang aking pisngi dahil ramdam ko ang pag-iinit nito.   Ah! Magtigil ka, Chrylei! Pinaalalahanan ka na ni Lara!   “They said that someone will find their happiness if they finally found their other half.” bigla niyang sabi kaya napaangat ang aking ulo at muling nagtama ang aming paningin. “So, I think I will just wait for that. Then, I will decide how I am going to make my life happy.”   Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanyang mga mata.   Noon, sa tuwing napapatitig ako sa mga matang ito ay lagi kong nararamdaman ang lamig na ipinapakita nito. Lagi itong walang emosyon kaya’t naku-curious ako kung ano ba ang tumatakbo sa kanyang isip o ano ba ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon.   Ngunit sa pagkakataong ito, ay iba ang aking nakikita.   Mga emosyong kailanman ay hindi ko inaasahang makikita sa kanya.   Takot, pangamba, lungkot, saya… Halo-halo ang mga ito at hindi ko alam ang aking sasabihin.   Ni hindi ko din alam kung ano ba ang aking dapat gawin kaya nagulat na lamang ako nang mapagtanto na nasa tabi na pala niya ako at hawak ko na ang magkabilang pisngi niya.   “C-Chrylei?”   “O-okay ka lang ba?” tanong ko. Gusto kong bitiwan ang kanyang mukha ngunit hindi ko magawa dahil gusto kong makasiguro sa mga nakikita ko sa kanyang mga mata. “Sabihin mo sa akin, maayos ba ang iyong pakiramdam?”   Kahit bakas din ang pagkalito sa kanyang mga mata ay dahan-dahan siyang tumango.   Pero hindi ako kumbinsido sa naging sagot niya. Dahil hindi ako maaaring magkamali sa aking nakikita.   Natauhan ako nang bigla niyang hawakan ang aking mga kamay at malungkot na ngumiti. “Nakikita mo?”   Dahan-dahan akong tumango.   “Ikaw lang ang kauna-unahang nilalang na nakakita ng mga emosyong iyan.” sabi niya at humigpit hawak niya sa kamay ko. “Ah, ikaw lang ang nag-iisang nilalang na nakakita na may kakayahan din akong ipakita ang mga emosyong iyan.”   “A-anong ibig mong sabihin?”   Hindi siya sumagot at inalis na lamang ang pagkakahawak ko sa kanyang mukha.   “Chrylei!”   Napalingon ako kay Faero na tumatakbo na pala palapit sa amin kaya agad akong lumayo kay Zeal.   “Luto na ang pagkain natin?” tanong ni Faero nang tuluyang makalapit sa amin. “Nagugutom na kami eh.”   “O-oo.” sabi ko habang nakayuko at nagpapanggap na abala. “Katatapos lang. Maaari na kayong kumain.”   “Ayun!” Agad siyang kumilos upang kumuha ng sarili niyang pagkain. “Pero bakit ganyan ang itsura nyo?”   Bumaling ako kay Faero na palipat-lipat ang tingin sa akin at kay Zeal habang bitbit ang kanyang plato.   “Bakit namumula ang pisngi ni Chrylei? Tapos namumula naman ang tenga ni Zeal.” sambit niya. “May nangyari ba?”   Nagkatinginan kami ni Zeal ngunit agad ding nag-iwas pagkuwa’y itinuro ko ang kalangitan.   “Mainit.”   Muli akong bumaling kay Zeal dahil sa pareho naming sinabi at nakita kong maging siya ay nakaturo din sa kalangitan.   “Oh.” ani Faero. “Sa bagay, iba din kasi ang klima dito. Mas mainit kumpara sa Antlers.” At ipinagpatuloy na niya ang pagkuha ng pagkain niya.   Muli na akong nag-iwas ng tingi kay Zeal at huminga ng malalim upang maikalma ang aking sarili.   Alam kong dapat ko itong iwasan. Wala itong maitutulong sa akin at binalaan na din ako ni Lara tungkol dito.   At isa pa…   Bumaling ako kay Honaira na pabalik na din sa pwesto namin kasama ang iba pa naming kasama.   Siguradong hindi ako mapapatawad ni Honaira at magiging dahilan ito upang muling magkagulo ang holy class.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD