Chapter 19.a

1151 Words
Chrylei Criox’s Pov “A-anong ibig mong sabihin?” tanong ko kay Zeal nang sabihin niyang kailangan ko ding lumahok sa mangyayaring pagpili ng mga mapapasama sa ekspidisyon. “Alam mo ba kung bakit hindi nila alam ang tungkol sa bagay na iyon?” Umiling ako sa tanong niyang iyon. “Dahil alam ng hari na isang malaking gulo lang kapag nagsama-sama ang mga iyan. Maayos pa ang kilos nila sa loob ng Antlers dahil alam nilang mainit din ang mata sa kanila ng mga Elders at ayaw nilang makulong sa palasyo pero kapag nasa labas na sila at malayo sa kabisera ay nasisiguro kong hindi na sila makokontrol ng kahit sino.” Bumaling ako sa mga kasama namin na masayang pinag-uusapan ang kanilang paghahanda para sa kanilang sasalihang pagsusulit. “They will become wild and do what they want because they know that no one will limit their actions. They will not think carefully and just do surely attack someone even if it is not an enemy.” dagdag niya. “Hindi naman siguro sila magiging ganoon.” “I know every little thing about them.” sabi niya. “I have been with them for almost ten years. And I have been observing them almost everyday kaya alam ko ang galaw ng bituka ng mga iyan. Kaya nasisiguro kong ikaw lang ang magiging paraan upang maging matiwasay ang mangyayaring expedition kung sakali mang mapasama ang mga iyan.” Tumingin ako sa kanya. “Pero alam mo naman na imposibleng makapasa ako dahil una sa lahat ay wala akong kapangyarihan at hindi ako marunong humawak ng espada.” Bumuntong hininga ako. “At isa pa, hindi ba parang ibinuking ko na din ang sarili ko sa lahat kung lalahok ako sa pagsusulit na iyon dahil ipapakita sa publiko ang bawat mangyayari sa lugar na gaganapan nito?” “Sa tingin ko naman ay hindi ka magkakaroon ng problema sa tatlong nabanggit ko.” sabi niya. “Maaari ka namang magsanay sa paghawak ng espada habang ang kapangyarihan mo ay maaari nating gawan ng paraan gamit ang kapangyarihan ni Zenia.” “Pero--” “You wanted them to be free, that's why you told them about the expedition but you have to take responsibility for what they will do outside the Antlers, Chrylei.” aniya. “Ikaw lang ang dahilan kung bakit nagkakasundo ngayon ang mga susunod na pinuno ng bawat angkan. Kung wala ka sa tabi nila, nasisiguro kong hihina ang pundasyon ng  pagkakaibigang ngayon palang nagsisimula hanggang sa tuluyan itong masira at sa ikalawang pagkakataon ay aabot na naman kami sa sitwasyon kung saan kami mismo ang papatay sa isa’t-isa.” Muli akong bumuntong hininga. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit ako ang nagiging sentro ng lahat ng nangyayari ngayon. Hindi din naman ipinaliwanag sa akin ni Mare ang lahat ng kanyang nalalaman ngunit sinasabi niya na hindi lamang ako isang mahinang knight. At sa tingin ko ay hindi lang din ordinaryong pamilya ang aking pinaggalingan dahil sa naging reaksyon ni Mare nang banggitin ko ang aking apelyido. “Isa pa, marami kang maaaring malaman tungkol sa kasaysayan ng Attila kung sasama ka sa aming paglalakbay.” Agad akong tumingin sa kanya at bahagyang yumuko. “Turuan mo akong humawak ng espada.” Ah! Napakagat ako ng aking labi dahil sa mga sinabi. Kapag talaga tungkol sa kasaysayan ng Attila ay hindi ko napipigilan ang sarili ko at mukhang alam na din ni Zeal na iyon ang kahinaan ko. Bahagya akong nagtaas ng tingin nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa. “Now I confirm your weakness.” Napasimangot ako at inirapan siya. “Hindi mo dapat ginagamit ang kahinaan ko para makuha ang gusto mo.” “I said that because it is true.” sambit niya. “There are a lot of ancient places that we will surely discover and each of them holds significant pieces on Attila’s history. Masyado pang malaki ang parte ng Attila na hindi nasisilayan ng kasalukuyang henerasyon kaya naman marami ka pang malalaman na hindi nasusulat sa anumang libro na makikita mo sa library. O kahit sa research facility ni Tita Decia.” Nanlaki ang mga mata ko. “Alam mo ang tungkol doon?” Tumango siya. “Actually, alam din ng hari ang tungkol doon dahil ang ibang libro o kagamitan na naroon ay kami ang nagdala sa Antlers upang pa-preserved.” Huminga ako ng malalim. “Tutal ay nasabi ko na din naman at talagang makakakuha ako ng dagdag kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Attila, susubukan kong lumahok sa pagsusulit na iyon. At nakahanda akong magsanay sa paghawak ng espada upang masigurong makakasama ako.” Ngumiti siya pagkuwa’y ginulo ang aking buhok. “Aasahan kong magiging masunurin kang estudyante.” “Hindi ko maipapangako pero ibibigay ko ang aking makakaya.” Wala akong nalalaman tungkol sa angkan ko pero sa mga naging reaksyon ni Mare, nasisiguro kong may malaki din silang ambag sa kasaysayan ng Attila. At kung makakasama nga ako sa ekspedisyon ay maaaring makahanap ako ng mga bagay na nag-uugnay tungkol sa aking angkan. Isa din itong magandang pagkakataon upang makilala ko ng lubusan ang pamilya Criox at posibleng sa ganitong paraan ay malaman ko kung bakit nga ba ako ang nagiging sentro ng mga nangyayari ngayon. At kung bakit sa kamay ko nakasalalay ang magiging kinabukasan ng Attila gayong isa lamang akong knights na walang kapangyarihan. __________ Malalim na ang gabi at natutulog na ang lahat. Pare-pareho kaming napagod dahil sa haba ng aming nilakbay sa buong maghapon kaya hindi na ako nagtataka na mahimbing ang tulog ng lahat. Pero ako naman ang hindi dinadalaw ng antok kaya naisipan kong maupo sa bukana ng kweba at panoorin ang pagbagsak ng ulan. Malakas pa din ang pag-ulan at walang indikasyon na malapit na itong tumila. Tumitig ako sa madilim na kalangitan at inalala ang mga kapatid ko. Sa tuwing umuulan kasi ay lagi kaming magkakasamang naliligo. At mula nang mawala siya ay hindi na muli akong nagtangka pang gawin iyon. Pakiramdam ko ay isang asido ang bawat patak ng ulan na tumutupok sa aking balat dahil sa sakit na nararamdaman ko kapag naaalala ko ang mga kapatid ko. Bumuntong hininga ako at yumuko. Alam kong iba na ang sitwasyon ng buhay ko ngayon kaya kailangan ko nang tanggapin ng buo sa aking loob ang nangyari noon. Hindi ko alam kung bakit ako lamang ang nakaligtas sa epidemyang iyon ngunit malinaw na hindi ko kasalanan ang nangyari kaya tama na ang paninisi ko sa aking sarili. Tumayo ako at akma na sanang babalik sa mga kasama ko nang isang naglalagablab na apoy na hugis palaso ang muntik tumama sa akin. Agad akong lumabas ng kweba pagkuwa’y hinarap ang pinanggalingan ng palasong iyon at nanlaki na lamang ang aking mga mata nang makita kung sino ang nagpakawala nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD