Chapter 16

1268 Words
Chrylei Criox’s Pov   Pinahiram na kami ni Lara ng kanyang karwahe kaya naman hindi na ganoon kahirap ang aming magiging paglalakbay papunta sa karagatan ng Lemry kung nasaan ang kanyang kaibigang si Mare.   “Ibang-iba talaga ang tanawin sa labas ng Antlers noh.” ani Cali habang tinatanaw ang dinadaanan namin. “Puro bato at gusali na ang Antlers at iilan nalang ang mga punong nakatanim sa mismong lupa. Tanging sa HKU nalang yata may gubat sa kalakihan ng kabisera.”   “What can you say? Eh halos sixty percent ng knights sa buong Attila ay naninirahan na sa Antlers.” sabi ni Aimur. “So, they really have to develop the whole city to accommodate everyone lalo na’t nasa kabisera din ang karamihan sa mga opportunity na magkaroon ng maganda buhay.”   “Sana ay dumating ang pagkakataon na pwede tayong lumabas ng Antlers kailanman natin gustuhin.” ani Yaren.   At kita ko ang matinding lungkot sa mga mata nila.   “Bakit nga ba kinakailangan pa ng permiso ng Elders ang paglabas nyo ng Antlers?” tanong ko.   “SI Faero…” Itinuro ito ni Aimur. “Siya ang susunod na mamumuno sa buong Attila kaya’t ganoon nalang ang pag-iingat ng lahat sa kanya. And the rest are the next clan head of every family in the palace so they are making sure that we will be out of their sight.”   “Why?”   Napatingin sila sa akin.   “Pasensya na.” Bumuntong hininga ako. “Alam kong nais lang kayong protektahan ng mga Elders dahil kayo ang mga nakatakdang mamuno sa palasyo at magpanatili ng kaayusan at kapayapaan ng Attila. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kayong ikulong sa Antlers.”   “Like what I said--”   “May kakayahan kayo upang ipagtanggol ang inyong mga sarili.” pagpuputol ko sa sasabihin ni Aimur. “Kayo ang may hawak ng mga pinakamalakas na kapangyarihan sa buong Attila. Kayo din ang mga pinakamahusay na humawak at gumamit ng espada sa ating henerasyon. At kamatayan ang kahahantungan ng sinumang mapatunayang mananakit sa inyo kaya anong ikinakatakot ng mga Elders upang ikulong nila kayo sa Antlers.”   Walang sumagot sa kanila at pare-parehong nag-iwas ng tingin sa akin.   “Ahm, pasensya na.” Yumuko ako. “Huwag nyo nalang--”   “Sinisiguro nila na hindi kami magkakaroon ng koneksyon sa labas ng Antlers.” putol sa akin ni Zeal na siyang nagpapatakbo ng aming karwahe. “They are afraid that if they let us wander around Attila, we might get connections to other people and use it against them so they are limiting that possibility by trapping us inside the city.”   “As you can see, Chrylei.” ani Faero. “The Elders are starting to get  their influence stronger than the king itself when I was born.”   Bumaling ako kay Faero. “Ano ang iyong ibig sabihin?”   “Mula nang maitatag ang kaharian ng Attila, ako palang ang nag-iisang babaeng tagapagmana ng trono at hindi iyon basta matanggap ng mga Elders na dating tagapayo lamang ng hari.” sabi niya. “Kaya inipon nila ang lahat ng tutol sa pagiging crown princess ko at bumuo ng alyansang magpapahina sa impluwensya ng hari.”   Hindi ko akalain na ang pagiging babae ay isang malaking usapin sa pagmamana ng pamumuno ng Attila.   “Sa totoo lang ay kaya naman ng hari na pigilan ang Elders sa mga binabalak nilang gawin.” sabi ni Honaira. “He can get back the influence he had before, especially not that we all know how powerful Faero is.”   “But it will not be that easy.” ani Milan. “Blood will spill around the Antlers at iyon ang iniiwasan ng hari kaya hinahayaan niya ang mga Elders sa gusto nitong gawin.”   “Kung ang mga Elders lang naman ang pag-uusapan, siguradong hindi magdadalawang isip ang hari na ipatapon sila palabas ng Antlers o bitayin for commiting treason.” sambit ni Cali. “Pero maraming pamilya ang madadamay dahil sigurado namang hindi papayag ang mga matatandang iyon na sila ang magdusa. Lalaban sila at gagamitin ang mga inipon nilang mga umanib sa kanila bilang kalasag.”   “Higit na pinahahalagahan ng hari ang buhay ng bawak knights.” mahina at malungkot na sabi ni Faero. “Kaya hindi siya gumagawa ng anumang hakbang laban sa mga Elders. At pare-pareho din naming alam iyon kaya pinipili nalang naming sumunod sa kagustuhan nila.”   Hindi ko akalain na ganito pala kahirap ang hinaharap nila.   Iniisip ng lahat na masaya ng buhay ng pagiging tagapagmana ng labing tatlong pamilya ng palasyo.   Ngunit ang totoo ay wala itong pinagkaiba sa isang kulungan.   “Lagi mong tatandaan. Chrylei.” Naalala ko ang mga salitang madalas bitiwan sa akin ng aking mga magulang. “Hindi ka maaaring lumabas ng Allura ng walang pahintulot sa amin, naiintindihan mo ba? Lagi mong susundin ang mga sasabhin namin dahil para iyon sa ikabubuti mo.”   Madalas nila itong sabihin sa akin sa tuwing nakikita nila akong nakatitig sa nag-iisang tulay na siyang nagdudugtong sa Allura at pangunahing lupain ng Attila.   Nasa gitna kasi ng dagat ang probinsya ng Allura kaya’t hindi din ito madalas mapuntahan ng mga manlalakbay.   At naging madali para sa mga magulang ko na masigurong hindi ako makakalabas ng probinsya dahil kilala nila ang mga tagapagbantay sa tulay.   Pero minsan ay nakapuslit kami ng aking kapatid at natawid namin ang tulay na iyon.   Ngunit sa kasamaang palad ay nahuli din kami bago pa man makalayo.   At isa iyon sa mga araw na aking pinagsisisihan dahil tanging ang aking kapatid lamang ang kanilang pinarusahan.   Bumuntong hininga ako at iniling-iling ang aking ulo.   Ang mga alaalang iyon ay matagal ko nang binaon sa limot dahil naiintindihan ko naman kung bakit nagawa iyon ng aking mga magulang.   Nag-aalala lamang sila gayong isa akong walang kapangyarihan at mahinang knight na hindi kayang protektahan ang aking sarili.   Bumaling ako sa mga kasama ko at isa-isa silang tinitigan.   Hindi nalalayo ang sitwasyon ko sa kanila noon. Pare-pareho kaming nakakulong at walang magawa kundi sundin ang nakatatanda sa amin dahil iba ang magdudusa kung kami ang susuway.   Hindi sila nabibigyan ng pagkakataon na magawa ang anumang gusto nilang gawin. Wala silang ibang pagpipilian kundi tahakin ang daang pinagdesisyunan na ng mga nakatatanda sa kanila.   Tumingala ako at pinagmasdan ang maaliwalas na kalangitan.   “Katulad nyo din ako noon kaya masasabi kong naiintindihan ko ang nararamdaman nyo.” Bumuntong hininga ako at muling bumaling sa kanila. “Pero may isang bagay tayong pinagkaiba.”   Kumunot ang noo nila.   “Ang kalayaang mayroon ako ay ibinigay lamang sa akin ng tadhana.” sabi ko. “Siguro ay dahil wala akong kapangyarihan at mahina ang aking katawan. Pero may mga kapangyarihan, talino, impluwensya at lakas kayong maaari nyong gamitin upang makalaya sa kulungang kinasasadlakan ninyo. Nasa inyo na lamang kung paano niyo ito gagawin nang hindi nadadamay ang mga knights na inyong pinangangalagaan.”   “Chrylei…”   “O tulad ko ay aasa na lang din kayong ang tadhana ang gumawa ng ikalalaya nyo.” Malungkot akong ngumiti sa kanila. “Pero ipaalam ko lang sa inyo na mas malupit ang posible nyong danasin kung ito ang hahayaan nyong magdesisyon para sa inyong hinaharap.”   Para makamit ang kalayaang tinatamasa ko ngayon, kinailangang mawala sa akin ng aking pamilya. Kinailangan kong lisanin ang Allura na naging tahanan ko mula nang ako ay isilang. At kinakailangan kong tiisin ang bawat pagtatangka sa buhay ko para lamang magawa ang nag-iisang bagay na nais kong gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD