Chapter 13.b

1390 Words
Chrylei Criox’s Pov   Pagdating sa silid-aralan ay naroon na ang lahat ng aming kaklase. Maging sina Faero, Cali at Aimur na agad akong nilapitan.   Pero bago pa man nila ako malapitan ay agad na humarang si Yaren. “Mamaya nyo na sabihin ang sasabihin nyo sa kanya. Mas may mahalagang bagay akong kailangang ipaalam sa inyo dahil kakailanganin ko ang tulong ng lahat.”   Bumaling ang atensyon ng lahat sa amin.   “Tungkol saan iyan?” tanong ni Honaira.   “Siguradong alam nyo nang lahat ang tungkol sa tunay na lagay ni Chrylei.” panimula ni Yarren. “Na kaunting panahon lang ang itatagal niya sa mundong ito dahil sa pagiging isa niyang knight na walang kapangyarihan.”   Isa-isa kong tiningnan ang lahat at mukhang lahat nga sila ay nasabihan na ng tungkol doon.   “Yeah.” anas ni Savii. “Faero told us everything at bago pa man kayo dumating dito ay nag-iisip na kami ng paraan upang tulungan siya.”   “Oh. Then, that will save me from convincing you to help us.” ani Yaren. “So, lahat kayo ay handang tumulong para masigurong hindi matutulad si Chrylei sa ibang knights na walang kapangyarihan na maagang namatay?”   Napatakip ako ng aking bibig nang makitang lahat sila ay walang pagdadalawang isip na tumango.   Bakit? Bakit ganito nalang ang naging epekto ko sa kanilang lahat?   Hindi pa naman ganoon katagal mula ng makilala nila ako pero kung protektahan at alagaan nila ako ay para bang matagal na nila akong kaibigan.   “Don’t be surprised, little girl.” sambit ni Honaira. “We already told you before that you are part of Holy Class. And it is actually thanks to you that the bond of this class is still intact even though we nearly killed each other last year because of Honari’s stunt.”   “For us, you are the glue of this class.” ani Milan. “Kung wala ka dito ay nasisiguro kong sa mga panahong ito ay nagkawatak-watak na kami at nakakulong sa palasyo. You are the reason why we are still here and free.”   “Kaya naman hindi ka namin pwedeng hayaang mamatay na lamang.” sabi ni Erie.   “Tama na ang drama.” singit ni Deccan pagkuwa’y bumaling kay Yaren. “So, ano ba ang naisip mong paraan para masiguro ang kaligtasan ni Chylei?”   “Like what I discuss with you and Chrylei, we can use earth spirits that will stay in her body to give her energy that will keep running her life source.” paliwanag ni Yaren. “It was just a theory but Chrylei thought that maybe it is the same process that Thrylos did that’s why they manage to stay alive until now.”   “You are right.” ani Cali. “Earth spirits have a long life compared to knights and they are the most compatible spirits to a knight's body.”   “But that process is still a theory kaya naisip ko na para mapatunayan ang bagay na iyon ay kailangang direkta naming tangungin ang isang Thrylos.”   “Pero matagal nang hindi nagpapakita si Red kay Chrylei.” sabi ni Aimur. “Wala ding kasiguraduhan kung kailan siya muling magpapakita.”   “Iyan nga ang sinabi niya pero hindi lang naman siya ang may kilalang Thrylos.” dagdag pa ni Yaren. “I also happened to meet one but that Thrylos lives at the top of Sulli Mountain.”   “Are you suggesting that we will go to that mountain?” tanong ni Nevis na agad tinanguan ni Yaren.   “Hindi naman kasi maaaring kaming dalawa lang ni Chrylei dahil siguradong hindi papayag sina Faero.” aniYaren. “Isama man namin si Deccan, sigurado namang makakatunog ang palasyo at baka maipahamak ko pa ang Thrylos na pupuntahan namin. Baka malaman din nila ang tungkol kay Chrylei kaya naisip ko, bakit hindi nalang tayo mag-propose ng isang class fieldtrip.”   “Field trip?”   “Oo nga noh.” ani Faero. “We can use that as an excuse for us to get out of Antlers without getting suspicious. And Sulli Mountain is actually good hunting place kaya hindi din sila maghihinala kahit iyon ang piliin nating lugar.”   “Maliban pa sa masisiguro natin ang kaligtasan ni Chrylei habang papunta sas bundok na iyon, makakalanghap din tayo ng sariwang hangin.” sabi ni Cali.   “At makakaiwas tayo pansamantala sa nakakairitang mukha at presensya ni Honari.” dagdag ni Aimur.   “It’s a win-win situation for all of us.” an Keiv. “At mukhang sang-ayon naman ang lahat.”   Inilibot ko ang tingin sa paligid at tama nga ang sinabi ni Keiv. Lahat sila ay sang-ayon sa planong iyon ni Yaren.   Hindi ko maikakaila na pare-pareho din talaga kaming makikinabang sa field trip na iyon pero naisip lang naman nila iyon dahil sa kagustuhan nilang tulungan ako.   Kumunot ang noo ko nang tumahimik silang lahat at bumaling sa akin. “Ahm, bakit ganyan kayo makatingin?”   “Duh!” Sinamaan ako ng tingin ni Honaira. “Malamang, ikaw ang gagawa ng proposal para sa field trip natin. Ikaw kaya ang class representative.”   “Eh?”   Tumango silang lahat.   “Kaya siguraduhin mong maayos iyon at detalyado para hindi makahalata si Headmistress.” ani Milan. “At gandahan mo din ang paliwanag para payagan nila ako.”   Nilapitan ako ni Keiv. “Tutulungan na kita dahil nasisiguro kong hindi din magiging madali ang gagawin nating proposal.”   “Hoy, don’t make it too perfect.” anas ni Faero. “Baka makahalata din kapag masyado nyong pinakita na kailangang-kailangan nating lumabas ng Antlers.”   “Dapat iyong natural lang.” sabi ni Nevis.   Nagbigay pa ng kanya-kanyang opinyon ang iba kaya nagsisimula na akong mahilo. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong ilagay sa proposal na kakailanganin para makalabas kami ng Antlers ang hindi naghihinala ang iba na may iba pa kaming pakay.   Ngunit natigil ang lahat nang tumayo si Zeal sa kanyang kinauupuan at naglakad papunta sa harap namin.   “Just gave it to Yumei.” sabi niya. “Then, prepare all your things that you will need for seven days.”   “Eh? Seven days?” gulat na sabi ng lahat.   “Papayagan ba tayo ng ganoon katagal?” tanong ni Illium.   “Just do what I said.” Bumaling siya kay Faero. “And you.”   Itinuro ni Faero ang sarili.   “Let’s go back to the palace.” sabi niya. “Kailangan mong sabihin sa hari ang plano nating ito nang sa gayon ay mapigilan niya kung sakali mang pasundan tayo ng Elders.”   “Yes!” Masayang nagtalunan ang lahat nang marinig ang sinabing iyon ni Zeal habang ako ay nananatiling nakakunot ang noo.   Hindi ko kasi maintindihan kung bakit parang sigurado silang papayagan nga kaming lumabas ng Antlers at magtungo sa Sulli Mountain,   “Don’t be confused, Chrylei.” natatawang sambit ni Cali pagkuwa’y iniunat ang nakakunot kong noo. “Kaya masaya ang lahat dahil kapag si Zeal ang nagsalita ay siguradong matutuloy ang anumang plano natin. He has that kind of power that can make things possible.”   “Talaga?”   Tumango siya. “Kaya ibigay mo nalang iyan kay Yumei para mabigyan na agad tayo ng pass at makaalis agad sa lalong madaling panahon.”   “O-okay.” Agad na akong tumakbo nang ipagtulakan nila ako palabas ng aming silid-aralan.   At habang nasa daan ako ay hindi ko maiwasang maisip si Zeal.   Masyado siyang misteryoso at kahit pa madalas ko siyang kasama ay iilang bagay pa lamang ang aking nalalaman tungkol sa kanya.   Natigil ako sa paglalakad nang biglang pumasok sa aking isip ang mga pangyayari na madalas kong mapanaginipan noon.   Iyong lugar kung saan nababalot ng apoy ang aking paligid at may isang binata sa gilid.   “Eh? Bakit ba bigla-bigla na lamang pumapasok sa isip ko ang mga bagay na iyon?” Matagal-tagal na din akong hindi dinadalaw ng panaginip na iyon at mas gugustuhin kong hindi na muli iyong masilayan dahil hindi maganda ang aking nararamdaman sa tuwing mapapanaginipan ko iyon.   Iniling-iling ko ang aking ulo pagkuwa’y nagpatuloy na sa paglalakad.   Kailangan ko nang maibigay ito kay Yumei.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD