Chapter 14

1237 Words
Chylei Criox’s Pov   “Are we seriously doing these?” pagod na sabi ni Savii habang nakasalampak sa lupa bitbit ang kanyang malaking bag. “No one told me that this will be a really tiresome trip.”   “No one force you to come here.” masungit na sabi ni Zeal habang nakatingin sa mapang kanyang hawak.   “It was Yaren’s idea.” ani Deccan. “But who would have thought that he doesn’t even know the way to go up there.”   Matapos kong madala ang papel na iniabot sa akin ni Zeal kay Yumei kahapon ay agad kami nitong pinayagan na makalabas ng Antlers. Iniabot nito sa akin ang isa pang papel at naglalaman iyon ng kanyang rekomendasyon para sa aming paglalakbay nang sa gayon ay hindi kami mahirapang makadaan sa gate ng Antlers.   Nang ibalita ko iyon sa aking mga kaklase ay agad kaming umuwi sa kanya-kanya naming tahanan upang ayusin ang aming mga gamit. At napagdesisyonang magkita-kita nalang sa gate ng Antlers bago pa man sumikat ang araw kinabukasan.   Ang inaakala ng lahat ay mayroon kaming karwaheng sasakyan ngunit bigo sila nang dumating sina Zeal at Faero na tanging permiso lamang galing sa hari ang dala.   At sinasabing hindi kami magdadala ng kahit anong karwahe dahil isa itong pang-edukasyong paglalakbay na kailangan naming harapin nang walang tulong na hinihingi sa mga nakakatanda.   Ang sabi ni Faero, iyon lang ang naisip nilang dahilan upang masiguro na hindi magpapadala ng espiya ang mga Elders.   Kaya’t labag man sa loob ay nagpatuloy kami at sinimulan ang paglalakad.   Mabuti na lamang at may malaking karwaheng may bitbit ng mga prutas ang kaaalis lamang sa Antlers at maglalakbay na pabalik sa kanyang probinsya ang nag-alok sa amin ng tulong gayong madaraanan din naman niya ang bukana ng Sulli Mountain.   Naging madali ang aming pagpunta sa Sulli Mountain ngunit naging mahirap ang aming paglalakbay nang magsimula kaming akyatin ang bundok.   Ang aking alam ay maraming hayop ang naninirahan sa bundok na ito. Mabait sila sa sinumang nilalang na napapadpad dito ngunit mabilis silang mawala sa kontrol at nakakapanakit sa tuwing makakaramdam sila ng mga nilalang na gumagamit ng kapangyarihan sa anumang panig ng bundok kaya mula noon ay ipinagbabawal ang paggamit ng kahit anong kapangyarihan kapag tumatapak sa lupaing ito.   Isa din kasi sa itinuturing na mahalagang lugar ang bundok na ito kaya’t inaalagaan talaga ito ng lahat.   At dahil hindi maaaring gumamit ng kapangyarihan ay kailangan nilang dumepende sa sarili nilang kakayahan upang makarating sa aming pupuntahan.   Ngunit sa aking nakikita ay imposible iyong mangyari.   Dahil una sa lahat, lumaki sila at sinasanay na laging nakadepende sa kanilang kapangyarihan at ito lamang ang kauna-unahang pagkakataon na inilagay sila sa sitwasyon kung saan maaari silang mapahamak at masaktan kapag ginamit nila ang kanilang kapangyarihan.   Bumuntong hininga ako at hinablot ang mapa kay Zeal. “Sigurado ba kayong tama ang nasa mapang ito?”   “Yes!’ sambit ni Yaren. “Si Lara mismo ang nagbigay niyan sa akin.”   “Lara?”   “Iyong Thrylos na pupuntahan natin.” aniya.   Tumangu-tango ako pagkuwa’y tinitigan ang mapa. At inis ko na lamang ginulo ang aking buhok nang mapagtanto ang isang bagay.   “What’s the problem, Chrylei?” tanong ni Faero na agad akong nilapitan.   “Inililigaw lang tayo ng mapang ito.” Inilatag ko ang mapa sa lupa pagkuwa’y itinuro ang mga lugar na aming dinaanan. “Nagpaikot-ikot lang tayo sa buong gubat ngunit kahit tatlong oras na ang nakakalipas ay hindi pa din tayo nakakarating sa tuktok nito.”   “Eh?”   “Paano ka nakakasiguro?” tanong ni Honaira.   “Tatlong bundok sa Allura ang inakyat namin ng aking ama kaya marunong akong magbasa ng mapa.” paliwanag ko. “At alam ko ang mga daanang ginagamit sa mga ganitong klaseng bundok kaya nasisiguro ko na hindi ito ang totoong mapa upang makarating sa pinakatuktok nito.”   Bumaling ang lahat kay Yaren.   “Hey.” Agad umatras si Yaren dahil masamang tingin ang kanyang natatanggap sa iba. “I swear, iyan talaga ang ibinigay sa akin ni Lara. And she said it herself na iyan ang tanging daan para makarating sa tinitirhan niya which is nasa tuktok ng bundok.”   “May iba pa ba siyang sinabi maliban doon?” tanong ko.   Saglit siyang nag-isip pagkuwa’y umiling. “Iyon lang talaga. Pero sa totoo lang ay nagtataka ako kung bakit lapis ang kanyang ginamit para sa pagguhit ng mapang iyan.”   Kumunot ang noo ko at muling tinitigan ang mapa.   Nakakapagtaka nga iyon.   Ang mga mapang aking nakikita noon ay ginagamitan ng tinta upang hindi iyon mabura sa tuwing dadalhin sa paglalakbay.   “Mabura?” Bahagya kong diniinan ang maliit na bahagi ng mapa ngunit hindi naman ito basta nabubura.   Muli akong bumuntong hininga at plano na sanang ibalik kay Zeal ang mapa nang bigla itong matuluan ng tubig.   “Oh, sorry.” sambit ni Faero habang pinupunasan ang kanyang noo. “Ang init na kasi eh.”   Pawis niya kasi ang tumulo sa mapa.   Ngumiti lang ako at pinunasan ang basa ngunit agad akong napabalikwas nang nabura ang mga larawan sa parte kung saan ito bahagyang nabasa.   Agad kong kinuha ang aking lagayan ng tubig at ibinuhos ang natitirang tubig sa kabuuan ng mapa.   “Hey!” Akma akong pipigilan ni Zeal ngunit tinabig ko siya at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.   Maging ang iba naming kasama ay tila pinagbagsakan ng langit dahil sa aking ginawa. Ito lang din kasi ang aming paraan upang makababa ng bundok.   Ngunit napalitan ng gulat ang kanilang ekspresyon nang magsimulang magbago ang itsura ng mapa dahil unti-unti nang nabubura ang mga guhit na tingin ko ay idinagdag lamang upang maitago ang tunay na lokasyon ng tamang daan.   “Ang galing mo, Chrylei!” Niyakap ako ni Aimur mula sa likod. “Iyan na ba ang tama at ligtas na daan papunta sa tirahan ni Lara?”   Pinag-aralan kong mabuti ang mapa hanggang sa tuluyan nang mabuo ang tamang mata na kailangan namin pagkuwa’y tumango. “Oo, ito ang magtuturo sa atin ng tama at ligtas na daan papunta sa tuktok ng bundok.”   “Then, let’s continue our journey.” Agad nilang binitbit ang kanilang mga gamit at nagsimulang maglakad.   “Teka!” pigil ko na ikinalingon nila sa akin. Alanganin akong ngumiti at itinuro ang kabilang dako ng daan. “Dito ang tamang daan.”   Walang nagsalita. At wala ding nagtangkang gumalaw.   Kaya naman tumayo na din ako at nanguna na sa paglalakad habang hawak ang mapa. “Sumunod nalang kayo sa akin.”   “Right, let’s just follow someone who knows how to read the map.” sambit ni Illium at sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman silang natahimik.   At sa pagkakataong ito, kay Zeal naman sila bumaling.   “Did you say something, Illium?” malamig na tanong ni Zeal na agad inilingan ng isa. Aba, sa pagkakaalam ko ay walang sinuman sa kanila ang kayang humarap kapag si Zeal na ang nagalit.   “Huwag kayong masyadong maingay.” saway ko. “Maiistorbo natin ang mga hayop na nagpapahinga sa paligid. Hindi man nila tayo sasaktan ngunit maaari silang humarang sa ating dadaanan.”   Wala nang nagtangka pang magsalita at pare-pareho na lamang kaming tahimik na tinahak ang daang tinuturo ng mapang aking hawak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD