Chapter 17.b

1139 Words
Chrylei Criox’s Pov   “Iyon na ba ang tinutukoy sa mapa?” tanong ni Savii nang may mamataan kaming isang hindi kalakihang bahay na nababalutan ng malaking bula.   “Iyan lang naman ang nag-iisang bahay na nandito kaya malamang ay iyan na nga.” ani Cali pagkuwa’y inilabas ang mapang bigay ni Lara. “At wala din namang malapit na isla sa parteng ito ng karagatan.”   “Then, lumapit na tayo.”   Naglakad pa kami doon hanggang sa tuluyan na naming makita ang kabuuan nito.   At hindi lang pala ito isang bahay. Isa itong mansion na nandito sa ilalim ng karagatan at nababalutan ito ng bula na siyang proteksyon sa tubig.   Tingin ko ay may sapat din itong hangin kaya walang problema kung pumasok kami doon.   Bumukas ang gate ng naturang mansion at lumabas ang isang babae.   Napahawak ako sa aking dibdib dahil muli ko na namang naramdaman ang mga emosyong bumalot sa akin noong nakita ko si Lara.   “Maligayang pagdating sa aking tahanan, mga prinsipe at prinsesa.” Bahagya itong yumuko bilang paggalang pagkuwa’y direstong tumingin sa amin. “Kanina ko pa kayo hinihintay.”   “Eh?”   “Huwag na kayong magtaka kung paano ko nalaman ang inyong pagdating.” nakangiti nitong sabi. “Matagal ko nang nakita gamit ang aking kapangyarihan ang araw na ito.”   “Ibig sabihin ay alam mo na din kung ano ang pakay namin dito.” sambit ni Faero na tinanguan nito.   “Pumasok muna kayo nang makapagpahinga ang inyong mga kaibigan.” Nilakihan nito ang awang ng kanyang gate kaya agad na kaming pumasok.   Doon pinaglaho nila Savii at Deccan ang kanilang kapangyarihan pagkuwa’y muntik pa silang mawalan ng malay Mabuti na lamang at agad silang nasalo ng mga kasama namin.   “Pasaway talaga ang dalawang iyan.” naiiling na sambit ni Faero. “Sinabi nang magsabi kapag hindi na nila kaya eh.”   “Faero.” tawag ko dito na ikinalingon niya sa akin. “Bakit parang nahihirapan silang gamitin ang kanilang kapangyarihan?”   “Oh.” aniya. “Napansin mo pala iyon.”   Tumango ako.   Inilabas niya ang kanyang espada at ipinakita sa akin ang isang bato na nakadikit sa hawakan nito. “Alam mo ba ang bagay na ito?”   “Cromium.”   Muli siyang tumango. “Ang batong ito ay matatagpuan lamang sa kailaliman ng palasyo at ang bawat espadang hawak ng mga knights ay mayroon nila upang limitahan ang kakahayan ng kanilang kapangyarihan.”   “Eh? Bakit kailangang gamitin iyan?”   “Takot ang Elders na may sumalungat sa kanila.” aniya. “At sinasabi din nila na para din ito sa kasiguraduhang walang makakapanakit sa mga miyembro ng royal family.”   Bahagya akong lumapit sa kanya at bumulong. “Sa mga nalalaman ko ngayon, nagsisimula na akong magalit sa mga Elders.”   Ngumiti siya at ginulo ang aking buhok. “Hindi ka nag-iisa, Chrylei.” Hindi ka nag-iisa.”   _________   Hindi pa din ako makapaniwala na may nilalang na magtatangkang manirahan sa ilalim ng karagatan. Lalo na dito sa Lemry kung saan napapabalitang puno ng mga mababagsik na hayop.   Pero heto ang tirahan ni Mare   Payapang-payapa, ligtas at malayo sa mga nilalang na naninirahan sa lupa.   “Narito kayong lahat upang alamin kung mabubuhay nga ba ang babaeng iyan…” Itinuro ako ni Mare matapos niyang ilapag sa mesang nasa gitna namin ang tray ng maiinom. “...ng higit tatlumpung taong gulang, tama ba?”   “Oo.” sabi namin.   Tinitigan niya ako pagkuwa’y lumapit sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. Saglit siyang nagliwanag at ilang sandali pa ay bumaling siya sa mga kasama ko.   “Anong nakita mo?” tanong ni Aimur. “Is she going to live if we infuse earth spirits on her body?”   Umiling siya.   “What?”   “Hindi nyo na kakailanganin ang earth spirits upang pahabain ang kanyang buhay dahil nakikita kong malalampasan niya ang edad na tatlumpu at magkakaroon ng dalawang anak na babae.” sambit nito na ikinatuwa naming lahat.   Lalo na ako dahil nangangahuluhan lang ito na maaari ko pang magawa ang mga nais kong gawin.   “Gusto ko lamang linawin sa inyo na ang aking nakikitang hinaharap ay mga posibilidad lamang kung magiging tama ang mga desisyong inyong gagawin.” dagdag niya. “Dahil maliban sa posibilidad na una kong nabanggit ay may tatlo pa siyang hinaharap na posibleng harapin. At sa tatlong iyon ay mamamatay siya.”   Mawala ang kaninang saya na aking naramdaman. At pakiramdam ko ay lahat ng pag-asang mayroon ako ay tuluyan nang naglaho.   “What are you saying?”   “Like what I said, ang kapalaran ng isang nilalang ay nakadepende sa sarili nyong desisyon.” sabi nito. “Ipagpalagay na lamang natin ang pagpunta niyo dito. Hindi ba’t suhestiyon lang ito ni Lara at pinagtalunan nyo pa kung kayo ay pupunta dito o hindi At sa huli ay nagdesisyon kayong magpunta kaya nangyari ang pangitaing aking nakita noon.”   “Ibig sabihin ay kung may isa sa amin ang magkakaroon ng maling desisyon ay posibleng mangyari ang isa sa tatlong hinaharap na nakita mo kung saan mamamatay si Chrylei?” tanong ni Aimur na tinanguan nito.   “Sa tatlong iyon, nakasalalay ang buhay niya sa iyo.” Una niyang itinuro si Honaira. “Kung paiiralin mo ang iyong pagiging makasarili.”Itinuro niya si Aimur. “Kung paiiralin mo ang iyong takot.” Sunod niyang itinuro si Faero. “Kung pipiliin mong manahimik na lamang sa anumang iyong malalaman.”   Walang nagsalita at pare-parehong tinatanggap ang mga sinasabi ni Mare.   Hindi ko din naman alam kung ano nga ba ang dapat sabihin dahil sa kaalamang nasa kamay ng tatlong babaeng ito ang kapalaran ng aking buhay.   “Mangyayari ang lahat ng iyon kapag ang ikatlong buwan ng Attila ay naging pula.” dagdag ni Mare. “Kasunod ng pagdidilim ng buong paligid. Matatagpuan nyo na lamang ang kanyang katawan na wala nang buhay.”   “Paano namin masisigurong mangyayari ang unang pangitain na nakita mo kung saan mabubuhay siya at magkakaroon ng pamilya?” tanong ni Zeal na naging dahilan kaya bumaling ito sa kanya.   “Sa tingin ko ay nabanggit na sayo ni Lara ang dapat mong gawin.”   “Pero sinabi niyang alamin ko ang buong detalye.” sambit pa niya.   Umiling ito. “Ipagpaumnahin mo ngunit hindi ko maaaring sabihin iyon dahil may iba pang buhay ang posibleng mawala kung agad kong ipaalam ang mga posibleng mangyari.” Binitiwan nito ang aking kamay at tumayo. “Maaari kayong manatili dito hanggang kailan ninyo gustuhin. Bukas ang aking tahanan sa mga nilalang na may kaugnayan sa aking kaibigan.” At iniwan kami nitong hindi pa din alam kung ano ba ang dapat isipin matapos ang aming mga nalaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD