Chapter 19.b

1153 Words
Chrylei Criox's Pov “Faero.” mahina kong sambit habang nakatitig sa babaeng nasa harap ko ngayon na may hawak na pana at palasong nakatutok sa akin na gawa sa apoy. “Sino ka? Anong ginagawa mo dito?” Kumunot ang aking noo. “Anong ibig mong sabihin? Ako ito, si Chrylei.” “Chyrlei is inside this cave sleeping with her blanket.” Bahagya pa siyang bumaling doon sa pwestong hinigaan ko kanina pero wala namang tao doon. “See?” “Faero! Ano bang sinasabi mo?” Matalim siyang tumingin sa akin. “And how did you know my name?” “Tulad ng sinasabi ko, ako nga si Chrylei!” sigaw ko. Anong nangyayari? Bakit hindi niya ako nakikilala? At bakit sinasabi niyang nasa loob ako ng kweba kahit narito naman ako sa kanyang harapan? Napasigaw ako at iniharang ang aking mga braso sa mukha ko nang paulanan niya ako ng pana. Ang iba rito ay hindi tumatama sa akin ngunit ang iba ay tumatama sa akin ngunit hindi direkta sa aking katawan dahil para akong binabalot ng pananggalang na hindi nakikita. Tingin ko ay isa ito sa kapangyarihan ng singsing na ibinigay sa akin ni Zenia. “Tama na, Faero!” sigaw ko. “Bakit ba hindi mo ako nakikilala?” “Dahil hindi talaga kita kilala!” sigaw niya. Ngayon naman ay pinalitan niya ng pana at palasong gawa sa tubig ang ginagamit niya. Mas malakas ang mga ito kaya’t napapaatras ako sa tuwing may tatama sa akin hanggang sa mapasandal ako sa puno at mapapikit nalang. Kahit may bumabalot sa aking pananggalang ay masakit pa din ang impact ng bawat palasong tatama dito. “What the hell are you doing, you b***h?” Natigil ang pagpapaulan sa akin ng palaso. Nadinig ko din ang malakas na sigaw ni Honaira kaya agad kong idinilat ang aking mga mata at nakita kong nagpapalitan ng mga atake sina Honaira at Faero. “Hey.” Bahagya akong binalingan ni Honaira matapos sanggain ang espada ni Faero. “Bakit inaatake ka ni Faero?” “H-hindi ko alam.” sambit ko at napaupo nalang sa lupa. Malakas ang ulan kaya’t basang-basa na din ako. “Sinabi niyang hindi niya ako kilala at ang Chylei na kilala niya ay nasa loob ng kweba.” “Is she under some kind of illusion?” Tama! Posibleng nasa ilalim ng ilusyon ni Faero kaya hindi niya ako makilala at pinagkakamalang ibang nilalang. “Just get up there and wake up the others!” sigaw ni Honaira na agad ko namang sinunod. Inilayo niya sa bukana ng kweba si Faero upang malaya akong makapasok at sinimulan kong gisingin ang iba. “Ano bang nangyayari?” tanong ni Aimur. “Nasa ilalim ng ilusyon ni Faero.” sambit ko nang magising sila ni Cali. “Hindi niya ako makilala at iniisip niyang isa akong kalaban. And now, Honaira is trying to stop her.” “What?” Agad silang tumayo at lumabas ng kweba habang pinuntahan ko naman ang iba pa upang gisingin ngunit bago ko pa man mahawakan si Zeal ay bigla niyang inilabas ang espada niya. At kung hindi pa dahil sa pananggalang na mayroon ang singsing na bigay ni Zenia ay siguradong nasugatan na ako ng espadang iyon nang atakihin niya din ako. “What the hell?” Agad akong nilapitan ni Deccan na nagising lamang dahil sa malakas na pagtama ng espada sa pananggalang na nakapalibot sa akin. “What are you doing, Zeal?” Inilayo ako ni Deccan. “Why are you attacking Chrylei?” “What are you saying?” Tumayo si Zeal at itinutok ang espada sa akin. “She’s not Chrylei.” “Ganito din ang nangyari kanina kay Faero.” sambit ko. “Hindi niya ako makilala at iniisip na isa akong kalaban.” “Wake up the others.” sabi ni Deccan at inilabas ang espada. “And if someone attacks you again, just hide because it looks like whoever does this is actually wanting to kill you. And they are using the ones who are close to you.” “Why are you protecting her?” “You and Faero are under an illusion.” sambit ni Deccan. “You're both trying to hurt Chrylei!” Sinenyasan ako ni Deccan at agad na nilapitan ang iba ngunit nagdadalawang isip ako kung gigisingin ko nga ba sila o hindi. May posibilidad na tulad nila Zeal at Faero ay nasa ilalim din sila ng ilusyon. Maaaring makisali pa sila sa mga nagaganap na paglalaban ngayon. Bumaling ako sa labas at nakikita kong pinagtutulungan nila Honaira, Aimur at  Cali upang pakalmahin si Faero na muling makapasok dito sa kweba. Habang  si Deccan naman ay sinusubukang dalhin sa labas si Zeal para lamang mailayo sa akin. “Go wake them up, Chrylei.” sigaw ni Deccan. “Masyadong malakas sina Faero at Chrylei. Hindi namin sila kakayanin.” “Pero--” “I know that it will be a great risk but we need all the help we can get.” Hindi ko alam kung anong nangyayari pero hindi ko maaaring pabayaan sina Deccan na nahihirapan sa pagpigil kina Faero at Zeal. Huminga ako ng malalim at sinimulang gisingin ang iba pa naming kasama. At tulad ng inaasahan ko, nang magising sina Milan, Illium at Keiv ay agad nila akong inatake. Ngunit sa pagkakakataong ito ay mabilis akong nailayo ni Yaren bago pa man nila ako masaktan. “Anong nangyayari?” tanong ni Yaren habang sinasangga ang espada ni Illium. “Bakit ka nila inaatake?” “Hindi ko alam.” sabi ko habang nakatago sa likod niya. “Pero ang sabi ni Honaira ay maaaring nasa ilalim sila ng ilusyon kaya hindi nila ako nakikilala at iniisip na isa akong kalaban.” “Wait.” sabi niya. “You are really Chrylei, right? I mean, they are something wrong with them and not you, right?” Ipinakita ko sa kanya ang singsing na suot ko. “Ito ang ibinigay ni Zenia sa akin at malapit nang maubos ang magical power na inilagay niya dito dahil kanina pa nila ako inaatake.” Nagsisimula na kasing kuminang-kinang ang maliit na batong nakalagay dito na nagsisilbing tanda na paubos na ang laman nitong kapangyarihan. “Well, that ring can’t be possibly copied by anyone else even if it is an illusion because Zenia’s powers are quite rare and it has some kind of protections that no one even knows.” sabi niya. “Sapat na ba ito para masabing ako ang totoong Chrylei?” “Yeah. That is enough.” “Stay here.” sambit ni Erie habang pinipigilan si Milan na makalapit sa akin. “We will take them out of this cave.” Tumango ako. Pilit nilang inilabas ng kweba ang tatlo habang ako naman ay napaupo nalang sa lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD