Chapter 19.c

1428 Words
Chrylei Criox’s Pov Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Nagkakagulo na sila sa labas at habang tumatagal ay lalong nadadagdagan ang mga naaapektuhan ng ilusyon dahil sa pagkakataong ito, tanging si Honaira na at Deccan na lamang ang tanging pumipigil sa mga kasama namin para pumasok dito sa kweba. “This is Chrylei!” sigaw ni Deccan. “Why do you want to hurt her?” “That is not her.” sambit ni Faero. “Someone abducted her and unless we kill that girl, we will not be able to get her back.” “You should know that you guys are under illusion that made you think that he is not the real Chrylei.” sambit ni Honaira habang nakatutok sa mga kasama namin ang kayang espada. “You should be the one who is protecting the girl and not me!” “Then, don’t!” “Are you f*****g kidding me?” sigaw ni Honaira. “You are this girl’s friend! Ah! If you are really her friend and you just don’t pretend because you feel so bad about her!” Natigilan ang lahat. Lalo na si Faero. At nakita ko ang pagkalito sa kanilang mga mata. Maging si Zeal ay nagsisimula nang umatras at napapahawak sa kanyang ulo habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa akin at kina Honaira. “W-what the hell is happening?” Nagsisimula na silang napaatras at nanghihina. Nabitawan na din nila ang kanilang mga espada at tanging pagkalito na lamang ang nakikita ko sa mga mata nila. “Anong nangyayari sa kanila?” “I think what Honaira said made the illusion spell weaker.” sabi ni Deccan. “But still, hindi pa din sapat iyon.” ani Honaira. “Masyadong malakas ang spell na bumabalot sa kanila at hindi iyon basta maaalis just because they moved by my words.” Ang kaninang pagkalito sa mga mata nila kanina ay napalitan ng sakit. “This is way different from before.” sabi ni Deccan kaya agad akong lumapit sa kanila. “They are fighting the illusion.” “Kailangang may gawin tayo para tulungan sila.” “Pero wala kahit sino sa amin ang may kakayahang kontrahin ang isang illusion magic.” sambit ni Honaira. Hindi ko kaya ang nakikita ko. Lalong tumitindi ang sakit na kanilang nararamdaman habang pinipigilan ang sakit na nararamdaman nila. Lumabas ako ng kweba. “Tigilan mo ang ginagawa mo sa mga kaibigan ko! Kung sino ka man! Tigilan mo!” “Chrylei!” Agad akong tinabihan nila Deccan at Honaira. “You can’t just beg whoever does this.” ani Honaira. “Bakit? Kung ako lang din naman ang habol nila, bakit kailangang madamay sila?” Hindi ko ginustong mangyari ang lahat ng ito. “Parang awa mo na!” sigaw ko habang iginagala ang aking tingin sa paligid at nagbabakasakali na makita ko kung sinuman ang gumagawa nito. “Tigilan mo ang mga kaibigan ko!” “C-Chrylei…” Nilingon ko si Faero. Lubos na ang sakit na kanyang nararamdaman at heto ako, walang magawa kundi umiyak at magmakaawa lamang. Isa akong mahinang knight. Walang kakayahang at abilidad sa kahit na anong bagay. Walang kapangyarihang maaari kong gamitin upang protektahan ang mga nilalang na pinahahalagahan ako. “R-run.” Umiling ako. “Hinding-hindi ko kayo iiwan.” Kailangang may gawin ako. Hindi maaaring tumayo lamang ako dito habang nagpapakahirap ang mga kaibigan ko. Muli akong napatingin sa singsing na suot ko. Kumikinang pa din ito kaya alam kong may natitira pa din itong kapangyarihan na maaari kong gamitin. Prero-- Muli akong bumaling kina Faero at paulit-ulit pa din niyang sinasabi na kailangan ko nang umalis. Marahil ay nahihirapan na silang labanan ang ilusyon na iyon at ilang sandali mula ngayon ay muli na naman nila akong aatakihin. Tinanggal ko ang singsing sa aking daliri at mahigpit itong hinawakan. Hindi ko alam kung ano pa ang kayang gawin nito pero kung nagawa akong protektahan nito sa mga atake ng mga kaibigan ko kanina, siguro ay may magagawa ito. Ipinagsaklob ko ang dalawa kong kamay at pumikit. “Nakikiusap ako. Tulungan mo akong protektahan ang mga kaibigan ko.” Nakaramdam ako ng kakaiba sa paligid ko at ilang sandali pa ay naramdaman kong para bang may bumabalot na malakas na enerhiya sa paligid. Agad kong idinilat ang aking mga mata at agad nakita na ako na lamang ang natatanging may malay sa aming lahat. Maging sina Honaira at Deccan ay wala ding malay kaya agad kong tiningnan ang lagay ng isa’t-isa at napabuntong hininga na lamang nang maramdamang nakatulog lamang sila. At doon ko lamang napansin na nawala ang ulan sa kinatatayuan namin. Maging ang isang bagay na parang bula na ngayon ay nakabalot sa aming lahat. Nilapitan ko ito at hinawakan. “Isa ba itong pananggalang?” Bumaling akong muli sa mga kasama ko. “At dahil dito ay tuluyang nawala ang illusion spell sa kanila?” Agad akong naalerto nang makarinig ng yabag papalapit sa amin at nakita ko ang isang nilalang na ngayon ay nakatayo sa kabilang parte ng pananggalang nakapalibot sa amin. “You can take it down now, lady.” sambit nito pagkuwa’y inalis ang talukbong nito sa kanyang ulo. “I have no reason to hurt any of you anymore.” Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. “N-nightmare?” Umiling. “Mali. Ikaw si Dream.” Ngumiti lamang siya kasunod nito ang pagkawala ng pananggalang at muling bumuhos ang ulan sa amin. At bago pa man ako makapagsalita ay unti-unti akong nakaramdam ng panghihina hanggang sa tuluyan akong nilamon ng dilim. ********** Dream’s Pov “Ngayon mo sabihin kung anong ginawa mo sa kanila?” sambit ni Nightmare matapos naming mailipat sa kani-kanilang kwarto ang mga prinsipe at prinsesang natagpuan ko sa gubat kanina lamang. “Wala akong ginawa sa kanila.” “Hindi sila magkakaganoon kung wala ka nang ginawa sa kanila.” Iniamba niya sa aking harap ang kanyang kamao. “Ngayon, magkakasakitan pa ba tayo o magsasalita ka nalang?” “Fine.” Bahagya kong itinulak ang kanyang kamao. “I was just playing with them.” “What?” Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. “I saw her on the road and I made them, you know, dream.” “Dream!” sigaw niya at akma akong susuntukin ngunit agad ko iyong naiwasan. “It is not my fault that I am bored here.” depensa ko. “Since there was heavy rain, I lure them to the cave and put them to sleep and dream.” “And made them kill Chrylei?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Seriously, Dream? Are you really insane?” “Hindi ko naman kasi alam.” “Bago pa man sila umalis sa bahay ko, binalaan na kita tungkol sa kanila kaya bakit pinakialam mo pa din?” Inis niyang ginulo ang buhok. “That girl is too important to this world. Snow white sacrificed her life just to save Attila.” “And it is the same reason why I wanted to destroy it.” sambit ko. “Snow white sacrificed her life for not so worthy knights who did nothing but to forget us. Her.” Alam kong naiintindihan niya ang pinanggagalingan ng galit ko. Pero alam ko din na hindi kami pareho ng iniisip. Kambal man kami pero pagdating sa mga bagay na ginagawa ni Snow White ay magkaiba kami ng inisiip. She will choose to protect this world even if it is the reason why Snow White died. And I will choose to destroy for the same reason. At hindi iyon magbabago kahit anong mangyari. Pero-- “Something happened earlier while I was playing with them.” Bumaling ako sa babaeng tinangka kong patayin kanina gamit ang sarili niyang kaibigan. “She has the power of--” “That girl doesn’t even have any power.” sabi ni Nightmare. “What you saw is probably the remaining magic particle that she has on the ring that she wears. It was made by the youngest of the Brann Clan, Zenia Prowler.” Kumunot ang noo ko. “But I saw it. That girl managed to use a shield.” “Like what I said, it was all because of the ring.” he said. “Zenia is the possible reincarnation of Snow White because she is the only knight who could burn or lift a spell and curse.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD