Chapter 17.a

1133 Words
Chrylei Criox’s pov   Matapos naming kumain ay saglit lamang kaming nagpahinga pagkuwa’y muli na naming iniligpit ang aming mga gamit.   Nang masigurong maayos na ang lahat, ay sinimulan na naming tingnan ang mapang ibinigay ni Lara upang matunton ang tinitirhan ni Mare.   “Hindi ba’t maayos ang mapang ibinigay ni Lara?” ani Faero. “Wala nang anumang kailangang gawin para makita natin ang eksaktong tirahan ng kaibigan niya?”   Tumango ako. “Sinabi niyang sundin lang ang mapang iyan at makikita natin agad ang bahay nito.”   “Eh bakit nakatukoy ang mapang iyan sa karagatan?” tanong ni Aimur pagkuwa’y itinuro ang dagat. “Eh wala namang malapit na isla mula dito.”   Tama siya. Wala nang matatanaw na isla mula sa aming kinatatayuan. Isang malawak na karagatan lamang ang aming nakikita kaya nakakapagtaka na ganito ang tinutukoy ng mapa.   Ngayon palang naman kasi namin ito tiningnan dahil iyon ang bilin ni Lara bago kami umalis sa bundok ng Sulli kaya’t hindi na namin nagawa pang magtanong tungkol dito.   “Hindi kaya nasa ilalim ng dagat ang tirahan ni Mare?” biglang sabi ni Savii. “O invisible ang isla niya kaya hindi natin ito nakikita.”   “So, paano natin iche-check ang dalawang bagay na iyon?” tanong ni Milan.   “Let’s go for the first option.” ani Zeal. “We will go underwater.”   “Paano ka nakakasiguro?” tanong ni Nevis.   “Mas madaling umahon at lumutang sa ibabaw sa karatagan kaysa lumubog.” paliwanag nito. “Kung mali man tayo sa una nating choice, makikita agad natin ang isla mula sa ilalim ng dagat.”   “Right.” ani Deccan. “Dahil magiging pataas muli ang sahig ng dagat kapag may islang malapit dito.”   “So? Are we going to swim again?” tanong ni Faero. “Or we can just simply split the ocean water into two?”   “What about creating a bubble that will wrapper around us as we walk on the ocean floor?” sabi ni Illium. “That way, we don’t disturb the creature living in the ocean.”   “Then, it is Aimur and Deccan’s job.” sabi ni Faero pagkuwa’y itinuro ang dalawa. “Aimur, control the water so it will not touch us and Deccan will provide us oxygen that we need to breathe.”   “Hey!” alma agad ni Aimur. “You all know that it is still hard for me to control sea water.”   “Eh?”   Bumaling siya sa akin. “Bakit ganyan ang reaksyon mo?” Sinamaan niya ako ng tingin.   Umiling-iling ako. “Nagulat lang ako dahil ikaw ang Knight of Water, hindi ba? Kaya bakit hirap kang kontrolin ang dagat gayong anyong tubig din naman ito?”   “It is not just water.” sabi niya. “It is mixed with water and minerals. And minerals are part of earth particles so it is hard for me to control it.”   “She can only control fresh and clear water to its extent.” sabi sa akin ni Cali. “Dahil iyon lang naman ang mayroon sa Antlers.”   Bumuntong hininga nalang ang lahat dahil patuloy ang pagtanggi ni Aimur na gawin ito.   “Magandang training din sana ito para sayo dahil bihira lang naman tayong makapunta sa ganitong lugar.” naiiling na sambit ni Savii pagkuwa’y bumaling sa mga kasama namin. “Ako na ang gagawa.”   Si Savii ang Knight of Sea kaya sa tingin ko ay kahit hindi siya madalas makapunta sa mga lugar na may karagatan ay natural sa kanya ang pagkontrol dito.   “Deccan, hindi tayo sigurado kung gaano kahaba ang lalakarin natin kaya siguraduhin mo na may sapat kang enerhiya para sa hangin nating lahat.” paalala ni Faero. “Just tell me if you are out of mana.”   Tumango ito.   “Then, let’s go.”   Nagsimula na kaming maglakad patungo sa dagat at ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pagbalot sa amin ng malakas na kapangyarihan.   Unti-unting nawawala sa dinadaanan namin ang tubig dagat hanggang sa tuluyan kaming makarating sa malalim nitong parte.   “Ang galing.” Hindi ko maiwasang mamangha bang tinitingnan ang kinalalagyan namin ngayon.   Para kaming nasa loob ng isang bula ngunit hindi ganoon ang nangyayari dahil iniiwasan lamang kami ng tubig dagat kaya’t hindi kami nababasa.   At sa tulong ni Deccan ay may sapat na hangin ang paligid namin upang makahinga kami ng maayos.   Napalingon ako kay Aimur nang maramdaman ko ang kanyang panginginig.   Nasa tabi ko siya at nakahawak siya sa aking braso. Nakayuko din siya kaya hindi ko makita kung ano ang posibleng dahilan ng kanyang panginginig.   “Okay ka lang ba, Aimur?”   Hindi ito sumagot kaya bumaling ako kay Fearo.   “Binabalot sya ng takot kapag nasa ilalim siya ng tubig.” sambit ni Faero pagkuwa’y inakbayan si Aimur at kahit paano ay nabawasan ang panginginig ng katawan nito. “Noong bata pa kasi siya ay itinapon siya ng kanyang mga kapatid sa ilog bilang parte ng kanyang pagsasanay. Eh hindi pa siya ganoon kabihasa sa kapangyarihang hawak niya kaya muntik siyang malunod at mamatay.”   “Isang malaking trauma ang nangyari sa kanya.” singit ni Cali. “Pero hindi naman iyon naging dahilan upang katakutan nya ang sariling kapangyarihan dahil ito din ang nagligtas sa kanya.”   “Ah, naalala ko pa noon ang kwento nila tungkol sa kung paano siya gumawa ng isang babaeng gawa sa tubig.” ani Milan. “At binuhat siya nito hanggang mailapag sa lupa pagkuwa’y naglaho.”   “May mga nagsasabi din na hindi siya ang may gawa noon at iniligtas lamang siya ng water goddess.” dagdag ni Nevis.   “Teka.” pigil ko. “Hindi ba’t isang diyos ang nangangalaga ng tubig at hindi diyosa?”   Tumango sila.   “Pero kailanman ay hindi sila nagpakita o nagparamdam sa atin kaya nabubuhay ang haka-haka na mali ang inaakala nating katauhan ng mga diyos at diyosa na lumikha ng ating mundo.” sabi ni Erie.   “May ilan pa nga ang nawawalan na ng pananampalataya sa kanila kaya’t nakikita mo naman na iilan na lamang ang nagpupunta sa mga sambahan na itinayo bilang pagpupugay sa mga lumikha sa atin.” dagdag ni Nevis.   Bihira lang ding mabanggit sa mga libro ang anim na diyos at diyosang lumikha sa aming mundo. Tanging mga pangalan at elementong kanilang pinangangalagaan ang tanging makikita sa mga iyon.   At walang kahit anong pangyayari na naitala sa kasaysayan ng Attila na nagpakita sila o nagparamdam man lang sa mga nakaraan hanggang mga kasalukuyang humahawak ng kanilang elemento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD