Chapter 17.c

1386 Words
Chrylei Criox’s Pov   Nang mahimasmasan ako ay agad akong sumunod kay Mare na ngayon ay nasa kusina na at naghahanda ng makakain.   “Totoo ba ang lahat ng sinabi mo doon?” tanong ko.   “Wala akong rason para magsinungaling sa inyo.” sambit niya at hindi na nag-abala pang tumingin sa akin. “Ang tatlong babaeng iyon ay posibleng maging dahilan ng iyong kamatayan habang alam naman ng lalaking iyon ang isa pang bagay na maaari mong pagdaanan bago mo makamit ang buhay na iyong tinatamasa.”   “Isa lang naman akong mahina at walang kapangyarihang knight kaya bakit biglang naging ganito kakumplikado ang lahat?” Hindi ko maintindihan.   Hindi ko maintindihan kung bakit biglang naging ganito ang koneksyon ko sa mga nakatataas na knights? Bakit kailangan pa nilang danasin ang mga bagay na iyon para lang sa buhay ng isang tulad ko. Bakit kailangan nilang humarap sa isang desisyon kung saan nakapdepende ang buhay ko?   “Hindi mo kilala ang sarili mo kaya huwag kang magsasalita ng ganyan.” malamig niyang sabi. “Hindi ka lamang ordinaryong knight na naninirahan sa Allura. Hindi ka lamang isang mahina at walang kapangyarihang knights. Ang lahat ng nangyayari ay nakaayon lamang sa nakatakda upang masiguro ang ikaaayo at ikapapayapa ng Attila.”   “Anong kinalaman ko sa mga nakatakdang iyan?”   “Ikaw ang sentro ng lahat, Chrylei.” Sa pagkakataong ito ay nag-angat na siya ng ulo at tumingin sa akin. “Kung sa mga kamay ng mga knights na iyon nakasalalay ang buhay mo, sa iyo naman nakasalalay ang hinaharap ng Attila.”   Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.   “Ikaw ang maiipit sa muling pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng mga knights at mga nilalang na manggagaling sa ilalim ng lupa.” aniya. “Ikaw ang hahabulin ng lahat dahil nasa iyo ang nag-iisang paraan upang makamit ng parehong panig ang kanilang inaasam. Sa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng buong mundo.”   “B-bakit ako?”   Nagkibit balikat siya. “Bakit kaya hindi mo muna simulang kinalalanin ang pamilyang iyong pinagmulan bago mo alamin ang kasaysayan ng Attila?” aniya. “Nang sa gayon ay maging malinaw sa lahat kung bakit ikaw ang magiging sentro ng lahat ng nangyayari sa mundong ito.”   Ano pang dapat kong malaman tungkol sa pamilya ko?   Isa lamang silang normal na angkan na naninirahan sa Allura. Lisanin man nila ang lugar na iyon sa kanilang kabataan ay doon din nila pinagde-desisyunang itaguyod ang kanilang mga pamilya.   “Ang tanging nalalaman ko lang tungkol sa angkan ng Criox ay hindi nawawala ang knights na walang kapangyarihan sa bawat henerasyon.”   “Anong sabi mo?”   Napatingin ako kay Mare na tila gulat na nakatitig sa akin.   “Anong angkan ang kinabibilangan mo?” tanong niya.   “Criox.”   Bahagya siyang napaatras at napasandal sa lababo. “Imposible.”   Kumunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?”   “Matagal nang naubos ang lahat ng miyembro ng angkang iyon.” aniya. “Ang kahuli-hulihan ay hindi na nagdesisyong mag-asawa pa kaya imposibleng galing ka sa angkang iyon.”   “Pero iyon ang apelyidong ginagamit ng aking mga lolo at lola.” sabi ko.   Lumapit siya sa akin at muling hinawakan ang kamay ko ngunit sa pagkakataong ito ay agad din niya itong binitiwan na para bang napaso siya dito.   “A-anong nangyari?”   Umiling siya at tumalikod sa akin. “Sabihin mo, ang iyong lolo ba ay may pulang buhok at mga mata?”   “Tanging itim lamang ang kulay ng aming mga buhok at mata.” sabi ko. “Pero naikwento sa akin noon ng aking ama na ang kanyang lola ay may pulang buhok at mga mata.”   “Lola?” Muli siyang bumaling sa akin. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo?”   Tumango ako. “Iyon ang kanyang sinabi.”   “Anong pangalan ng lola niyang iyon?”   Napaisip ako at inalala ang pangalang binanggit ng aking ama. Matagal na panahon na din kasi niyang nabanggit iyon kaya medyo malabo na iyon sa aking memorya. “Kung tama ako ng pagkakaalal, ang pangalan niya ay Chryline.” sabi ko. “Chryline Criox.”   Hindi siya sumagot ngunit ilang sandali lang ay unti-unting tumulo ang luha sa mga mata niya.   “Ba-bakit ka umiiyak?”   Hinawakan ko siya ngunit lalo lamang siyang umiyak hanggang sa humagulgol na.   “Aish!” Niyakap ko siya at hinaplos ang kanyang likod. Baka sakaling kumalma siya.   “Inaasahan kong si Chrylei ang iiyak pero mukhang nagkamali ako.” ani Faero na kapapasok lang din ng kusina.   “Faero!” tawag ko dito. “Alam mo ba kung bakit siya umiiyak?” Nagsisimula na akong matanranta dahil hindi tumitigil sa pag-iyak so Mare. Lalo pang lumalakas ang iyak niya at humihigpit ang yakap niya sa akin.   “Ganyan din ang nangyari sayo noon sa bahay ni Lara at ipinaliwanag niya ang posibleng dahilan kung bakit bigla ka nalang umiyak.” sambit nito na ikinakunot ng aking noo.   “Anong ibig mong sabihin?”   “Lara thinks that you are the reincarnation of their friend.” aniya. “Kaya ganoon na lamang ang pangungulilang nararamdaman nila nang makita ka. And maybe now she realize that kaya ngayon lang siya umiyak sa harap mo.”   Napaupo na kami ni Mare dahil patuloy pa din siya sa pag-iyak at hinayaan ko nalang siya. Nanatili din akong nakayakap sa kanya dahil alam ko sa sarili kong pareho ang aming nararamdaman.   Nangungulila din ako ngunit tulad ng naramdaman ko nang makita si Lara, binabalot din ako ng matinding kasiyahan habang nakatitig sa kanya.   Ngumiti ako at hinaplos ang likod ng kanyang ulo. “Ikinagagalak ko ding makita kang muli, Nightmare.”   **********   Faero Initia’s Pov (Knight of Elements)   Binigyan ko muna ng isa pang sulyap si Chrylei at Mare na ngayon ay mahimbing nang natutulog nang magkayakap bago ko tuluyang isinara ang pintuan ng kwarto kung nasaan sila.   Pagkuwa’y hinarap ko sina Cali, Aimur at Yaren na naghihintay sa akin kanina pa.   “Where’s the others?” tanong ko.   “They are outside the mansion.” ani Cali. “Nag-iisip pa din ng mga bagay tungkol sa sinabi ni Mare kanina.”   “Is it true, right?” sabi ni Aimur. “Like Lara, kabilang din sa Kiseki Nine si Mare. I felt it earlier when I saw her.”   Nagkibit balikat ko. “Hindi ko sigurado kung kabilang nga siya sa Kiseki Nine pero mukhang tulad ni Lara ay kaibigan din siya ng reincarnation ni Chrylei kaya ganoon nalang ang  pag-iyak nito kanina.”   “Hindi pa din ako makapaniwala na may mga natitira pang buhay sa Kiseki Nine.” ani Yaren. “Buong akala ng lahat ay namatay sila nang bumagsak ang isla ng Kiseki University pero ngayon ay dalawa na sa kanila ang nakakaharap natin.”   “Faero.” tawag sa akin ni Aimur. “Hindi ba’t posibleng manganib ang buhay nila kung malalaman ng mga Elders na mayroon pang mga nabubuhay na miyembro ng Kiseki Nine?”   Tumango ako. “At malaking gulo din ang posibleng mangyari sa buong mundo kung malalaman ng publiko ang tungkol sa kanila.”   “Anong gagawin natin?”   Umiling ako. “Wala tayong dapat gawin. Mas makakabuti sa lahat kung mananatiling walang nakakaalam ng tungkol sa kanila.”   “They are living in a secluded area.” ani Yaren. “At mukhang wala na din naman silang planong makialam pa sa mga nangyayari sa city kaya hayaan nalang natin silang magpatuloy sa buhay nang tahimik.”   “He is right.” sabi ko. “Sapat na ang nagawa nila para sa mundong ito noon. At magpasalamat nalang tayo dahil binibigyan nila tayo ng babala para sa mga bagay na kailangan nating gawin upang iligtas ang buhay ni Chrylei.”   Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin upang maiwasan ang sinasabi ni Mare tungkol sa isang posibilidad na hinaharap ni Chrylei kung saan nakasalalay sa aking mga kamay ang buhay niya.   Wala akong ideya kung anong desisyon ba ang aking dapat gawin pero isa lang ang sinisiguro ko.   Hindi ko hahayaan na mamatay si Chrylei.   Nakahanda akong protektahan siya sa abot ng aking makakaya at hindi ko hahayaan ang sinuman na saktan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD