Chapter 21

1288 Words
Chrylei Criox’s Pov   “Eh? Siya nga si Flame Red?” hindi makapaniwalang sambit ni Aimur matapos kong sabihin sa kanila ang ipinagtapat sa akin ni Red kagabi.   Naikwento ko din kasi sa kanila na hinihintay ako nito malapit sa aking tahanan at sinabi ko ang mga napag-usapan namin.   “At pagkatapos niyang sabihin iyon, umalis nalang siya bigla?”   Tumango ako. “Para siyang bula na bigla nalang naglaho sa paningin ko.”   “Siguro ay gumamit siya ng teleportation na hindi na niya kailangang itago sa iyo dahil alam mo nang kabilang siya sa Kiseki Nine o Sacred Cross.” sambit ni Faero. “Pero ang misteryoso talaga ng lalaking iyon noh. Nagawa niyang maitago ang lahat ng tungkol sa kanya nang hindi man lang natin nalalaman.”   Bumaling ako kay Zeal. “Hindi mo din ba iyon napansin?”   “Alam ko.”   Nanlaki ang mga mata namin sa narinig.   “Alam mong siya si Flame Red?” tanong ni Aimur.   Tumango siya.   “Iyon ba ang dahilan kung bakit mo ako pinapalayo sa kanya?”   Muli siyang tumango. “Maraming kaakibat na hindi magandang bagay ay nakadikit sa kanya kaya alam kong delikado siyang nilalang pero matapos kong makumpirma na siya ang kauna-unahang Knight of Fire, alam kong hindi ka niya sasaktan.”   “Ito iyong pagkakataon na nag-usap kayong dalawa ng sarilinan?”   Muli siyang tumango.   “Eh bakit hindi mo kinumpirma kina Mare na ang Red na kaibigan ni Chrylei ay ang kinatatakutan nilang si Flame Red?” tanong ni Faero.   “They will just do something crazy para masigurong mailayo si Chrylei sa lalaking iyon and I don’t want that to happen dahil magiging sakit sa ulo natin si Chrylei.”   Kumunot ang noo ko.   Bumaling sila sa akin at tumangu-tango.   “Well, hindi nga iyon malayong mangyari.” sabi ni Faero na lalong nagpakunot ng noo ko.   “Kaya tama na din palang hindi mo sinabi iyon.” dagdag ni Aimur.   “Teka.” pigil ko sa kanila. “Ano bang ibig nyong sabihin?”   “Kapag nagharap ang mga Thrylos na iyon ay posible kang pumagitna sa laban nila upang masigurong hindi mapapahamak si Red.” paliwanag ni Faero. “At iyon ang hindi namin gustong mangyari kaya tama na din ang ginawa ni Zeal.”   “Mas ikakapahamak mo pa ang pag-aalala ni Mare kaysa sa pagiging malapit mo kay Red.” dagdag pa ni Zeal.   “Ganoon ba ang tingin nyong gagawin ko?”   Hindi sila nagdalawang-isip na tumango.   “Seryoso?”   Muli silang tumango.   Kaya sinimulan kong isipin kung sakali mang mangyayari ang iniisip nila pagkuwa’y bumuntong hininga ako.   Sinasabi ni Mare na ikapapahamak ko ang pagiging malapit kay Red kaya maaari nga siyang gumawa ng bagay upang magkalayo kami.   At hindi ako basta papayag doon dahil isa si Red sa mga unang naging kaibigan ko dito. Gusto kong manatili iyon hangga’t may pagkakataon kaya kung sakaling may gawin si Mare laban kay Red ay hindi nga ako magdadalawang-isip na pumagitna sa kanila.   Bumaling ako kay Zeal. “Maraming salamat.”   Sa ginawa niyang hindi pagkumpirma ng katauhan ni Red sa magkapatid ay hindi sila makakagawa ng kahit ano laban dito habang nananatili pa ito sa Antlers.   Bahagya pa silang natawa na muling ikinakunot ng noo ko.   “Bakit na naman?”   Umiling-iling si Faero at ginulo ang buhok ko. “Nothing. Nakakatuwa lang ang mga naiisip mong gawin para sa kaibigan.”   “Masaya kaming maging kaibigan mo, Chrylei.” ani Aimur pagkuwa’y niyakap ako. “Sana ay hindi ka magbago anuman ang hirap na kaharapin mo sa hinaharap.”   “Nagiging madrama na kayo.” naiiling na sambit ni Zeal.   “You can’t blame us.” ani Faero. “Chrylei is so innocent and pure. That made her unique than anyone else. And it is a pleasure to all of us to be her friend.”   “Faero.” Sumosobra na naman kasi ang papuri niya sa akin at hindi ako sanay sa ganoon.   “Tama naman si Faero.” Kumalas ng yakap si Aimur at hinawakan ang mga balikat ko. “Kaya sana ay magtagal ang pagkakaibigang mayroon tayo.”   Hinawakan ko ang mga kamay nila at seryoso silang tinitigan sa mga mata nila. “Gagawin ko ang lahat upang manatiling kaibigan niyo.”   “Tama na ang drama.” Nagulat ako nang ipitin ni Zeal ang aking leeg sa kanyang braso at bahagya akong inilayo kina Aimur at Faero. Hindi naman ganoon kasikip ang pagkakaipit niya sa akin at nakakahinga ako ng maayos. “Umalis na kayong dalawa at ako na ang maghahatid sa babaeng ito sa Research facility.”   “Eh?”   Hindi na ako nakapalag nang hilahin niya ako ng tuluyan palayo sa dalawa.   At wala na ding nagawa sina Faero at Aimur kundi kumaway nalang sa akin habang humahagikgik.   “Zeal naman!” Tinapik ko ang kanyang braso kaya agad niya akong binitiwan ngunit patuloy pa din kami sa paglalakad. “Bakit kailangan mo pa akong ihatid sa Research Facility?”   “Gusto kang makausap ni Zenia tungkol sa singsing na suot mo.” aniya. “At nandoon din siya sa pupuntahan mo.”   Tiningnan ko ang singsing ko. “Nagkaroon nga ng pagbabago ang itsura nito matapos maubos ang enerhiyang nakaimbak dito dahil sa nangyari noong nakaraan.”   “May mga bagay siyang inilagay sa singsing na iyan na hindi ko kayang ipaliwanag kaya sa kanya ka nalang magtanong.” aniya. “At siya lang din ang may kakayahang lagyan iyan ng sapat na enerhiya para maging proteksyon mo kaya hangga’t wala iyon ay hindi ka maaaring mapag-isa.”   “Matatagalan ba siyang lagyan muli ito ng enerhiya?”   Nagkibit-balikat siya. “Though, tingin ko naman ay saglit lang din.”   “Pero alam mo, hindi ko inakala na ganoon pala kalakas ang pananggalang na mayroon ang singsing na ito.”   Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo. “Pananggalang?”   Tumango ako. “Hindi mo ba naaalala ang nangyari noong gabing hindi nyo ako makilala? Muntik mo din akong masaktan ng espada mo pero dahil balot ako ng pananggalang na hindi nakikita ay wala akong tinamong anumang sugat.”   “I didn’t know that Zenia can put a shield spell on that ring.” sambit niya.   “Eh?”   “Zenia’s power is unique, that's why we don’t really know much about it.” sabi niya. “But shield power is something she can’t just put on that ring.”   “Dahil ba matagal nang nawala ang kapangyarihang iyon?”   Tumango siya.   “Pero sinabi ni Red na naramdaman niyang gising na ang kapangyarihan ng Shield.” sabi ko. “At dahil iyon sa ilang beses kong pagtawag sa pangalan ni Snow White.”   “You did what?” gulat siyang napatingin sa akin.   Naalala ko ang sinabi noon ni Faero kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Ipinagbabawal nga pala ang pagbanggit ng pangalan ni Snow White dahil pinaniniwalaang may kaakibat iyong sumpa.   “Nabalaan ka naman ni Faero tungkol sa bagay na iyon, di ba?”   Tumango ako. “Pero hindi ako naniniwala na sumpa ang kaakibat ng pagbanggit ng pangalan niya kaya ginawa ko pa din.”   Bumuntong hininga siya at umiling-iling. “Pasaway ka din talaga.”   “Pero inamin ni Red na hindi sumpa kundi pagkagising ng kapangyarihan ng Shield ang epekto ng pagtawag sa pangalan niya.” dahilan ko. “Kaya hindi naman siguro imposible na nagawa iyon ng singsing na ito.”   Muli siyang bumuntong hininga. “Si Zenia lang ang makakapagpaliwanag niyan kaya bilisan na natin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD