Chapter 21.a

1157 Words
Chrylei Criox’s Pov   “Ate Chrylei!” Yakap ang sinalubong sa akin ni Zenia pagpasok namin ni Zeal sa opisina ni Decia. “Long time no see.”   “Na-miss kita, Zenia.” Kahit naman kasi estudyante din siya ng HKU ay bihira lang namin siyang makita. At para pa din siyang kabute na bigla nalang susulpot at bigla nalang ding aalis.   Kumalas siya ng yakap sa akin. “Na-miss din kita.”   “Ahm.” Ipinakita ko sa kanya ang singsing. “Pasensya na pero naubos ko ang lahat ng enerhiyang inilagay mo dito.”   “Oh, it’s okay.” nakangiti niyang sabi. “Inaasahan ko na din namang bibigyan ka ng problema ni Faero at Kuya Zeal kapag lumabas kayo ng Antlers.”   “Eh?”   Inilahad niya ang kamay. “Akin na muna iyan at aayusin ko para hindi na uli sila mag-alala sayo.”   Tinanggal ko ang singsing sa aking daliri at inilapag iyon sa palad niya.   “See you later.” At agad siyang tumakbo palabas ng opisina.   “That girl is really full of energy.” natatawang sambit ni Decia. “Anyway, inihanda ko na ang ipinakiusap mo sa akin.” sabi niya kay Zeal kaya akma akong aalis ngunit bigla akong hinila ni Zeal at sumunod kami sa kanya.   “Saan mo naman ako dadalhin?” tanong ko.   “Hindi ba’t magsasanay ka kung paano humawak ng espada.”   Nanlaki ang mga mata ko. “Agad?”   Tumingin siya sa akin. “Malapit na ang preliminary test para sa mga gustong sumama sa Expedition March kaya naman hindi na tayo dapat mag-aksaya ng panahon para sa pagsasanay mo.”   “Pero kailangan ko pang makausap si--”   “Hindi mo makakausap ang isang iyon.” putol niya sa akin. “At siya mismo ang lalapit sayo para ipaliwanag ang lahat ng tungkol sa singsing kaya hintayin mong siya ang kusang lumapit sayo.”   “Eh?”   “She is that weird.” dagdag niya. “Mas gusto niyang siya ang lumalapit sa mga knight na gusto niyang kausapin kaya huwag kang umasa na mahahanap mo siya.”   Halata naman na kakaiba si Zenia pero hindi ko akalain na ganito pala ang pagiging kakaiba niya.   Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan siyang hinahin ako sa kung saan man kami dadalhin ni Decia.   Hanggang makarating kami sa isang malaking pintuan na gawa sa bakal.   “Ito lang ang nag-iisang lugar na maaari niyong magamit nang hindi nagagambala ng kahit sino.” sambit ni Decia at binuksan ang pintuan na iyon.   Bahagya pa akong pumikit dahil sa liwanag na nanggaling mula sa loob ngunit ilang sandali din ay agad akong dumilat nang makarinig ng huni ng mga ibon.   At nagulantang ako dahil isang malawak na lupaing nababalot ng pinong d**o. May matataas na puno din sa paligid at isang malawak na ilog na puno na mga naninirahang isda.   “A-ano ang lugar na ito?”   “Ang lugar na ito ay kabilang sa mga nadiskubre ng grupo ni Zeal noong huling expedition nila.” sambit ni Decia pagkuwa’y pumasok kami sa pintuang iyon. “At matatagpuan ito sa Altas Region.”   “Altas? Ang bagong rehiyon na kailan lang isinapubliko ng palasyo?”   Tumango siya. “At ang lupaing ito ay pag-aari ni Zeal bilang kapalit ng mga nagawa niya para sa Attila.”   Tumingin ako kay Zeal na ngayon ay nasa gilid ng ilog.   Alam kong marami na siyang naging ambag para sa Attila dahil na rin sa laki ng tiwala sa kanya ng hari ngunit hindi ko inaakala na ipapaubaya sa kanya ng Elders ang ganito kalaking lupain.   “At dahil masyadong malayo ang lugar na ito sa Antlers ay ipinasya ni Zeal na gumawa na lamang ng lagusan na magdudugtong nito sa kabisera para hindi siya nahihirapang i-check ang mga nangyayari dito dahil may mga hayop din siyang inaalagaan dito.” dagdag pa ni Decia. “At huwag kang mag-alala. Protektado ang buong lupaing ito ng isang invisible spell kaya’t hindi alam ng kahit sino maliban sa Initia at Brann clan ang tungkol dito.”   “Eh?”   Kaya naman pala hindi ito pinakikialaman ng mga Elders dahil hindi nila alam ang tungkol dito.   “Sa ilang buwan mong pananatili dito, nasisiguro kong malinaw na sayo kung gaano kaganid ang mga Elders at kapag nalaman nila ang tungkol dito ay nasisiguro namin na hindi sila magdadalawang isip na magpadala ng mga knights na siyang sisira sa lahat ng mayroon dito upang itayo ang kanilang mga bahay-bakasyunan.”   “Ano ba ang mayroon sa lugar na ito at bakit parang ganoon nyo nalang ito protektahan?” tanong ko.   “We sense a huge amount of magical power here that can actually harvest and store on some of the magical items that we develop.” paliwanag nya. “At maliban pa doon, karamihan sa mga hayop na naninirahan dito ay may angkin ding lakas at kapangyarihan na kapag napunta sa maling panig ay nasisiguro kong magsisimula ang gulo sa buong Attila.”   Tumayo si Zeal at lumapit sa amin. “Dito tayo magsasanay para sa paghawak at paggamit mo ng espada. At dito ka dumeretso pagkatapos ng klase, maliban sa mga araw na may trabaho ka sa cafe ni Savii. Itigil  mo muna ang iba mong pinagkakaabalahan at pagtuunan mo ng pansin ang pagsasanay na ito.”   Tumango ko. “Walang problema. Pero wala pa akong espada.”   Sa pagkakaalam ko ay maaari akong makabili ng isang espada na may katamtamang kalidad sa market at tingin ko ay sasapat naman ang aking--   “You don’t have to worry about that.” Kumunot ang noo ko nang sabihin iyon ni Zeal. “Zenia will take care of that.”   “Si Zenia?”   “Hindi ko alam kung anong mayroon sayo pero nagugustuhan niyang gumawa ng mga bagay na ikaw ang gagamit kahit na wala naman siyang interes sa mga ganoon noon.” aniya.   “Hala!”   Hindi ko akalain na maging si Zenia ay nakakaranas din ng kakaibang epekto sa akin.   “Tama nga si Red.” nakangiting sabi ni Decia habang nakatitig sa akin. “Darating ang araw na ikaw ang magiging sentro ng lahat kaya nais niyang malaman mo ang lahat ng nangyari sa nakaraan upang hindi ka maliligaw sa kung ano man ang magiging desisyon mo.”   “Sinabi iyon ni Red?”   Tumango siya. “Alam kong nabanggit na niya sayo ang tunay niyang katauhan at binalaan ka din nila Mare at Dream tungkol sa kanya ngunit nais kong siguruhin sayo na hindi siya gagawa ng kahit anong--”   “Hindi siya gagawa ng anumang ikasasakit ko.” Ngumiti ako. “Alam ko iyon at malaki ang tiwala ko sa kanya. Kahit siya pa si Flame Red na sinasabi nilang isang halimaw na naging dahilan kung bakit sumiklab ang digmaan sa ibabaw ng Kiseki University.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD