Chapter 30

1104 Words
Chrylei Criox’s Pov Malapit nang sumapit ang paglubog ng araw at nagsisimula na kaming magligpit ng aming mga gamit. Dahil tulad ng iminungkahi ni Jeden ay sa gabi kami magpapatuloy ng paglalakbay upang makaiwas sa mga Baboon. Isa iyong nilalang na tulad ng mga unggoy ngunit higit na malaki at may bulaklak na tumutubo sa kanilang mga ulo na naglalabas ng nakalalasong kemikal sa tuwing nasisinagan ng araw. “Chrylei.” tawag ni Zenia na katatapos lang makipag-usap sa mga furry. Oo, ilang oras din silang magkausap at hindi ko alam kung ano ang kanilang pinag-uusapan ngunit tingin ko ay masyado iyong seryoso base na din sa mga emosyong ipinapakita ni Zenia. “Tapos na kayong mag-usap?” tanong ko na tinanguan niya. “At ibinigay naman nila ang lahat ng impormasyong kailangan mo?” Muli siyang tumango. “Pero may kailangan kang gawin upang masiguro na hindi sila gagawa ng kahit anong ikasasakit ng mga nasa paligid mo.” Kumunot ang aking noo. “Anong ibig mong sabihin?” “Kailangan mong pumasok sa isang kontrata sa pagitan nilang tatlo nang sa gayon ay kahit dumikit ka sa kanila o sinuman sa amin ay hindi tayo magiging abo.” paliwanag niya. “Isang proteksyon ang kontratang iyon upang hindi nila tayo masaktan dahil magsisilbi iyong seal sa kakayahan nila laban sa atin. Pero agad din iyong mabubura kung may sinuman sa amin ang magtatangkang saktan ka dahil ikaw ang master nila.” Alam ko ang ibig niyang sabihin. Magiging familiar ko ang tatlong furry na gagawin ang lahat ng aking iuutos. At nakahanda din silang ibigay ang kanilang buhay upang masiguro na mapo-protektahan nila ako. “Sa tingin ko ay--” “This is not a favor, Chrylei.” madiin niyang sabi. “Alam kong nao-overwhelmed ka na sa kapangyarihang hawak ko at panibago na naman itong papasukin mo pero wala kang ibang choice kundi gawin ito or else, mapapahamak kaming mga nasa paligid ko.” Tumingin ako sina Jeden na diretso ding nakatingin sa akin. Sa pagkakaalala ko ay gusto nila akong paglingkuran kaya nasisiguro kong hindi sila tatanggi dito. Bumuntong hininga ako. “Okay.” Lumiwanag ang kanilang mga mata at mabilis na hinawakan ni Zenia ang aking kamay pagkuwa’y hinila ako palapit sa mga furry. “Ah, anong gagawin ko?” tanong ko. Kahit na may kakayahan ang aking ina na magpaamo ng mga magical at sacred beast ay hindi ko pa siya nakitang pumasok sa kontrata sa mga inaalagaan niya noon sa Allura kaya hindi ko din talaga alam kung ano ang gagawin ko. “Ilahad mo lang ang kamay mo sa harap nila.” sabi ni Zenia. Agad ko iyong ginawa. Pagkuwa’y yumuko ang mga furry. “Tanggapin mo ang aming na paglilingkod, Chrylei.” sabi ni Jeden at ilang sandali pa ay may maliit na hugis puso ang lumabas sa kanilang mga dibdib. Lumutang iyon hanggang sa lumapat sa aking palad at lumiwag. At nang mawala ang liwanag nito ay nakita ko na lamang na naging marka ang mga hugis pusong iyon sa aking palad. “Iyan ang marka na mga familliar mo sila at naglilingkod sila sayo.” sabi ni Zenia habang itinuturo ang marka sa palad ko. “Sa oras na suwayin nila ang utos mo o saktan ka nila at ang mga nilalang na pinahahalagahan mo ay maaari mong gamitin ang markang iyan upang pigilan sila.” Tumingin ako kina Jeden at doon ko nakita na maging sila ay may marka sila ng knight sa noo. Markang tulad ng nasa batok ko. “Iyan naman ang nagpapatunay na may nagmamay-ari na sa kanila kaya hindi na sila maaari pang pakialaman ng mga magical beast tamer.” dagdag ni Zenia. “Sa ngayon kasi ay dumadami na din ang mga tamer at ginagamit nila ang mga ito sa kanilang mga trabaho.” Tumangu-tango ako. “Pero talaga bang iyan ang inyong anyo? Hindi ba kayo maaaring magpalit dahil nasisiguro kong hindi tayo papapasukin sa unang village na ating madadaanan kapag nakita nilang may kasama tayong furry.” “Wala kaming eksaktong anyo.” sabi ni Jeden. “Pero maaari kaming gumawa ng isang pagkakakilanlan base sa inyong wangis.” Nagsimula silang magliwanag habang nagpapalit ng anyo. At nang tuluyang mawala ang liwanag na iyon ay nanlaki na lamang ang aking mga mata nang makita ang anyong kanilang ginamit. “Wala kaming ibang knights na kilala kaya binase nalang namin ito sa iyong pakiramdam.” sabi ni Dva. “Maaari ba namin itong gamitin?” Dahan-dahan lamang akong tumango ngunit hindi ko maialis ang aking tingin sa kanilang mga mukha. “Chrylei?” Hindi ko na napigilan ang aking sarili at mabilis na niyakap ang tatlong furry na ngayon ay nasa wangis ng aking mga kapatid. “Alam kong hindi kayo ang mga tunay kong kapatid ngunit maaari bang… maaari bang hayaan nyo muna akong yakapin kayo.” Hindi sila sumagot ngunit naramdaman ko na lamang ang paghaplos nila sa aking likod. At naging sanhi iyon upang muli kong pakawalan ang mga luha kong dala ng pangungulilang aking nararamdaman sa mga kapatid kong naging sandalan ko noong madalas akong pagkatuwaan ng ibang kaedad namin sa Allura. ********** Zeal Brann’s Pov (Knight of Fire) Sa tingin mo ba ay mapagkakatiwalaan natin ang mga furry?” tanong ni Illium habang nakatingin kami kay Chrylei na ngayon ay umiiyak habang nakayakap sa taong anyo ng mga furry. “Pwede naman silang gumamit ng ibang anyo pero bakit naisipan pa nilang gayahin ang anyo ng mga kapatid ni Chrylei?” “They were sincere when they said that they wanted to serve Chrylei.” sambit ko. “And now that they are in a contract, they will not do anything to harm us or even Chrylei because it could lead to their death.” Though I am not really sure if all of us are safe to be with them. Dahil hindi naman lahat ng nasa grupong ito ay kaibigan at pinahahalagahan si Chrylei. Ibinaling ko ang tingin sa isang nilalang na madalas na mag-isa lamang. Lagi itong tahimik at hindi nakikihalubilo sa iba ngunit ramdam ko ang tingin niya kay Chrylei. Hindi ko lamang masabi kung may masama ba siyang tangka o sadyang may napapansin lang siyang kakaiba dito. “But still, we cannot drop our guard on them.” sabi ko. “They are still magical beasts and only serve Chrylei. If we do something that will hurt her, they will not think twice to attack us.” “At wala tayong laban sa kanila kapag nangyari iyon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD