Chapter 18

1116 Words
Chrylei Criox’s Pov   Dalawang araw na lamang ang natitira para sa isang linggong permiso na aming hiniling sa hari at kay Yumei. Kaya naman kahit ayoko pa talagang umalis sa tahanan ni Mare ay hindi na ako nagsalita pa.   Ayokong ilagay sa alanganing sitwasyon ang mga kasama ko kaya mas makakabuti kung babalik na kami sa Antlers.   “Huwag nyo sanang kalimutan ang mga sinabi ko noong araw na kayo ay dumating dito.” sabi ni Mare matapos kaming ihatid sa gate ng kanyang tahanan. “Mahalaga ang papel na gagampanan ni Chrylei, hindi lamang sa buhay nyo kundi maging sa buong Attila kaya panatilihin nyo siyang ligtas at buhay.”   “Makakaasa ka.” ani Faero. “Hindi ko hahayaan na may makapanakit sa kanya at sisiguraduhin kong lagi siyang ligtas.”   “Aasahan ko iyan, prinsesa.” Ipinatong ni Mare ang kanyang kamay sa balikat ni Faero. May ibinulong ito dito na hindi na namin narinig pagkuwa’y bumaling ito sa akin. “Mag-iingat ka, Chrylei. Masaya akong makita ka at inaasahan kong hindi ito ang una at huli.”   “Susubukan kong makabalik kapag may pagkakataon.”   Tumango siya at binuksan na ang gate ng kanyang tahanan. “Mag-iingat kayo. At kung maaari ay huwag kayong dadaan sa kagubatan ng Eyen.”   Kumunot ang noo namin.   “Doon naninirahan ang aking kapatid at galit siya sa mga knights na nagmula sa Antlers.” sabi niya. “Kaya hangga’t maaari ay iwasan nyo ang gubat na iyon. Hindi nyo kakayanin ang kapangyarihan ng aking kapatid.”   “Salamat sa paalala.”   Tuluyan na kaming lumabas ng kanyang tahanan at muli kaming binalot ng kapangyarihan ni Savii upang hindi kami malunod sa tubig-dagat.   At sa pagkakataong ito ay tumutulong na si Faero sa kanila ni Deccan upang masiguro na hindi manghihina ang dalawa kapag nakabalik na kami sa dalampasigan.   “Hindi ko akalain na ganito lang pala kabilis ang oras kapag nasa labas ka ng Antlers at nagsasaya.” sambit ni Illium. “Kapag nasa Antlers tayo ay para bang ang tagal ng oras.”   “Pareho lang naman ang takbo ng oras.” ani Nevis. “Sadyang magkaiba lang ang pakiramdam ng malaya.”   “Sa tingin nyo ay mauulit pa ito?” tanong ni Erie. “Kahit man lang isang beses sa isang buwan.”   “Kung makakahanap kayo ng dahilan, maaari nating magawan ng paraan.” sabi ni Zeal at nakaramdam ng tuwa ang mga kasama namin. “Basta sabihan nyo lang ako kung gusto nyo muling lumabas at may naisip na kayong maidadahilan kay Yumei.”   “Alam mong hindi magiging madali iyon.” sabat ni Honaira. “Hindi papayag si Honari na maging masaya tayo kaya gagawa na naman iyon ng paraan para muli tayong mapabalik sa palasyo.”   “Hindi na nakakapagtaka iyon.”   “Bakit nga ba gusto ni Honari na makulong kayo sa palasyo?” tanong ko.   “Power, authority and influence.” ani Honaira. “Lahat ng iyon ay mapupunta sa kanya kapag nawala kami sa HKU. Siya ang masusunod at luluhod sa kanya ang lahat ng knights na nag-aaral sa eskwelahan na hindi nangyayari ngayon dahil naroon kami at higit kaming nakatataas sa kanya.”   “Sa loob ng palasyo, tanging mga panganay na anak lamang ng bawat pamilya ang binibigyan ng importansya dahil nga kami ang susunod na pinuno ng bawat angkan.” sabi ni Kiev. “Higit kaming nire-respeto at kinatatakutan kumpara sa iba. Habang ang ibang anak ay binabale-wala kaya ganoon nalang ang inggit sa amin ng mga kapatid namin.”   “At inaakala nilang makukuha nila ang inaasam na impluwensya at authority nang mag-aral sila sa HKU pero naglaho ang lahat ng iyon nang payagan kami ng mga Elders na mag-aral din doon.” dagdag ni Milan. “At sa mga kapatid namin, si Honari lang ang may lakas ng loob na gumawa ng kalokohang magpapahamak sa amin upang mapabalik sa palasyo habang ang iba ay hinahayaan nalang kami.”   “Hindi ba parang ang babaw naman ng dahilan na iyon para saktan niya kayo at gumawa pa ng paraa para labanan nyo ang isa’t-isa na talagang humantong sa puntong muntik ninyong mapatay ang isa’t-isa?”   “Well, you can’t be rational on someone who is blinded by jealousy and greed.” ani Deccan. “Isa pa, noon pa naman may lamat ang samahan ng bawat pamilya sa palasyo dahil sa paghahangad ng dagdag kapangyarihan kaya hindi na noon nakakapagtaka ang hidwaan sa pagitan namin.”   “Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit nagkasundo-sundo kami.” sabi ni Aimur. “And to be honest, mas masarap sa pakiramdam ang makasama kayo ng walang nangyayaring away at sakitan.”   “Hindi namin alam kung anong mayroon sayo…” sabi ni Milan. “Pero mas okay sa pakiramdam ang nangyayari ngayon kaysa noong magkakaaway pa kami.”   “Para bang kahit paano ay nakahinga tayo sa kulungang kinasasadlakan natin.” dagdag ni Honaira.   “Maybe because we know that when we wake up in the morning, something change may happen.” sabi ni Zeal. “Hindi tulad noon na paulit-ulit lang ang ginagawa natin sa buong maghapon sa bawat araw na dumadaan sa buhay natin.”   “Woah.” Namangha ang lahat habang nakatingin kay Zeal.   Kumunot naman ang noo nito at tinaasan kami ng kilay. “Problema nyo?”   “Well, this is the first time we heard you say something so dramatic.” natatawang sabi ni Faero. “And it is also the first time that you said something so long.”   “That was a world record on Zeal’s book.” manghang sabi ni Yaren habang nagbibilang sa kanyang mga daliri. “And that was thirty six words.”   Napailing nalang si Zeal sa kalokohan ng mga kasama namin habang ako ay napapangiti nalang habang pinagmamasdan sila.   Natutuwa lang ako dahil hindi ko naabutan ang mga eksena kung saan nagsasakitan sila. Mabuti nalang at nangyayari iyon noong hindi ko pa sila kilala dahil alam kong hindi ko kakayaning masaksihan iyon.   Hinawakan ko ang aking dibdib at huminga ng malalim.   Siguro ay hindi na din masama ang kapalarang aking tinatahak ngayon.   Hindi man ito madali at posibleng makaranas ako ng pagdurusa ay alam kong magiging sulit ang lahat ng iyon dahil sa mga ngiti at sayang namumutawi sa mga labi at mga mata ng mga nilalang na nasa harap ko.   Huminga ako ng malalim at diretsong tumingin sa aming dinadaanan.   Nakapagdesisyon na ako.   Gagawin ko ang lahat upang masiguro ang na mananatili sa kanilang mga labi ang ngiting iyon at ang saya sa kanilang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD